Chapter 1

2K 76 0
                                    



LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 1

Unedited...

"Sweetheart!" tili ni Rose habang palapit kay Matter na may dalang korals.
"Hey, careful," natatawang sabi ni Matter dahil baka mapano si Rose. Ang cute nito tingnan at ang hot sa suot na red bikini.
"Look! Ang laki ng nasisid kong corals!" masayang anunsiyo ng dalaga at itinaas ang dalawang bitbit.
"Hindi bawal 'yan?" tanong ni Matter.
"Gusto kong ilagay sa aquarium," nakalabing sabi ni Rose. "Sige na, please?"
"Fine," pagpayag ni Matter kaya napatalon sa tuwa si Rose.
Dalawang buwan na silang kasal at kahit paano, hindi pa nagkakaproblema. Nagkatampuhan lang minsan pero naaayos din naman.
"Let's go?" tanong ni Matter pero umiling si Rose.
"Later. Gusto ko pang sumisid."
"Hindi ka talaga nagsasawa sa dagat?"
"Never," sabi ni Rose. "Kahit kailan, hindi ako magsasawa 'cause I'm a mermaid."
She loves ocean. Bata pa lang siya ay pangarap na niyang magkaroon ng sariling resort at malapit nang makamit iyon dahil ibibili siya ni Matter ng private resort.
Mayaman sina Rose at laki sa layaw. Kung tutuusin, hindi na niya kailangang magtrabaho pero nasanay siyang maghanap buhay bata pa lang.
Niyakap siya ni Matter mula sa likuran.
"I love you, sweetheart," bulong ni Matter at inamoy ang mabangong buhok ni Rose.
"I love you too," sagot ni Rose saka humarap kay Matter at ipinulupot ang mga kamay sa leeg ng asawa. "Ikaw lang ang mamahalin ko habambuhay."
"Promise?" tanong ni Matter na kunyari ay hindi naniniwala.
"Yep!" ani Rose saka tumingkayad at masuyong hinalikan si Matter sa mga labi.
"I love you," bulong ni Rose nang magkahiwalay ang kanilang mga labi. "Tara, mangisda tayo."
"Huh? Ano 'yon? Di ako marunong."
"Ako marunong. Magdala tayo ng bangka, mamingwit lang tayo," sabi ni Rose.
"Magpalit ka muna kaya? Baka may ibang makakita sa 'yo," suhestiyon ni Matter.
"Ayaw." tanggi ni Rose. Sinadya niyang mag-twopiece talaga. Half-brazilian siya kaya mestiza siya na hindi naman niya nagustuhan. Madalas siya sa dagat at nagbibilad ng katawan para maging tan. At sa ganitong habit, saka niya nagustuhan ang pamimingwit.
"Hindi ko alam kung ano ang gusto ko, sweetheart," napailing na sabi ni Matter.
"Gusto ko?" napaisip na ulit ni Rose habang naglalakad palapit sa bangka.
"May bahay at lupa na tayo," paalala ni Matter.
"Gusto kong simple lang," ani Rose kaya napangiti si Matter. Isa sa nagustuhan niya sa asawa ay mabait ito at simple lang kahit na mayaman naman talaga.
Sexy starlet si Rose na pinasikat nina Red Villafuerte na nagmamay-ari ng agency. Nasa kasagsagan ng kasikatan nang pumayag siyang magpakasal kay Matter. Ayaw niyang masira ang career niya kaya hindi pa muna siya pumayag na magpabuntis kay Matter dahil mahirap na.
Habang namimingwit, hindi maiwasang mapahanga ni Matter sa gandang taglay ng asawa. Ito na yata ang pinaka-perfect na scenario sa buhay niya. Sariwang hangin. Malinis na paligid at maganda na, mabait pang asawa.
Hinawi ni Rose ang buhok na nililipad ng hangin saka tumayo.
"Kyah! Sweetheart, may nabingwit ako!" tili niya.
"Wow!" sabi ni Matter dahil wala pa siya. "Ang galing mo talaga mag-fishing."
"Kaya nga nahuli kita eh," biro ni Rose na ikinatawa ni Matter.
"Ako na ang kusang lumapit sa pain mo," pilyong sabi ni Matter.
"Sana ganito ka-simple ang buhay natin," ani Rose. Pinagmasdan ni Matter ang mukha ng asawa. Tuwang-tuwa ito habang nakatitig sa nahuling isda na kasing laki ng palad niya.
"May problema ba, Matter?"
"Wala. Gusto ko lang sabihin na inlove ako sa 'yo," sagot ni Matter. Noong una, ayaw nina Star at Moon kay Rose pero dahil ipinakita nito ang tunay na ugali, saka ito nagustuhan ng mga kapatid at ngayon ay nakuha na nito ang loob ng mga magulang lalo na ng ama niya.
"Ako rin," natatawang sabi ni Rose. "Inlove rin ako sa napakaguwapong asawa ko."
Nang mataas na ang araw, bumalik na sila sa resort ng kaibigan ni Rose na tinutuluyan.
"Sweetheart?" tawag ni Matter kay Rose na nakadungaw sa bintana.Lumapit siya rito at niyakap sa bewang.
"Hmm?"
"May gift ako sa 'yo," sabi ni Matter sabay bigay ng maliit na box sa asawa.
"Ano 'to?" tanong ni Rose.
"Open it."
Excited na humarap si Rose kay Matter saka naglakad pabalik sa kama saka naupo.
"Ano 'to, sweetheart?" tanong niya habang binubuksan.
"Ingat, baka mapunit," ani Matter kaya naging maingat si Rose.
Bumulaga sa kaniya ang puting papel kaya napakunot ang noo niya.
"Wa--Matter," nanlaki ang mga mata niya habang pinagmasdan ang papel. "No way!"
"Nagustuhan mo ba?" magiliw na tanong ni Matter.
"Y-Yes..." naiiyak na sabi ni Rose. "I super duper like it!"
Titulo ng ibinebentang resort ng kaibigan niya na ngayon ay nasa pangalan na niya.
"Oh my ghad! Totoo ba 'to?"
"Yes," sagot ni Matter. Totoong saya ang ipinapakita ni Rose kaya natuwa siya. Well, alam kasi niyang mahilig ito sa resort at noong una nilang apak sa resort na iyon ay napamahal na ang asawa. Nalungkot lang ito nang malaman niyang ibenebenta na pala ang resort kaya hindi na nagdalawang-isip pa si Matter na bilhin ang resort na iyon.
----------------------
Kagaya ng nakagawian, nasa private resort ang mag-asawang Rose at Matter.
"Ang ganda talaga rito," puri ni Rose at nilanghap ang sariwang hangin. "Let's go fishing?"
"Unmm? Let me sleep first," iaantok na sabi ni Matter.
"Sige na. Kung ayaw mo, ako na lang po," ani Rose.
"Please close the curtain, sweetheart," pakiusap ng huli dahil sobrang liwanag ng buong silid.
Muling isinara ni Rose ang kurtina at bintana kaya natulog ulit si Matter.
"Sweetheart?" paglalambing ni Rose. "Breakfast is ready."
Dumilat si Matter at niyakap si Rose.
"Morning," bati ni Matter.
"Morning. Kain na tayo?"
"Sure," ani Rose. Birthday niya ngayon me at gusto nga ni Matter na masolo siya.
"Gift ko?" pabirong tanong ni Rose.
"Baby?" pilyong sagot ni Matter saka pumaibabaw sa nakahigang dalaga.
"Soon," ani Rose. "Handa na rin naman ako kaya baka pwede na nextmonth."
"Really?" bulalas ni Matter. Siyempre gustong-gusto na niyang magkaanak. Mahilig pa naman siya sa mga bata.
"Yes. Patapusin mo lang ang project ko na ito at gagawa na tayo ng baby," sabi ni Rose at niyakap ang asawang nakadagan sa kaniya.
"Sweetheart?" tawag ni Matter. "Alam mo bang excited na ako sa baby natin?" Siyempre iyon na lang ang  inaabangan nina Skyler at Sky mula sa kaniya.
"Hindi halata," natatawang sabi ni Rose.
Yumuko si Matter at masuyong hinalikan ang asawa.
"Sweetheart? May nabili akong--"
"Resort na naman?" pabirong tanong ni Rose.
"No," tanggi ng binata. "It's an island."
"W-What?" hindi makapaniwalang tanong ni Rose at napatutop ng bibig.
He can't afford to hurt her. Sa sayang nakaukit sa mga mata ni Rose, wala siyang lakas para bawiin ang sinabi.
"Yes, bumili ako ng isla para sa atin. Alam kong pangarap mo iyon para sa family natin."
"P-Pero Matter, hindi mo na kailangang gawin iyon. Okay na ako sa buhay natin," sabi ni Rose kaya napangiti si Matter.
Alam niyang mauubos ang mamanahin niya kung bibilhin niya ang isla pero may mas mahalaga pa ba kaysa sa babaeng mahal niya? She changed him. Kinalimutan niya ang bisyo para mas mahalin ng kaniyang asawa.
"Pera lang 'yan, Rose. Ang mahalaga sa akin ngayon ay mapasaya ka."
"M-Matter..." mangiyak-ngiyak na wika ni Rose sabay yakap nang mahigpit sa asawa. "N-Napakaswerte ko kasi nakilala kita."
"No, mas maswerte ako kasi ipinakilala ka ng barkada sa akin," sabi ni Matter.
"Hmm? Kain na tayo, nagluto ako nang masarap na ulam," yaya ni Rose.
Nang matapos silang mag-breakfast, nag-sun bathing si Rose kasama ni Matter.
"Do you think bagay sakin ang morena?" tanong ni Rose. Kung ang iba ay gustong pumuti, siya naman ay desperadong maging morena.
"Kahit ano maganda ka naman," sagot ni Matter saka tumayo.
"Tara maglakad-lakad tayo," yaya ni Matter saka inabot kay Rose ang kamay para tulungan itong makatayo.."Hindi na healthy ang araw."
Binitiwan ni Rose ang kamay ni Matter saka tumatawang tumakbo.
"Rose!" tawag ni Matter kaya napatigil ang asawa at lumingon sa kaniya. "I love you!" sigaw niya.
"I hate you!" malakas na sigaw ni Rose saka tumatawang tumakbo.
Napailing si Matter habang pinagmamasdan ang masayahing asawa.
Soon, gagawa sila ng isang buo at malaking pamilya sa island na iyon.
"La isla de la Pescadora" (The Fisherwoman's island) bulong niya. Iyon ang ipapangalan niya sa islang iyon. Someday, matutupad ang lahat ng pangarap nila ng kaniyang asawa.

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon