35

1.6K 80 1
                                    


LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 35

UNEDITED....

"Anong ginagawa mo rito?" walang ganang tanong niya.
"Binibisita ka, may masama ba?" baliktanong ng binata.
"Bisita?" ulit ni Rose saka natawa. "Bisita nga lang ba?"
"Sino ang nasa likod nitong lahat, Rose?" seryosong tanong ni Loki Luis.
"Bakit? Anong magagawa mo, bata?" pang-aasar ni Rose. "Mahina ka pa."
"Huwag mo nang guluhin pa ang mga Villafuerte!'
"Sa tingin mo, makakatakas ka? Sa tingin mo, ligtas na kayo?" tanong ni Rose saka tumingala sa binatang nakatayo sa harapan niya at nakapamulsa.
"Pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ni Loki Luis. Inutusan siya ng ama na siya ang bumisita kay Rose.
"Ako ang pinauna, sila ang tatapos!" madiing sabi ni Rose at napa-smirk.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo."
Napipikon na siya pero pinapaalala niya sa sariling babae ang kaharap ag minsan na nilang itinuring na kapamilya nang dahil kay Matter.
"Dugo! Dadanak ng dugo! Malapit na silang bumalik." Sabi ni Rose na nanlilisik pa ang mga mata.
"Tsk! If I were you, magbabago na ako." payo ng binata. Babae ito at naniniwala siyang may langit at impyerno. Sa ginagawa ni Rose, mas lalo lang nitong ibinebenta ang kaluluwa sa demonyo.
"Papatayin din nila ako. A piece of advice, bata. Pamilya't kaibigan mo lang ang protektahan mo," payo ni Rose kaya natigilan si Loki Luis.
"Ate Rose--"
"Hindi mo sila mapipigilan. Walang Lacson ang makakapigil sa kanila," tumawa si Rose nang malakas kaya kinabahan si Loki Luis lalo na nang tumayo ito at lumapit sa kaniya. "Mas masahol pa sila sa demonyo."
"Hindi namin hahayaang manaig ang gulo sa bansang ito. Hanggat buhay ang fratenities, walang makakagalaw sa mga inosenteng tao," sabi ng binata.
"Oh? So, ikaw ang bagong itinalaga, huh?" ani Rose at pinagmasdan ang kaharap mula ulo hanggang paa. "The new fraternity king? Mahina si Dylan pero mas mahina ka."
"Try me!" hamon ni Loki Luis.
Bumukas ang pinto kaya pareho silang napatingin.
"Gusto mo raw akong makausap?" walang ganang tanong ni Matter at napasulyap kay Loki Luis. "Ginagawa mo rito?"
"Nag-uusap pa kami, balik ka na lang after ten minutes," sabi ni Rose kaya tumango si Matter at lumabas. Naupo siya sa waiting area at hinintay na makalabas si Luis. Ayaw niyang pumunta rito dahil mula nang dumalaw sila, naging matamlay na si Venize at may times na natutulala. Ayaw niyang mag-assume pero nagseselos ba si Venize kay Rose? For Christ's sake, hindi naman sana dahil mahihirapan siya. Mahal niya si Venize at hindi na magbabago pa iyon.
"Kuya," ani Luis.
"Bakit ka nandito?"
Ngumiti si Luis at napakamot sa batok.
"Inutusan ako ni Daddy, imbestigasyon lang daw po dahil may mission si Dale," sagot ni Luis na nakangiti. Si Luis ay isa sa mg apo ni Dylan Lacson.
"Bakit?" tanong ni Matter.
"Gusto lang naming alamin kung bakit ka niya papatayin noon at kung bakit niya ninakaw ang pera ninyo."
Tumango si Matter at tumayo. "Puwede na ba akong pumasok?"
"Oo," sagot ni Loki Luis kaya iniwan na siya ni Matter para puntahan si Rose.
Kumatok muna ng dalawang beses si Matter at pumasok.
"Hi," bati ni Rose na nakaupo sa kama.
"Bakit mo ako pinatawag?"
"Bakit ka pumunta?"
"Pagod na ako at gusto ko nang matapos ito, Rose!" Ilang beses na siyang pinatawag nito pero hindi niya pinagbigyan. Para ano pa?
"Ako rin," sagot ni Rose at nginitian si Matter. "Mukhang okay ka naman at masaya na. Hindi kagaya noong pumunta ka rito."
"Nakita ko na ang mag-ina ko," sabi ni Matter.
"Good," sabi ni Rose at napabuntonghininga. Mabait si Matter sa kaniya kahit na ganoon nga ang ginawa niya rito. Sayang at hindi siya nagtagumpay kaya sa mental ang bagsak niya.
"Sorry sa lahat," mahinang paumanhin ni Rose.
"Matatanggap ko ang sorry mo pero hindi kita mapatawad. Pakiusap, Rose. Huwag ang mag-ina ko. Hindi mo naman ako mahal, kaya hayaan mo na kami," pakiusap ni Matter na ikinatawa ni Rose.
"Labas ka na rito, Matter. Labas na ang mga Villafuerte." Tumayo si Rose at may kinuha sa drawer. Lumapit siya kay Matter na mukhang natakot sa kaniya. Kinuha niya ang kanang kamay nito at inilagay sa palad ang engagement at wedding ring. "Ibinabalik ko na ang dalawang singsing na 'yan."
"Sa 'yo na--"
"Hindi ko deserve ang bagay na 'yan. You can give it to Rose Verzosa."
"But you are Rose Verzosa," giit ni Matter. Susumpungin na naman ba si Rose ng pagkabaliw nito?
"Hindi mo pa alam?" ani Rose.
"A-Ang alin?"
Tila nag-isip si Rose.
"Na mahal ka niya."
"Alam ko," ani Matter.
"Ibenta mo 'yan at ibili ng panibagong singsing. Hindi na rin naman ako makalabas dito."
"Psh! Magpagaling ka, Rose," seryosong sabi ni Matter.
"Kapag mamatay ako, aminin mo sa publiko ang totoong nangyari," sabi ni Rose.
"Pinagsasabi mo?" tanong ni Matter.
"Nevermind," bawi ni Rose saka tumawa pero mayamaya'y nanlilisik ang mga mata. "Hayop ka! Papatayin kita!"
Napaatras si Matter.
"Takbo! Takbo Matter!" Sinugod niya si Matter pero agad na nakatakbo si Matter palabas ng kuwarto niya. Nakasalubong niya ang nurse na patakbong pinupuntahan si Rose para bigyan ng pampakalma.
"Haist!Baliw na talaga siya," bulong ni Matter habang palabas ng hospital.
Nagmaneho siya pauwi ng bahay pero sa halip na si Venize, si Moon ang nadatnan niya na naka-business suit pa.
"Akala ko ba nasa meeting ka?"
"Umalis na 'ko," nakabusangot na sagot nito.
"Ano bang problema?"
"Blind date 'yon nina Daddy. Hindi ba siya titigil? Ayaw ko nga mag-asawa!" galit na tanong ni Moon.
"Ba't ka ba sumisigaw?"
"Kasi bakit ba hindi na lang ako pabayaan? Ayaw ko nga mag-asawa. Hindi pa ba sila nadala sa nangyari sa 'yo?"
"Kaya nga sila na ang naghahanap."
"Buwesit! Sila ang makisama?"
"Bakit hindi mo na lang kaya pakasalan 'yong ex mo?"
"Sino sa kanila?"
"Umuwi ka na pala," sabi ni Venize na kakababa lang. Nilapitan siya ni Matter at hinalikan sa kanang pisngi.
"Kumain ka na ba, hon?" malambing na tanong ni Matter.
"Uwi na ako," paalam ni Moon.
"Kamusta?" tanong ni Venize. Ang totoo, natatakot siya. Mula nang malaman niyang hindi naman baliw si Rose, nabahala na siya. Paano kung bumalik si Rose at muling magmakaawang mahalin ni Matter? Paano na siya?
Inakbayan ni Matter ang kasintahan at niyakap.
"Mali ba ako?" bulong ni Matter. "Sana 'wag kang mabahala dahil ikaw ang mahal ko. Ikaw na, Ven."
"M-Matter--"
"Please, huwag kang manlamig sa akin dahil nasasaktan ako, Ven. Alam kong marami na ang hirap na pinagdaanan mo kaya sana hindi ko n madagdagan pa dahil hindi ko na talaga mahal si Rose. Hindi dahil sa 'yo kundi dahil sa ginawa niya. Kayo na ng mga anak ang nagmamay-ari sa akin," nahihirapang paliwanag ni Matter at hinalikan sa noo ang kasintahan. "Ikakasal na tayo kaya ikaw na ang legal kong asawa."
Narinig niya ang mahinang paghikbi ni Venize kaya lumayo siya rito at pinagmasdan ang mukha.
"S-Sorry kasi natakot ako," pag-amin ni Venize. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito dahil alam niyang hindi naman siya selosa.
Ngumiti si Matter at pinahidan ang mga luha ng dalaga.
"Tahan na, hon. Hindi kita ipagpalit, okay?"
Tumango si Venize. Sa loob ng mahigit na apat na taong hindi sila nagkita, siya pa rin ang mahal ni Matter. Ne hindi ito nagmahal ng iba.
"S-Sorry, Matter," paumanhin ni Venize at siya na mismo ang yumakap kay Matter. "I love you, Matter."
"I love you too, hon." Bulong ni Matter at mahigpit na niyakap si Venize. "Huwag ka nang matakot, ha. Wala nang kinalaman si Rose dito."
Tumago si Venize at nagppasalamat dahil sa pagkakataong ibinigay ni Lord para sa kanila ni Matter.

------------------------------

Bumukas ang pinto pero nanatiling nakaupo sa gilid ng kama si Rose at pinagmasdan ang mga pasyenteng may sakit sa utak at ginagawa ang activities nila. Ang iba ay nagtatawanan, nag-gagarden, habulan at merong nagsosolo. Matagal na siya sa pamamahala pero hanggang ngayon, hindi pa rin dumarating ang hinihintay niyang dalaw.
"Ma'am? May bisita ka," sabi ng nurse na naging mabait sa kaniya dahil fan daw niya ito.
"Umalis ka na," mahinang sabi ni Rose sa nurse. Naramdaman ni Rose ang pagsara ng pinto. Mahihina at magaang hakbang ang narinig niyang palapit sa kaniya kaya napapikit siya.
"Ikaw pa," ani Rose. "Sa dami nila, ikaw pa ang pinadala nila."
Narinig niya ang paghila nito ng silya para makaupo.
"Kamusta ka na?" tanong nito kaya humarap si Rose.
May kapayatan at naka-itim na sombrero.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Rose.
"Busy kami," sagot nito at pinagmasdan si Rose mula ulo hanggang paa. "Pumayat ka na, namumutla ka pa."
"Mamamatay rin naman ako."
"Ayaw mong mamatay na maganda?"
Ngumiti si Rose. "Hindi ko madadala sa impyerno ang ganda ko. Unless, magugustuhan ako ni Satanas."
"Good," sabi nito.
Napasulyap si Rose sa daliring nitong nilalaro ang labi ng basong may tubig sa ibabaw ng mesa.
"Iinom na ako ng gamot ko, hindi ko kasi nainom kanina."
"Ganun ba?" tanong nito.
Lumapit si Rose at hinawakan niya ang kamay nito kaya hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagkahulog ng pinong crystal powder sa tubig mula sa kuko nito.
"Huwag matakot," nakangiting sabi ni Rose at pinisil ang kamay ng kaharap.
"Takot saan?" tanong nito.
Tumawa si Rose. "Kasi hindi ako baliw," sabi ni Rose. "At alam ko ang ipinunta mo rito. Wala akong balak na biguin ka."
"Kukuha lang ako ng bagong tubig," sabi nito saka tumayo at iniwan si Rose.
Pagbalik, wala nang laman ang basong iniwan sa mesa. Wala na rin ang gamot na nasa tabi nito kanina.
"Ilang oras?" tanong ni Rose.
Napabuntonghininga ang lalaking kaharap. "Anim na oras," sagot nito na nakatitig sa mukha ni Rose na matagal na niyang hindi nakita.
"Makakaalis ka na," sabi ni Rose at malungkot na tinitigan ang lalaking nakatayo sa harapan niya.
"Para siyang potassium chloride, kaya magkakaroon ka ng--"
"Tachycardia. Heart attack ang magiging sanhi ng pagkamatay ko. Pero dahil powder siya, matagal ang absorption nito kaya aabot pa ako ng anim na oras," agarang sabat ni Rose. Alam niya ang powder na iyon dahil kasama sa training nila noon at iyon ang madalas nilang gamitin kapag may gusto silang patayin nang hindi sila mapaghinalaan.
Inilapag nito ang dalang tubig sa bedside table.
"Trabaho lang, at alam mong walang antidote 'yan. Aalis na 'ko," paalam nito at muling pinagmasdan si Rose dahil ito na ang huli nilang pagkikita.
"Congrats. Mission accomplished!" bati ni Rose at nginitian ang kaharap. Kapag hindi ito magtagumpay, ito naman ang mailagay sa alanganin ang buhay. Buhay niya kapalit ng mission nito at malugod niyang tatanggapin ang kamatayan kung ang kapalit nito ay pagtagumpay ng kaharap.
"Magdasal ka bago ka mamaalam," bilin nito saka tinalikuran si Rose. Malapit na siya sa pinto nang muling magsalita si Rose.
"P-Pero wag m-mong kalimutang-- mahal kita," garalgal na sabi ni Rose. Sa huling pagkakataon, gusto niyang iparamdam ang pagmamahal sa hindi inaasahang bisita. Alam niyang mamamatay siya pero hindi niya inaasahang ito ang ipapadala nila.
"Hindi ko kailangan ang pagmamahal mo. Rest in peace in advance." Madiing sabi nito.
Tumawa si Rose. "Alam ko namang hindi mo ako mahal pero sana magtagumpay kayong lahat lalo ka na. Hayaan ninyo, tapat pa rin ako sa grupo at mananatiling tikom ang bibig ko hanggang sa tuluyan akong mawala sa mundo. Nag-enjoy ako. Salamat sa inyong lahat. Now, deserve ko rin ang mamatay," sabi ni Rose dahil alam niyang naka-earpiece ito. Nais din niyang iparating sa mga nakikinig ang gusto niyang sabihin.
Nang isinara nito ang pinto, napapikit si Rose at pinahidan ang mga luha. Bukas ng madaling araw, ibabalita na ang pagkamatay niya.

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon