4

1.4K 69 2
                                    


LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 4

Unedited...

"Sila na ang nagdala sa port para ibenta," ani Venize dahil baka magising si Ocean.
"Paano kapag nasa laot ka? Paano si Ocean?"
"Dala ko siya," sagot ni Venize na ikinagulat ni Matter. "Hindi ko siya puwedeng iwan. Wala naman akong tigabantay at kailangan ko ng pera."
Napalunok si Matter. Hindi niya ma-imagine na nasa gitna ng peligrosong karagatan ang magkapatid. Malamang noong wala siyang malay, iniiwan lang siya ni Venize.
"Huwag kang maawa!" ani Venize nang mabasa ang nasa utak ni Matter sa pamamagitan ng mga mata nito.
"Kapag malakas na ako, please allow me na tulungan kayo lalo na si Ocean."
Natawa si Venize saka umiling. "Hindi ko kailangan ang tulong mo."
"Pero matindi ang isinakripisyo mo sa akin."
"Hindi ako humihingi ng kapalit. Sapat na sa akin na makita kang buhay."
"Napakabuti mo, Ven. Sana dumating ang araw na maibalik ko ang lahat ng kabutihan ko sa inyo," taos-pusong pasasalamat ni Matter pero hindi na kumibo ang dalaga at napatingin sa karagatan.
"Wala ka bang balak na lumuwas?" tanong ni Matter na nasa dagat din ang mga mata. "Malayo ang edukasyon at hospital dito. Paano kapag may mangyari sa inyo lalo na kay Ocean? Wala ka bang balak na bigyan ng magandang buhay ang kapatid mo?"
"Dito sa islang ito ang buhay namin," ani Venize.
"Pero si Ocean, huwag mo sana siyang pagkaitan ng kinabukasan."
Humarap si Venize kay Matter. "Lalaki, dito na ako nabuhay at lumaki. Dito na rin namatay ang mga magulang ko kaya--"
"Wala na sila?" sabat ni Matter kaya muling itinuon ni Venize ang mga mata sa karagatan. Sa tuwing pagmasdan niya ang paghampas ng alon sa malalaking bato sa gilid ng dagat, nagkakaroon siya ng kapayapaan. Parang kailan lang, kasa-kasama pa niya ang ama sa pangingisda. Dito na rin nahubog ang isip niya at nagkaroon ng pananaw sa buhay.
"Alam mo bang minsan sa buhay ko, pinangarap kong makita ang kabilang ibayo ng malawak na karagatang ito? Gusto kong malaman kung anong meron doon sa dulo."
"Bakit hindi mo itinuloy ang pangarap mo?"
Mapait na ngumiti si Venize pero mas pinili niyang manahimik. Sa gitna ng karagatan nilamon ang taong mahal niya.
"Walang masamang tuparin ang pangarap, Ven."
"Mas gusto kong manirahan dito."
"Paano kapag may mangyari kay Ocean? O sa 'yo? Sino ang tutulong sa inyo?"
"Problema ko na iyon," tinalikuran ni Venize si Matter. Hinding-hindi siya aalis. Ang pagtalikod sa islang ito ay para na rin niyang binalewala ang pinaghirapan ng mga magulang niya.
"Ven!" narinig niyang tawag ni Jemson kaya napatigil siya at lumingon.
"Dala mo na?" masayang tanong niya saka sinalubong ang kababata.
"Oo," sagot ni Jemson at inabot sa kaniya ang dalawang libo.
"Salamat."
"Kasya na ba 'yan?" tanong ni Jemson at napasulyap kay Matter na nakatanaw sa kanila.
"E di pagkasyahin."
"Hindi ka ba nahihirapan?" tanong ni Jemson na naging saksi sa hirap na dinanas ni Venize.
"Kung iisipin ko ang hirap, hindi ako sasaya."
"Masaya ka ba?"
Hindi nakasagot si Venize. Masaya nga ba siya? Sa pagkakatanda niya, matagal nang kinuha ang kasiyahan sa puso niya mula nang mawalan siya ng mga magulang.
"Salamat dito."
"Ven? Sigurado ka bang ayaw mong lumuwas? Malawak ang mundo," ani Jemson.
"Oo, at alam mo ang rason ko," sagot ni Ven. "Hindi ko puwedeng isuko ang pinaghirapan ng mga magulang ko at alam kong masaya sila sa desisyon ko."
Napabuntonghininga ang binata. "Punta ako sa bayan, anong ipabili mo?"
Inabot ni Venize ang isang libo. "Pain killer, noodles at mga de-lata. Ikaw na ang bahala. May bigas pa naman kami."
"Huwag na, diyan na lang 'yan."
"Sige na, nahihiya na ako," sabi ni Venize kaya tumawa si Jemson.
"Kukunin ko 'to pero para lang sa gamot. Ang mga pagkain at vitamins ninyo ni Ocean, ako na ang bahala."
"Jemson--"
"Huwag kang magpasalamat, inaanak ko si Ocean at kaibigan kita."
Nahihiyang ngumiti si Venize. Si Jemson na lang kasi ang karamay niya.
"Kung ako kasi ang inasawa mo, e di--aw!"
Hinampas siya ni Venize sa balikat kaya natawa siya.
"Lakas mo ah."
"Puro ka kasi biro."
Tumawa nang malakas si Jemson saka todo ngiti.
"Biro lang. Pero alam mo namang seryoso ako noon, 'di ba?'
"Sumbong kita kay Teacher," ani Venize. Teacher sa bayan ang girlfriend ni Jemson. Pulis naman ito pero minsan sumasama pa rin ito sa pangingisda lalo na kapag alam niyang sasama si Venize. Sanay na kasi siyang makipag-asaran dito.
"Alis ka na nga."
"Sige," ani Jemson at napasulyap kay Matter na hindi pa rin inaalis ang mga mata sa kanila. Tinapik niya sa balikat ang dalaga. "Huwag kang magpaloko sa kaniya," seryoso niyang sabi.
"Alam ko ang ginagawa ko."
"Kung kailangan mo ang tulong, tawagan mo lang ako."
"Walang signal dito."
"Hindi ka pa rin nakahanap ng signal?"
Umiling si Venize. Hindi naaabot ng signal mula sa kabilang isla ang kanilang maliit na isla.
"Alam mo kung paano ako kontakin," ani Jemson.
"Babalik ka na ba sa bayan?" tanong ng dalaga.
"Oo, ingat kayo ni Ocean," bilin ni Jemson saka umalis na kaya mabilis na lumapit si Matter sa kanila.
"Puwede bang magpasama sa burol?" tanong ni Matter.
"Bakit?"
"Wala lang, gusto ko lang," sagot ni Ocean.
"Sige, yayain ko lang si Ocean," pagpayag ni Venize dahil alam niyang gustong-gusto ng anak pumunta roon.
"Wait, laga tayo ng saging," sabi ni Matter at mabilis na tumalima para maglaga ng hinog na saging.
Sina Ocean at Venize ay naghanda ng malapad na tela sa basket.
Nang maluto ang saging ay sabay nilang binaybay ang daan patungo da burol.
"Woah! Nice view!" manghang sabi ni Matter. Hindi nga siya nagkamali, maganda ang view at nakikita niya ang kabuuan ng isla pati karatig isla. May maliliit na isla sa likod ng isla nila.
Nakita niya ang dalawang cellsite sa napakalaking isla na natanaw niya.
"Iyon ba ang bayan?" tanong ni Matter sabay turo sa islang alam niyang marami ang naninirahan.
"Oo," sagot ni Venize at napatingin kay Matter na nasa malaking isla pa rin ang mga mata. Hindi niya mabasa ang iniisip nito.
Si Ocean naman ay panay ang takbo at hinahabol ang mga paru-paro na palipat-lipat sa mga bulaklak.
"Bakit nandito ka? Nandoon ang sibilisasyon," sabi ni Matter.
"Mas gusto kong mamuhay dito, lalaki," sabi ni Venize.
"May pangalan ako, babae."
"At ano?" nakapamewang na tanong ni Venize at napatingin kay Ocean na tumatawa dahil nakahuli ito ng malaking tutubi.
"Basta meron. Sure ako riyan."
"Alalahanin mo."
"At kung maalala ko?" hamon ni Matter.
"Puwede ka nang umuwi sa inyo," seryosong sagot ni Venize. Sana nga ay makaalala na ito.
"Pinagtatabuyan mo na talaga ako noh?" biro ni Matter at napasulyap kay Venize na lumilipad ang buhok nito dahil sa malakas na hangin.
May something sa dalaga na hindi niya matukoy kung ano. Parang mas gusto pa niyang tuklasin ang pagkatao nito.
"Ate! Kuya! Nakahuli ako!" masayang sabi ni Ocean na hawak ang malaking paru-paro na may iba't ibang kulay.
"Pakawalan mo na," sabi ni Venize kaya pinakawalan ng bata at muling hinabol.
"Ang simple ng buhay niya," sabi ni Matter habang pinagmasdan ang batang naglalaro.
"Huwag mong masyadong alagaan si Ocean," sabi ni Venize kaya napakunot ang noo ni Matter. "Kapag bumalik na ang alaala mo, iiwan mo rin siya. Ayaw kong masaktan siya."
"Tutulungan ko kayo."
"Hindi ko kailangan ang tulong mo."
"Come on. Utang ko ang buhay ko sa 'yo."
"Wala kang utang sa akin."
"Ikaw ang nagligtas ng buhay ko."
"Kahit sino, tutulungan ko."
"What if makaalala na ako? Papayagan mo ba akong isama kayo sa kung saan ako?" tanong ni Matter at muling napatingin sa malaking isla. Kung gusto mong pumunta sa kabila, kailangan mo pang sumakay sa bangka.
"Hindi," sagot ni Venize. "Oras na lisanin mo ang islang ito, kalimutan mo na kami ni Ocean."
Napaismid si Matter. "Hindi ako ganun."
"Iyon ang mangyayari," ani Venize at naupo sa inilatag na tela saka kinuha ang saging sa basket saka napatingin sa karagatang natatanaw niya. Kailangang tanggapin niya na balang araw, mawawala si Matter sa kanila ni Ocean. Ang mahalaga ay natulungan niya ito.
Naupo si Matter sa tabi niya at agad na kumandong naman si Ocean.
"How old are you na?" tanong ni Matter.
"I am four years old," sagot ng bata.
"English ng aso?"
"Dog."
"Pusa?"
"Cat."
"Kabayo?"
"Horse!"
Tumawa si Matter. "Good boy. Bukas magsusulat naman tayo ng alphabets okay?"
"Okay po," natutuwang sagot ni Ocean.
"Bakit Ocean?" tanong ni Matter kay Venize sabay higa. Nahiga rin si Ocean at iniunan ang ulo sa braso ni Matter.
Napatingin ang dalaga sa dagat.
"Sina nanay ang nagpangalan sa kaniya. Mahal kasi nila ang dagat at matagal na nilang pinangarap na magkaroon ng anak na lalaki."
"Ang tagal ko nang nawala," pag-iiba ni Matter. "Hinahanap pa kaya ako ng pamilya ko? O inakala nilang patay na ako?"
"Kaya nga sikapin mong maalala ang buo mong pagkatao. Kailangan mong makabalik dahil baka sobrang nag-aalala na sila."
Napabuntonghininga si Matter. Masarap mabuhay rito pero alam niyang may sarili siyang buhay pagtawid niya sa islang ito.
"Ilan kayo ang naninirahan dito?"
"Ako na lang," sagot ni Venize na ikinagulat ni Matter. "Limang pamilya kami noon pero lumipat na sila sa kabilang isla. Sa islang iyon," pagkukuwento niya sabay turo sa kabilang isla.
"Bakit ayaw mong lumipat?" curious na tanong ni Matter.
"Masaya ako rito. Gusto ko ng tahimik na mundo at kapag lisanin ko ang islang ito, para ko na ring tinakikuran ang kabataan sa lugar na ito.
"Baby? Kain ka saging," alok niya kay Ocean na agad namang naupo at kumain.
Napatitig si Matter sa magkapatid na nakaupo patalikod sa kaniya at nakaharap sa dagat.
" Wala akong maalala," bulong niya sa isip saka tumingala sa langit. Papadilim na.
"Uwi na tayo?" mayamaya yaya ni Venize. "Mahirap nang maabutan sa dilim."
Tumayo si Matter at tinulungan ang dalaga. Buhat ni Matter si Ocean habang bitbit ni Venize ang basket, bumaba na sila sa burol.
Pagdating sa kubo, agad na sinindihan ni Venize ang lampara at maingat na ibinaba ni Matter sa higaan ang natutulog na bata.
"Nagugutom ka pa ba?" tanong ni Venize na dumungaw sa pinto. "May kanin pa--"
"Busog na ako. Ikaw?" sagot ni Matter.
Pumasok si Venize at naupo sa gilid ng higaan saka sinuklay ang buhok ni Ocean.
"Kamukha siya ng nanay mo," sabi ni Matter kaya ngumiti si Venize.
"Yes, pati ilong."
"Kakaiba lang ang mga mata niya," ani Matter. "Ang pogi niya. Paniguradong pagkakaguluhan 'to ng mga babae pag magbinata na."
"Ayaw ko ng ganun," ani Venize.
"Bakit? Pogi naman si--"
"Hindi porket pogi ka o mayaman, abusuhin mo na ang mga babae. Marami ang ganyang lalaki. Ikaw? Ganun ka ba? Mahilig ka rin bang paglaruan ang mga babae kasi pogi ka?"
Natigilan si Matter at napatitig sa dalagang naiinis sa kaniya. Okay, masyado palang sensitive ang mga probinsyana kaya nakaramdam siya ng pagsisisi.
Tumayo si Venize pero maagap niyang nahawakan ang kanang braso nito.
"S-Sorry--"
"Wala iyon. Ayaw ko lang na isipin maging ganoon nga si Ocean paglaki," ani Venize at hinarap si Matter. "Ikaw? Ganoon ka ba, lalaki?"
"Wala akong maalala, babae," sagot ni Matter saka ngumiti. "Bakit? Ganoon ba ako? Sa tingin mo, kaya kong magpaibig ng mga babae?"
"Hindi ko alam," ani Venize na iniwas ang mga mata dahil sa titig ni Matter.
Pumadausdos ang kamay ni Matter na nasa braso ni Venize kaya tila napako sa kinatatayuan ang dalaga. Mainit ang palad na gumagapang sa balat niya.
"Ven," baritonong usal ni Matter at hinaplos ng isa niyang kamay ang pisngi ng dalaga.
Tila may magnet na naghahatak ng mukha niya palapit sa mukha ng dalaga na wala siyang magawa kundi sundin ang nais niya.
"K-Kuwan--" ani Venize. Ang lakas ng kalabog ng dibdib niya. Itutulak ba niya palayo ang dayuhan? O hahayaan niya itong halikan siya lalo na't sobrang lapit na ng mukha nito at naaamoy na niya ang mabango nitong hininga.
Lumamig ang buong paligid at ang mainit at malambot na mga labi ni Matter ang naramdaman niya.
Biglang tumigil si Matter at inilayo ang katawan sa dalaga nang matuhan.
"S-Sorry. Hindi kita dapat na sinasamantala," nahihiyang paumanhin ni Matter. "I-Isa pa, wala akong maalala.”
"Hindi mo kailangang magpaliwanag," sabi ni Venize at tumalikod para lumabas.
"I-Isa pa, baka mayroon na akong asawa," alanganing dagdag ni Matter na nagsisi sa ginawa.
"Matulog ka na," sabi ni Venize at tuluyang lumabas.
Napaupo si Matter sa higaan saka npahilamos. Na-offend kaya niya ang dalaga? Kasalanan naman niya e. Siya kasi ang nag-initiate.
" Sana wala akong asawa," bulong niya at napahilamos sa mukha. Kung bumalik man ang lahat sa kaniya, ayaw niyang magkaroon ng asawa.

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon