23

1.4K 70 0
                                    


LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 23

UNEDITED...

[VENIZE POV]

"Tama na muna," sabi ko matapos umahon sa tubig. Nakatunghay ang anak ko sa akin pero nang makita ako, agad na inabot ang tuwalya nang muli akong sumakay sa bangka.
"Ito oh, gawin nating kwentas," sabi ko matapos ibigay ang kulay pink na kabibe at isang perlas.
"Nanay? May nahuli po akong isda," sabi niya kaya napatingin ako sa isdang gumagalaw sa sahig ng bangka. Nasa bibig pa nito ang dulo ng pamingwit namin.
"Very good," puri ko. "Bukas papasok ka na sa school pero sana mag-behave ka na, okay?'
"Ayaw ko na pong pumasok."
"At bakit?" tanong ko habang nagbabalat ng nilagang saging. Minsan trip talaga namin na mamangka at mag-picnic sa gitna ng dagat.
"Kasi inaaway nila ako," patulis ang ngusong sumbong niya. "Nanay? Bakit ba nila ako inaaway?"
"Kasi maganda ka," puri ko. "Sila pangit!"
Kiniliti ko siya kaya naging tila musik ang halakhak niya sa gitna ng karagatan. Napatingin ako sa araw na tila papatulog sa ilalim ng tubig kaya naging kulay dilaw at orange ang langit sa palibot nito. Ang perfect ng sunset. Kapag dumating kami sa dalampasigan, paniguradong madilim na.
"Ang sarap, sarap talaga ng saging!" natatakam na sabi niya kaya napangiti ako.
"Nay? Aalis ka bukas?"
"Oo, kaya kay Ate Nene ka muna bukas, okay? Bibili ako ng grocery," bilin ko.
"Iiwan mo na naman ako? Wala na naman akong nanay?" pagdadrama niya kaya natawa ako.
"Ikaw na bata ka, tigilan mo nga ako sa mga drama mo. Di ba big girl ka na?"
"Hindi, baby pa ako," sabi niya.
"Bibili kita ng bagong tsinelas at crayons."
"Yehey!" tuwang-tuwang sabi niya.
Pinaandar ko ang makina para makauwi na kami dahil maaga pa akong aalis bukas. Isa pa, medyo madilim na ang paligid.
Parang kailan lang, malaki na ang anak ko. Dati, si Ocean pa ang kasa-kasama ko. Kumusta na kaya ang panganay ko? Miss na miss ko na siya.
Napabuntonghininga ako. Naaalala pa ba ako ni Ocean? Sana kahit hindi kami nagkikita, matatandaan pa niya ako. Mahal ko siya pero hindi kami ang itinadhana ng kaniyang ama. Wasak ang pamilya namin kaya malabong magkita pa kami. I know may karapatan ako pero tama si Matter, ano ang magandang buhay na maibibigay ko kay Ocean?
Dito sa pulo, may malapit na eskwelahan at sibilisado na ang mga tao kaya hindi na ako papayag na makuha pa nila si Gas sa akin. Siya na nga lang ang kinapitan ko noong lumayo ako sa ama niya e. Hindi boto ang pamilya ni Matter sa akin lalo na ang parents niya kaya ayaw kong maghabol sa maling tao.
Isa pa, si Rose pa rin naman ang gusto ng lahat. Ano ang karapatan kong maghabol? Dahil sa may anak kami? Sa mga mata ng tao, kahit annuled pa sila, kerida pa rin ako.
"Nay? Bili mo 'ko spaghetti sa Jollibee?'
"Sure," sagot ko.
"Maraming-maraming gravy?" nagti-twinkle ang mga mata niya kaya napangiti ako.
"Inaantok ka na?" tanong ko.
Tumango si Gas at nahiga saka inihiga ang ulo sa binti ko. Sinuklay ko ang manipis at wavy niyang buhok. Para siyang si Moana. Hmm? Bakit ba Gas ang ipinangalan ko sa kaniya? Si Matter kasi Gas daw. Ang weird mag-isip ng pamilya niya.
Pagdaong namin, saktong 7:30 na. Nakapagsaing na si Nene kaya niyaya niyang manood ng TV sa resort si Gas dahil nasira ang TV namin last week. Si Gas kasi, ang likot kaya nabasag ang TV nang tumalbog ang nilalaro niyang bola. Panibagong gastusin na naman.
"Balik kayo kaagad, maaga pa pasok ni Gas," bilin ko.

[Matter POV]

Bitbit ang camera, naglakad-lakad kami ni Micah sa tabing-dagat.
"Ang ganda ng resort ninyo," puri ko at napatingin sa bangkang lumulutang sa malayo na tila humahalik sa araw.
"Yup. Maganda talaga at dinadayo na rin ng turista," sagot niya at nginitian ako.
"Hindi ako mahilig sa dagat noon," sabi ko.
"At ngayon?" tanong niya.
"Nagkahilig na," sagot ko. "Peaceful kasi at nakakagaan ng loob."
Kinuha ko ang camera at pinicturan ang bangka sa tapat ng sunset. Ang ganda! Tiningnan ko ang litrato pero dahil sobrang layo, hindi ko nakikita ang mga nasa loob ng bangka. Isa pa, papadilim na rin naman. Napansin kong papadaong ang bangka dahil papalapit na ito sa tabing-dagat.
"Let's go?" tanong ni Micah. "Marami pa tayong dapat na pag-usapan."
"Sure," sagot ko at muling napatingin sa bangkang hindi ko maaninag ang sakay nito.
Sumunod ako kay Micah pabalik sa resort.
Nag-usap kami kasama ang kapatid niya tungkol sa delivery ng isda. Mula sa dagat, ididiretso na nila sa amin. Ayaw ko ng padalos-dalos kaya isang branch lang muna. Kapag okay ang shipment, baka sila na ang kunin namin sa lahat.
"Dinner na tayo, luto na ang ulam," yaya ni Genard nang sabihin ng katulong na handa na ang pagkain.
Napapansin kong marami ang turista sa resort na ito. Maliit lang ang pulo pero maunlad. Pero mas maganda pa rin ang isla namin ni Venize. Speaking of her, mababaliw na ako sa kakahanap sa kaniya.
"Kailan ka pala babalik ng Maynila?" tanong ni Micah.
"Baka bukas," sagot ko. "Babalik pa ako sa hotel ni Daddy Joel," sagot ko.
"K-Kasal ka na?" tanong ni Micah kaya ngumiti ako.
"Hindi pa," sagot ko. "I mean, nakasal pero annuled na."
"Wala ka bang napupusuan?" tanong ni Genard kaya natawa ako.
"Meron," sagot ko at iginala ang paningin nang patungo na kami sa dining area. Napansin ko ang isang dalagita at bata na nakatalikod sa amin at nakaharap sa TV.
"Sira ang TV sa bahay nila," wika ni Genard nang makita akong nakatingin.
"Dapat hindi mo na 'yan sila pinapapasok dahil mamihasa," sabat ni Micah.
"Hayaan mo na. Nakikinood naman e. Isa pa--"
"Gusto mo lang talaga ang nanay niyan kahit na iniwan ng jowa niya."
"Micah!" saway ni Genard.
"Bakit? Totoo naman ah. Inuuto ka lang ng babaeng 'yon dahil alam niyang gusto mo siya. Ano? Mag-aalaga ka ng anak ng iba?"
Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Genard bilang pagsuko.
"Kumain na tayo," yaya niya. Napailing ako. Single dad din naman ako e. Pano kapag magmahal ako ng iba? Iyon din ba ang sasabihin ng kapatid ng babaeng mapupusuan ko? No, si Venize lang ang mahal ko. Or siya na lang talaga. Last na siya.
Kumain kami. As expected, seafoods ang ulam.
"Tikman mo ang sisig na pusit mas--"
"No," agarang tanggi ko. "Busog na 'ko. Okay na ako sa buttered shrimp."
"Okay. Pero you should try some," ani Micah.
"No, thanks," sagot ko at kinuha ang fresh apple juice.
Mabait naman silang magkapatid at welcome na welcome ako dito sa resort nila. Ang sa tabi nito ay hotel at itong tinutuluyan ko ay bahay nila.
"Wine sa pool?" tanong ni Micah nang matapos na kaming kumain.
"Sige," pagpayag ko.
"Doon na lang tayo mag-dessert," suhestiyon ni Micah.
"Kayo na lang, may gagawin pa ako," sabat ni Genard na tumayo na. "Si Micah na ang bahala sa 'yo."
"Sure," sagot ko.
"Let's go?" tanong ni Micah.
"Wait lang, restroom lang ako," paalam ko.
"Samahan na kita."
"Wag na," tanggi ko. "Susunod na lang ako sa pool."
"Sige. Wait kita sa pool," pagpayag niya.
Naglakad ako patungo sa restroom. Bubuksan ko na sana ang pinto nang may nagsalita, "Sabi ng nanay ko, ladies first."
Napalingon ako at yumuko sa batang nakatingala sa akin.
"Ihing-ihi na 'ko," sagot ko. "Di ba nasabi ng nanay mo na dapat matanda muna ang mauna?"
Sumalubong ang mga kilay niya kaya gusto kong matawa. Ang cute.
"Hindi ka naman po matanda e. Wala ka pang puting buhok," sagot niya. I swear to God, lalabas na talaga ang ihi ko kaya binuksan ko ang pinto pero bigla siyang umiyak.
"N-Natatae na ako!" umiiyak niyang sabi kaya tumabi ako.
"Bilisan mo lang kasi naiihi na ako," sabi ko kaya pumasok siya sa loob. Napahawak ako sa puson ko. Ang dami kasing sinasabi ng magkapatid kaya nahirapan akong magpaalam para umihi. Sinilip ko siya sa loob dahil hindi nakasara ang pinto. Nakaupo siya sa inodoro at sinusubukang abutin ang tabo.
"Kailangan mo ng tulong?" tanong ko. Tumango siya habang hawak ang tshirt.
Pumasok ako at inabot ang tabo saka tisyu.
"Baka puwede pong papunas?" pakiusap niya. "Di ko po abot puwet ko."
Wtf! Ako pa talaga?
"Kaya mo na 'yan, buhusan ko na lang," sabi ko sabay flush. Hinugasan niya ang puwet habang binubuhusan ko ng tubig.
"Hugas ka pa ng kamay mo, may sabon," sabi ko. Tumango siya kaya patalikod na umihi na ako.
Napalingon ako sa batang sumisilip sa ginagawa ko.
"Bakit ka naninilip?" tanong ko.
"Hindi po ah," tanggi niya at iniba ang direksyon ng mga mata.
"Fine," sagot ko. "Labas ka na."
Isinar ko na ang zipper ko saka ifinlush ang toilet at lumabas kasama siya.
"Bakit magkasama kayo?" tanong ni Micah.
"Nag-CR din siya," sagot ko. Napahawak ang bata sa kanang binti ko na para bang humihingi ng tulong dahil inaapi.
"Di ba may CR sa inyo?" tanong ni Micah.
"N-Natatae na po ako," sagot ng bata.
"Hayaan mo na, natatae lang siya," sabat ko.
"Pasensiya ka na, ganyan lang naman talaga 'yan," ani Micah na sumenyas sa dalagita na kunin na ang bata.
"Damot-damot," narinig kong bulong ng bata.
"Umuwi na nga kayo. Hindi ba kayo hinahanap ng nanay mo?" tanong ni Micah.
"Hinahanap," sagot ng bata na nakatingala kay Micah. "Pero si Tatay, hindi niya ako hinahanap," malungkot na dagdag niya.
"Huwag ka nang umasang babalikan ka pa ng tatay mo," ani Micah.
"B-Babalikan ako ng tatay ko!" singhal ng bata saka sinamaan ng tingin si Micah.
"E di balikan. Basta umuwi na kayo dahil iniistorbo mo ang bisita ko," pagtataboy ni Micah.
"Pasensiya ka na po," paumanhin ni Nene.
"Hindi na ako manonood dito!" ngumungusong sabi ng bata. "Bibili si Nanay ng malaking-malaking TV!"
Gusto kong matawa. Yung parang nagpapainggit pa siya.
"Pabili ka. Utang nga ninyo, 'di mabayaran eh, TV pa kaya?" sabat ni Micah na halatang pikon na.
"Gas? Uwi na tayo," tawag ng dalagita na lumapit sa amin at hinila ang bata. "Pagpasensiyahan n'yo na po si Gas, hindi na po mauulit."
"Gas?" ulit ko at napatingin sa cute pero palabang bata. "Gas ang pangalan mo?"
Tumango siya habang nakatingala sa akin.
"Nice name," ani ko. "Sino ang nagpangalan sa 'yo?" tanong ko.
"Tatay ko raw po," sagot niya.
"A-Anong pangalan ng tatay mo?" tanong ko na biglang kinabahan.
"Matter? Hayaan mo na ang batang 'yan. Tara na sa pool," yaya ni Micah at hinawakan ang kanang braso ko. "Huwag tayong mag-aksaya ng oras sa pasaway na batang 'yan. Ganiyan talaga 'yan, palibhasa palaging iniiwan ng nanay niya."
"Uwi na tayo, Gas," yaya ng dalagita at hinila ang bata palabas ng bahay. Habang nagkalakad patungo sa pool, hindi mawaglit sa isip ko ang mukha ng bata.
Gas daw ang pangalan niya. Iyon ang gusto kong ipangalan kapag magkaanak kami ulit ni Venize.
"Micah? Ano ba ang pangalan ng nanay niya?" tanong ko.
"Bakit ba interesado ka sa nanay niya? Let's have some drinks," sabi niya kaya hindi na ako nagtanong pa. Pero what if si Venize ang ina niya? Lalo akong kinabahan. Nasa pulo kami at paborito ni Venize ang dagat. Possible kaya? Pero-- hindi rin naman niya sa akin ipinaalam na anak namin si Ocean.
"Can I stay here for two more days?" tanong ko kay Micah.
"Sure," masiglang sagot niya kaya nginitian ko siya.
Tama kaya ang hinala ko? Kung nakikita ko ang mga mata ni Venize kay Gas? Nabuhayan ako ng pag-asa. Pero what if si Venize nga ang ina at hindi naman ako ang ama ni Gas? What if may asawa na si Venize?

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon