Finale

2.4K 75 1
                                    




LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

FINALE

UNEDITED...

"Huwag kang mag-alala, papaaralin kita," nakangiting sabi ni Venize.
"P-Pero ate--"
"Para na rin kitang kapatid, Nene." Hinawakan ni Venize ang kanang kamay ng dalagita. "Hindi ka ba masaya?"
"Ate Venize, o-okay lang po ba kay Kuya Matter?" alanganing tanong niya.
"Oo naman. Mabait naman si Matter," sabi ni Venize at pinisil ang kamay ni Nene. Ito na lang din ang parang kamag-anak niya kaya hindi niya puwedeng iwan ang bata. "Pagkatapos ng klase, ililipat na kita ng school para may kasama sina Gas at Ocean, okay?"
"S-Saan po?"
"Sa ngayon, sa paradise island muna. Uwian kayo. Di na bale, may bangka naman. Isang tawid lang naman. Siguro mga fifteen minutes ang layo," sabi ni Venize.
"S-Salamat talaga, Ate Venize. Akala ko iiwan na ninyo ako ni Gas," naiiyak na pasalamat ng dalagita.
"Puwede ba 'yon? Eh, magpamilya na tayo."
Niyakap niya si Nene para iparamdam na hindi ito nag-iisa.
"P-Promise, hindi ko po sasayangin ang pagkakataon," pangako ni Nene at pinahidan ang mga luha. Ang saya niya dahil nabigyan siya ng pagkakataong ipagpatuloy ang pag-aaral.
"Ang yaman mo talaga, Ate Venize. Ang ganda at laki ng bahay ninyo," puri ni Nene.
"Si Matter ang mayaman," sagot ni Venize.
"Hmm? Nabalitaan kong mayaman ka rin. Anak ka raw ng negosyante," sabi ng dalagita.
"Huh? Pano mo nalaman?"
"Kalat na kaya ang balita sa pulo. Tayo lang naman ang walang TV doon eh," sagot ni Nene.
"Meron kaya," ani Venize. "Nasira lang."
Pareho silang natawa nang maalala ang pinagdaanan at kahirapan.
"Ang mahalaga, ay ngayon."
"Tama nga po sila, pinagpala ng nasa Itaas ang taong mapagkumbaba, at ikaw iyon, Ate Venize." Naging saksi siya ng kabaitan ng dalaga. Iyong nagbebenta ng murang isda sa mahihirap kahit na kapos din sila. Iyong hindi marunong manlamang ng kapwa at marunong makuntento sa buhay. She deserves everything na meron ito ngayon.
"Sinuwerte lang," ani Venize at napatingin sa pintuan nang pumasok si Matter.
"Magandang umaga po," magalang na bati ni Nene.
"Good morning," bati ni Matter. "Kanina ka pa ba dumating? Kumain ka na ba?"
"Opo, pinakain na ako ni Ate Venize."
Habang kumakain kanina si Nene, masayang pinagmamasdan siya ni Venize. Sadyang pinaghanda siya nito ng masarap na pagkaing hindi pa nila natitikman noon.
"Nakita mo na ba ang kuwarto mo?" tanong ni Matter.
"Opo, ang laki naman po," sagot ni Nene.
"Salamat sa pag-alaga kay Gas noon," pasalamat ni Matter.
"Kumain ka na ba?" tanong ni Venize.
"Hindi pa. Ikaw?"
"Tara, kain tayo," yaya ni Venize. "Kain tayo ulit, Nene."
"Ate, busog pa po ako," tanggi ng dalagita. Sobrang dami kaya ng nakain niya.
"Sige, magpahinga ka na lang muna sa kuwarto mo. Gisingin na lang kita kapag dumating na si Gas. Tiyak matutuwa 'yon," sabi ni Venize. Nasa kabilang bahay pa kasi ang mga anak at nakipaglaro sa anak nina Clouds at Seola.
"Sige po," ani Nene saka umakyat na.
Inakbayan ni Matter si Venize habang patungo sa dining room.
"Kamusta ang lakad?" tanong ni Venize.
"Okay lang naman. Malapit ko nang ma-settle ang lahat."
"Hindi ka ba mahihirapan?" nag-aalalang tanong niya.
"Makaka-adjust din ako," sagot ni Matter. "Magkakaroon na rin ng cellsite sa isla."
Halos lahat ay nasa ayos na. Hindi lang puwedeng magkaroon ng paaralan dahil sila lang naman ang nandoon. Mahihirapan ding mag-online class ang mga bata dahil iba pa rin kapag nasa harapan mismo ang teacher kaya baka magpatayo sila ng bahay sa paradise island. Or puwede ring uwian. 15 minutes lang naman ang biyahe. Bibili na lang siya ng maliit at pinakamabilis na yacht. O di kaya'y magpagawa na lang para sigurado siyang matibay.
"Basta. Saka na natin isipin 'yon."
"Pero Matter, mauubos ang pera mo."
"Pero lang 'yon. May bahay na tayo, isla at mga gamit. Kahit ma zero balance tayo, walang problema. Nagkakilala tayong walang-wala tayo, 'di ba? Kung mawala man sa atin ang lahat, hindi na iyon bago, Ven."
Napangiti si Venize pero siyempre nag-aalala pa rin siya kay Matter.
"What if hindi mo makayanan?"
"Honey naman, namuhay tayo ng ilang buwan. Hindi mo pa nga ako mahal noon, nakayanan ko naman. Ngayon pa kaya? Sina Ocean at Matter, sanay na rin 'yan sa hirap. Saging at mais nga lang pinapakain mo eh," biro ni Matter na ikinasimangot ni Venize.
"Isda at pusit pa," hirit ng dalaga na ikinasama naman ng loob ni Matter.
"Nagtampo ka na naman?"
"Ikaw kasi e," nagtatampong sabi ni Matter saka hinila ang isang silya at pinaupo si Venize. Kanina pa nga siya nagugutom.

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon