A #16

2.6K 107 11
                                    

" are you ok monique? Biglang sabi ni ken sakin.. nag talo pa si Ozzy at ken na wag na sumama sa Trial dahil nga sa mga nalaman.. si ken yung tipo na tahimik  pero traidor kumilos at bubulagta ka nalang ng hindi mo alam...


"nakaupo na ako sa tabi ni attorney Salerno at nasa likod namin si Jay at yhana at katabi nito si primo at nasa likod si ken, Ozzy at trace na nakamasid sa paligid... nakakainis pa ang tingin ni vera, freya at linnett lalo na ng makitang may kasama akong bago sa paningin nila... mga ahas na bruha..



Flash back!!!

"wow naman Mrs. Corpuz hindi ko alam na bukod sa sikat at kilala ang attorney mo eh.. totoo pala ang chismis na gwapo ito.. malanding sabi ni vera sa harap namin..

Sumilip pa si freya sa likod ng makita si primo habang akbay si yhana ang asawa nito.. rinig ko rin ang pag ubo na pilit ni linnett sabay nguso kung san nandun ang mag pinsan nasi ken at trace, 

"Bakit ngayon ka lang nakakita ng totoong tao.. hirit ko pa, dahil bigla kong nakita si kevin  at dhalia na papalapit at napahawak ako sa braso ko kung san dun ako nasaktan ni blaze im mean ng kevin na yun,  ng bumulong si Jay sa gilid ko. at nauna na kaming pumasok sa loob kung san nandun na ang judge


End of flashback...

" Tumayo si attorney Salerno para kausapin si dhalia kung san siya ang unang humarap samin... ramdam ko ang tingin ni kevin sa gilid ko pero wala nakong pakiaalam.. ginagawa ko ito para sa mga anak ko at mananalo ako sa patas na paraan..


" Mrs. Ortega nag imbistiga kami at nag tanong tanong bago ang insidente.. rinig kong sabi ni attorney kay dhalia..



"Totoo ba na ikaw ang unang sumugod sa kwarto kung san nandun ang niririklamo?



"O-oo dahil hinanap ko ang asawa ko? Balik na sagot ni dhalia kay attorney.



"Pero nandun nga ba at nakita mo ba na nandun sa kwarto si Mr. Ortega, balik na sabi ni Attorney kay dhalia na biglang natahimik at tumingin sakin ng masama..



"At nalaman ko din na dun natulog si Mr. Parmer sa kwarto ni Mrs. Corpuz kaya imposible na nandun ang asawa mo.. kaya ng hindi mo makita ang asawa mo sinugod mo si Mrs. Corpuz dahil sa galit.. balik na sabi ni attorney salerno ng biglang tumayo si dhalia at dinuro pa ko habang sumisigaw ito.



"Malandi yang babaeng yan at inakit ang asawa ko... pag iiba ng topic ni dhalia na galit na galit...


Quiet rinig namin sabi ng judge.. sagutin mo ang tanong Mrs. Ortega nakita mo nga ba sa loob ng kwarto ang asawa mo.. na kinatahimik ni dhalia..at naupo uli..



H-hindi? Bulong ni dhalia?



"See at ang ginawa lang ng kliyente ko ay ipagtanggol ang sarili niya ng sumugod ka at hindi alam ng kliyente ko na buntis ka kahit ang asawa mo hindi rin alam, singit pa na sabi ni attorney Salerno kay dhalia na namumula na sa galit at inis at ang sama ng tingin sakin...



"bulungan ang naririnig ko sa loob ng court room.. marami pang tinanong si attorney Salerno pero karamihan dun.. walang imik si dhalia na halatang hindi napag handaan ang mga tanong ni attorney Aleister..


"Mrs Corpuz tawag sakin ng attorney sa kabila... " totoo ba na sinabi mo na si Mr. Ortega ang nawawala mong asawa..


"Yes balik na sabi ko.. at nakatingin lang ako sa mga kamay kong nanginginig at basa na din ng pawis...



#8 (BLAZE CORPUZ )✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon