Kabanata 28

754 35 6
                                    

Jake

Imbis bumalik ako sa Hospital para hanapin si Nick, hindi ko namalayan na dinala ako ng mga paa ko sa gym, para tiningnan kung anong nangyayari at bakit nagmamadali sila Ivy at Iron pumunta do'n. At tulad nga ng inaasahan ko may malaking gulo, pero laking gulat ko dahil ang may gawa ng gulo ay walang iba kundi ang Chai na yon, ang Papa nila Ivy at Iron.

Ivy Channel

"Dad!"tawag ko kay Daddy na ikinatingin niya sa akin.

"So, nandito na pala ang dalawa kong traydor na anak, ang alam ko, hindi ko kayo pinatawag, so, anong ginagawa niyong dalawa dito?"seryosong tanong niya sa amin ni Kuya na ikinatingin namin sa isa't isa.

"Dad, stop this nonsense!"saad sa kanya ni Kuya.

"What?! Stop?! Are you really asking me to stop son?! Bakit? Sino ka ba? E, anak lang naman kita, kayong dalawa anak ko lang kayo, pero anong ginawa niyo? Really? Cave?! Nakakatawa!"

"Dahil mali na Dad! Hindi na tama! Hindi na makatao! Sobra na! Sobra na!"sagot ko sa kanya na ikinangisi niya ng mala demonyo.

"So, ano? Angel ka na ulit Channel? What the hell?! Anak ko lang kayo, kaya wag na wag kayong magmalaki na akala niyo mas malakas kayo sa akin, kaya kung ako sa Inyo, gusto niyo matapos na 'to diba?! Fine! Patayin niyo lahat ng mga estudyante na nandito, at matatapos na ang gulong 'to."Aniya na ikinatigil ko.

"Ano? Hindi niyo kaya?! Fine! Unahin niyo na lang sila."Aniya sabay tingin niya sa likod niya na ikinatingin namin ni Kuya doon at do'n lang namin nakita kung sinong mga tao ang tinutukoy niya si Night kasama ng mga students na ilalabas na sana namin bukas sa Cave.

"O? Ano pang tinitingin tingin niyo? Do it now!"

"No Dad! Please No!"pagmamakaawa ko sa kanya.

"I'm sorry my dear daughter, hindi mo ako madadala ng luha mong yan, fine! Ayaw niyo patayin lahat ng students na nandito right? Ayaw niyo rin patayin ang nasa likod ko, edi mamili na lang kayo, sinong bubuhayin ko? Dahil anak ko naman kayo, ako na ang tatapos sa grupong hindi niyo mapipili, so sino ang pipilitin niyong mabuhay? TikTok my children time is running.

"Dad, tumigil kana, hindi na 'to tama! Hindi na!"saad sa kanya ni Kuya.

"Ayaw niyo pa rin mamili ha, sige, eh, paano kaya kung sila na lang ang tapusin ko, what do you think?!"aniya sabay bukas ng kurtina sa stage at laking gulat ko na lang sa dalawang tao na nasa loob ng Isang kulungan.

"S-skyler.    C-Candy!"

"Mhieeeeeee."sigaw ni Sky habang yakap yakap siya ni Candy na ikinatingin ko kay Dad habang tumutulo na ang luha sa mga mata ko.

"What the heck Dad! Apo mo yan!"sigaw sa kanya ni Kuya.

"Apo? I don't care! Kung ang Mama at Tito niya nga na anak ko, trinaydor ako?! Siya pa kaya?!"

"Ang- ang sa-sama mo Dad, ang sa-sama mo, sobrang sama mo."saad ko sa kanya sabay tawa niya.

"Oh, my dear, ngayon ka pa? Matagal na akong masama kaya kung ako sayo pumili kana papatayin mo ba ang lahat ng mga students dito? Kapalit ng anak mo at kaibigan mo, o papatayin ko na lang ang anak at kaibigan mo, kapalit ng mga estudyanteng prinoprotektahan niyo?!

"Dad! Please!"saad ni Kuya.

"Tss, ano na Ivy? Inip na inip na ako!"Aniya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso sabay agaw ng baril na nasa bulsa ni Kuya na ikinagulat ni nito.

"Ivy, don't do this, marami pang paraan."saad ni Kuya sa akin sabay tingin ko sa kanya.

"Please."ulit niya sabay tingin ko kay Dad na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.

The Wife's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon