Kabanata 24

713 26 1
                                    


Kurt

Hanggang maari gusto ko talaga kalimutan ang mga narinig ko sa opisina ni Iron ng araw na yon, pero dahil sa mga sinabi ni King sa akin, mas lalo itong bumabagabag sa akin at sa buong isipan ko.

Paano ko sasasabihin kay King? Kung sakaling sabihin ko man, paano ko ito gagawain? Gulong gulo na ako, ayaw kong masaktan si Nick, pero alam ko na oras na malaman niya ang bagay na narinig ko kahit anong iwas niya ay masasaktan at masasaktan siya.

Kaya para kahit sandali makalimutan ko ang narinig ko at si Nick ay naisipan kong pumunta muna dito sa  canteen ng biglang may nahagip ang mga mata ko si Candy ang kaibigan ni Ivy at ang mas ikinagulat ko ay  may kasama siyang bata.

Yon na ata ang anak ni Ivy at Nick.

Ng paalis na silang dalawa palayo sa canteen ay agad agad kong siyang hinabol para pigilan.

"Wait." Pigil ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin ng seryoso.

"Tss, bakit ba?"Mataray na tanong niya sa akin.

"Can I talk to you?"seryosong tanong ko sa kanya.

"Tss,Yaya ilayo mo muna si Skyler dito."utos niya sa yaya na kasama nila.

"Siya ba?"takang tanong ko sa kanya.

"What do you mean? At puwede ba, paki bitawan mo nga ang kamay ko."mataray na saad niya sabay tanggal sa kamay ko na nakahawak sa kanya.

"Siya ba?"ulit kong tanong sa kanya.

"Sinong siya?"maang maangan niyang sagot.

"Wag ka ng magsinungaling, I heard you,  kanina sa office ni Iron, ang batang yon,  yon ba ang batang  anak ni King at Ivy tama?""seryosong tanong ko sa kanya na ikinatigil niya.
Pero agad rin siyang umiling na ikinangisi ko.

"I don't know what are you saying, tsaka una na ako."aniya sabay hawak ko ulit sa kanya.

"Ganyan na ba talaga kayo kasama ha? Lahat gusto niyong kunin kay Nick, si Ivy, wala na ba talaga siyang puso ha?  wala na sa kanya halos lahat,pati  pangarap niya maging boss sisirain ninyo pati anak niya na hindi niya alam na nandito sa mundo, tinatago ninyo, pinagkaitan niyo siya ng pagkakataon maging ama! Hindi ba kayo naawa?!"seryosong tanong ko sa kanya na ikinatingin niya ulit sa akin ng seryoso.

"Pa-paano?"takang tanong niya sa akin.

"Wag kang magtaka, tulad nga ng Sabi ko sayo kamina narinig ko lahat kanina, nandoon ako, nandoon ako at rinig na rinig ko lahat ng pinag usapan niyo."

Akmang dadagdagan ko pa ang sinabi ko sa kanya ng bigla niya akong sinampal na ikinatingin ko sa kanya.

"Talagang gusto mo malaman? Fine, he deserves it, tinatanong mo ako kung hindi ba kami naawa sa kanya, isa lang ang isasagot ko  hindi at hinding hindi kami maawa sa kanya dahil sa tulad niyang demonyo, nararapat lang yon sa kanya, kulang pa yan,actually, kulang na kulang pa, at kung tutuusin buhay nga niya dapat ang kapalit sa ginawa niya sa kaibigan ko, kaya wag na wag mo akong tatanungin ng ganyan, dahil sasagutin talaga kita tss!"

"Pero kahit ang anak niya na lang sana."

"Really? Kahit si Skyler lang? Tss, manigas siya, kung nahihirapan siya ngayon, karma niya na yan,buti nga sa kanya,  kulang pa yon,  hindi pa yon sapat. Tsaka yung pagiging ama niya, hindi bagay sa demonyong katulad niya maging ama ng anghel na Sky."Aniya na ikinatahimik ko na lang.

"At kung ako sayo, itikum mo yang  bibig mo, kung ayaw mong masaktan."seryosong saad niya sabay lapit sakin, ikaw rin baka ilibing ka ng buhay ng reyna o ako na lang kaya?"tanong niya sabay iwan sakin ng mag isa.

Hindi ko alam kung anong iisipin ko, oo aaminin ko may pag ka demonyo si Nick, pero may dahilan siya, at yon ang Papa niya.

Ivy Channel

"Ta-tama na po, hindi na po kami tata-takas ulit, ma-maawa po kayo."pakiusap ng babaeng nahuli ni Kuya na kasama ng Sherwin na sinasabi ni Dad sa amin kahapon.

"Don't worry, wala kaming gagawin sa inyong dalawa na masama, I just want to know, kung sino pa ang mga kasamahan niyo sa grupo?"tanong ni Kuya sa kanilang dalawa na nandito ngayon sa harap namin.

"W-wag po, kung sasaktan niyo po kami, ka-kami na lang po, wag niyo na sila idamay, pa-pakiusap po."sagot ng isang babae kay Kuya na ikinatingin sa akin ni Kuya.

"Tss, wala kaming gagawin sa inyo, gusto lang namin malaman kung sino sila para lahat kayo matulungan namin."saad ko sa kanilang dalawa na ikinagulat nila.

"P-po?"takang tanong ng Isang babae.

"Aalis kayong dalawa ngayon rin dito sa University at wag na wag na kayong bumalik dito, pinapangako namin na walang mangyayaring masama sa inyo, basta siguraduhin niyo na lang na hindi ito malalaman ni Dad, kami na ni Kuya ang bahala sa inyong dalawa, at sa mga iba niyong kasama kaya sabihin niyo na kung sino sino sila."sagot ko sa kanya na ikinangiti nilang dalawa.

Agad naman nilang sinabi ang pangalan ng apat pa nilang kasama at pagkatapos na pagkatapos nila itong sabihin sa amin ay agad na namin silang dinala ni Kuya sa Cave para paalisin na sa impyernong lugar na 'to.

"Ikaw na ang bahala sa kanila Night z siguraduhin mo na ligtas silang makakalabas dito."utos ni Kuya kay Night sabay tango naman nito.

"Ako na ang bahala."sagot nito na ikinangiti namin dalawa.

"Maraming maraming salamat po sa inyo, salamat po."saad ng dalawang babae sa amin na ikinangiti namin ni Kuya sa kanilang dalawa.

Ilang minuto pa ang tinagal nila dito sa Cave pinagpahinga muna namin sila habang hinahanda pa namin ang mga ipapadala namin sa kanilang dalawa hanggang tuluyan na silang lumabas kasama ni Night.

"Kuya?"tawag ko kay Kuya pagkaalis na pagkaalis ni Night kasama ng mga babae.

"Hmm?"

"Tama naman 'tong ginagawa natin diba? Tama naman diba?"

"Don't worry Chan, nasa tamang landas tayo, ginagawa lang natin 'to, para ma tama ang maling gawain ni Dad, don't worry."

Sana nga Kuya, sana nga tama na kalabanin natin si Dad, sana nga.


Hart Moon

The Wife's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon