5

1.5K 67 2
                                    


LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 5

Unedited...

"Congrats. Hindi ka pa rin kumukupas," bati ni Blue kay Rose na kakalabas lang ng bagong teleserye at dumoble ang rating nito kaysa sa kalabang teleserye sa kabilang network.
"Salamat, Tito Blue," pasalamat ni Rose.
"Mukhang nagkamabutihan na kayo ng screen partner mo ah," ani Blue na may himig ng tukso.
"Mabait naman po siya kaya mabilis mapalagay ang loob ko," magalang na sagot ni Rose. Totoo namang mabait si Paolo.
"Hmm? May iba ka na bang dine-date? Alam mo na, ilang buwan nang--"
"Mahal ko pa rin si Matter at siya lang po ang asawa ko," sabi ni Rose.
"I understand," sabi ni Blue. "Pero maganda ka, hindi maiwasang marami ang magtatangkang masungkit muli ang puso mo lalo na't wala ka pang anak."
Ngumiti si Rose. Halos lahat ng Villafuerte ay ganoon ang sinasabi at medyo sanay na siya. Ang sabi nila, kahit mag-asawa ulit siya, hindi sila hahadlang dahil ang bata pa niya.
"Iyon nga po ang problema, sana nagpaanak na lang ako kay Matter."
"Okay lang 'yon, hindi siguro iyon ang plan ni God."
"Hanggang ngayon, buhay pa rin sa puso ko si Matter," sabi ni Rose.
"Masakit para sa amin ang pagkawala niya pero ganoon talaga."
"Oo nga po. Sana masaya siya ngayon sa achievements ko," sagot ni Rose at nagpaalam na kay Blue dahil may mga negosyo pa siyang aasikausin.
"Rose!"
Napalingon siya nang may tumawag sa kaniya.
"Clouds," aniya at hinintay ito na makalapit sa kaniya.
"Lalo kang gumanda ah," puri ni Clouds na kapatid ng asawa niya. "Sa'n punta?"
"Sa office. Ikaw?" baliktanong niya.
"Kay Tito Red," sagot ni Clouds.
"Si Seola?"
"Nasa bahay," sagot nito. "Congrats pala sa bago mong teleserye."
"Salamat," pasalamat ni Rose. "Kayo ba? May new album kayo ni Seola?"
"Nextyear na kami magre-release. Mahirap makipagsabayan sa K-pop," biro ni Clouds. Well, half of it ay totoo naman. Hirap makipagsabayan dahil mas minamahal na ngayon ng kabataan ang K-songs kaysa sa OPM.
"Hmm? Kayo pa ni Seola."
Malakas ang tandem ng mag-asawa na naging patok sa masa. Noon pa man, idol na niya ang mga ito at ang Bright star agency dahil magaling mag-handle ng tauhan nila at magaling din magpasikat.
"Focus muna kayo sa baby ninyo," ani Rose.
"Sayang nga eh, hindi ka nabigyan ni Matter ng anak," nanghihinayang n sabi ni Clouds. Napansin niyang lumungkot ang mukha ni Rose. "I mean, okay lang 'yon. May rason kung bakit."
"Yep, pinagsisihan ko kung bakit tumanggi ako noon. Hindi pa kasi ako handa. Kung kailan handa na ako, s-saka pa siya nawala," sagot ni Rose.
"Masaya kami kasi medyo nakabangon ka na. Kaya mo 'yan, tuloy lang ang buhay."
"Huwag ka nang malungkot. Sigurado kami na ayaw ka niyang makita na nagkakaganyan. Si Matter, alam kong nalulungkot din siya sa kabilang buhay kapag nasasaktan ka kaya cheer up!" pagbibigay ng lakas-loob ni Clouds.
"I will. Magiging masaya at matatag ako para sa kaniya," sagot ni Rose at nginitian si Clouds.
"Good. Ireto na lang kita kay Moon," biro ni Clouds pero agad na natawa sa sinabi. "Huwag na pala, hindi ka seseryosohin nun. Isa pa, sigurado akong magwawala si Matter."
Pati si Rose ay natawa rin sa biro ni Clouds.
"Mauna na ako, male-late na ako," paalam ni Rose sa brother-in-law.
------------------------
Two weeks na pero alam ni Matter na iniiwasan na siya ni Venize at nagiging ilang na ito sa kaniya matapos ang halikan nila kaya nang matapos silang kumain ay nilapitan niya ito sa duyan.
"Hi, hindi kayo mangingisda?" tanong ni Matter dahil noong isang gabi, sumama na naman ito sa ama ni Jemson.
"Bukas na," sagot ni Venize. "Kamusta ang sugat mo? Kumikirot pa ba?"
"Hindi na. I think kaya ko nang magbuhat ng mabibigat. Puwede bang sumama ako sa pangingisda?"
"Hindi tayo kasya sa bangka."
"Puwedeng bang tayong dalawa na lang ang mangisda?"
"Hindi ganoon iyon kadali lalo na't wala kang karanasan."
Naupo si Matter sa upuang gawa sa kawayan at pinagmasdan si Venize na nagbabasa ng lumang pocketbook.
"Dapat paaralin mo na si Ocean."
"Nextyear."
"Ang layo. Pano 'yan?"
"Bangka."
"Hindi kaya mapapagod ang bata?"
"Susubukan kong iwan siya kina Jemson."
"Wala ka na bang ibang kamag-anak doon?"
"Wala. Isa pa, mapagkatiwalaan ko--"
"Wala akong tiwala kay Jemson."
Tiniklop ni Venize ang pocketbook saka hinarap si Matter na hindi maipinta ang mukha.
"He likes you, paano mo ipagkatiwala ang kapatid mo sa kaniya?"
"Alam ko, pero may tiwala ako kay Jemson."
"Kahit na ginagamit lang niya ang kapatid mo--"
"Matagal na kaming close at mas kilala ko siya kaysa sa 'yo!" giit ni Venize at sinalubong ang mga mata ni Matter.
"Fine!" pagsuko ni Matter. "Mas kilala mo nga siya sa akin! Pero ayaw ko pa rin siyang mag-aral sa kabilang isla."
"At bakit?" nakataas ang kanang kilay ng dalaga.
"Kasi nandito ka. Paano kung may masamang mangyari sa kaniya?"
"Bakit ba masyado kang concern? Palagi kaming tinutulungan ni Jemson."
"Siguro dahil naiinggit ako dahil may kakayahan siyang tumulong sa inyo pero ako?" Napayuko si Matter. "Isa akong palalamunin. I really wanted to help but I don't know how," desperadong sabi niya.
"Magpagaling ka," ani Venize. "Huwga mo na ngang isipin iyon." Tumayo siya at inilapag sa papag ang libro ni Martha Cecelia. Luma na ito pero hindi siya magsasawang  basahin nang paulit-ulit ang mga akda ng idolo niya.
"Fine!" ani Matter. "Nagseselos ako."
Napahinto si Venize at lumingon sa kaniya.
"A-Alam kong wala akong karapatan pero ayaw ko ng pakiramdam na masaya ka kasama siya," pag-amin ni Matter.
Napatingin si Venize sa karagatan.
Lumapit si Matter sa kaniya saka niyakap siya mula sa likuran.
"I'm sorry pero habang tumatagal tayo, mas lalo akong nahihirapan," paumanhin ni Matter.
"Nasabi mo lang 'yan dahil tayong dalawa lang ang nandito sa isla. Ako lang ang babaeng nakikita mo," sabi ni Venize. Hanggat maari, ayaw niyang samantalain ang kalagayan ni Matter.
"Hindi, una pa lang na pagkita ko sa 'yo, nagagandahan na ako sa 'yo. Alam kong nasa alanganing sitwasyon pa tayo pero Ven, alam kong gusto na kita." Hinigpitan niya ang pagkayakap sa dalaga habang inaamoy ang buhok nito.
Tinanggal ni Venize ang mga kamay ni Matter sa bewang niya.
"Magluluto ako ng mais," paalam ni Venize na sinusubukang burahin sa utak ang mga sinabi ni Matter.
Kompleto sila ng gulay kaya asin na lang ang binibili nila.
Habang nagbabalat ng mais, hindi mawaglit sa isip niya ang sinabi ni Matter.
Hindi pa rin ito pumapasok kaya sinilip niya sa labas. Nakaupo ito sa papag at nililinis ang mga sugat sa dibdib.
"Baliw ka talaga!" wika niya at dali-daling lumabas.
"Hindi ba't sabi ko, bukas mo n linisin 'yan?" galit na sabi niya. Mas matigas pa ito kaysa kay Ocean.
"I'm fine," sabi ni Matter. "Hindi ko na kailangan ng bandage dahil magaling na ang sugat ko. Siguro malalim ito noon dahil matagal maghilom," sabi ni Matter habang hinihimas ang medyo mahabang sugat.
"Magsuot ka na ng damit at pumasok dahil malapit nang maluto ang nilagang mai--ano bah!"
Biglang tumalon ito at hinapit siya sa bewang.
"Bakit mo ako iniiwasan, Ven?"
"B-Bitiwan mo ako!" Sinusubukan niyang makawala pero ang lakas ni Matter kaya mas lalo lang nadikit ang katawan nila.
"Nahihirapan ako sa tuwing iniiwasan mo ako, Ven," seryosong sabi ni Matted habang nakatitig sa magandang mukha ni Venize.
"Hindi kita iniiwasan," sabi ng dalaga at sinusubukang itulak ang katawan ni Matter pero ang tigas nito.
"Do you like me?" diretsahang tanong ni Matter at pinag-aralan ang mukha ni Venize. Namula ang magkabilang pisngi nito kaya napangiti siya. Nakasilip siya ng pag-asa. "Gusto mo ba ang halik ko?"
"Nananaginip ka lang kaya pakawalan mo ako!"
Nanlaki ang mga mata niya nang sunggaban siya ni Matter ng halik sa mga labi. Lalo siyang niyakap nito hanggang sa wala nang space sa mga katawan nila.
Tumaas ang kanang kamay ni Matter at niyakap si Venize sa leeg para mas  lumalim ng halik niya.
Paano na siya makawala sa mga halik ni Matter kung pati kaluluwa niya ay hinihigop nito papasok sa katawan ng binata?
"Ven," usal ni Matter sa pagitan ng mga halik nila.
"Uhmmm..." ungol Venize na gustong lumayo pero wala siyang kakayahan hanggang sa kusa niyang tinugon ang mga halik ni Matter at napayakap na rin sa leeg nito.
Napasinghap siya nang maramdaman ang mainit na kamay ni Matter sa kanan niyang dibdib. Bumaba ang mga halik nito sa leeg niya patungo sa collar bone.
"Ven--" usal ni Matter at pinangko ang dalaga pahiga sa maliit na papag saka dali-daling naghubad ng shorts dahil baka magbago pa ang isip nito. Nag-iinit na siya at alam niyang naiparating niya iyon kay Venize. He's naked. Sila lang ang nasa isla kaya walang nakakakita sa kanila maliban sa kung magising si Ocean.
Babangon sana ang dalaga pero agad na pumatong si Matter sa kaniya.
"M-Mali ito," naguguluhang sabi ni Venize nang yumuko si Matter at hinalikan siya sa leeg. Naramdaman niya ang marahang pagkagat nito sa leeg niya na nag-iwan ng marka.
Tumigil si Matter at ipinantay ang mukha sa dalaga.
"Ang alin?" tanong ni Matter pero ang mga kamay ay nagbubukas ng butones ng dalaga.
"I-Itong ginawa natin," sagot ni Venize at napakagat sa ibabang labi nang bumaba ang mukha ni Matter saka inangkin ang naka-expose niyang dibdib. He's doing it well. Napalunok siya ng laway habang pinagmamasdan ang ginagawa ng binata sa pagkabilang dibdib niya. Expert si Matter.
Tumigil si Matter at nagmamadaling hinubad ang saplot ni Venize. Kakatulog lang ni Ocean kaya sigurado siyang may oras pa sila ni Venize.
Malaya niyang pinagmasdan ang kabuuan ng dalaga. Ang kinis ng balat nitong pantay ang kulay. Mamula-mula rin ang maliit na nipples ni Venize.
Nahihiyang tatakpan na sana ng dalaga ang kaburan gamit ang mga kamay pero agad siyang napigilan ni Matter.
"It's perfect," namamaos na sabi ni Matter. Hindi ganoon kaliit at hindi rin kalakihan ang boobs ni Venize na nasasakop ng malapad niyang mga palad.
Nang hindi makatiis ay yumuko siya at muling inangkin ang sumasaludong nipples nito. Maalat-alat na manamis-tamis ang lasa ni Venize dahil sa hangin. Lasang alam niyang hahanap-hanapin niya.
"L-La--aw!" daing ni Venize nang ipasok ni Matter ang pagkalalaki nito.
"Call me, honey," sabi ni Matter at tumigil pero agad niyang naramdaman ang kahandaan ni Venize kaya agad siyang gumalaw sa ibabaw nito.
"From now on, c-call me honey," ani Matter at binilisan ang paggalaw sa ibabaw ng malambot na katawan ni Venize.
-----------------------------
Hawak-kamay na naglalakad sila sa dalampasigan habang sinusundan si Ocean.
"Sasama ako sa pamamalengke sa bayan," sabi ni Matter.
"Ikaw?" sagot ni Venize. "Bahala ka."
"Huwag na lang pala," pagbabago ng isip ni Matter.
"Ano ba talaga?"
"Dito na lang kami ni Ocean dahil baka makaistorbo pa ako sa inyo ni Jemson."
"Baliw!" sabi ni Venize.
"Makipagkita ka naman talaga sa kerido mo."
"Selos?" biro ni Venize kaya tumigil si Matter at hinawakan ang dalaga sa magkabilang balikat.
"Super. As in selos na selos ako, happy?" piningot niya ang namumulang ilong ni Venize.
"Aray!" reklamo ni Venize pero agad siyang niyakap ni Matter at hinalikan sa mga labi.
"I love you," pabulong na sabi ni Matter kaya natigilan si Venize. One week na silang ganito pero ngayon pa lang sinabi ni Matter ang mga salitang iyon.
"Alam kong masyado pang maaga pero mahal kita, Venize Jamesem Ramirez!" seryosong sabi ni Matter kaya nangingilid ang mga luha ni Venize.
"P-Pero paano kapag bumalik na a-ang alaala mo?" nabahalang tanong ni Venize.
"Do you love me?" seryosong tanong ni Matter at hinawakan ang magkabilang kamay ni Venize. "Just answer me, Ven."
Umiiyak na tumango si Venize. Pinisil ni Matter ang mga kamay niya.
"Then, wala kang dapat na ikatakot."
"P-Paano kapag bumalik na ang alaala mo at--" Humagulgol siya sa pag-iyak. "M-Malaman mong may asawa k-ka na?"
Mapait na ngumiti si Matter at naharap sa karagatan pero hawak pa rin ang mga kamay ng dalaga.
"Kung totoo mang may asawa na ako," aniya at napabuntonghininga. "Ayaw ko na siyang maalala."
Humikbi si Venize. Sanay siyang iwan pero ngayon, parang nakaramdam siya ng takot.
"Ayaw ko na siyang maalala dahil ayaw kong isipin na niloloko lang kita," malungkot na dagdag ni Matter. Kung ano man ang kahihinatnan ng lahat, handa siyang sumugal at handa niyang tanggapin ang pagkakamali dahil sigurado siyang sa piling ni Venize siya lubusang liligaya.

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon