Ivy ChannelPagkatapos na Pagkatapos ng gulo na nangyari sa gym sabay kaming umalis ni Zic papunta sa hospital kung saan dinala ni Kuya si Daddy pagkatapos siyang mabaril ni Nick.
"Ang lalakeng yon ba ang bumaril kay Tito?"takang tanong ni Zic sa akin, hindi ko pinansin ang tanong niya sa halip pinagtuunan ko na lang ang paglakad papasok sa hospital, nadatnan ko naman si Kuya at Candy sa labas ng OR kung saan inooperahan ngayon si Daddy.
"Kumusta si Dad?"tanong ko agad kay Kuya.
"Inooperahan pa siya sa loob si Nick anong ginawa niya sayo?"tanong ni Kuya sa akin akmang sasagot na sana ako ng bigla akong unahan ni Zic sa pagsagot.
"Tss, binastos."Aniya na ikinatingin ko sa kanya.
"What? Ivy?"
"No, wala siyang ginawa sa akin."patanggi ko sa sinabi ni Zic.
"Seriously Chan? Ipagtatanggol mo talaga ang hilaw mo na asawa?"takang tanong naman ni Zic sa akin.
"Totoo naman kasi Zic, wala siyang ginawa, maliban na lang sa tanungin ako about Skyler."
"Ano? Don't tell me alam niya na?"takang tanong ni Kuya.
"Paano yan Sis? kung tinanong niya na sayo si Sky, mukhang alam niya na nga."tanong naman ni Candy akmang sasagot na sana ako sa kanya ng biglang unahan na naman ako ni Zic sa pagsagot.
"Kailan ka ba kasi makikipaghiwalay sa kanya ha? Akala ko ba gagawain mo na?"tanong niya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.
"Zic marami pa akong dapat unahin."
"Talaga Channel? Base sa nakita ko kanina, parang wala kang balak."Aniya na mas lalong ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.
"Wala kang alam Zic, wag kang umasta na parang alam mo lahat, kasi hindi, wala kang alam."sagot ko sa kanya.
"Tss, Wala nga ba talaga akong alam Chan? Marami ka nga lang ba talaga dapat unahin o ayaw mo lang talaga makipaghiwalay?"takang tanong niya.
"Kaya napataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya ng seryoso dahil sa sinabi niya. Ayaw? nagpapatawa ka ba? Zic, alam ng Diyos kung gaano ko kagusto makipahiwalay sa kanya, gustong gusto ko Zic. Sadyang hindi pa oras at wala pa akong oras, kung hindi mo yan naiitindihan wala na akong magagawa diyan."sagot ko sa kanya na ikinatahimik niya.
"Putcha! Kailan ka magkaka oras pag binalikan ka na niya?"pasigaw na tanong niya na ikinagulat ko napatingin naman sila Kuya at Candy sa inista niya.
"Kung ay may babalikan pa siya, tsaka Zic, maiba tayo, walang tayo, hindi pa tayo, hindi kita Boyfriend para diktahan ako sa mga bagay na dapat kong gawin at dapat kong unahin, pag sinabi ko na wala pa akong oras wala pa akong oras kaya don' t teach me dahil may isip ako."saad ko sa kanya na ikinatahimik niya akmang magsasalita pa sana siya ng biglang lumabas na ang mga doctor ni Dad sabay lapit namin sa kanila sabay naman ng paglabas ng mga doctor ni Dad ay ang pag walk out ni Zic dito sa harap ko na ikinatingin nila Kuya sa akin. Pero pinagwalang bahala ko yon ng lumapit na ang Doctor in charge na nag opera kay Dad.
"Kumusta po ang Daddy?"tanong ko dw Doctor.
"Don't worry Ms. Chai, okay na siya nagpapahinga lang siya later maybe, after 30 minutes puwede niyo na siyang puntahan."sagot ng Doctor na ikinangiti namin lahat.
Pagkatapos na Pagkatapos sabihin yon ng doctor ay umalis na sila sa harap namin.
"Babae? Matanong lang kita?"biglang tawag ni Candy sa akin pagkaalis na pagkaalis ng Doctor.
"Why?"takang tanong ko sa kanya.
"Curious lang, anong pakiramdam na hindi na lang si Nick ang problema mo ngayon, na ang kambal na ang problema mo dahil dumagdag na si Zic? Lalo na ngayon, you know, Nick kahit hindi mo sinabi sa kanya ang totoo hindi siya naniniwala and now we all know kung anong nasa isip niya sa oras na 'to."Aniya.
"Sa una mong tanong, about sa kambal? Isa lang masasabi ko, sakit sa ulo! Sa pangalawa naman ewan ko hindi ko pa alam, sa ngayon isa lang ang alam ko ayaw ko madamay si Sky sa gulong 'to."sagot ko sa kanya na ikinatahimik nila ni Kuya.
Jake
Pagkatapos ng nangyari sa University, bumalik na kami sa tambayan namin apat, sa hospital pa sana namin dadalhin si Hari, pero tumanggi na siya, wala naman kaming nagawa kundi payagan siya dahil alam namin ang hirap at sakit na pinagdadaanan niya.
"Anak ko yon diba? Anak ko yon?!" Naiiyak niya na tanong sa amin, ngayon ko lang ulit nakita na umiyak ng ganito si Nick dahil sa tao, bato ang puso nito, kaya hindi ko akalain na mapapaiiyak siya ni Ivy gamit ang anak niya.
"King tama na matulog kana, iinom ka pa ng gamot, masama pa pakiramdam mo! "saad ni Ricky sa kanya ng patuloy pa rin itong umiinom.
" Shh, wala akong sakit, ayos lang ako, itong puso ko, siya ang hindi okay, siya ang nasasaktan ngayon, siya ang nahihirapan ngayon, itong puso ko ang deperinsiya. Rick 2 years, 2 years kong hindi nakasama anak ko kaya nasasaktan ako, hindi wait mali, what I mean is nagdudusa ako ngayon ng sobra, Ga*o ang bobo ko, ang tanga ko."iyak niya habang sumisigaw.
"Nick, magiging okay rin ang lahat, naniniwala ako na magiging maayos lang lahat para sayo at kay Sky, pero kay Ivy, yon lang ang hindi ko alam kung maayos mo pa."saad ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin.
"Anong hindi? Kasal pa rin kami Jake, kasal pa rin, hindi sila kasal ng shokoy na yon, ako pa rin may karapatan sa mag ina ko."sagot niya na ikinatingin ko sa kanya.
"Shokoy? Yong kanina ba? Baka nga yon ang kakambal mo."saad naman ni Kurt.
"Tss, what ever, kung siya man yon, kahit kambal ko siya shokoy pa din siya, at kung haharangan niya ako sa gagawain ko."sagot niya.
"Ano bang gagawin mo?"tanong ko.
"Aayusin ko lahat, kung gusto ni Ivy na buhay ko ang maging kapalit maayos ko lang lahat, ayos lang basta, maayos ko lang lahat."sagot inom ulit na ikinatahimik ko na lang.
Happy reading, good evening sorry for the late update, sobrang busy lang sa Practice Teaching, promise aayusin ko ang update schedule ko after ko matapos lahat ng kailangan ko gawin thank you. Xoxo..
Hart Moon
BINABASA MO ANG
The Wife's Vengeance
General Fiction(COMPLETED) Paano kung ang babaeng sinaktan mo ng todo? minahal ka ng walang halong biro, ay ang babaeng nag iisang nagpatibok puso mo? pero ngayon nagbabalik para gumanti sayo, para magpahirap at mag paluha sayo, anong gagawain mo? Kung sa kanyang...