15

1.2K 63 0
                                    



LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 15

UNEDITED....

[ROSE POV]

Dumungaw ako sa bintana. Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang mag-amang naghahabulan sa pool. What a perfect father-son tandem. Kapag ba pumayag ako na magbuntis nang maaga, ganiyan din kaya kami kasaya?
"Bakit hindi ka bumaba?" tanong ni Mommy Taira.
"I'm fine," sagot ko.
"Are you sure?"
"Yes po," malungkot na sagot ko at pilit na nginitian siya.
"Rose? Ako na humihingi ng pasensiya sa nagawa ng anak ko. H-Hindi niya alam na may nabuntis siya. Alam kong masakit ang pinagdadaanan mo pero nandiyan ka pa rin at hindi siya sinusukuan, salamat," nahihiyang pasalamat niya.
"It's okay po, mahal ko po talaga si Matter. Tama siya, walang kasalanan ang bata," ani ko at pinagmasdan muli sina Matter.
"Salamat, Rose. Kung ako, siguro hindi ko matatanggap si Sky. Pero depende rin."
"Lahat ng tao ay may pinagdadaanan. Tao lang din po si Matter at wala siyang alam na may anak na siya kaya nauunawaan ko siya. Sino ba naman ako para pigilan ang kasiyahan niya. As long na ako ang asawa niya, wala hong problema sa akin," mahabang wika ko kaya niyakap niya ako.
"Salamat, hija. Maiwan muna kita," paalam ni Tita kaya tumango ako.
Naupo ako sa sitting room at nag-isip.
"Dito ka pala," sabi ni Matter na palapit sa akin.
"Hi," bati ko at napatingin kay Ocean. "Hello, baby Boy."
"Hello po," magalang na bati niya. "Tatay? Gusto ko na pong kumain."
"Sige," pagpayag ni Matter. "Kakain lang kami sa kitchen."
"Sure. Nagluto ako ng lasagna," sabi ko. Iniwan na nila ako.
Mula nang makilala ko si Matter, puro kabutihan ang ipinakita niya sa akin. Well, lalaki lang siya ag aminado akong mahirap siyang pabaguhin. Lalo na noong first six months namin. Nakikipaglandian pa siya sa iba. Siguro dahil gusto pa niya akong makilala bago seryosohin? Pansin ko rin naman ang panlalamig ng mga kapatid niya noon sa akin.
Guwapo si Matter, magaling sa kama at well, mapagmahal.
" Nakaalala ka na kaya?" tanong ko sa isip. "Anong binabalak mo, Matter?"
Gusto kong makasigurado. Kung bumalik na ang alaala niya, bakit hanggang ngayon tikom pa rin ang bibig niya? Or baka may amnesia pa talaga siya? Malapit na akong mainis. Pero bago pa niya maalala at makapagsalita, kailangan matapos ko na ang lahat. Everything went smoothly. Kung hindi nagtagumpay ang plan A, heto na ngayon ang plan B. Buti naman at nakikiayon ang panahon.
"Mukhang malalim ang iniisip mo," nakangiting sabi ni Star na nasa harapan ko na pala.
"Sinusubukan kong tanggapin ang lahat," malungkot na sagot ko.
"Si Ocean?" tanong niya.
"Oo. Ikaw ba, may anak sa labas ang asawa mo tapos hindi ka pa niya maalala, magiging okay lang ba sa 'yo?" tanong ko na papaiyak na.
"Kung hindi lang sana kayo naaksidente e di siguro may kambal na rin kayo," biro niya kaya ngumiti ako.
"Baliw ka talaga," sabi ko.
"May cheesecake akong dala, kain ka muna," aniya saka umakyat patungo sa library.
Hindi madali sa akin ang magpalit ng emosyon. Let's just say na nasa pelikula ako. Thanks sa acting skills ko na nahasa sa Bright star agency nina Red. First thing na kailangan mong gawin when you're acting? Be consistent. Never show your true colors kahit walang camera. Hindi mo alam o kilala kung sino ang nagmamatyag sa paligid mo.
Mahirap magpadalos-dalos dahil kapag may mangyari ulit kay Matter, mahahalatang may nagtatangka sa buhay nito. Ayaw kong makipagsapalaran gayong malapit ko nang makuha ang gusto ko. Konting panahon na lang.
Gusto kong malaman kung sino ang sinasabi nilang mag-asawang nagkupkop kay Matter. Pero wala akong mahilata sa kanila dahil walang umaamin ng identity ng mga iyon.
Kailangan kong makilala dahil sigurado akong may alam siya sa nangyari. Sino ang mag-aakalang makakaligtas sila sa pagsabog na iyon? Lalo na si Matter?

-------------------------

[Matter POV]

"Ano 'to?" tanong ko nang pagkaupo ko sa backseat ay may inabot si Star sa akin.
"Asset's report mo," sagot niya kaya binuklat ko at binasa ang laman ng folder.
"Sumasakit ang ulo ko," sabi ko nang makita ay puro numero.
"To summarize, wala nang laman ang lahat ng account mo at nakapangalan na sa asawa mo," sagot niya kaya napatingin ako sa kaniyang nagmamaneho.
"Psh! Wala talaga? May joint account kami," sabi ko.
"Nung mamatay ka, inilipat na niya iyon sa account niya."
Tiniklop ko ang folder at iwinaksi sa gilid. "May pa-report-report ka pang nalalaman tapos wala rin palang laman!"
Tumawa siya. "Siyempre para malaman mo kung saan napunta ang pera mo. Pati bahay na pinatayo mo, sa kaniya nakapangalan. Pero don't worry, as long na kasal kayo at buhay ka, hati pa rin kayo sa properties."
"Ang negosyo?" tanong ko.
"Intact ang pera at negosyo. Sa 'yo lang talaga ang nakapangalan sa kaniya," sagot niya kaya nakahinga ako nang maluwag.
"Ang isla pala," ani ko.
"Yan ang hindi ko alam. Matic na 'yon na sa kaniya mo ipinangalan."
"Hayaan mo na," sabi ko. Hindi mahalaga sa akin ang pera. Ang importante ay ang mag-ina ko. Pera lang 'yan. Lupa? Sasakyan? Kahit na kay Rose na 'yon. Tutal, pinaghirapan naman niya 'yon. Sino ang matinong babae na gusto patayin ang asawa? Kahit sa kaniya na 'yon pero 'wag lang niyang idamay ang anak ko at hayaan na kami.
"Ipinangalan mo naman yata sa kaniya eh," sabi ni Star.
"Asawa ko siya," sagot ko. Wala akong pakialam kasi totoo namang minahal ko siya. Nagpakabaliw pa nga noon e. Ganoon ako e. Kung anong meron ako, para iyon sa kaniya.
"Buti naman naalala mo pero sana bago ka mag-anak kay Venize--"
"Hindi pa kami kasal no'n."
"Ba't mo ba kasi binuntis si Venize?"
"Hindi ko rin alam," sagot ko. Hindi ko nga namalayang naputok ko pala kay Venize. Maingat ako. Sa lahat ng babaeng nagamit ko, never ko pa silang naputukan sa loob. Siguro dahil virgin si Venize nang gabing iyon? Or lasing lang ako kaya nakalimutan kong mag-ingat? Ewan.
"Pag mabuntis mo ulit si Venize, malaking kaso 'yon, bro. Legal kang kasal kay Rose at kapag mapuno ang babae, kulungan ang bagsak mo."
"E di kulong," sabi ko na para bang wala lang.
"May karapatan si Ocean sa ari-arian mo kaya dapat mong ingatan ang anak mo dahil dalawa na sila ni Rose ang legal beneficiary mo kahit na anak mo lang siya sa labas," paalala niya.
Napabuntonghininga ako. Nakakainis! Wala pa akong plano. Umaasa na lang ako na magbago si Rose. Kahit iyon lang dahil minahal ko siya.
"Ano ba talaga ang nangyari nang gabing iyon, Matter?" seryosong tanong ni Star.
"Wala akong maalala," sagot ko.
"Yeah, may amnesia ka nga pala," sarcastic na wika niya.
"Magmaneho ka na lang para tapos ang usapan!" saad ko. "Daan muna tayo sa flower shop."
Matapos ang kinse minutos na biyahe, nasa tapat na ako ng condominium building ng mga Lacson.
"Huwag mo na akong sunduin, magta-taxi ako," bilin ko bago lumabas.
Pasipol-sipol ako habang naglalakad bitbit ang yellow tulips. Makikita ko na naman ang honey ko. Siguro kaya ako binuhay ni Lord dahil gusto pa niyang makita at makilala ko ang mag-ina ko.
Ilang beses kong pinindot ang 5th floor. Tagal!
"Masisira ang elevator. Isang pindot lang," saway ng matandang lalaking kasabay ko kaya napangiti ako.
"Miss ko na po kasi siya eh," sagot ko.
"Sa una lang 'yan. Kapag tumagal, magsasawa ka rin niyan," sabi niya kaya nginitian ko lang.
Nang bumukas sa 5th floor, lumabas na agad ako at tumungo sa room niya at pinindot ang password dahil wala akong keycard.
"Dale," wika niya na palapit sa pinto pero natigilan nang makita ako. "M-Matter. Bakit nandito ka?"
"Dinadalaw ka," naiinis na sagot ko.
"Si Ocean?"
"Sa bahay."
"Bakit hindi mo dinala?"
Hindi ako sumagot. Dumiretso ako sa mesa at kinuha ang vase saka nilagyan ng tubig at isa-isang inilagay ang tulips. Kainis!
"Bakit iniwan mo si Ocean? Sana dinala mo," sabi niya na nakabuntot sa likuran ko. Inilapag ko ang vase sa center table.
"Mabasag ang vase," sabi niya. Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang kaldero pero agad kong isinara nang makita ang adobong pusit.
"Si Dale ang nanggrocery," sabi niya. Bumalik ako sa sala at naupo sa couch.
"Ano bang problema mo?" singhal niya at inagaw ang remote na hawak ko. "Kung pumunta ka rito para magdabog, umuwi ka na!"
"Bakit? Dahil hindi ako si Dale?"
Napanganga siya. "At bakit nasama si Dale sa usapan?" Nakapamewang na tanong na niya.
"Nung bumukas ang pinto, akala mo si Dale ako! Kung inaasahan mo si Dale, bakit ganiyan pa talaga ang suot mong bestida? Manipis. Kita dibdib mo at wala ka pang bra! Venize naman!" Galit na sagot ko.
"Kakagising ko lang. Ito naman suot ko noon ah. Isa pa, akala ko si Dale lang ang nakakaalam ng password," depensa niya.
"Alam ko rin!" sigaw ko na ikinagulat niya.
"Ba't ka naninigaw?" sigaw rin niya. Okay. Firstime akong sinigawan ng babae. Si Rose, never niya akong sinigawan. Oh well, fake pala 'yon. Di ako sinigawan pero papatayin naman ako.
Pinakalma ko ang sarili ko. Bakit ba nagdududa ako sa kaniya?
"K-Kasi nagugutom na ako tapos pusit ang ulam mo! Sabing ayaw ko ng pusit!" Totoo. Hindi ako nag-breakfast dahil balak kong sabay kaming mag-breakfast tapos pusit ang maaabutan ko?
"Hindi mo sinabi. Sana bago ka magsusumigaw riyan, sinabi mong nagugutom ka na," nakasimangot na sabi niya. "Magluluto ako ng itlog at longganisa."
Tumungo siya sa kusina kaya sinundan ko siya at niyakap mula sa likuran.
"Papalitan natin ang password para hindi na makapasok si Dale," bulong ko at hinalikan siya sa tainga pero tinulak niya ako.
"Hindi ako makapagluto," aniya kaya lumayo ako at naupo sa silya saka pinagmasdan siyang magluto.
"Honey? Dito na lang kaya kami ni Ocean?"
"Tigilan mo 'ko, Matter! Umuwi ka sa asawa mo!"
"Ikaw na ang asawa ko," sabi ko.
"Ayaw kong maging kabet mo!" gigil na sabi niya kaya natahimik ako.
"Hayaan mong aayusin ko 'to," pakiusap ko. Hindi puwedeng ganito na lang kami parati.
"Kung tanggap ni Rose si Ocean, wala ka nang dapat na alalahanin pa dahil walang problema sa akin kung palitan tayo kay Ocean."
"Tingin mo sa anak ko, laruan?"
"Eh ano ang gusto mong mangyari?" pikong tanong niya na namumula pa ang mamula-mulang pisngi sa inis.
"Ngayon?" tanong ko saka matamis na ngumiti.
"Haist! Puro ka kalokohan!" aniya.
"Puwede bang dito na muna ako? Mamaya na lang ako uuwi?"
"Hahanapin ka ng asawa mo!" Isinalang na niya ang isang itlog. Kahit nga asin lang ang ipakain niya sa akin, okay na ako e. Kay Venize lang ako nakakaramdam ng kapayapaan at kaligtasan.
"Ayan, kumain ka na muna. May kanin diyan," sabi niya at inilapag ang unang malasadong itlog.
"Sabay na tayo," sabi ko.
"Mauna--"
"Ang pamilya ay kumakain ng sama-sama."
"Oh? Ba't di mo isinama ang asawa mo?" pagtataray niya kaya gusto kong matawa. No, ayaw ko siyang ikumpara kay Rose dahil iba si Venize. Hindi niya ako sasaktan. Pero sa nangyayari ngayon, sinasaktan ko siya. Nawalan siya ng tirahan nang dahil sa akin.
"Ang cute mo," puri ko.
"Kumain ka na nga! At lumayas!"
"Hintayin kita. Sabay na tayo."
Hindi na siya nakipagtalo pa at sabay na kaming kumain. Nanood kami ng TV tapos pumasok siya sa kuwarto kaya sinundan ko pero nang nasa loob na ako, lumabas na naman siya. Iniiwasan niyang magkaroon ng body contact sa akin.
" Alam ko naman kasing bibigay ka," bulong ko habang nakatitig sa kaniya na nagpupunas ng sahig.
"Umuwi ka na nga. Mamaya mawala pa si Ocean!" sabi niya kaya natauhan ako. Oo nga pala, pauwi na si Rose at wala sina mommy.
"Babalik ako, hon," sabi ko at mabilis na tumalima.
Agad na pinara ko ang dumaang taxi at nagpahatid sa bahay.
"K-Kuya pakibilisan mo. Emergency lang," pakiusap na kinabahan.
Mabuti na lang dahil mabait si Kuya at pinabilisan ang pagmaneho kaya wala pang 15 minutes, nasa bahay na kami.
"Keep the change po," sabi ko nang iabot ang 1k. Bakit ba kasi inuna ko ang pakipaglandian sa nanay niya? Kapag may mangyaring masama sa anak ko, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko
"Si O-Ocean?" tanong ko sa nagbabantay dahil nasa garden siya.
"Nasa taas po," magalang na sagot niya.
"Sinong kasama?"
"Si Ma'am Rose po," sagot niya kaya tumakbo ako papasok sa loob ng bahay at inilang hakbang ang baitang para lang makarating agad sa kung saan man sila.
"O-Ocean!" hinihingal na tawag ko nang buksan ang pinto.
"Tatay!" masiglang sabi niya at tumayo nang makita ako. "Laro tayo."
Tumayo rin si Rose at ngumiti.
"Bakit hinihingal ka?" nagtatakang tanong ni Rose.
"W-Wala. Nakalimutan ko nga palang pupunta kami sa dentist niya at may fifteen minutes na lang kami," sagot ko. "Halika, baby. Papabunot na natin ang ngipin mo," yaya ko.
"Hindi mo ba siya bibihisan?" tanong ni Rose at iniligpit ang mga gamit.
"Wag na. Maayos naman siya tingnan. Pakisabi na lang kina Mommy," sagot ko.
Binuhat ko si Ocean at inilabas sa silid saka mahigpit na niyakap pababa. Damn! Nextime isasama ko na siya kapag makipaglandian ako sa nanay niya.

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon