18

1.2K 56 0
                                    


LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 18

UNEDITED....

"Cheers to our success!" sabi ko sa mga kasamahan ko saka tumawa.
"Cheers!" sabi nila.
Naupo ako habang umiinom at pinagmamasdan silang nagpa-party.
Tiyak nagwawala na ang mga Villafuerte ngayon. Hmm? Sino kaya ang nahimatay at naatake sa puso? Well, wala na akong pakialam! Ilang taon ko rin namang tiniis ang nakakasura nilang pagmumukha.
Hirap makipagplastikan sa mga taong maarte at madrama. Sina Tita Erika at Lyn, nakakasuka ang pagiging OA at fashionista kuno nila. Oh, I hate Mandy. Puro lang siya pagtataray e wala naman sa tama ang tamang niya.
"Tingin mo, hindi nila mababawi ang pera?" tanong ni Damian sa akin.
"Anong silbi ng plano natin kung basta-basta lang nila iyon mababawi? Wala na silang kapangyarihan doon," sabi ko. Hindi ako ganoon kabobo.
"Nice, Rose. I'm sure gusto ka na nilang ipapatay," natatawang sabi ni Damian. Oh, he's gay pero malaki ang katawan. Well, lahat kami rito ay galit sa mga Villafuerte. They bullied their parents kaya naghihiganti lang sila.
At ako? Gusto ko lang talaga sila ipabagsak. Si Matter ang rason kung bakit nasira ang buhay ng tatlo kong kaibigan. Fucker kasi ang bwesit na 'yon at ewan kung ba't habol nang habol ang mga 'yon kay Matter. They say na hindi ko makukuha si Matter kaya na-challenge ako. Ang mga Villafuerte rin ang rason kung ba't maraming kaibigan sina mommy na nawalan ng negosyo.
I hate them. Akala nila sila na ang makapangyarihan sa mundo. Kung umasta sila, parang mga hari at reyna. They deserve it. Pero kailangan ko sila para mas maging successful ang project ni Dad dito sa 'Pinas.
"They can't kill me," sagot ko saka ngumisi. "Kahit ang mga Lacson."
Of course. Sino ang makakalimot sa mga Lacson na sandalan ng mga Villafuerte kapag gulo ang usapan?
"Wais ka talaga, Rose."
"I know, right?" sabi ko. Nasa pangalan ko ang ari-arian nila. Patayin man nila ako, hindi na iyon mababawi dahil automatic na mapupunta sa beneficiary ko. At dahil wala kaming anak ni Matter, wala silang habol. Sarap sa pakiramdam na ang isa sa malaking sandigan ng business world ay napabagsak ko.
Paano ko nalusutan ang mga Lacson? Simple lang. They can't hurt me dahil mahal ako ng mga Villafuerte. Kapag saktan nila ako, si Matter ang makakalaban nila. Pamilya na ang turing sa akin nina Sky at Taira kaya kahit anong paninira ang gagawin ng iba, ako pa rin ang kakampihan nila.
"Hindi mo ba talaga minahal si Matter?"
"Bakit ko naman mamahalin ang lalaking napaka-corny? Bibili kita ng isla, sa 'yo na ang lahat ng meron ako, mahal na mahal kita," nasusukang mimic ko sa mga pinagsasabi ni Matter noong okay pa kami. Corny. Swerte ko lang dahil kumagat siya sa drama ko.
"Maghanda na lang tayo dahil anumang oras, sasalakay ang mga Lacson."
"Anong silbi ng training ninyo kung hindi kayo lalaban?" tanong ko. Trained assasins din sila at binabayaran para pumatay ng tao. Of course, sa malaking halaga dahil malinis silang magtrabaho. Ako rin. First mission ko ay may mapatay na Villafuerte kahit isa lang. Dapat Lacson pero dahil baguhan ako, sa Villafuerte muna.
"Nakita mo na ba ang mother ng step-son mo?" tanong ni Damian.
"Ew! Di pa. Looking forward to see her," sagot ko at kinuha ang cellphone nang nag-ring na naman. Ang dami kong natatanggap na hate messages sa kanila. Mga sumbat at pagmumura pero natutuwa akong magbasa. Gusto ko 'to. Gusto ko 'tong namamatay na sila sa galit sa akin.
"Balita ko, nagkikita sila ni Matter," aniya.
"Natural, may anak sila. Bobo ka ba?" sagot ko.
"Parang nagkakamabutihan na yata sila," sabi niya kaya natawa ako.
"E di mas mabuti," nakangising sabi ko. "Para mas lalo siyang masaktan."

[VENIZE POV]

Nanonood ako ng balita. Business news to be exact. Nagdeklara ng bankruptcy ang mga Villafuerte at ipinasara ang lahat ng business including Sky's toy factory. Sa ngayon, tikom ang bibig nila ng tunay na dahilan. Marami ang umiiyak at nagdadasal sa labas ng kompanya dahil nawalan ng trabaho lalo na ang factory workers.
Pinatay ko ang TV. Nasa ospital pa rin si Skyler at nagpapagaling. I'm sure lahat sila ay nabahala at namomroblema ngayon dahil buong angkan ng Villafuerte ang naloko't nanakawan.
"Nagsimula na."
Napalingon ako kay Dale na kumakain ng Piatos habang palapit sa akin.
"Tsk-tsk! Kawawang Villafuerte."
"Wala ba kayong maitulong sa kanila?" tanong ko.
"Ang shares nila sa mga Lacson ay naglahong parang bula," aniya saka naupo sa couch. "Somehow, apektado rin kami."
"Wala bang maitulong ang mga Lacson?"
"Hmm? Meron naman. Mapapahiram sila ng pera pero susugal pa rin sila. Business is business. Maliban sa amin, wala nang magtitiwala sa kanila. Nalugi ang lahat ng business nila kaya paano pa sila pagkakatiwalaan ng investors? Nabura na rin sila sa listahan as top 100 na mayamang pamilya kahit sa buong Asia."
"Si Rose," sabi ko. "Siya ang may kagagawan nito."
"We know," pagsang-ayon niya. "My dad warns Tito Sky noon pa pero ayaw nilang maniwala. They trusted her that much. Sinabi niyang kaya naging mabuti ang kalagayan ni Tito Sky dahil alam nitong buhay si Matter. Noong nasa rehab ito, kinausap ng mga Lacson na sa tamang panahon ay babalik si Matter kapag magaling na. Pero ayaw niyang maniwalang sinadyang patayin si Matter dahil mabait daw si Rose at hindi nito kayang patayin ang asawa. Isa pa, tikom ang bibig ni Matter."
"Patayin mo na lang kaya si Rose," suhestiyon ko.
"E di talbog ang pera ng Villafuerte," aniya. They can't kill someone unless, kinakailangan o wala na silang choice. "Walang makakagalaw ng pera dahil nasa international bank na iyon. We have rules. May limit din ang kakayahan ng mga Lacson but my grandparents are trying their best na makatulong at mabawi ang lahat ng nawala."
Napabuntonghininga ako. Malaking kawalan ang Villafuerte sa business world dahil marami ang mawalan ng trabaho lalo na ang mga mahihirap. Sa pagkakaalam ko, kumukuha sila ng PWD lalo na sa factory ng ama ni Matter. Mostly na gumagawa ng toys ay may problema sa katawan o pag-iisip. Paano na lang sila? Kina Black din, mga tagaprobinsya na walang kakayahang makapagtapos ng pag-aaral pero may kakayahan sa naturang trabaho.
"Whatever! Let's hope na mahanap si Rose at magbago ang isip niya," sabi niya. "Pero mukhang malabo. Kaya nga niyang pumatay ng tao e. Alis na 'ko. May pusit pala akong dala."
"Lakas mo ring mang-asar, ano?" sabi ko na ikinangisi niya.
"Alam ko kasing dinadalaw ka niya."
Ayun, naglaho na naman siya. Pasulpot-sulpot lang 'yon. Nandito siya sa Maynila. Ibig sabihin, tutok sila sa kaso ng mga Villafuerte.
Pumasok ako sa kuwarto para maligo. Maghahanap ako ng trabaho para hindi na ako palalamunin ni Dale.
Nakatapis lang ako nang tuwalya nang lumabas na saktong bumukas din ang pinto.
"Matter!" bulalas ko nang makita siya.
"Hi," tipid na bati niya saka dumiretso sa kama. Hinubad ang sapatos at nahiga.
Pumunta ako sa closet saka naghanap ng maisuot. Buti na lang naisipan kong magtuwalya dahil balak ko talagang maghubad ng damit.
Nang makabihis, napasulyap ako sa kaniya. Kahit na tulog na, bakas sa mukha nito ang labis na pagod.
" Sana may maitulong ako," bulong ko.
Lumabas ako at ipinaghanda siya ng pagkain para may mahigop siya paggising niya. Iyon lang ang maitulong ko sa kaniya.
Luto na ang sinigang na bangos kaya pumasok ako sa kuwarto.
Nagmulat siya ng mga mata at tinitigan ako.
"Magpahinga ka muna," sabi ko pero naupo siya at isinandal ang likod sa headboard ng kama.
"Masama ba ako dahil minahal ko siya nang sobra?" mahinang tanong niya. "Masama na ba ako kung hindi ko ipinaalam sa kanila ang tunay niyang ugali dahil umaasa akong magbago siya dahil naibigay ko naman ang lahat sa kaniya?"
Hindi ko magawang sumagot. Ramdam ko kasi ang labis na kalungkutan sa boses niya.
"Minahal ko siya. Ipinagtanggol at mula nang ikasal kami, never ko siyang niloko. Oo, may anak tayo pero dahil one night stand lang iyon pero nang panahong iyon, marupok pa ako at nagdadalawang isip kung mahal ko nga ba siya? Pero nang makapagdesisyon akong ipaglaban siya at pakasalan, hindi ko na siya niloko. Minahal ko pa nga siya higit sa kayamanang meron ako," mahina pero puno ng hinanakit na sabi niya.
"Walang masama magmahal, Matter. Pero sana nagtira ka para sa sarili mo," wika ko.
"My grandfather told me na kapag asawa mo na, dapat ibigay mo ang lahat sa kaniya kahit buhay mo pa ang kapalit," naiiyak na sabi niya. "H-Hanggat sa makakaya ko, pinagtakpan ko siya dahil naging asawa ko siya pero b-bakit pati p-pamilya ko, idamay pa niya?" Umiiyak na niyang sabi. "K-Kasalanan ko kung bakit nagkakaganito ang lahat ng mahal ko sa buhay."
Sa totoo lang, naaawa ako sa kaniya at the same time, naiinis. Mahal ba niya ako? O panakip-butas lang? Alam naman niyang kasal pa siya at nagpapakaloyal pero bakit hindi niya napigilang gamitin ako? Ang katawan ko?
"Ikaw, Ven?" mahinang tanong niya habang nakatingala sa akin. "L-Lolokohin mo rin ba ako?"
"B-Bakit mo natanong?"
"Kasi kapag nagkataon, ako na mismo ang kikitil sa buhay ko," seryoso niyang sabi kaya kinilabutan ako.
"Nakaya kong nawala si Rose pero hindi ikaw. H-Hindi ko matatanggap na sa pangalawang pagkakataon, lolokohin na naman ako. Alam kong nagdududa ka pa sa akin pero handa akong magmahal at masaktan muli dahil pamilya na tayo."
Gusto ko siyang yakapin pero natatakot ako. Ipagkakanulo ko na naman kasi ang loob ko sa taong may asawa na.
"I-Ihanda ko lang ang makakain mo," paalam ko at lumabas na. Nahihirapan akong makita siyang ganito. Noong una kong kita sa kaniya sa bar, napakamasiyahin at pilyo siya. Kahit noong nasa isla, positibo siya kahit na alam niyang tinangka siyang patayin ng asawa niya. Pero ngayon, ibang Matter Villafuerte ang nasa harapan ko. Mahina.

[MATTER POV]

Gusto ko lang siyang makita. Napapawi kasi ang lahat ng lungkot ko kapag nakikita ko ang maganda niyang mukha. Nabibigyan ako ng lakas ng loob para mabuhay. Sila ni Ocean na lang ang kinakapitan ko sa ngayon.
Sirang-sira na ang pangalan ko sa publiko. Na karma na raw ang nangyayari sa pamilya ko dahil manloloko ako ng asawa. Anong alam nila?
Pabalik na naman ako sa mansion dahil may mahalaga kaming pag-uusapan. Lahat ay kumikilos. Lahat ay palihim na hinahanap si Rose pero alam kong kahit na pagala-gala siya o makakasalubong namin, hindi namin siya magawang saktan.
Nang makapasok sa main gate, iginarahi ko ang motorbike saka pumasok sa loob. As expected, nasa loob silang lahat.
"Mabuti at dumating ka na," sabi ni Moon na naiinip na. Pati tuloy kaligayahan nito ay naputol nang dahil sa akin.
"Good evening," bati ko sa kanilang lahat. Alam kong marami ang galit sa akin lalo na ang mga pinsan ko.
"Maupo ka," seryosong sabi ni Lolo Kevin. Hanggang ngayon, wala pa rin si Lolo Skyler. Bawal akong makipag-usap dahil baka mas lalong lumala ang sitwasyon. Kahit si Daddy, ayaw akong kausapin. Wala akong kakampi maliban kina Moon at Star. Sina Clouds at Sun, iniiwasan din ako. Kasalanan ko naman kasi ang lahat.
"May balita ka ba kay Rose?" tanong ni Lolo Kyler.
"Wala ho," sagot ko. Ilang beses ko siyang tinatawagan pero hindi niya sinasagot. Alam kasi naming mate-trace namin siya
"Lahat ng yaman natin ay nasa asawa mo," ani Lolo Kevin. "Ang desisyon ay nasa kaniya. Ngayon, bakit niya nagawa sa atin ito?" tanong niya.
"Kasi niloko siya ni Matter. Sa halip na maalala, iniiwasan niya ito at may bitbit pang bata," sabat ni Tita Keana.
"True, kaya nagawa iyon ni Rose," pagsang-ayon ni Lola Erika. Mabuti pa sila, may pera pang natira dahil Bautista ang napangasawa nila samantalang kami, wala talaga. Hawak ni Rose ang account nina Mommy at Daddy.
"Hindi lahat," sabat ni Lolo Kevin kaya napatingin kami sa kaniya. "Kasal pa rin sila ni Matter," dagdag niya. May ideya na ako sa nais niyang iparating.
"Tama!" pagsang-ayon ni Tito Blue. "Legally, may karapatan pa rin si Matter sa pag-aari niya."
Napatingin sila sa akin kaya napayuko at malungkot na nagsalita, "Hindi ko na siya asawa."
"Kasal kayo," ani Mommy.  "Puwede mo pang mabawi ang kalahati sa kaniya. Merong separation of property. Gamitin mo nga ang utak mo, Matter!"
Nahihiyang hinarap ko sila. "I-I'm sorry kasi nang dahil sa akin, nangyari ang lahat ng ito." Pinipigilan ko lang umiyak. "P-Pero si Rose ang nangtangkang pumatay sa akin. W-Wala akong amnesia," pag-amin ko sa kanila kahit na nakakahiya.
"What?" gulat na tanong ni Mommy pero ang iba ay hindi na nagulat. Malamang naisip na nila iyon nang mabalitaang kinamkam ni Rose ang lahat ng meron kami.
"Makipag-annul ka sa kaniya para makuha natin ang kalahati," suhestiyon ni Lolo Kevin.
Umiling ako. "H-Hindi ko na po siya asawa," mahinang pag-amin ko. "Bago pa niya ako tinangkang patayin, nawalang bisa na ang kasal namin. Kaya Rose Verzosa na ang ginagamit niya at hindi Villafuerte."
Lahat sila ay nagulat sa nalaman. Oo, wala na akong habol pa kay Rose at kahit kailan, hindi ko ginawang kerida si Venize.

FLASBACK....

"Ma'am? Dalawang minuto na lang sasabog na ito," paalala ng lalaki. Rose? Bakit? Anong kasalanan ko? Gusto kong itanong pero wala na akong kakayahan. Physically dead na ako at ang tanging gumagana na lang ay ang pandinig at isip ko.

"Bago ka makapasok sa impyerno, may aaminin ako sa 'yo, sweetheart. Ang--"

Sinusubukan kong 'wag mawalan ng ulirat kahit na alam kong ito na ang huling araw ko.
"Ang dokumentong pinirmahan mo kanina, annulment paper iyon. Ibig sabihin, hindi na kita asawa!" pag-amin niya. I swear, ito na ang huling pagtibok ng puso ko, Rose. Oras na mabuhay ako, hinding-hindi na kita mamahalin pa.

"I'm sorry, Mom. Mali ang napili kong pakasalan," huling salitang binitiwan ng utak ko bago tumigil ang
pag-inog ng mundo ko.

--------------END OF FLASHBACK---------

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon