Fragile 51

64 3 0
                                    

Fragile 51



"Mama, who's the boy in our sala?" tanong ko kay mama pagkapasok ko sa kusina



Kakarating ko lang galing school at pagkapasok ko pa lang sa bahay naming ay may lalaking kasing edad ko lang na nakaupo doon. Nanonood ng tv at pagkakita sa akin ay ngumiti lang ito sabay balik ng tingin sa pinanood. I wanted to ask his name and what is he doing in our house but I'm not really good at talking to strangers.



Agad ko din naman nakita si mama sa kusina kaya dumeritso ako dito para sa kanya magtanong. Mama's slicing a brownie from a pan and putting it in a small plate.



"Oh, princess! You're here!"




Nagmano at humalik ako sa pisngi ni mama. Yumakap sa braso nito habang nanonood sa paghihiwa ng brownie.


"Mama who is he?"


"Bagong kapit-bahay natin. Dito muna siya iniwan ng mommy n'ya dahil may emergency. Wala namang makasama sa bahay kaya dito muna s'ya. It's okay, right?" bumaling si mama sa akin at hinalikan ang sintido ko

Napapikit ako doon. Hinigpitan ang yakap sa braso niya.


"Yes, mama. Though, he's a stranger..."



"He came from a good family, princess. Kilala sila bilang matulungin. Kilala din ang pamilya nila sa business world"



"They're known?"



"Uhuh?" tumigil si mama sa paghiwa at tinakpan ang natirang brownie sa pan "Be a good girl and give this to the new friend of yours"


Napailing nalang ako sa huling turan ni mama. She expect me to be friendly.

Bitbit ang tray na may lamang brownie at orange juice pinuntahan ko ang lalaking nakaupo pa rin doon. Humiwalay ang tingin nito sa pinanood at napatingin sa akin. Tumayo ito sa kinauupuan.



Inilagay ko naman sa coffee table ang dala ko at inilapit ang tray palapit sa lalaki. He smiled at me when I looked at him.



"Snack from my mama"


"Thank you"


Naupo ako sa kabilang sofa. Naupo na rin ito. I'm still wearing my school uniform. I usually go straight at my room after I greet mama but this time we have an unexpected visitor. Also, mama wants me to be friend with him. Hindi ko rin naman siya pwedeng iwan na walang kasama dito sa sala. That would be rude.

"I am Owen Dash-"




"Green" naputol ko ang sinabi niya


Nakuha kasi ng atensyon ko ang kulay ng mga mata nito. Iyon ang unang beses na nakakita ako ng ganoong kulay ng mga mata. Usually I only see it in movies. Mas maganda pala tingnan kung sa totoong buhay makakita ng taong kulay green ang mga mata.



"My eyes?"


"Yes. They're green"



I stared at his eyes in awe. Parang gusto ko iyong titigan araw-araw at ganito pa rin ang reaksyon ko.


After that day we became close with Green. He's always at our house every afternoon. Pagkagalling ko ng school naroon na siya sa bahay, nagbabasa ng libro.



He would help me with my assignments. Minsan din ay nasa kusina siya pagkarating ko, nagpapaturo kay mama kung paano magluto.



"You don't go to school?" I asked him one time.


Kakatapos lang namin sagutan ang assignment ko sa math. Hindi naman iyon mahirap kaya ko naman but he still helped me.


"I'm home schooled for this year"


Kaya pala may oras ito sa bahay tumambay. He got close with mama. Nakiki 'mama' na din ito kay mama nang bigla isang araw. Natutuwa naman si mama doon.


Masaya ang bawat araw na dumaan sa amin. Lagi kong naabutan si mama at Green sa kusina at nagluluto habang ako naman ay nanonood lang sa kanila at taga-tikim ng kanilang niluluto.


Ang akala ko walang katapusan na ang kasayahang iyon. Pero bigla nalang isang araw naabutan ko si mama mag-isa sa kusina na nagluluto. Nagtaka ako nang hindi k0 makita si Green.



"Mama, si Green?" tanong ko pagkatapos kong humalik sa pisngi ni mama



Mama's eyes become sad when I mentioned Green. Matagal ito bago sumagot. She sighed first. Shifted her whole body so she could focused on me.



"He's in the garden, Daenah. He has something to tell you"


"What is it mama?"


Hinaplos ni mama ang pisngi ko at inipit ang takas kong buhok sa likod ng aking tenga.

"Puntuhan mo s'ya. You two talk."



Tumango ako kay mama. Tinahak ko ang pinto palabas ng bahay at umikot para makapunta sa maliit na garden ni mama. Doon naabutan ko si Green na nakasakay sa paborito kong duyan. Nakaupo lang siya doon at nakayuko ang ulo. He look sad. Very sad.


Did something bad happened?

Fragile [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon