Prologue

17.1K 279 25
                                    

"Yung F4 na sana tayo kaso babae yung isa!" natatawang pang aalaska ni Aticus kaya siniko sya nito.

"Magtiwala ka lalake 'tong kapatid ko!" gatong ko at inakbayan ko sya.

"Hindi tayo magiging F4 dahil bakla 'tong kapatid ko." maarteng saad nya at inirapan nya ko kaya nagtawanan kami.

"Mas madami pa ngang babaeng ibig makipagdate sayo kaysa sa amin...unfair!" reklamo ni Rajan.

"Magpalda ka din para ayain ka nila ng date Rajan..." simangot nya sa kaibigan namin dahil ayaw nyang pag usapan yung mga kababaihan na ibig syang maka-date.

Inakbayan ko yung kapatid ko at bago pa ko magsalita ay poker face na 'tong nakatingin sa akin kaya natatawa na ko ngayon pa lang.

"Yuji, tama na sa katangahan at lubayan mo ko please!" at napaikot sa ere yung mga mata nya sa akin.

"Yves naman tama na sa pagiging KJ! Hindi mo ikagaganda yan!" sabi ko.

"Limot mo na? Gwapo ako di ba?" sarcastic na saad nya kaya nagtawan kami nina Rajan! "Napakasama talaga ng tadhana na nakauwi tayo ng Pilipinas at wala akong choice para magkaroon ng bagong kaibigan! Yung normal na kaibigan! Jusmiyo ang panget pa ng kambal ko kung hindi ka ba naman masuklam!" dugtong pa nya na lalo naming kinatawa. Para talaga syang si Mommy...napakapikon kapag joke time ni Dada.

Mayamaya ay nagtago sya sa likod ko at ang higpit ng pagkakahawak nya sa polo ko! Gago 'to si Mommy pa nagplantsa nito kung makalukot sya!

"Yves naman!!" inis na bulong ko.

"Gusto mong ipagkalat kong umiyak ka ng tinuli ka?" mahinang banta nya! Tang ina bakit ang hilig nyang mang ungkat ng nakaraan?? Lagi nyang panakot yung picture na yun!

May grupo ng kababaihan ang papunta sa gawi namin kaya naman sina Rajan at Aticus ay todo ayos ng mga sarili nila.

"Hi?" nahihiyang bati nung leader ng cheering squad sa amin.

"Hello Harper..." pa-cute na sagot ni Rajan.

"Upo kayo." alok ni Aticus sa grupo ni Harper at naramdaman ko yung mariin na pagtagos ng mga kuko ng kapatid ko sa likod ko.

Arayyyy! Jusko po napakasakit!

Feeling ko kung isisigaw ko yan ay dadagundong sa buong vacinity ng  school! Promise parang may sumabit na pusa sa likod ko!

"Hi Yuji..." nakangiting bati nila kaya alanganin akong ngumiti. Napasandal yung noo ng kapatid ko sa likod ko na kinapigil ko ng tawa.

"H-Hi---Y-Yves..." kanda katal nyang bati sa kapatid ko na kinatigalgal nina Rajan. Boses palang alam mo na kung sino talaga yung target nya!

Nakarecover lang ako ng marinig ko yung mahinang mahina na mura ng kapatid ko sa likod ko.

Haist!

Kinuha ko saglit yung cellphone ko at kunwaring may binasa.

"Naku! Girls nagtext sa akin si Mommy at pinapapunta kami sa principal's Office...." sabi ko at kinaladkad ko na yung kapatid ko.May iaabot sana yung si Harper pero hindi sya nililingon ng kapatid ko.

"Ang panget ng palusot nyo." sabi ni Aticus habang naglalakad kami papuntang rooftop. Mamayang 1pm pa kase start ng next subject namin.

Napatingin kaming magkapatid sa kanya. Maayos naman yung excuse namin.

"Alam ng buong madla na nasa Berlin ang mga magulang nyo...nasa business expo ang mga Santillan ngayon." natatawang saad ni Rajan na kinangiwi naming magkapatid. Si Mamita nga pala ang kasama namin ngayon. Papaliko na sana kami sa isang kanto paakyat sa hagdan ng may nahagip ang mga mata ko.

Anong ginagawa ng hudas na 'to dito??

Ang nag iisang nilalang na ayaw ni Dada sa mundong 'to!!

Kinalabit ko si Yves at tinuro ko sa kanya kung sino yung nakatayo sa registrar office!

"Gago talaga!!!!" mahinang bulong ni Yves dahil sa frustration. "Hindi na talaga ako makakaahon sa kamalasan!" saad nya at hinila na nya ko paliko sa hagdan para hindi sya makita nito.

Nasa kalagitnaan na kami ng hagdan ng mapansin naming wala yung dalawa! Nagkatitigan kaming magkapatid at sabay nanlaki yung mga mata namin. Jusko sana hindi tama yung idea na pumasok sa mga isip namin!

Napabalik kami paibaba at nagkubli sa kanto ng dingding.

"Oo! Kaibigan namin sina Yves at Yuji Arcelo. Super close kami sa dalawang yun." pagmamayabang at pagpapacute ni Rajan. Tang inang dalawang 'to gugulpihin ko talaga sila mamaya!

"Hindi naman talaga F4 yung binubuo naming grupo....One Direction talaga yung ideal naming buuin...isasali ka namin para lima na tayo." sabi ni Aticus.

"Oo Blair magugustuhan kang isali sa grupo namin ng kambal na yun...mukhang mapagkakatiwalaan ka naman eh." sabi ni Aticus!

"Glad to hear that..." ngising tagumpay ng hudas na umakyat ng ligaw sa bahay namin nung nakaraang linggo! Kapal ng mukhang nyang magtransfer pa dito!

"G-guguho ang mundo ko Yuji....Gusto ko na talagang bumalik ng Madrid o kahit sa Berlin wag lang dito!" naiiyak na saad ni Yves bago kami tumuloy ng rooftop. "Gagawin ko ang lahat makick out lang sa school na 'to at mapadala na tayo sa abroad! Hindi talaga ako papayag na dito ako magkokolehiyo!"

Hindi ako papayag na mawalangya ang kambal ko ng isang yun. Ayaw namin ni Dada sa kanya! Hindi sya mananalo sa amin!

Iiyak sya ng buo buong dugo bago sya makapangligaw sa kapatid ko.

....................

Yes! Wish granted guys! Welcome to Yves Santillan Arcelo's Story! Bali third Santillan Series 'to. Una yung kina Yvie at Andrea na Courting Andrea's Parent (Nasa Dreame na) tapos yung kay Orange at Puffy na Second Color of the Seven.

Sa mga nakaunang nabasa sa series ng mga magulang nina Yves at Yuji eh mas maganda feel na feel nyo yung pagwawala ni Yvie at Gale sa story na 'to🤣 sa mga hindi pa eh wala akong ipapaliwanag kapag may nalito🤣 ang hirap na kase magthrowback. Though makakasabay naman kaya lang iba pa din talaga eh! Kapag may nagreklamo na hindi nila naintindihan eh wala na kong magagawa. Hindi masaya talaga na magthrowback🤣 Review review na hahahaha bago tayo magstart kahit yung last three chapters ng Courting Andrea's Parent. Nandun kase kung paano umakyat ng ligaw si Blair sa bahay nina Yves.

Hold tight and laugh hard dahil mild romantic comedy muna tayo🤣

I need feedbacks regarding sa expectation nyo sa story na 'to.

Vote and Comment

Thank you for reading

~dark19

Dating Mrs. Arcelo's Daughter (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon