Fragile 39

56 3 0
                                    

Fragile 39


I laughed nang malagapasan ko ang gate. Kung akala ng Ashton na iyon na mapapunta niya ako sa opisina niya. He got it wrong. Gamit ko ang isang sasakyan sa bahay. Hindi ko ito masyadong ginagamit dahil bigay ito ni Vicente. Buti nalang at naisipan kong ito muna ang gamitin ngayong araw.



Mag-isa nalang ako sa aking kuwarto. Umuwi na kasi si Theia sa bahay nila. I guess tapos na ang ayaw ng mga magulang niya?



The next day, I decided to go for a swim in the pool. Walang naka schedule na gala naming magakakaibigan ngayon. Dalawang oras ang ginugol ko sa paglangoy bago ko napagdesisyonang huminto na.

Nagpalit ako ng damit tapos bumaba na. Napahinto ako sa huling baitang nang makita kung sino ang nakaupo sa sofa sa sala. Lalagpasan ko na sana nang mag-angat ito ng tingin. Tumayo ito at naglakad patungo sa akin.



Inikotan ko siya ng mata at tinungo ang kusina. How did he come here without notice? Ano papagalitan niya ako sa ginawa ko sa anak niya? Isn't it days too late for that? isang linggo na yata ang lumipas doon?



I treated him like an unwelcomed wind. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa paglalakad. Nang marating ko ang kusina kumuha ako ng baso. Binuksan ko din ang refrigerator para makakuha ng tubig.


"I heard what you did to Therese" Vicente said


Nasa may counter lang ito nakatayo. Ang katawan ay nakasandal sa dingding ng kusina.
What now?


Hindi ako nagsalita. Hinayaan siya kung ano man ang sasabihin nito. I waited for the hurtful words he might spit but it didn't came.

"I was hoping that you might lessen bullying your sister?"


Sister? She's not my sister. I don't have one


Nang maubos ko ang aking ininom ay umalis na ako. Nilagpasan ko si Vicente pero sumunod ito sa akin. 


"I don't want you to hurt yourself in process while bullying your sister, Daenah" he sighed when he didn't hear any words from me



"Please take care of yourself, anak"

I feel sick when I heard 'that' word. When will be the time that this asshole be gone from this world? I can't wait for that time to come.


His every word, every actions and everything about him is disgusting. Kahit kailan hindi ko siya matatanggap sa buhay ko. Hindi ko matatanggap na isa siya sa nagbigay ng buhay ko sa mundong ito.

"I deposited money in your account yesterday. Buy anything you want."


Huli niyang salita bago siya umalis sa bahay. Laglag ang mga balikat nito habang paalis. Kung sa ingin niya ay madadala niya ako sa nakakaawang mukha nito, then he's wrong. I will never pity him.


Nagkulong ako sa aking kuwarto magdamag. I didn't eat for the whole day dahil wala akong gana.


The next day, nagyaya si Hailee na magshopping daw kami. Pumayag ako kasi wala naman din akong ginagawa.


Nasa isang restaurant na sila sa BGC nang dumating ako. Kumain muna kami bago nagpasyang mamili ng damit. Paperbags printed with famous brand are on my both hands.



Tops, pants, dresses, and shoes binili ko lahat nang magustuhan ko. Wala akong pakialam maubos ko man ang pera ni Vicente. Tutal hindi naman sa kanya iyon. He stole that money.



Naglalakad kami sa isang mall ng BGC nang makita ko si nerd. Paano ito nakakagala sdito gayong mahal ang mga tinda dito. As far as I know he's just a scholar of the school.


Nagpalingon-lingon si nerd na tila ba may hinahanap. Saglit lang ay napako ang tingin nito sa aming gawi. He's still wearing his eyeglasses. White tshirt and a faded maong jeans, iyon ang suot nito.


Napataas ako ng kilay nang maglakad ito papunta sa amin. Did he came her for me or he have some errands to do? Either way it's convenient for me. May tagabitbit na ako.


"Oh!" inabot ko sa kanya ang aking pinamili


My friends were shocked when they saw nerd. Nagtaka din marahil sila kung paano napadpad si nerd sa mall na iyon.


"You texted him?"  Hailee asked


"No! I don't have his number"


"How come?" Saniyah asked too


"I don't know? Ask him"

"How come you're here nerd?" tanong ni Elowyn


"May pinuntahan lang ako sa taas" 



"Bring our things too. Masakit na ang kamay ko" si Theia sabay abot din sa paperbag na hawak 


Agad na napuno ang magkabilang kamay ni nerd. Sa dami ba naman ng pinamili naming anim.


Tinungo naman naming nag isang jewelry store. Habang namimili ang mga kaibigan ko ay lumapit si nerd sa akin. He said a news that made me smile.

"Tomorrow, I will reveal Raffy's dark secret"

Fragile [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon