29

2K 92 3
                                    


LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 29

UNEDITED....

"Nanay!" masayang sabi ni Ocean saka mahigpit na niyakap ang ina. "N-Nanay," umiiyak na wika niya at isinubsob ang mukha sa dibdib ng ina na. "B-Bakit hindi mo ako binalikan? Ayaw mo na ba sa akin?"
Napakagat si Venize ng ibabang labi nang tumulo ang kaniyang mga luha. Sobrang na-miss niya ang anak at hindi pa niya inakalang muli silang magkikita.
"N-Na-miss kita, anak," sabi niya at mahigpit na niyakap ang panganay. "N-Naalala mo pa ako?"
Kumalas siya mula sa pagkakayakap at pinahidan ang mga luha ng anak. Tumango si Ocean at nginitian siya.
"Sabi ni Tatay, babalik ka pa eh." Tumingala siya sa amang nakangiti habang nakatingin sa kanila.
Tumayo si Venize at hinila si Gas mula kay Matter.
"Baby? Si G-Gas pala, kapatid mo," pagpakilala ni Venize. Napasiksik si Gas sa likuran niya.
"M-May kapatid ako?" manghang tanong ni Ocean at sinilip ang cute na bata sa likod ng ina.
"Oo, si Gas," natatawang sagot ni Venize. "Gas? Labas ka na. Ayan na kuya Ocean mo oh."
"Hello, Gas," bati ni Ocean at pinuntahan ang kapatid pero tumakbo ito sa likod ng ama at doon na naman nagtago.
"Gusto mo habulan?" nakatawang tanong ni Ocean. "Andiyan na 'ko."
"Kyah!" tili ni Gas saka tumakbo palabas ng bahay.
"Hayaan mo na," pagpigil ni Matter. "May yaya sila sa labas. Tara sa taas."
Sumunod si Venize kahit na gusto pa niyang makasama ang anak. Umiba ba ang bahay. Tila hugis barko ito tingnan sa labas. Kahit sa loob, puro matitibay na yari sa kahoy ang mga gamit tapos may halong kawayan ang dinding kaya malamig kahit na walang aircon.
Tapos sa gitna ng bahay, may tila maliit na ilog patungo sa pool at sa kusina. May maliit na bangka rin kaya anytime ay puwedeng mamangka ang mga bata dahil may mga isda.
"Gusto mo ang interior design?" tanong ni Matter habang paakyat na sila.
"Y-Yes," sagot ni Venize. Ito ang dream house niya.
"See? I made it. Sabi ko sa 'yo hindi impossible ang dream house mo eh," pagmamalaki ni Matter.
"Thank you," sagot ni Venize. Pumasok sila ni Matter sa kuwarto. Ang laki ng master's bedroom nila.
"Halika," yaya ni Matter saka hinila ang dalaga patungo sa bathroom.
"M-Matter," usal niya nang sa halip na bathtub, malaking kawa na may petal of roses ang nandoon. Iniwan siya ni Matter at hinawi ang makapal na puting kurtina kaya lumiwanag ang bathroom at nakikita nila ang mga puno sa labas at magandang view ng villa.
"Kapag gusto mong mag-relax, puwede nating i-open ang curtain. See? Marami rin ang ibon," ani Matter.
"Wow, ganda," manghang bulalas ni Venize.
Lumapit si Matter saka hinawi siya sa bewang. "We still have two hours para sa party."
"H-Ha?"
"It is my father's birthday kaya inaasahan na nila tayo sa mansion."
"M-Matter--"
"Don't worry, Ven, ako ang bahala. Hindi ko kayo iiwan."
Alanganin pero walang nagawa si Venize kundi pumayag na dumalo sa party.
Nag-dinner muna sila bago nagbihis.
"You look great," puri ni Matter habang nakatitig kay Venize nang matapos i-makeover ng personal stylist ng pamilya.
White dress ang suot nito katerno ng silver sandal katerno ni Gas.
Si Ocean naman ay nagtila minime rin ni Matter dahil terno rin sila.
Ngayong gabi, pormal na ipakilala na siya ni Matter sa buong pamilya.
"Sa tingin mo, okay lang ang suot ko?" nag-aalalang tanong ni Venize. Sanay naman siya sa bestida pero ang mga makakasalamuha niya ay hindi basta-basta.
"Be confident and be you, hon," ani Matter at hinalikan sa noo ang kasintahan. "Make it natural."
"O-Okay," sumunod si Venize sa garahe. Kahit na malapit lang ang main mansion, magkokotse pa rin sila dahil naka-formal dress sila. Marami-rami na rin ang sasakyang narinig nilang dumaan kaya marami na ang bisita.
"Tatay? Si Kuya Ocean hinalikan ako sa pisngi," nakalabing sumbong ni Gas.
"Maganda ka kasi," nakangiting sabi ni Ocean.
"Nagagandahan lang ang kuya mo," sabi ni Matter at nilingon ang dalawa sa backseat. "Behave kayo, Ocean. At bantayan mong maigi ang kapatid mo, maliwanag? Kuya ka na."
"Yes, tatay," sagot ni Ocean at inakbayan ang kapatid.
Limang minuto nang maka-park na sila sa garahe. Naunang bumaba si Matter saka inalalayan si Venize. Hawak ni Venize si Gas habang hawak din ni Matter si Ocean, sabay silang apat na pumasok sa bulwagan. Marami na ang tao at ang iba ay busy sa pagbati ng pamilya. Actually, family party lang talaga ang ito.
"Matter. Bumalik ka na pala," bulalas ni Erika kasama ang kambal na si Lyn.
"Uy, Venize, right?" tanong ni Lyn at inilahad ang kanang kamay. "Nice to see you again."
"G-Good evening po," nahihiyang bati ni Venize saka nakipagkamay kay Lyn. Si Erika naman ay nakipagbeso-beso sa kaniya.
"Mom? Tawag kayo ni Daddy," sabi ni Riffle nang lumapit sa ina.
"Excuse me," paalam ni Lyn at iniwan na sila.
"Nanay? Ang ganda ng ilaw," puri ni Gas. "Wow, may cake!" tuwang-tuwang sabi niya nang makita ang 5 layers cake sa gitna ng mesa.
"Huwag kang sumigaw," mahinang saway ni Venize.
"Halika, hon," yaya ni Matter. "Ocean? Doon kayo sa mga pinsan mo. Laro kayo roon," utos niya sa anak dahil magkaiba ang table ng mga bata.
Inakay niya si Venize palapit sa round table ng team galaxy.
"Venize," natuwang bati ni Star. "Long time no see."
"H-Hello," naiilang na bati ni Venize at napatingin sa nagagandahang babae sa table.
"Kilala mo na sila, right?" tanong ni Matter saka muling pinakilala si Venize sa mga kapatid at asawa nila.
Nasa gitna siya nina Matter at Moon at sa harap naman ay sina Star at Chummy. Mabait ang mag-asawa sa kaniya kaya nabawasan ang pagkailang niya.
"Tama na nga 'yan!" saway ni Matter at inagaw ang alak kay Moon. "Hindi pa nag-uumpisa ang program."
"Kanina pa 'yan," sabat ni Sun at umakbay kay Shine.
"Mind your own business!" naiiritang sagot ni Moon. "Ang asawa niyo na lang kaya ang atupagin ninyo?"
"Maghanap ka rin ng asawa!" naiinis na sabi ni Dust.
"Dito?" tanong ni Moon at iginala ang paningin pero mga pinsan ang nakikita. "Kung kasing tapang mo ako, why not?"
"Moon!" saway ni Matter dahil susugod na sana si Dust.
"Just kidding," bawi ni Moon. "No offense, bro. Alam mo namang mahal ko kayo."
"Sanay na 'ko!" pagtataray ni Angela saka pinandilatan si Moon na nag-peace sign sa kaniya.
Mabait naman si Moon sa kaniya dahil kinakausap siya nito kapag ma-bored na. Ang dami ngang tanong e. Pero kapag hindi niya masagot, nginingitian lang siya nito. Ngayon lang niya na-appreciate ang kaguwapuhan ng team galaxy. Magkakaiba sila ng mukha pero may times na pareho sila ng pag-uugali.
Naramdaman niya ang paghawak ni Matter sa kamay niya sa ilalim ng mesa.
"Bored ka na?" bulong ni Matter. Umiling siya.
"Okay lang ako."
"Really? Parang hindi," ani Matter saka nginitian si Venize. Inilapit niya ang mukha sa tainga ng kasintahan at bumulong, "Palit tayo."
"H-Ha?"
"CR ako, samahan mo ako," yaya ni Matter saka tumayo kaya nahihiyang tumayo si Venize at sumama kay Matter sa restroom.
"Kailangan ko bang maghintay ng fifteen minutes para sa quicky ninyo?" prangkang tanong ni Red na nasa likuran nila.
"Baliw!" ani Matter. "Ako lang ang iihi."
Iniwan niya si Venize saka umihi pero wala pang isang minuto, lumabas na ito.
"Bilis ah," ani Red.
"Nahiya ako sa 'yo eh," sabi ni Matter saka inakbayan si Venize. Nang malapit na sila sa table, bumulong si Matter.
"Palit tayo ng upuan."
"Bakit?"
"Basta."
"Bakit nga?"
"Nagseselos ako kay Moon," pag-amin ni Matter kaya napangiti si Venize. "Huwag kang ngumiti! Seryoso ako."
"Baliw ka talaga," sabi niya at hinila ang silya sa tabi ni Seola para maupo si Venize at siya na ang tumabi kay Moon.
Nang magsalita ang ama nila, parang gusto na nilang magtago sa ilalim ng mesa dahil kung anu-ano na naman ang pinagsasabi nito.
"Kailangan ba talaga ipangandalakan na wala akong asawa?" pikong tanong ni Moon saka tinungga ang alak na hawak. Ayaw nga niya mag-asawa e.
Napatingin ang lahat nang isa-isang tawagin ni Sky ang mga apo at umugong ang ingay nang umakyat si Ocean hawak ang kamay ng kapatid nitong si Gas.
"Ang cute. May bunso pala si Matter," puri ni Irene na asawa ni Kean Villafuerte.
Natapos ang program. Isa-isang pinakilala ni Matter si Venize sa buong pamilya.
Wala namang narinig si Venize mula sa mga ito. Nagtatanong lang sila kung kailan daw ang kasal dahil nakadalawa na sila.
"Let' sa dance," yaya ni Matter nang magsayawan na.
"Sina Ocean?"
"Pinatulog na nina Daddy sa taas," sagot ni Matter at inakay patungo sa gitna ng dance floor si Venize.
Hinapit niya ito sa bewang habang nasa leeg naman niya ang mga kamay ni Venize.
"I love you," bulong ni Matter saka yumuko at hinalikan si Venize sa mga labi.
"M-Matter," usal niya nang bahagyang tumigil si Matter pero bago pa siya makawala, muling siniil siya nito ng halik.
Gusto niyang itulak si Matter pero sobrang dikit ng katawan nila. Isa pa, ayaw niyang mag-eskandalo.
Tumigil si Matter nang walang respond si Venize.
"M-May problema ba? Hmm?" malambing na tanong niya at idinikit ang noo kay Venize.
"M-Matter..." alanganing wika ni Venize. Oo at naging sobrang intimate nila noon sa bar pero maliban doon, hindi na siya naging ganito ka-close kay Matter sa harap ng maraming tao.
"Uy, sweet ah," nakangiting puna ni Dale nang napadaan.
"Dale," ani Venize na namumula ang magkabilang mukha. Medyo maliwanag pa naman ang paligid.
"Okay lang 'yan, Ven, masanay ka na," nakangiting sabi ni Dale. "Wala kaming pakialam."
Iginala ni Venize ang mga mata. Oo nga't walang pakialam ang iba. Halos lahat yata ng mag-partner ay naghahalikan. Sina Clouds at Seola, Shine at Sun at iba pa.
"Umalis ka na," pagtataboy ni Matter.
"Bye, Ven. Welcome sa family," ani Dale.
"Lacson ka," ani Matter.
"Angeles," pilyong pagtatama ni Dale saka umalis na.
"Inaantok ka na, hon?" malambing na tanong ni Matter.
"P-Puwede na ba tayong umuwi?" alanganing tanong ni Venize.
"Sure," sagot ni Matter saka inakay si Venize na lumabas ng bahay.
Habang nagmamaneho, napapasulyap si Matter sa magandang babaeng kasama.
Siguro this is the right time na magpakasal muli siya. And this time, sa babaeng ibinigay na talaga ng Panginoon sa kaniya.

-----------------------

Two days nang nasa Maynila sila ni Gas. Medyo naka-adjust na si Gas kay Ocean pero mangha pa rin ito sa masasarap na pagkain lalo na't madalas silang dalhan ng cupcake and cookies nina Taira at madalas naman ang cake mula kay Chummy.
"Hindi ka ba nababagot? Gusto mo sumama sa company?" tanong ni Matter at niyakap si Venize. Nasa kuwarto sila at inaantok pa siya.
"Huwag na," sagot ni Venize saka inalis ang naglalakbay na kamay ni Matter sa tiyan niya paakyat sa dibdib. "Matter naman, kanina ka pa."
"Hmm? Can't--"
"Babangon na ako at maghahanda ng pagkain."
"Maaga pa," sabi ni Matter at niyakap nang mahigpit si Venize saka mabilis na pumaibabaw. "Morning exercise, hon."
"Matter--aray!" daing niya nang pumasok si Matter. Hindi siya handa.
"D-Did I hurt you?" nag-aalalang tanong ni Matter. She's dry. "S-Sorry."
"Ganito ba talaga kapag magsama tayo?" naiinis na tanong ni Venize. Sa loob ng two days, magdamag din sila ni Matter.
"Ayaw mo ba?" tanong ni Matter at yumuko saka inangkin ang kanang nipple ni Venize hanggang sa maramdaman niyang ang wetness nito.
"Wala akong choice," ani Venize saka nakisabay kay Matter. Magaling talaga ito manghikayat kapag kamanyakan ang gagawin nila.
After ng mahabang round, bumangon siya at bumaba para tulungan ang katulong sa pagluluto.
Pasado alas otso na pero hindi pa rin bumababa si Matter kaya nagwalis siya ng bakuran.
"Ma'am? May naghahanap po sa inyo," sabi ng katulong.
"Sino?" tanong niya.
"Hija," nakangiting wika ni Joel na nakasunod sa katulong.
"H-Hey. Sir Joel," masiglang bati ni Venize at sinalubong ang matanda.
"How are you?" nakangiting bati nito saka niyakap si Venize. "Kaya pala hindi ka na sumama sa nagde-deliver."
"Pasok ka po sa bahay," masayang alok niya at pumasok ang matanda. "Ano pong ginagawa mo rito sa Maynila?"
Naupo sila sa sala. Nakiusap si Venize na dalhan sila ng makakain pero tumanggi ang matanda.
"Business," sagot ni Joel at nginitian si Venize. "At dinadalaw ko ang unica hija ko."
"Kumusta na si Rose?" tanong ni Venize.
"She's good. Malapit na siyang gumaling," sagot ni Joel. "Ikaw? Kamusta ka na rito?"
"O-Okay lang po," sagot ni Venize.
"Hindi ka okay," ani Joel kaya iniwas ni Venize ang mga mata. "Naninibago ka pa."
"Okay lang po ako."
"No," giit ni Joel. "Kabisado ko ang mga matang 'yan, Ven."
Napalunok ng laway si Venize saka pinigilang huwag mag-panic. Ganito ang nararamdaman niya kapag kaharap niya ang matanda.
"Matanda na ako. Sooner, mamamatay na ako," ani Joel at sumeryosong tumitig kay Venize. "Marami akong business na maiiwan at wala na akong kamag-anak."
"Nandiyan naman po si Rose," sagot ni Venize.
"Yes," pagsang-ayon ni Joel saka mapait na ngumiti. "My only daughter."
Tumango si Venize.
"Isa lang ang Rose Verzosa," dagdag ni Joel. "The only person who can access my legal properties and accounts."
Napayuko si Venize. Alam niyang may laman ang sinasabi ng kaharap.
"Before my latest wife died, inamin niya sa akin ang totoo. She was the one who killed your father sa gitna ng dagat. I mean, nagpapatay."
Naikuyom ni Venize ang kamao.
"She discovered na buhay pa ang anak namin ng ex-wife kong si Naomi Ramirez," sabi niya. "Your father's sister."
Nakikinig lang si Venize.
"Sabi niya, namatay raw ang bestfriend niya habang nasa gitna ng dagat and then she came to my house, bitbit ang death certificate ni Naomi at ang isang taong sanggol. S-She told me na iyon ang anak namin ni Naomi. And I believed to her stupid lies," tumigil siya para makasagad ng hangin. "I fell inlove to her. Mahal kasi niya ang anak namin ni Naomi. Isa pa, kailangan ko rin ang mag-aalaga sa akin."
Nagbabakasyon noon si Naomi sa probinsya nila sa Leyte habang nasa US naman siya, ngunit tumaob ang bangkang sinasakyan nila kasama ang ilang pasahero. Matagal na niyang kilala si Faye Grace mula pa noong magkasintahan pa lang sila ni Naomi dahil madalas nila itong nakakasama. Turista siya noon sa isla at nabighani siya ng ganda ni Naomi. Tatlong buwang nagsilang si Naomi ng anak nila sa ibang bansa at nagpaalam itong magbakasyon muna sa 'Pinas. Pumayag siya pero dahil sa sakit at trabaho, hindi siya kaagad nakasunod sa asawa.
"Before she died, inamin niya sa akin ang totoo," pagpatuloy ni Joel. "She killed your father to cover the truth," nanginginig ang mga kamay niya sa galit. "Ang batang dinala niya sa tarangkahan namin, was her real daughter sa ibang foreigner."
Nakagat si Venize sa ibabang labi para pigilan ang pag-iyak. "Sabi niya, natuklasan niyang buhay pa pala ang anak ko, The real Rose Verzosa. At para protektahan ang anak niya, pinapatay niya kayo."
"H-Hindi ko po alam ang sinasabi mo," nahihirapang sabi ng dalaga.
"Nang nakawin ni Rose ang yaman ng mga Villafuerte," ani Joel. "T-Then--my real daughter showed up para isauli ang ninakaw ng taong gumamit ng pangalan niya."
Tumayo si Joel nang makitang tumulo ang mga luha ni Venize. "I'm too old, hija. I hope that someday, I can hug my real daughter, the real Rose Verzosa," makahulugang wika ni Joel.
" Psh! She's like her mother," bulong ni Joel bago iniwan si Venize. Alam niyang hindi madali para kay Venize ang lahat. Sana kapag handa na ito, lumapit na ito sa kaniya hindi bilang tigabenta ng isda, kundi bilang totoong anak niya.

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon