Kabanata 14

849 24 3
                                    


Ivy Channel

Abala akong nag iisip dito sa garden ng bahay namin ng biglang nagsalita si Kuya sa likod ko na ikinatingin ko sa kanya.

"Akala ko ba busy ka ngayon? Bakit ka nandito?"takang tanong ko sa kanya.

"May pinagawa lang si Dad sa akin, babalik rin ako agad ngayon, e ikaw anong ginagawa mo dito?"

"Wala lang, wala naman sigurong batas na nagsasabi na bawal ako mag relax diba? Tsaka isa pa bukas na ang araw na hinihintay ko, ang araw na kaytagal kong hinihintay."

"Kaya ba malalim ang iniisip ng Reyna? Excited na ba mag paluhod ng asawa?"tanong niya sa akin.

"Yeah, hindi na ako makapaghintay na makita siyang lumuhod sa harap ko, hindi na ako makapahintay na umiyak siya sa harap ko."

"Yon lang ba?"tanong niya.

"Oo naman, wala na akong iniisip maliban do'n  kung anong mangyayari bukas."walang emosyong sagot ko sa kanya.

"Edi patayin mo siya."walang alinlangan na ani niya.

"You know me at alam mo na ang sagot ko diyan."

"I know Sis, I'm just teasing you."

Then it's not funny Kuya." Sagot ko sa kanya.

"Pero bakit nga ba humantong sa ganito Sis?"tanong niya.

"Ewan ko, basta ang alam ko lang nagising na lang ako isang araw kahit pagiging magkaibigan namin pinutol niya na, akala ko bilang asawa niya lang ako hindi tanggap, pero pati pagkakaibigan namin pinandidirihan niya na pinagbintangan niya ako na sinira lahat ng plano niya, kaya binaboy niya ako, sinira niya ako, dinurog niya ako, tinuring na hayop kaya kung mamatay lang siya agad bukas para sa akin ay hindi yon sapat , hindi yon sapat para sa lahat ng luha na naubos ko dahil sa kanya, para sa lahat ng pasensiya na nawala dahil sa kanya."I answered.

"Then whats your plan?"tanong niya.

"Don't worry Kuya, bukas, bukas siguraduhin kong maglalaho lahat ng plano niya, siguraduhin kong iiyak at luluhod siya sa lupa. Kaya wag kang excited Kuya,  dahil  pangako sa mangyayari bukas yon na ang magiging dahilan para malapit na nila makilala ang nag iisang Reyna."naka ngisi kong sagot sa kanya.

"Hindi ko talaga akalain na mangyayari 'to sa inyo, na magiging ganoon si Nick, Ibang iba siya noon, hindi ko na imagine na ginawa niya yon sayo."Aniya.

"Hindi mo pa siya kilala Kuya, mas  demonyo pa siya kay Santanas, mas demonyo pa siya."

"Baka may dahilan."

"Tss, wala akong pakialam sa kanya, kaya wag na natin siya pag usapan puwede ba?"

"Fine, so ano may tanong ka ba sa akin? Wag lang tungkol sa lovelife sister wala ako niyan."Aniya na ikinataas ng kilay ko.

"Eww, wala akong pakialam sa lovelife mo, lovelife na puro one night stand. Ang itatanong ko ay tungkol sa Cave kumusta sila?"I asked.

"Grabe ka talaga sa Kuya mo e, ano anyways don't worry about the Cave, wala ka na dapat isipin tungkol sa Cave it's okay na ayos ko na bukas makakaalis na lahat ng nandoon." sagot niya.

"Good, siguraduhin niyo lang na walang makakaalam sa ginagawa natin especially Dad, hindi niya puwedeng malaman na pinapakawalan ko ang mga students na nakakasalamuha ko, kilala ko siya hindi niya gusto ang ginagawa ko."

"Don't worry Sis, I'll make sure na hinding hindi ito malalaman ni Dad."

"Thank you Kuya, ibigay niyo na lang  lahat ng mga kailangan nila sa labas ng University ng masigurado ang magandang buhay para sa kanila."saad ko sa kanya.

"You know me ako pa, pero after ng anniversary ng school alam mong may program pa right at yon ang  coronation ng bagong Hari at Reyna ng Diamante Emperia."Aniya.

"Yeah at alam kong candidate si Nick do'n"sagot ko sa kanya.

"Then what's your plan about it?"tanong niya.

"Edi ano pa nga ba?kunin ang pangarap niya, paasahin siya, kukunin ko ang pangarap niyang maging  hari dahil ipapatikim ko sa kanya ang lungkot, pighati,  kukunin ko lahat ng pangarap niya."walang emosyong sagot ko sa kanya.

"Pero eto Sis,  curious lang ikaw ba talagang zero feelings na diyan kay Nick?"tanong niya na ikinatigil ko.

"What the hell Kuya?! Saan galing ang tanong na yan?"

"Sagutin mo na lang kasi."

"Noong panahon na gusto pang lumaban ng katawan ko wala siya, noong panahon na mahal na mahal ko siya, tinapon niya ako, tinapon na parang basura, kaya yang tanong mo Kuya isa lang ang sagot ko hindi na, dahil ngayon wala akong nararamdaman sa kanya kundi galit, galit lang wala e,pinasuko niya yong puso ko, pinasuko niya yong taong mahal na mahal siya pinasuko niya at higit sa lahat ang dating Ivy na asawa niya na isang anghel, mabait, may awa, pinatay niya wala na siya, dahil simula ng tinapon niya ako binuksan niya ang isang pagkatao ko ang Demonyong Channel, kaya ngayon wala na siya sa buhay ko, ngayon ang gusto ko na lang gumapang siya sa lupa at umiyak sa harap ko yon na lang."walang emosyong sagot ko sa kanya sabay talon sa pool.

"Humanda ka bukas Nick, makikilala mo ang ginising mo sa loob ko humanda ka."


Hart Moon

The Wife's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon