Ivy Channel
Hindi ko alam anong mararamdaman ko sa nakikita ko ngayon, bakit hindi siya nakalaban? Bakit parang sinadya magpatalo?
"Anong nangyari kay Nick? Bakit hindi siya naka laban?"tanong ni Candy habang pinagmamasdan namin si Nick na akay akay ni Jake pababa ng ring.
"Aba! Ewan ko!."sagot ko na lang sa kanya na nagtataka rin.
"Alam ko kung bakit!" singit ni Kuya sabay tingin ko sa kanya.
"Bakit?"
"Tell me baby, sinadya mo ba 'to? kasi kung oo, sa totoo lang nasaktan mo na siya ng todo-todo, durog na durog na siya nag tagumpay ka talaga na durugin ang buhay niya. Kung hindi naman, sana lang ang Boss na yon ang pinalaban mo sa kanya."Aniya na mas lalong pinagtaka ko.
"Ha? Bakit?"tanong ni Candy.
"What do you mean Kuya?"
"Simple lang, because that Boss is Nick father."
Nick father, Nick Father.
"Hindi mo ba talaga alam Sis?"tanong ulit ni kuya sabay iling ko.
"No, hindi ko alam, never ko na meet ang Daddy niya ng nasa puder niya ako, pero kung ganoon ibig sabihin....."nanginginig na tugon ko.
"Ano?"tanong ni kuya.
"May kambal si Zic."saad ni Candy kaya napatingin si Kuya sa kanya.
"Don't tell me yung taong gusto ka sa Taiwan? Eh anak ni Boss Chard ay kambal ni Zennon?"nagtatakang tanong ni kuya.
"Ganoon na nga kasi kung totoo na tatay na Nick ang Daddy ni Zic ibig sabihin kambal sila? Ghad bakit di ko naisip na may pagkakahawig silang dalawa what I have done muntikan ng patayin ni Tito ang anak niya."saad ko.
"Okay ka lang? tanong ni Candy sakin.
"Honestly I don't know noon pa man gustong gusto na makita ni Nick ang daddy niya pero hindi ko naisip sa gantong paraan."sagot ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin ng seryoso.
"Pero eto isa sa mga plano mo diba? ang lumuha siya? Ang magdusa siya? Ang masaktan ng todo- todo pero parang na konsensiya ka ata?"tanong ni Kuya.
"I know, I know pero...."
"Pero ano?"Candy asked.
"Basta, excuse me first."paalam ko sa kanila sabay labas para mag isip. Tama si Kuya, dapat masaya ako, sira na pangarap niyang mamuno sa Emperia, pero bakit? Ano 'tong nararamdaman ko?
Jake
Nandito na kami sa hospital kung saan namin dinala si Nick kanina, pagkatapos ng laban niya ng biglang napansin namin ang pagkamatamlay ni Kurt.
"Kanina ka pa matamlay Kurt ah."saad ko sa kanya habang naka upo dito sa labas ng room ni King kung saan nandoon pa ang Doctor sa loob tinitingnan siya.
"Sana kasi nakinig siya."Aniya.
"Kilala natin siya, hindi siya marunong mag papigil, gagawin niya talaga ang gusto niya kahit ano pa yan."sagot ko sa kanya.
"Oo nga, kaya wag ka ng madrama diyan, dahil para kang Bakla." Saad naman ni Ricky na ikinatawa ko.
"Tss, palibhasa hindi kayo ang nakarinig, alam ko mangyayari 'to e, pero maliban sa Papa ni Nick na siyang makakalaban pala niya, pero si Ivy, bakit niya yon ginawa kung alam niya na Papa ni Nick si Tito."saad ni Kurt.
"Kung tama ka na plinano niya lahat ng 'to, dalawa lang sigurado una alam na Ivy na Papa ni Nick si Tito, kaya niya ito pinaglaban para madurog niya talaga si Nick ng pinung pino o pangalawa hindi niya alam na mag-ama ang pinagsabong niya kanina, kilala ko si Ivy alam kong alam niya na matagal na itong pangarap ni Nick na makita ang Papa niya oo, sabihin natin na galit siya kay Nick oo, naniniwala ako na kaya niyang sirain lahat ang pangarap ni Nick kahit ang maging boss sa Emperia, pero ang sirain si Nick gamit ang ama nito alam kong hindi niya kaya pwera na lang kung...."
"Kung?"tanong ni Kurt.
"Sukdulan na ang kasamaan niya."sagot ko.
"Hayst, awang awa nako kay King nasaktan rin naman siya alam natin lahat na ang rason kung bakit siya naging ganoon ay ang kagustuhang makasama ang Dad niya."saad ni Ricky.
"Na akala niyang sinira ni Ivy ng ikinasal sila kaya grabe na lang ang ginawa niyang pag away dito."dagdag ko pa.
"Ikaw, Kurt na tahimik ka?"tanong ko.
"Ehh kasi.."
"Don't tell me may hindi ka pa sinasabi sa amin kung ano man yan sabihin mo na."saad ko sa kanya.
"Narinig ko rin kasi."
"Ano?"tanong ni Ricky.
Na may Cave ang University natin." Sagot niya.
"What? Cave? Ano yun?"I asked.
"I don't know pero narinig ko sa kanila na ang mga namatay na naugnay natin kay Ivy, eh buhay at nasa labas na ng University."sagot niya na ikinagulat ko kaya agad akong napatingin sa kanya ng seryoso.
What? Seryosa ka?"Ricky asked.
"Yes. "Sagot niya.
Kung tama nga si Kurt hindi pa gaanong masama si Ivy, pero bakit? Bakit pag dating kay Nick nagiging demonyo siya, oo galit siya pero bakit ganoon?
Masaya ako kung totoo ang Cave malungkot ako para sa kaibigan ko, na asawa ng kaibigan ko. Ivy sana, sana di pa huli ang lahat, sana.
"Ano yon lang a ba ang sasabihin mo Kurt? Kung mayroon pa, baka puwede sabihin mo na, para isahan na lang.
"Narinig ko rin kasi na."
"What?" Putol ko sa sasabihin niya.
"Narinig ko rin kasi na may anak si king kay Ivy."
"Ah yun lang naman pala."sagot ni Ricky.
Okay." Sagot ko rin bigla ma realize ko ang ibig niyang sabihin.
"Teka, what? Anak? Nag ka anak sila?"takang tanong ko.
"Sigurado ka ba sa narinig mo na yan Kurt?"tanong din ni Ricky.
"Akala ko noong una guni- guni ko lang, pero kinumpirma ng kaibigan ni Ivy, sabi niya pa hindi daw karapat dapat maging ama si Nick sa anak nila ni Ivy."sagot niya na ikinatigil ko.
"Kung totoo nga yan lahat, tagumpay na si Ivy, madudurog niya na lalo si Nick. At si Nick masasaktan siya ng todo oras na malaman niya na may anak siya sa babaeng sinaktan niya at ilang taon na hindi niya ito nakasama oo, kasalanan niya tama sila, pero sobra na talaga sobra."saad ko sa kanila sabay tayo na pinagtaka nila.
"Hoy! saan ka?"tanong ni Ricky.
"Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko naka kausap si Ivy, ayaw kong magising isang araw na hindi na gugustuhin ni Nick mabuhay."sagot ko sa kanya sabay alis papunta sa taong masasagot lahat ng tanong ko kay Ivy.
As a promise ito na po ang dalawang update ko para sa araw na 'to, kung may time bukas ng morning or whole day mag uupdate rin ako sa Journey to the Sky, for now happy reading. Sana po maunawaan niyo na isa po akong Student Teacher ngayon sa On the Job training namin kaya matagal tagal bago ko maisingit ang pagsusulat. Anyways good morning everyone. :)
Hart Moon
BINABASA MO ANG
The Wife's Vengeance
General Fiction(COMPLETED) Paano kung ang babaeng sinaktan mo ng todo? minahal ka ng walang halong biro, ay ang babaeng nag iisang nagpatibok puso mo? pero ngayon nagbabalik para gumanti sayo, para magpahirap at mag paluha sayo, anong gagawain mo? Kung sa kanyang...