Kabanata 25

776 26 1
                                    

Ivy Channel

Ito na ang araw na pinakahihintay ko, ang araw kung saan gagawin ko na ang pangalawang plano ko sa Nick na yon, bago ko asikasuhin ang Daddy ko at ang University, pagkatapos ng araw na ito, ang Demon University naman ang aayusin ko, ang pagtutuunan ko ng pansin.

"Handa ka na ba?"tanong ni Kuya na ngayon ay nandito kasama ko.

"Kailan ba ako hindi naging handa?"pilosopo kong sagot sa kanya. "Kung ako sayo my brother I  announce mo na nandito ang reyna ng mabulabog na sila."dagdag ko pa
"What?" "Do you mean? Magpapakilala ka?" Takang tanong niya sa akin sabay tango ko.

"No way! wala sa usapan na magpapakilala ka, tsaka  baka mapahamak ka at si Sky niyan! Sa impyernong'to hindi lang si Nick ang kalaban mo, kalaban mo rin ang mga taong gusto ang trono."seryosong saas niya sa akin na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.

"Tss, don't worry about me Kuya, I'm ready for it, tsaka hindi ako papayag na may mangyari kay Sky, just do what I said ng matapos na agad 'to ."utos ko sa kanya.

"Okay, as you wish Queen! Ano pa nga ba magagawa ko? Basta nandito lang ako." Aniya sabay punta na sa harap para mag announce.

Poor Kuya,  makulit ako!

Nick Zennon

"Now for our special night for the special night of DIAMANTÉ  GANG EMPERIA for the first time in history makilala na natin ang reyna."announce ni Iron na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.

Wag mong sabihin na si ano ang tinutukoy niya na Reyna?

"Don't tell me, si Ivy ang tinutukoy ni Iron?"takang tanong ni Ricky na ikinatingin ko sa kanya.

"Mukhang siya nga, pero nababaliw ba siya?  Magpapakilala siya? Alam niyang maari siyang mapahamak niyan, pero gagawin niya talaga? ."saad naman ni Jake sabay tingin nila sa akin.

"King Tulala ka diyan?"tanong ni Ricky sa akin.

"Nothing, I just feel something."sagot ko sa kanya dahil kahit ako si Ivy rin ang naiisip ko ngayong araw.

"King wag mo na lang kaya I tuloy 'to, umuwi na lang tayo."saad ni Kurt sa akin na ikinatingin ko sa kanya na kanina pa balisang balisa.

"Tss, uwi?  kailan ba ako umatras? Tanong sa kanya.

"Wala, pero kasi...."

"Ano?."

"Wala."kinakabahang sagot niya.

"Tell me Kurt, may gusto ka ba sabihin sa akin?"

"Wa....."

"So eto na hindi na namin papatagalin ang nag iisang kapatid ko, Ms. Ivy Channel Chai.

"Ivy."
"Ivy."
"Ivy."
"Ivy."

Siya nga!

"What the hell?! Gusto niya na ba talaga mamatay?!"biglang tanong ni Jake kaya agad kong tiningnan ng seryoso si Kurt sabay yuko niya sa akin.

"Tss, so eto ba ang dahilan Kurt?"tanong ko sa kanya. "Kailan mo pa nalaman?"dagdag ko pa.

"Maniwala ka King narinig ko lang sa usapan nila kaya nga.....

" So kailangan nga?"kahapon ba?!"

"Alam mo Kurt?"takang tanong sa kanya ni Ricky.

"Ano? Kaya natatakot ka? Tss, alam mo Kurt kung may gagawin siya sa akin wala na akong pakialam kung gusto niya ako pabagsakin sige, gawin niya pero hindi niya masisira ang mga plano ko, ang pangarap ko."sagot ko sa kanya sabay tingin sa babaeng nasa harap ngayon.

"Okay, nagtataka marahil kayo bakit ako nagpakilala simple lang isa lang ang sagot ko gusto ko masaksihan ang mga mukha niyo habang pinapanuod lumaban ang mga kandidato niyo sa pagiging boss, kaya ngayong araw mismo at oras simulan na natin ang laban  dahil inip na inip na ako, at gusto ko na muli makakita Ng dugo."Aniya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.

"Simulan ng laban ang unang maglalaban ay walang iba kundi si Nick Zennon mula sa Night Star at ang #3 sa boss ng Emperia,  at kung matatalo niya ang Boss na ito ay makukuha niya ang trono sa pagiging boss pero kung siya ang sumuko o matalo worst mamatay, pupunta sa baba, 10th rank na ang Night Star kaya  good luck fighters! and may the best man win."saad niya sabay baba sa ring kaya agad na akong umakyat sa hagdan at  akmang papasok na ako sa loob ng ring  ng bigla akong napatigil dahil sa taong pamilyar na pamilyar sa akin.

Hindi pwede, anong ginagawa niya dito?

"Demonyo ang Papa mo, kaya nilayo ka ng Mama mo sa kanya, naiintindihan mo ba? Demonyo!"

Papa!

Hindi, hindi totoo 'to, hindi ka demonyo katulad ng sinabi ni Lolo, hindi puwede!

Jake

Pag tingin namin sa makakalaban ni Nick, laking gulat na lang namin sa taong nasa harap niya ngayon ang Daddy niya, pero bakit?!

"What the hell?!  Kurt, pati ba ito alam mo?"tanong ko kay Kurt na katulad namin ni Ricky ay nakatingin rin ngayon sa harap.

"Hindi,wala akong alam dito, ang alam ko lang sisirain ni Ivy ang pangarap ni Nick ma maging boss."sagot niya sabay iling.

"Shit! Ibig sabihin alam ni Ivy pero bakit? Pati ba naman siya?  Hindi niya lang man naisip mararamdaman ni King? Ivy, nasaan na ang dating ikaw?

Akmang magtatanong pa sana ako kay Kurt ng biglang narinig namin ang sigawan kaya agad kaming napatingin sa rony kung saan wala ng malay si Nick kaya agad kaming pumasok sa loob ng ring na ikinatingin ng mga tao sa amin.

Tama na suko na kami."saad ko sa baba kung nasaan sila Ivy, sabay alalay namin kay Nick.

"Pa-papa."rinig kong bangit ni Nick habang kami seryosong nakatingin sa Daddy ni Nick na ngayon ay nagtataka na nakatingin sa kanya.  What have you done Ivy? wala na, sana masaya kana." bulong ko habang nakatingin sa kanya na ngayon ay may nagtataka na mukha.

Hindi na namin hinihintay ang desisyon nila Iron, agad-agad na namin binaba si Nick palayo sa kanila.

Sigurado pag gising na pag gising niya, hindi na galit ang nasa puso niya para sa iba, kundi galit para sa sarili niya,  at higit sa lahat, alam kong grabe ang lungkot na mararamdaman niya dahil wala na ang pangarap niya. Desmiyado pa siya sa Papa  niya at si Ivy pa ang naging dahilan kung bakit muntikan na siyang mamatay sa kamay ng taong matagal niyang Inasam makasama. Nick bakit ba humantong sa ganito lahat? bakit ba?

  Hart Moon

The Wife's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon