Fragile 61
My days with Dash went smooth. Basically my third year in college went peaceful... but not too peaceful. May mga babae pa din kasing lumalapit dito na nagpapairita talaga sa akin.
Days passed in calm. My friends got a little busy with their life kaya kaunti nalang ang mga araw kung magkita kami. Unlike noon na araw-araw kaming magkakasama ngayon apat na araw nalang sa isang linggo at may mga panahon pang hindi kami kompleto.
Si Therese ay nakabalik na din sa pag-aaral. Sila pa rin Raffy. Sa tuwing nakikita ko naman sila sa hallway o sa cafeteria, civil lang ang pakikitungo ko sa kanila. If she would greet me I would just nod my head at them.
Si Vicente naman ay hindi pa nahuhuli ng mga pulis. Patuloy pa rin itong pinaghahanap. He didn't call me again after his last call coz Dash made me change my phone after that. Kung saan man ito nagtatago ay walang nakakaalam. At wala pa rin nagbabago sa naramdaman ko sa kanya. I still hate him.
"You two are together again. Kailan ba kayo mabubuwag?" nag-angat ako ng tingin kay Penny
Kakarating lang nito sa tambayan naming na may dalang libro sa kamay. I never thought that she looks good while hugging the books in her arms. Time and people around us can really contribute of our little change.
I gave a smile at Penny at humilig sa balikat ni Dash. Napaikot ng mga mata si Penny doon.
"I didn't say anything about you with your man, Penny."
"He's not my man"
Nagkibit balikat ako sa sagot niya. But I know very her well.
"If you say so"
Inakbayan ako ni Dash habang ang isa nitong kamay ay may hawak na libro at abala sa pagbabasa. This nerd!
"Sina Elowyn?" she asked
"May lakad daw"
Penny stayed for a while until someone called her in the phone kaya umalis ito kaagad pagkatapos ng tawag. Nagsimula nang magkakulay ang mga buhay nila. I am happy for them.
"Are you done?" Dash whispered
Nakatanaw ako sa papalayong likod ni Penny habang unti-unti itong natatabunan ng mga estudyante. Nang hindi ko na siya makita ay bumaling ako kay Dash.
"Kanina pa. Ikaw?"
"Almost but we can go if you want"
Dash already graduated last March. Nandito lang ito sa University para daw i-manage ang paaralan na pagmamay-ari nito. Pero alam namin pareho kung ano talaga ang dahilan nito.
It's my last year in college. He's here to support me with my studies and help me as well. Hindi muna ito kukuha ng master's degree dahil plano nito sabay na kaming dalawa pagkagraduate ko.
"Pwede ba akong hindi muna papasok sa class ko?" nanlalambing na tuno ang ginamit ko
Simula noong makasama na kami ni Dash ay perfect attendance na ako sa lahat ng klase ko. I miss cutting classes. Namiss ko ang pagpunta sa mall with my friends habang may klase dapat akong pinapasukan.
"Nope, Daenah. This is your last year dapat seryoso ka na"
"I am serious" giit ko
"We'll go anywhere you want this weekend basta papasok ka lang sa klase mo ngayon"
I pouted. Wala na akong nagawa kundi pumasok sa klase dahil nakabuntot ito sa akin. Dahil nga siya ang may-ari ng paaralan nakiki-sit in na din ito sa lahat ng klase ko.
He won't leave me, like what he had promise. Halos sa condo na din niya ako natutulog. Kung uuwi man ako sa bahay ay doon din ito natutulog. I have my things in his condo and he have his things in my house.
"Where do you want to go tomorrow?"
Biyernes ngayon at walang pasok bukas. Kakatapos lang ng huling klase ko ngayong araw. Dala nito ang mga gamit ko habang pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan niya. Pagkatpos kong mailagay ang aking seatbelt, binuksan nito ang pinto sa backseat upang mailagay doon ang aking mga gamit. Pumunta na din ito sa driver's side pagkatapos.
"Have you thought any place?" he asked as he turn the car engine on
"I want to go to Baguio..." mahina kong sabi na hindi sigurado. Gusto ko rin sana sa Batanes o di kaya ay sa Sagada.
"Hmm?" sinulyapan ako ni Dash bago minaobra ang sasakyan palabas ng gate
Nang nasa daan na kami ay inabot nito ang aking kamay para mahawakan. Isang kamay lang nito ang may hawak sa manibela. I can't help but to stare at him.
How can this nerd be so masculine with his specs on?
"Baguio?" he asked glancing at me for seconds bago ibinalik ang mata sa daan
"Yeah" sagot ko
Sa susunod nalang siguro ang Batanes at Sagada. We still have lots of time together. We have all the time to forever.
BINABASA MO ANG
Fragile [COMPLETED]
General FictionDaenah Santos- all she wants is to take revenge for her poor mother. Live poor and treated poorly her mama died. She got nothing, she thought...