32

1.6K 71 0
                                    

LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 32

UNEDITED...

"Punyeta! Ayaw ko nga mag-asawa!" singhal ni Moon dahil siya na naman ang nakita ng ama. "Baka mamaya pati kaluluwa natin nakawin pa niya!"
Nang magwala ito, inakay ni Matter si Venize para lumipat ng upuan.
"Ba't ka nagwawala?" naiinis na tanong ni Sky saka binatukan ang anak.
"Dad naman, nakakainis kasi e. Ako na lang parati ang nakikita n'yo!"
"Gusto mong kumain?" tanong ni Matter kay Venize.
"Busog pa 'ko," sagot ng dalaga.
Kakatapos lang nilang pag-usapan ang tungkol sa kasal nila. Mas pinili nilang pili lang ang bisita at walang media.
"Okay ka lang?" tanong ni Matter nang mapansing matamlay si Venize.
"Okay lang," sagot ni Venize. "Masakit puson ko."
"Meron ka ba?" nag-aalalang tanong ni Matter.
"B-Baka," sagot ni Venize. Naalala niyang ngayong week pala siya dapat magkaroon.
"Akala ko makakabuo na ulit tayo," nakangiting bulong ni Matter at hinalikan sa noo ang dalaga. "Let's go?"
"Sige..."
Balak nilang sunduin sina Gas at Ocean sa school. Medyo naka-adjust na si Gas sa bago nitong school kaya naging maayos na ang takbo ng lahat.
"Dad? Sunduin lang namin sina Ocean," paalam ni Matter.
"Pakisama na nga si Moon," pakiusap ni Sky.
"Wag na! Uwi ako sa bahay ko!" tanggi ni Moon. May sarili na siyang bahay. Kahit na happy go lucky siya, pinagawan siya ni Sky ng bahay. Siyempre mula sa pera ni Moon. Kaysa naman daw igasto lang nito sa walang kuwenta ang pera.
"Mag-anak ka na kasi," pahabol ni Sky.
"Ayaw ko nga! Huwag ninyo akong bigyan ng sakit ng ulo!" hiyaw ni Moon na palabas na ng bahay at kulang na lang ay lalabas sa balat niya.
Lumabas na rin sina Matter at Venize at nagmaneho patungo sa Wedtbridge elementary school. Dati, college lang ang meron sila pero ngayon mula preschool na.
"Tay!" masayang sigaw ni Gas habang patakbong lumapit sa mga magulang.
"Hintayin muna natin si Ocean," sabi ni Matter saka binuhat ang bunso. Sabay silang mag-lunch dito sa CTU dahil buong araw ang pasok ni Ocean.
Pinuntahan nila sa classroom. Habang naglalakad, hindi mapigilan ni Venize na pagmasdan ang mag-ama niyang nasa harapan lang niya. Sino ba ang ayaw ng buong pamilya? Kung sila talaga ang nakatadhana, sino siya para kontrahin ito?
Lumingon si Matter. "Bakit hindi mo kami sabayan?" tanong nito.
Binilisan ni Venize ang paglalakad para sabayan ang mag-ama niya.
"Masakit pa ba ang puson mo?" tanong ni Matter at inakbayan ang fiancèe.
"Medyo hindi na," sagot ni Venize at napangiwi. May naramdaman kasi siyang lumabas.
"Okay ka lang?"
"M-Mukhang meron na nga ako."
"May dala ka ba?" tanong ni Matter na ang tinutukoy ay napkin.
"Oo. Saan ba ang CR?"
"Halika," yaya ni Matter at dinala si Venize sa public restroom para makapaglagay ng napkin.
"Ano? Meron nga?" tanong niya nang lumabas ang dalaga.
"Oo," sagot ni Venize. Napansin niyang biglang lumungkot si Matter.
"Gusto ko na kasing sundan si Gas," mahinang sabi ni Matter.
"Baliw. Hindi pa ako handa," sabi ni Venize.
"Baka napagod lang ang sperms ko," biro ni Matter at muling inakbayan si Venize. "May nextmonth pa naman, hon."
"Nagmamadali ka."
"Last na 'to, hon. Sayang din naman ang lahi natin," natatawang sabi ni Matter. Ang totoong dahilan niya ay gusto niyang maging ama. Mula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak ni Venize. Hindi pa kasi niya naranasan iyon. Sa tuwing makita niya ang mga anak, malaki na. Though, naging hands on naman siya kina Ocean at Gas sa klase.
"May pa-party si Lola Aira sa atin sa Batangas," sabi ni Matter. Habang nasa CR si Venize, tumawag ang lola niya dahil hindi nakadalo ang mga ito sa meeting kanina tungkol sa kasal nila.
"Sige," sabi ni Venize.
"Resort 'yon, kaya matutuwa ang mga bata," sabi ni Matter. "Three days tayo roon."
Tumigil sila sa tapat ng classroom nina Ocean.
"Tatay? May star ako sa kamay," pagmamayabang ni Gas.
"Very good," puri ni Matter at hinalikan ang kamay ng anak. "Mana ka sa akin na matalino."
Nakaramdam ng panliliit si Venize. Oo, hindi siya katalinuhan noong bata pa siya at hanggang highschool lang siya. Wala na kasi silang pera para pantustos sa pagkolehiyo niya. Ang taga paradise island lang ang scholar sa CPU kaya nangisda na lang siya.
Pero ang pagkamatay ng tatay niya ang nag-udyok sa kaniya na lumuwas ng Maynila at hanapin ang impostor na Rose Verzosa.
"Tatay! Nanay!" masiglang hiyaw ni Ocean habang palabas ng classroom.
"Gutom ka na?" tanong ni Venize matapos humalik sa pisngi niya ang anak.
"G-Gutom na gutom na po ako," naiiyak na sabat ni Gas habang hinihimas ang tiyan. "H-Hindi ninyo ako pinapakain."
Nagkatinginan sina Matter at Venize. Heto na naman at nagdadrama naman ang bunso nila.
"Tara, kain na tayo," yaya ni Matter saka pumunta sa canteen. Iniwan niya ang mag-ina saka siya na ang nag-order ng pagkain nila.
Masayang nagkukuwento ang dalawang bata sa mga magulang habang nagkakain. Nang sabihin ni Matter na pupunta sila sa Batangas, napatalon ang dalawa lalo na't sinabi nilang dagat ang pupuntahan.
"Ice cream?" tanong ni Matter.
"Yehey!" sabay na wika ng mga bata.
Umalis sila sa canteen at lumabas sa school para pumunta sa ice cream house na nasa tapat ng Westbridge University.
"Sa taas na po kayo, sir," sabi ng babae dahil puno na sa baba.
"Doon na kayo sa taas," sabi ni Matter para siya na lang ang pipila pero nagpaiwan si Gas sa kaniya.
"Apat na milk chocolate almond please," order ni Matter at napatingin sa binatilyong kakapasok lang saka inilapag ang helmet.
"Good afternoon, sir," bati ng mga empleyado. Ngumiti ito kaya lalong naningkit ang mga mata.
"Good afternoon," sagot nito. "Bumalik ba siya?"
"Uy, si Sir may crush do'n," biro ng mga empleyado. Agad na tumalikod ang binatilyo nang bumukas ang pinto.
"Kuya Matter," masiglang bati ng magandang dalagitang kakapaso
"Ba't ka nandito, Tin?" tanong ni Matter.
Itinaas ni Tintin ang card.
"Lifetime unli ice cream ako dito, 'di ba?" sagot ng dalagita at ipinakita ang card sa nagtitinda na mukhang kilalang-kilala na siya. Pasimpleng isinuot ng binatilyo ang helmet at lumabas muli.
"Sir, here's your order po," magalang na sabi ng babae kaya nagpaalam na si Matter kay Tintin na aakyat sa mag-ina niya.
Lacson si Tintin pero Montenegro ang Lola Nicole nito kaya malaki rin ang shares nila sa Westbridge at mas minabuti niyang dito mag-aral kaysa sa CTU.
"Wow!" bulalas ni Gas nang makita ang dala niyang ice cream. Isa sa mga nakakatuwa sa mg anak niya? Marunong mag-appreciate sa mga simpleng bagay dahil nasanay sa hirap ng buhay.
"Ubusin n'yo 'to ha," ani Matter at inilapag ang ice cream. Napasulyap siya kay Venize habang kumakain ng ice cream.
" Thank you, Lord," bulong ng isip ni Matter. Wala na siyang mahihiling pa sa Panginoon sa tuwing pagmasdan niyang masaya ang mag-ina niya.

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon