LA PESCADORA ( The Fisherwoman )
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 26
Unedited...
"Bakit ka nandito?" tanong ni Venize nang pagbukas niya ng pinto para patukain ang ilang alagang manok ay nasa tapat ng tarangkahan si Matter. Maaga pang umalis si Nene dahil sasama ito sa mga kaibigang manghuli ng talangka.
"Morning," nakangiting bati ni Matter.
"Anong drama to?" Napansin niyang may bitbit itong maleta.
"Hindi ko na kaya magbayad ng hotel kaya baka puwede makituloy?"
"Maghanap ka ng hotel!" Isasara na sana niya ang pinto pero maagap si Matter at napigilan siya.
"Pababayaan mo akong gagala sa tabing-dagat?"
"Bakit hindi?" Alam niyang nagdadrama lang ito. Sa yaman nito, impossibleng hindi nito kayang magbayad.
"Psh! Ba't ba ang hirap mong suyuin?" singhal ni Matter.
"Tumahimik ka nga. Tulog pa ang bata!" saway ni Venize.
"Papasukin mo na 'ko, hon," pakiusap ni Matter dahil nakaharang pa rin si Venize sa pinto.
"Alis na!" pagtataboy ni Venize. "At wag mo akong matawag-tawag na honey!"
"Honey kita."
"Tumigil--ano ba!" muntik na siyang matumba nang itulak ni Matter para makapasok ito. "Masakit! Labas ka na!"
"Hon--" Hinawakan niya si Venize sa kaliwang braso. "Uwi na tayo."
"Nandito ang bahay ko!"
"Hindi ito. Makinig ka, Venize Jamesem Ramirez! Uuwi na tayo dahil hinihintay na tayo ng panganay natin. Huwag na nga nating pahirapan ang sarili natin. Pamilya tayo. Ano ang balak mo kay Gas? Kung hindi ko pa kayo natagpuan, wala ka talagang balak na magpakita sa akin? Kung may problema ka, 'wag mong idamay ang MGA anak natin!" mahabang sabi niya na sadyang diniinan ang salitang mga. "Hindi lang si Ocean ang nabuo natin at muli na naman tayong pinagtagpo. King ina! Pag makuha ko ulit si Gas, lalayas ka na naman bitbit sa sinapupunan mo ang pangatlo nating anak?"
Tinulak ni Venize si Matter. "Wala nang pangatlo! Isa pa, tahimik na ang--"
"Hindi tahimik ang buhay namin ni Ocean dahil wala ka! Hindi mo ba naintindihan? Ano ba ang iniintindi mo? Ang kasal ko? Wala na kami ni Rose. Hindi ko na siya asawa bago pa tayo magkita sa isla. Bakit ganyan ka?" nahihirapang paliwanag ni Matter. "Venize naman, pagbigyan naman natin ang sarili nating sumaya at bumuo ng pamilya. May pamilya na tayo oh. Buoin na lang natin. Anak mo naman si Ocean ah. Ne minsan ba hindi mo pinangarap na magbuo tayo?"
Napabuntonghininga si Venize. Kapag ba magkabalikan sila, matatanggap ba siya ng pamilya nito? Ang hirap nang makitungo lalo na't may nauna na sa kaniya.
"Wala kang problema kina Mommy at Daddy," sabi ni Matter saka hinawakan ang kanang kamay ni Venize. "Sige na, mahal naman kita e."
"Nay?"
Napalayo si Matter nang biglang lumabas ang bata sa kuwarto at napatingala kay Matter. Namula bigla ang magkabilang pisngi nito saka napatakip sa baba.
"Magsuot ka nga ng panty!" ani Venize dahil baka isipin ni Matter, pinabayaan niya ang anak nila.
"I-Iihi ako," nahihiyang sabi ni Gas saka tumakbo patungo sa banyo.
"Naghuhubad talaga siya tuwing umaga," paliwanag ni Venize.
"Ako rin," ani Matter at napatitig sa mukha ni Venize.
"Lumabas ka na."
"Sa haba ng paliwanag ko, wala ka talagang naintindihan, noh?"
"Wag ka na kasing manggulo!"
"Guguluhin kita dahil ina ka ng mga anak ko! Ayaw kong lumaki ang magkapatid na magkahiwalay!" giit ni Matter.
"Ven?" tawag ng boses sa labas.
"Dito ka lang!" sabi ni Venize nang titingnan sana ni Matter.
"Ven? Gising na ba kayo?" muling tawag ni Genard.
"Balita ko nanliligaw siya," ani Matter.
"Tahimik! Huwag kang lumabas!"
"Sige, itago mo pa ako sa kerido mo!" gigil na sabi ni Matter pero tinalikuran lang siya ni Venize.
"Bwesit!" pagmamaktol ni Matter pero nanahimik nang makita si Gas na nakatingala sa kaniya.
"Tapos ka nang umihi?"
"Opo," sagot ng bata. "Si Nanay?"
"Nasa labas, nagpapaligaw!" diretsahang sagot ni Matter.
"Kay Tito Genard?"
Naikuyom ni Matter ang kamao. "Alam mo? Okay lang sa 'yo?"
Tumango si Gas kaya mas lalong kumulo ang dugo ni Matter at pinaypay ang anak.
"Halika, anak. Lapit kay Tatay."
Lumapit naman si Gas kaya kinandong siya ni Matter.
"Ako ang tatay mo, ha? Dapat isa lang ang tatay mo at bawal ang ligaw-ligaw! Hindi puwede 'yon. Ang asawa, dapat isa lang. Dapat siya lang ang katabi sa pagtulog ng nanay mo at siya lang ang nasa bahay. Hindi puwedeng dalawa ang tatay mo, okay?" pangungumbinse ni Matter sa anak.
"Tatay--"
"Sssh..." ani Matter at pinatayo ang anak nang marinig ang mga yabag ni Venize. "Secret lang natin 'to pero bawal si Nanay na humanap ng ibang tatay ha. Dapat loyal ka sa akin. Bili kita ng maraming ice candy."
Bumukas ang pinto saka pumasok si Venize. Nakaupo si Matter sa sala habang nakatayo naman si Gas sa harapan nito.
Pinag-aralan niya ang mag-ama. Tahimik ang mga ito pero alam niyang binabantayan lang nila ang kilos niya.
Tinitigan niya si Matter na sa kaniya nakatingin. Nginitian siya nito pero inirapan niya saka dumiretso sa kusina.
"Kumain ka na, Gas." Sabi niya.
Sumunod si Gas kaya kumuha siya ng shorts at panty para ipasuot sa anak.
"Nay?" tawag ni Gas na nakaupo na sa mesa.
"Kumain ka na," aniya habang nilalagyan ng kanin ang plato ng anak.
"Hindi ba kakain si Tatay?"
"Busog siya," walang ganang sagot ni Venize saka kumain na rin.
Hindi pa rin umaalis si Matter pero tumayo ito.
"Nanay? Sasama na ba tayo kay Tatay?"
"Hindi!"
Ngumuso ang anak niya. "Pero gusto ko makita si Kuya Ocean."
"Makikita mo siya pero hindi ngayon."
"Sabi ni Tatay, dapat hindi ka nagpapaligaw," mahinang sabi ni Gas habang nakatitig sa plato.
"Sinabi niya 'yon?"
Tumango si Gas.
"Di ba kapag tatay, isa lang 'yon?" inosenteng tanong niya.
"So, tinuruan ka niya, huh?"
"Hindi ko siya tinuruan," sabat ni Matter na lumalapit sa kanila. Naupo siya sa harap ng mag-ina niya. Pahamak din 'to si Gas e. "Natutunan nila 'yon sa school. Na kapag nasa bahay, haligi, ilaw at mga anak lang ang meron. Walang anay dapat! Gas? Sabihin mo nga sa nanay mo na hindi tamang maghanap siya ng iba. Dapat isa lang tatay mo!"
Napahigpit ang hawak ni Venize sa kutsara. "Gas? Pasabi sa ama mo na isa lang dapat ang asawa! Hindi dalawa!"
Napatingin si Gas sa ina na nakakunot ang noo. Sa murang edad, nahihirapan siyang intindihan ang madami nilang sinasabi.
"Anak," malumanay na sabi ni Moon at hinawakan sa balikat ang anak. "Pasabi sa nanay mo na wala naman akong ibang babae. Matagal na akong walang asawa. Dapat alam niya 'yon."
"Pasabi sa ama mo na umuwi na siya!" ani Venize na tinaasan ng kilay si Matter.
"Pasabi sa nanay mo na hindi ako uuwi hanggat hindi kayo kasama!" Matapang na tutol ni Matter saka sinalubong ang mga mata ni Venize.
"Mula nang nakilala kita, nasira na ang buhay ko! Lahat ng pangarap ko, nawasak na dahil palagi mo na lang akong iniiwanan ng resonsibilidad! Pagod na ako sa 'yo, Matter!'
"Hindi kita iniwan! Ikaw ang kusang tumakas!" pakipagsagutan ni Matter kaya napapikit si Venize para kontrolin ang sarili dahil baka makapatay siya ng wala sa oras.
"Kung ako ang naging dahilan ng pagkawasak ng buhay mo, hindi ko iyon pagsisisihan dahil alam kong ako pa rin ang bubuo ng pagkatao mo," mahinang wika ni Matter.
"Hindi mo kasi naiintindihan," ani Venize. Mahirap kasing may nauna nang nagustuhan ang parents ni Matter para dito. Isa pa, naunawaan naman niya ang mga ito pero masakit lang na nakiusap ang mga ito na lumayo muna siya kay Matter noon. Sa mabuting paraan, pinaramdam nila sa kaniya na tutol sila. Siguro napaka-emotional lang siya noon dahil buntis siya kay Gas pero hanggang ngayon, nandoon pa rin ang sakit lalo na sa tuwing maalala niya ang pagkasuklam sa mga mata ng mga pinsan ni Matter. Wala naman siyang nagawang mali maliban sa nabuntis siya bago pa man ikinasal sina Matter at Rose. Nanliliit siya.
"Pagbigyan mo ako na ayusin ang lahat ng nawasak sa atin, Ven. Please naman oh," pakiusap ulit niya at hinawakan ang kamay ng dalaga.
Pareho silang napatingin kay Gas nang umiyak ito.
"Gas/Gas," sabay na wika nila.
"Ikaw kasi!" galit na sabi ni Venize saka hinagod ang likod ng anak. "Tahan na."
Niyakap niya si Gas at hinarap si Matter. "Kung wala ka nang sasabihin pa, makakaalis ka na."
"Mahal kita. Mahal ko kayo ng anak ko at walang makakapigil sa akin."
"Hindi kita mahal!" matapang na sabi ni Venize. "At hindi na ako babalik pa sa 'yo."
Natigilan si Matter. Ngayon lang siya naganito nang harapan. Iba kasi si Rose. Papatayin muna siya bago aminin ang totoo pero si Venize, aaminin nito ang totoo para mamatay siya.
"K-Kung ang inaalala mo ay ang sinabi noon nina Mommy at Daddy, dahil natakot lang sila na masaktan ulit ako pero hindi ibig sabihin nun, ayaw na nila sa 'yo. Mahal kita kaya sana kalimutan na natin ang nakaraan. Maglilimang taon na ang nakalipas. Move on naman tayo dahil nahihirapan na ako," pakiusap niya. "Ba't ba ang tigas ng ulo mo?"
"Hindi ko na alam kung paano pa kita pakisamahan, hindi ko na kabisado ang ugali mo."
"Mahal kita at iyon ang hindi nagbago," malungkot na sabi ni Matter saka lumabas ng bahay kaya napapikit si Venize. Marami na ang nagbago at mahirap nang ibalik ang lahat. Takot siya.
Pagkatapos nilang kumain, niligpit niya ang pinagkainan at pinaliguan ang anak dahil hahango sila ng isda kina Mang Lando para ilako. Kinausap na niya si Genard na hindi na siya magtatrabaho pa dahil ayaw niya ng gulo kay Micah. Alam niyang nalungkot ang binata. Naging mabait si Genard sa kaniya pero noon pa man ay inamin na niyang wala siyang nararamdaman para dito at wala itong aasahan sa kaniya.
"Haist! Kainis!" gigil na sabi niya nang makita ang maleta ni Matter sa sala. Kaunti na lang at puputok na ang ugat niya sa binata. Kasama si Gas, lumabas siya ng bahay at pumunta sa daungan para kumuha ng ibebentang isda.
"Ilan ba?" tanong ni Mang Pablo.
"Bente singko kilo lang po," sagot niya para may pang ulam at bili lang sila ng bigas.
"Nakita ko siya," ani Mang Pablo.
"Wala akong pakialam!"
Ngumiti si Mang Pablo. Kilala niya ang mga Villafuerte dahil madalas nasa Paradise island ang ilan sa mga ito pero mas kilala niya ang mga Lacson. Si Matter, dalawang beses lang niya ito nakita at mukhang hindi siya namumukhaan ni Matter nang magkita sila sa hotel ni Joel. Siguro dahil hindi naman talaga sila nagkausap noon.
"Hindi mo sila matatakasan lalo na't alam na niyang nandito kayo."
"Mang Pablo, ayaw ko na munang isipin siya. Nakaka-stress," sabi ni Venize at binitbit ang timbang puno ng isda habang si Gas ay bitbit ang isang kilo ng bangus na bigay ni Mang Pablo. Kapag mabenta niya ito, sa kaniya na ang pera.
"Mauna na po kami. Balik na lang ako kapag ubos na."
Hindi pa market day kaya magtatiyaga muna siyang maglako.
"Isda!" sigaw niya habang nakabuntot ang anak. "Bilisan mo, para hindi tayo abutin ng tanghali."
Patakbong sumabay si Gas kaya binagalan niya ang paglalakad.
"Isda kayo riyan!"
"Isda po," mahinang sigaw ni Gas habang nakabuntot sa ina.
"Ito ba talaga ang gusto mong mangyari?" malungkot na tanong ni Matter habang sinasalubong ang mag-ina niya pero nilagpasan lang siya ni Venize.
"Venize Ramirez!" sigaw niya habang nakakuyom ang kamao. "Ito ba ang buhay na gusto mong ibigay sa anak ko?"
Pero sa halip na sagutin, ipinagpatulog ni Venize ang paglalakad.
"Isda! Isda kayo diyan!" sigaw ni Venize kaya padabog na hinabol ni Matter ang mag-ina niya.
May lumabas ng bahay at lumapit kay Venize para bumili.
"Tatlo eighty po," sabi ni Venize at ibinigay kay Kuya ang isang supot. Wala nang kilo-kilo.
"Bibilhin ko na ang lahat ng isda na 'yan!" pikong sabi ni Matter kaya napatingin ang ilang tao sa kanila na nakatambay sa kalsada.
Nang makabayad, binitbit na naman niya ang timba pero inagaw ito ni Matter.
"Pakiusap, Ven," pagmamakaawa ni Matter. "Nahihirapan akong makita kayong ganito."
"Masaya ako," mahinang sabi ni Venize.
"Pero si Gas, masaya ba? Napakabata pa niya. Please, makinig ka naman oh," konti na lang talaga at magwawala na siya.
"Ito ang buhay na gusto ko, sana huwag mo na kaming dalhin sa mundo mo," mahinang sagot ni Venize.
"Kung hindi kita madala sa mundo ko, hayaan mong ako na lang ang papasok sa mundo mo," wika ni Matter.
Bitbit ang baldeng may isda, nauna siyang maglakad sa mag-ina niya.
"Isda!" ubod lakas na sigaw ni Matter habang padabog na naglalakad at walang pakialam sa mga tumitingin sa kaniya. "Potang ina! Isda kayo diyan!"
BINABASA MO ANG
LA Pescadora
Romanceby: sha_sha0808 Ash Simon PROLOGUE UPNEXT... "LA PESCADORA" (The Fisherwoman) "Kung ako ang naging dahilan ng pagkawasak ng buhay mo, hindi ko iyon pagsisisihan dahil alam kong ako pa rin ang bubuo ng pagkatao mo."--Matter. Si Rose: Sikat, maganda a...