Kabanata 19

833 20 1
                                    

Nick Zennon

Pagkatapos kong sabihin yon kay Jake agad ko ng pina andar ang sasakyan ko papunta sa lugar na alam kong masasagot lahat ng mga tanong na gumugulo sa isip ko. Sa bahay.

Wala pang isang oras ng dumating ako sa bahay, pagdating na pagdating ko doon ay si Mama agad ang sumalubong sa akin.

Nick, iho, buti naman dumalaw ka."Aniya pero imbis sagutin ko siya ay tiningnan ko lang siya ng seryoso.

if I know, kasabwat niya ang Tandang Lolo ko sa pag tatago ng sekreto sa akin. Simula pa noon sila na talaga ang magkakampi.

"Where's Tanda?"seryosong tanong ko sa kanya.

Iho,  he's still your lolo, kung tinago namin sayo ang bagay na yon,  it's for Ivy's safety. "saad niya na ikinatingin ko sa kanya.

"So, tama nga ako kasabwat mo si Tanda? Tama na ako na alam mo ang totoo?."tanong  ko sa kanya.

"No, no, hindi what I mean is that nakiusap sa akin ang mama ni Ivy ng araw na yon, bilang malaki ang utang na loob ko sa kanya pumayag ako."naiiyak na sagot niya sa akin.

"What the hell?! Really Ma? Fu*k! All this time alam niyo ang bagay na 'to? Pero wala kayong sinabi sa akin? What the Fu*k! Ma! So unbelievable of you!

"NICK ZENNON SMITH!"sigaw  ni Tanda na ikinatingin ko sa likod ko kung saan narinig ko ang boses niya.

"Here's my Lolo, finally, finally."

"Don't talk to your Mother like that way,  he's your mother, siya ang nagdala sayo sa mundong 'to! "saad niya na ikinangisi ko.

"Yeah, yeah, Mama ko na nilayo ako sa Papa ko, Nama ko na sinaktan ako ng todo todo, Mama ko na nag dala ng babaeng yon sa buhay ko, Mama ko na WALANG KWENTA tulad mo!"sigaw ko sa kanya sabay sampal niya sa akin na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.

"You Demon!"

"Kayo rin ang may kasalanan kung bakit ako naging ganito, kayo rin, tandaan niyo yan."seryosong sagot ko sa kanya.

"Anong gusto mo malaman?"sabihin mo mag salita ka ano?" He asked.

"Siya ba talaga ang Chai na hinahanap ko noon pa?  sya ba talaga?"

"Yes,  ang babaeng nag ligtas sayo sa kalaban ng daddy mo, ang babaeng unang nagpatibok ng puso mo, at higit sa lahat ang babaeng hinahanap mo na gustong gusto mo makita at si Ivy ay iisa.  Yes,  si Ivy na dinala ng Mama mo dito ng 10 years old siya,  si Ivy na naging kaibigan mo, si Ivy na minahal ka, si Ivy na binaboy mo higit sa lahat si Ivy na tinapon mo na parang basura ay ang babaeng nakita mo kanina, siya yon iisa lang sila ng babaeng hinahanap mo. "

"Imposible."

"Ano masaya kana?"

"Imposible, nagsisinungaling ka, hindi siya yon, malabo, sobrang labo."

"Sa ayaw at gusto mo yon ang totoo, maniwala ka man o hindi nasabi ko na sayo ang dapat mo malaman. So if you want to ask  again, just tell me now just asm now ng mahismasan ka."Aniya.

"What do you mean kalaban ni dad?"tanong ko.

"D-dad no, please..."saad ni Mom sa kanya na ikinatingin ko dito.

"He deserve to know the truth."sagot naman ni Tanda sa kanya.

"Yes, because your dad is a mafia boss,  isa siya sa 5 royal boss sa Diamanté Emperia at bawat isa sa limang boss may mga kalaban siyempre sino bang wala? Dahil nga sa isa ang Dad mo sa kanila, pinupuntirya ng mga kalaban ng Dad mo ang pamilya natin  so your Mom, nag desisyon siyang Ilayo ka sa Dad mo at ang kambal mo."kuwento niya.

"Kambal ko?"tanong ko.

"Yes, you have a twin,  but sad to say your Dad is more powerful than me,  so nakuha niya ang kambal mo buti na lang ng oras na yon,  nasa ICU ka pa dahil mas mahina ka sa kambal mo kaya hindi ka niya na dala."dagdag niya pa.

"So ngayon sabihin mo sa kin wala bang kwenta ang Mommy mo na ang gusto niya lang naman malayo ka sa magulong buhay ng Dad mo? Malas ng kapatid mo dahil sigurado ako ngayon nasa impyerno siya nakikipaglaban sa buhay niya katulad ng pakikipaglaban ng Daddy mo sa mga kalaban niya."saad niya pa.

"Paa..."

" I already answer your question do you still have?"tanong niya.

"What about Ivy?"

"What about her?"

"Bakit hindi niyo sinabi sakin na siya ang matagal ko ng hinahanap ang babaeng halos ibuhis ang buhay maligtas lang ako ng araw na yon?  why?"tanong ko.

"Desisyon niya yun bago nangyari ang araw na yon 1 week na kayong kasal at sa 1 week na yon,  puro luha pasakit ang natamo niya sayo, pero ng nakita ka niyang dinala ng mga lalaking yon kaya gumawa siya ng paraan para maligtas ka and yes,  you're right halos mamatay siya para sayo at ng naligtas ka niya? Nagtataka ka bakit Chai? Ang pinakilala niya sayo simple lang ang sagot Nick, at alam ko na alam mo na yon,  may mag babago ba? Ha? Tatanggapin mo ba siya?  e halos isumpa, ilibing mo na siya ng buhay ng nalaman mong ipapakasal ko kayo diba? Kaya naisip niya na itago sayo ang totoo niyang pagkatao, pero do you know what happened after she save you? pumunta agad siya sakin,  she tell me how happy she is right that time,  dahil naka tanggap siya ng regalo sa pinaka mamahal niyang lalaki sa mundo , malungkot nga lang dahil natanggap niya yon,  bilang Chai at hindi bilang Mrs.Smith na asawa mo.  Now sabihin mo sakin?bakit niya mas pinili na itago sayo? siyempre mas gusto niya mahalin mo siya bilang asawa mo at hindi bilang Chai na nag ligtas sayo, umaasa siya Nick pero,  anong ginawa mo? Imbis matutunan mong mahalin ang babaeng walang ginawa kundi tiisin ka, sa kabila ng lahat, binasura, binaboy mo pa,  kaya wag mo sa amin ibunton ang galit mo dahil wala kaming ginawa na ikasasama mo. alll we do is to protect you, lalo na si Ivy she did that because umaasa siya na dumating ang araw tanggapin mo siya bilang siya bilang asawa mo, ngayon wala na siya, ibang iba na siya,  wala ng babaeng minahal ka ng totoo kaya masasabi ko lang,  diyan sa sarili mo magalit dahil ikaw ang dahilan bakit siya sumama sa demonyong Papa niya imbis katulad ng Mom mo nilayo rin siya ng Mom niya sa Dad niya para makaiwas sa mundong magulo,  pero anong ginawa mo ngayon?  mas pinili niyang maging kasapi ng demonyo dahil sa kababuyan mo."Aniya  sabay walk out sa harap ko. Kaya Wala akong nagawa kundi sa inis na nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

Bakit kailangan mangyari lahat ng 'to? Ang hirap, sobrang sakit tanggapin, ang bigat.

Palabas na sana ako ng pinto ng bahay namin ng bigla akong tawagin ni Mama na ikinatingin ko sa kanya.

"Nick, dito ka na matulog."sabi niya sabay ngiti ko sa kanya ng matipid.

"I can't, hindi ko kaya, I want to rest,  hahanapin ko muna ang sarili ko."sagot ko sa kanya sabay labas ng tuluyan sa bahay namin.




Hart Moon

The Wife's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon