LA PESCADORA ( The Fisherwoman )
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 22
UNEDITED.....
FIVE YEARS LATER...
"Hindi ka ba titigil?" tanong ni Star kay Matter.
"Wala akong balak na tumigil," sagot ni Matter.
"It's been five years."
"I know. One year. Five years. Teen years. Twenty years. Who cares?" Nasa kompanya siya at nagse-search ng resort na hindi pa niya napupuntahan. "Mukhang maganda ang Pearl Farm Beach Resort sa Davao. Have you been there?"
"Wala akong hilig magliwaliw, Matter. Isa pa, lahat na yata ng resort naikot mo na sa loob ng limang taon. Hindi ka pa ba susuko?" naiinis na tanong ni Star.
"Hindi," sagot ni Matter habang nasa monitor ng computer ang mga mata.
"Si Ocean, walang aattend ng meeting niya bukas," paalala ni Star.
"Okay. Ako na ang bahala sa anak ko," sagot ni Matter.
Napailing si Star dahil sa naging asal ng kapatid. Hindi naman ito pabayang ama. Sa katunayan, hands-on ito pagdating kay Ocean. Kahit Halloween party ni Ocean, ito ang dumadalo. Pero hanggang ngayon, hinahanap pa rin niya si Venize.
"Dinalaw mo si Rose kahapon?" tanong ni Star.
"Yes," sagot ni Matter.
"How's she?"
"She's getting worse," sagot ni Matter at napabuntonghininga. Nasa mental institution ang dati niyang asawa dahil hindi nito matanggap ang nangyari. "May papatay raw sa kaniya."
"Baliw na nga talaga siya," sabi ni Star. "Tingin ko hindi siya ang bumalik ng pera natin. I think naloko rin siya ng mga kasama."
Napatingin sila sa pumasok.
"Boring na buhay!" reklamo ni Moon.
"Kagabi ka pa hinahanap ni Daddy," sabi ni Star.
"Yaan mo siya," sagot ni Moon.
"May jowa ka na naman?" tanong ni Matter. Napabalita na naman na after ng isang sikat na artista, volleyball player na naman ng CTU ang jowa nito.
"Fling lang," ani Moon at dumiretso sa kuwarto pero bumalik ito. "Matter, ikaw nga ang makipagtagpo kay Mister Verzosa sa Leyte."
"Ba't ako?" tanong ni Matter. "Nakapa-book na ako--"
"Ngayon lang. Kung hindi mo pupuntahan, bahala ka," sagot ni Moon. "Father-in-law mo naman ito."
"Ex," paalala ni Moon na ang tinutukoy nila ay ang ama ni Rose.
"Whatever. Matutulog na ako," paalam ni Moon na walang ginawa kundi magdalo ng party ng mga kaibigan.
"Ako na naman?" naiinis na sabi ni Matter. Nahihiya siya sa ama ni Rose pero alam niyang hindi niya mapipilit si Moon dahil wala itong pakialam kung yayaman man sila o hindi.
"Buti na lang talaga at nabawi na natin 'yong pinaghirapan nina Lolo," sabi ni Star. Naging maayos na ang lahat at nakabalik na sila ulit lalo na ang mga empleyadong muntik nang mawalan ng trabaho.
"Ca-cancel ko na naman," bulong ni Matter habang tinatawagan ang event organizer kaya napailing si Star saka lumabas.
Pagkatapos ng trabaho, maagang umuwi si Matter sa bahay nila ni Ocean.
"Binata ka na ah," puri ni Matter sa anak na lumabas ang totoong kulay. Matangkad na ito na hanggang kilikili na niya sa edad na 9 na taong gulang at matalino pa.
"Tay? May meeting kami bukas," sabi ni Ocean.
"Dadalo ako," sabi ni Moon.
"'Tay? Magpapatuli raw ako?" nakasimangot na tanong ni Ocean.
"Dapat last year pa eh," sabi ni Matter. Pero ang problema, ayaw magpatuli ng bata.
"Ayaw ko."
"Huwag ka ngang gumaya kay Tito Sun mo!" ani Matter. "Magpapatuli tayo sa sem break ninyo!"
Napangiwi si Ocean.
"Huwag kang mag-inarte dahil mahihirapan na ang doctor sa paghiwa ng balat mo. Di ka na nahiya? May bulbol ka na tapos supot ka pa?"
Napakamot si Ocean sa ulo. "Hindi ba puwedeng maging supot na lang ako?'
"Ililibing kita ng buhay!"
"Oo na. Magpapatuli na po. Samahan mo ako, 'tay ha."
"Kailan pa kita pinabayaan?" tanong ni Matter na parang tropa lang ang kausap.
"Alis pala ako after ng meeting bukas. Kapag may problema ka, punta ka lang kay Lolo Sky mo, ha," bilin niya.
Nagpapasalamat siya dahil kahit wala si Venize, nandiyan ang ama niyang sumusuporta sa anak niya. Oo, ang ama niya dahil wala namang kaalam-alam ang ina niya sa pag-aalaga ng bata. Nagtatanong din siya noon sa mga kapatid kung ano ang gagawin hanggang sa naka-adjust na siya.
Kinabukasan, pumunta na siya sa Leyte after ng meeting.
Balak daw maging business partner ni Sir Joey ang pamilya nila. Kahit na ganoon ang nangyari, nanatiling intact ang pakikitungo nila rito.
"Good evening, sir," magalang na bati ni Matter.
"Have a seat. Call me, Dad."
Alanganing ngumiti si Matter.
Ayun, nag-usap sila ng business at okay naman ang lahat. Nagustuhan niya ang proposal nito. Iniiwasan ni Matter na mapunta kay Rose ang usapan.
Sabay na silang kumain at pinakain siya ng specialty ng hotel na seafoods.
"Thank you, sir--dad. The food was great," pasalamat ni Matter saka pumunta na sa VIP room niya.
Hindi niya maintindihan pero hindi siya makatulog. Siguro dahil hindi siya komportable sa higaan? Bumangon si Matter para magpahangin sa labas. Alanganin nang tawagan si Ocean dahil sigurado siyang tulog na 'yon. It's already 2 am. Maliwanag naman ang buwan at nanatiling nakabukas ang ilang ilaw ng posteng nakapaligid sa hotel kaya para magpahangin sa pool nang makita niya ang sasakyang may mga bumababang lalaki at binababa ang malalaking banyera.
Naalala niya tuloy si Venize.
" Venize," bulong niya na tumingala sa langit at umaasang sana makita nina Lolo Ryan ang paghihirap niya. Kahit si Ocean, hindi pa rin nakalimutan ang ina niya. Kumusta na kaya siya? Nahihirapan ba siya? Sana umuwi na siya dahil buo at puwede nang tirhan ang resort na sinadya niyang pinagawa para sa kaniya.
"Ano ho 'yan," tanong niya sa lalaking buhat ang isang banyera.
"Isda po," sagot ng lalaki at dumiretso na sa likod ng hotel para iwan ang mga isda.
"Kuya? Saan kayo galing? Mukhang preska pa ang mga isda ah," puna ni Matter.
"Diyan lang po sa kabilang isla," sagot ng matandang lalaki. "Kakagaling lang 'yan sa dagat at dito na ang bagsak. Pakyaw bah."
"Ah," ani Matter at tatango-tango. "Magkano ba ang bentahan?"
"Depende po pero kapag diretso kayo sa amin, mura lang."
"Sige po, tingnan natin kung magkasundo tayo sa presyo," sabi ni Matter.
"Wait lang, sir. Si Ma'am na lang ang kausapin mo," sabi ng matanda.
"Ah, puntahan ko na lang siya? Ano hong cellphone number?"
"Ito po," sabi ng lalaki sabay abot ng calling card. Ang bilin ng boss nila, ibibigay raw nila kapag may client o may magtanong.
"Salamat," sagot ni Matter at inilagay sa bulsa ang calling card.
"Pero sir, kasama ko ho ang isa sa katiwala ni Sir, kakausapin mo siya?" tanong ng matanda na ang tinutukoy ay ang kasamang babae na katiwala ng boss nila.
"Sure," sagot ni Matter kaya iniwan siya ng lalaking kausap. Lumapit ito sa passenger's seat ng pick-up kaya curious na lumapit din si Matter. Nakita niyang bumukas ang pinto para bumaba ang kausap ng lalaki.
"Matter?" Napalingon siya sa tumawag sa kaniya.
"Daddy Joel," sabi niya nang makita ang matanda.
"Hindi ka ba makatulog? Halika, tsaa tayo," yaya ng matanda.
"Kakausapin ko lang ho ang nagde-deliver ng isda."
"Gusto mo bang magpa-deliver? Mura lang sa kanila."
"Yes po," sagot ni Matter dahil nakakarinig siyang dinadaya na sila ng supplier nila sa isang branch nila.
"Ipakilala kita sa may-ari bukas," sabi ng matanda at inakbayan si Matter. "Tara, tsaa tayo."
"Sige po," pagpayag ni Matter at sumama sa matanda.--------------------VENIZE-----------
Kakababa lang nila at pinipili ang malalaking isda at ang maliliit ay ibinabalik sa dagat.
"Sama ako ha," nakangiting sabi niya habang hatak ang mahaba at puting bestida nang lumusog sa tubig.
"Huwag na, Ma'am," tanggi ni Mang Pablo na pinakamatanda sa grupo.
"Basta sasama ako. Bihis lang ako," paalam niya at dali-daling bumalik sa tinutuluyan niya at nagpalit ng lumang maong jeans terno ng black tshirt. Dali-dali siyang pumunta sa malaking resort at nagpaalam sa boss na sumama sa pag-deliver sa suki nila.
"Gabi na," sagot ni Genard dahil pasado alas diyes na ng gabi. Hindi siya makatulog kaya lumabas siya kanina.
"Okay lang," ani Venize. Pinandilatan siya ng secretary ng boss nila pero deadma lang siya.
"Bahala ka. Basta mag-ingat ka," sabi ni Genard dahil kilala niyang matigas ang ulo ni Venize.
"Ako pa," sabi ni Venize.
"Sige, alam kong babawasan mo lang ang mga isda ko," biro ni Genard na kasing edad lang ni Venize.
"Mga isang banyera," nakangiting wika ng dalaga at tumakbo na palabas dahil baka iiwan siya.
Apat silang lahat. Dalawang taga buhat, si Mang Pablo na driver at siya.
Medyo malayo ang pupuntahan nila kaya inabot na sila ng madaling-araw bago makarating sa hotel.
"Dito ka lang, kami na ang bababa," bilin ni Mang Pablo
"Sige po, idlip lang ako," pagpayag ni Venize at inilagay ang earphone para pakinggan ang kanta ng god of music na si Clouds at Seola na naka-save sa phone niya. She's a fan.
Nakaidlip na yata siya nang may kumatok sa bintana kaya binuksan niya.
"Mang Pablo," sabi niya. "Uwi na ba tayo?"
"May ilang banyera pa," sagot ni Mang Pablo. "Ma'am? May kakausap sana sa 'yo. Mukhang client," sabi ni Mang Pablo kaya tinanggal ni Venize ang earphone.
"Talaga? Sige, sige, kausapin ko po," sabi niya at binuksan ang pinto. Bababa na sana siya pero nahulog ang cellphone niyang nakapatong lang sa kandungan niya. "Sandali, nahulog ang cellphone ko."
Hinanap niya ang flashlight para makita pero hindi niya makapa.
"Nandito sa akin ang flashlight," sabi ni Mang Pablo at pinailaw ang hawak na flashlight. Pinulot ni Venize ang cellphone saka bumaba.
"Saan na ho siya?" tanong ni Venize. Tiyak matutuwa si Genard kapag makakuha naman sila ng kliyente.
"Bumalik na sila, ma'am," sabi ng kasama nilang kakabalik lang para maghakot ulit ng banyera. "Sabi ni Sir Joel, si sir Genard na lang mismo ang kausapin nila."
"Okay," sabi ni Venize at muling bumalik sa sasakyan.
Nang maubos na ang banyera, bumalik na sila sa resort. Inabutan na sila ng araw pero nakatulog naman maliban sa driver nila.
Mayaman si Mang Pablo dahil lolo ito nina Dale pero kagaya ni Venize, nasa dagat din ang buhay niya. Wala naman itong asawa at anak kaya mas pinili niyang maglayag kasi nandoon ang kasiyahan niya. Iilan lang din ang kilala nitong Villafuerte dahil minsan lang siya umuuwi sa isla at isa pa, alam niyang hindi siya matandaan ng mga ito dahil kapag magkita sila, may okasyon kaya marami ang tao.
"Maiinis na naman si Boss sa 'yo, Ma'am," natatawang sabi ni Jomar dahil puno na naman ang maliit na balde ni Venize.
"Parang ito lang eh," nakalabing sabi ni Venize at nauna nang umuwi.
"Magandang umaga," bati niya sa kapitbahay na nagwawalis ng bakuran.
"Uy, pabili kami ng isda."
"Bangos po 'to ha," ani Venize. "Tatlo singkuwenta."
"Sige. Nakakamura talaga kami kapag ikaw ang magbenta," masayang sabi ng matanda.
"Pasensiya na, kailangan ko lang ng pera," natatawang paumanhin ni Venize. Gusto sana niyang ipamigay na lang dahil libre lang naman sa dagat ang isda at biyaya ito ng langit para sa lahat pero paano naman ang pangangailangan nila?
Dalawang bangus na lang ang natira sa bitbit niyang balde kaya hindi na niya ibenenta para may ulam sila.
Bumili siya ng talbos ng kangkong sa nadaanang matanda para may pansigang siya.
Malapit na siya sa kubong tinitirhan nang madaanan niya ang batang babae na nakaupo sa tuyong sanga ng niyog habang nakatanaw sa dagat. Puno pa ng buhangin ang mukha nito. Naalala niya tuloy si Ocean. Ganito rin ang edad nun ng iwan niya.
"Pa--hi--ngi po pangkain," nakalahad ang kamay ng batang mukhang kinawawa habang inosente at nangungusap ang mga matang nakatingala sa kaniya. "P-Parang awa mo n-na po..."
"Tumayo ka nga diyan," utos ni Venize at napabuntonghininga.
"G-Gutom n-na gutom na po ako," reklamo nito na nakalabi pa. "K-Kawawa naman po ako..." naiiyak na sabi nito kaya ibinigay ni Venize ang bitbit na tinapay.
"Yehey!" tuwang-tuwang sabi ng bata saka niyakap ang binti ni Venize.
"Ang aga mo na naman mangapitbahay. Ang dungis mo pa. Baka isipin ng ibang tao, pinabayaan kita!" ani Venize saka sinamaan ng tingin ang batang tumatawa na at tumakbo pabalik sa bahay nila.
"Bleh! Ha-bu-lin mo 'ko!" pilyang sabi nito habang humalakhak.
"Halika rito! Maliligo ka pa!" tawag ni Venize pero tila bingi ang bata.
"Gas, ano ba!" tawag niya.
"Papagurin mo na naman ba ako? 'Pag mahuli kita, lagot ka talaga sa aking bata ka!" pagbabanta niya saka hinabol ang apat na taong gulang at pilyang anak.
BINABASA MO ANG
LA Pescadora
Romanceby: sha_sha0808 Ash Simon PROLOGUE UPNEXT... "LA PESCADORA" (The Fisherwoman) "Kung ako ang naging dahilan ng pagkawasak ng buhay mo, hindi ko iyon pagsisisihan dahil alam kong ako pa rin ang bubuo ng pagkatao mo."--Matter. Si Rose: Sikat, maganda a...