Ivy Channel
Kinabukasan maaga kaming pumasok ni Candy, lalo na at maganda ang gising ko sa binalita ni Kuya sa akin kahapon habang wala ako, pero tulad ng parati kong sinasabi at palagi kong sasabihin kulang pa, simula pa 'to ng totoo kong paghihiganti tingnan na lang natin kung hindi sila magwala sa gagawain ko, tingnan na lang natin kung hindi sila masiraan ng bait sa mga pasabog ko.
Babae, narinig mo ba yong balita dito kahapon?"biglang tanong ni Candy dito sa tabi ko.
"Anong balita na naman yan? Tsaka wala akong paki diyan, at kung ano man yan, hindi ko rin alam dahil wala naman ako kahapon diba?"pilosopong sagot ko sa kanya pero tila hindi siya naniniwala dahil tiningnan niya pa ako mula hanggang paa.
"Anong tingin yan? Don't tell me..
"So Ivy, ikaw ba ang may gawa sa clown na yon?"tanong niya na ikinangisi ko na lang.
"What do you think?"tanong ko sa kanya ng pabalik ng hindi siya nakasagot ay napatawa na lang ako.
"You know what Can, hindi ako ang may gawa sa kanya ng bagay na yon but you already know the answer kung sino ang may pasimuno ng bagay na yon."naka ngisi kong sagot sa kanya.
"Why?Dahil ba sa nangyari noong unang pasok natin dito? tanong niya.
"Tsk, simple lang dahil gusto ko sa kanya mag simula ang lahat uunti untiin ko lahat ng taong sumasaludo sa hanayupak na yon,, kukunin ko isa isa hanggang walang matira sa demonyo kong asawa."walang emosyong sagot ko sa kanya.
Sasagot pa sana siya ng biglang...
"Magkano binayad nila sayo? how dare you! You demon!" nababaliw na sigaw ng kaibigan ng Ana na yon pagdating namin sa room, sabay hila sa buhok ko, kaya dahil sa inis ko kinuha ko ang kamay niya sabay baliktad nito, gusto niya ata mapahiya e sabagay ayos lang tutal nandito na kami sa room para naman mag isip tong mga demonyong 'to.
"Ano kamo? Anong sinasabi mo? Ako nagpapabayad? E, wala nga ako kahapon diba? Ni wala akong alam sa nangyari kahapon tapos sasabihin mo ako nagpabayad, hello baliw ka ba?" Mataray na tanong ko sa kanya.
"What did you say?!"seryosong tanong niya na ikinangisi ko.
"Baliw ka, oo baliw ka, kakadating ko lang sa school niyo tapos ako na agad? Naka shabu ka te? kasi nakakatuwa naman kung ganoon."naka ngisi kong saad sa kanya.
Habang nag uusap naman kami ng clown na 'to ay muli kong narinig ang bulongan ng Ibang demonyo.
"Ang tapang niya talaga."boy 1
Tsk, ako pa wala nakong balak mag pa api 'no, ano sila siniswerte kapal, hindi pa pinapanganak ang taong papatay sa akin hindi pa!
"Hindi na yan tatagal lalo na ngayon, na gera na rin pati sa umaga, patay na yan!"boy 2
Ha ano daw? Nagpapatawa ba sila? Anong akala nila matatalo nila ang reyna tss, walang makakatalo sa reyna, wala."
Habang ang iba ay nagbubulungan ang iba naman ay tumatawa sige lang tawa lang kayo, para mas exciting, dinadagdagan niyo lang galit ko sa sinasamba niyong hari."
"How dare you!"saad nitong kalaban ko sabay sampal niya sana sakin ng saluin ko ito.
Try to do that and you'll regret it sweetie."mahina kong sambit sa kanya.
"Talaga lang ha tingnan natin."mataray na tugon niya.
"Babae ilag."sigaw ni Candy ng tingnan ko kung ano sinasabi niya tss, "ang dumi niyo maglaro."ani ko sa kaibigan ng babaeng umaway sa akin ngayon na siyang hinagisan ako ng kutsilyo kaya binitawan ko ang kamay ng clown na 'to sabay...
"Oops, sorry." Nakangiti kong sagot sa kanya bago saluhin ang kutsilyong hinagis nila.
"What the hell?!"
"Tss, you really think na kaya niyo ako?" seryoso kong tanong sa kanila sabay bato sana pabalik ng kutsilyo sa isang clown ng biglang.....
"Stop that!"sigaw ng lalaking nasa pintuan istorbo.
"King sorry, siya kasi nauna."maamong saad ng clown.
"Tss, just sit down."sagot ni ng demonyong hari nila sa clown kaya umupo naman siya, silang lahat ng maayos sabay punta nitong pinsan ni Santanas sa harap ko."
"Tss, I told you if you love your life umalis kana, kasi kung mag tatagal ka pa dito ako na ang Papatay sayo."seryosong saad niya.
Tiningnan ko naman ako siya ng seryoso sabay ngisi. "Talaga? Kaya mo? papatayin mo ako? Edi go, gawain mo tingnan lang natin kung kaya mo kasi para sakin wala ka lang sisiw ka lang, kaya hindi mo yan magagawa, siyaka Isa pa ang pagbabanta dapat ginagawa, kaya gawain mo muna bago ka magsalita, maliwanag? at oo, mahal ko ang buhay ko kaya nga nandito ako e, alam mo bakit?" Tanong ko sa kanya sabay lapit sa tenga niya at bulong dito."
"Nandito buhay ko."
"Tss, you bi*ch!"sagot niya akmang susuntukin niya ako ng biglang
Stop that class lets start our lesson."singit ni prof Ramirez sa amin kaya wala siyang nagawa kundi umupo pero bago siya umupo sinabihan niya pa ako ng....
"Hindi pa tayo tapos."
"Talagang hindi pa, just tell me, kailan at saan, I'm always ready kahit sa pinaka ilalim pa yan ng impyerno o sa porgatoryo pa yan sasamahan kita." Naka ngisi kong sagot sa kanya bago tuluyan umupo sa upuan ko.
Kung akala mo matatakot mo ko sa mga mata mong walang ginawa kundi titigan ako ng masama, nagkakamali ka Nick, dahil wala pa ko sa kalahati, walang wala pa ako sa kalahati kaya humanda ka na dahil sisiguraduhin ko na hindi ka na makakabangon sa sakit na dulot ko, humanda ka na.
Hart Moon
BINABASA MO ANG
The Wife's Vengeance
General Fiction(COMPLETED) Paano kung ang babaeng sinaktan mo ng todo? minahal ka ng walang halong biro, ay ang babaeng nag iisang nagpatibok puso mo? pero ngayon nagbabalik para gumanti sayo, para magpahirap at mag paluha sayo, anong gagawain mo? Kung sa kanyang...