LA PESCADORA ( The Fisherwoman )
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 7
Unedited...
"Kapag magkaanak tayo, gusto kong ipangalan natin sa panganay si Gas tapos--"
"Matulog ka na," saway ni Venize at tinanggal ang kamay ni Matter.
"Pero gusto ko ng Gas," pangungulit ni Matter.
"Hindi mangyayari 'yon," naalibadbarang sagot ni Venize at nahiga patalikod kay Matter.
"Honey naman, usap muna tayo," pangungulit ni Matter.
"Tumigil ka!" saway ni Venize sabay hampas sa paa ni Matter na nakabigkis sa mga binti niya.
"Galit ka ba kasi hindi kita pinayagang manguha ng pusit?"
"Alam mo bang malaki ang mawawala sa atin dahil sa ugali mo?"
"Haist! Isda na lang kasi. Magha-hunting tayo ng baby sharks."
"Psh! Kailangan natin ng pera."
"Honey naman, I'm tired. Tulog na tayo. Papatayin ko 'yang octopus na 'yan o ano man tawag sa kanila kapag makahanap ako sa dagat!" sabi ni Matter.
"Mag-ingat ka sa mga pusit at huwag mo silang titigan sa mga mata dahil matalas ang memorya nila. Papatayin ka talaga nila," paalala ni Venize.
"Galit ako sa kanila kaya huwag kang mag-alala, bago pa nila ako makilala, mapapatay ko na sila!" determinadong sabi ni Matter.
"Huwag ka na nga maingay, magising si Ocean e. Lipat ka na do'n sa kaniya."
"Next round tayo, hon?" Hinalikan niya sa leeg si Venize pero agad siyang siniko ng dalaga.
"Balik na kay Ocean!"
"Psh! Oo na!" Napilitang tumayo si Matter at isinuot ang saplot na nakasampay sa headboard ng higaan.
"Dapat kasi tabi tayo e."
"Balik na kasi!"
"Oo na. Alam mo namang boss kita. Pero Ven? Huwag ka nang makipagkita sa lalaking 'yon," pakiusap ni Matter.
"At bakit?"
"Kasi magseselos ako. Kapag kasama mo siya, magseselos at magseselos ako."
Napangiti si Venize nang lumabas si Matter. Sobrang seloso nito. Pero ang sweet din. May mga pangako itong binibitiwan pero alam niyang hindi n nito matutupad kahit kailan.
Nagtalukbong siya ng kumot.
" Hanggang kailan, Venize Jamesem Ramirez?"
bulong niya. " Hanggang kailan mo hahawakan ang taong alam mong pagmamay-ari na ng iba?"
Pinahidan niya ang mga luha. Ang selfish niya. Dapat noong una pa lang, nakinig na siya sa payo ni Jemson na 'wag magpadala kay Matter.
---------------
"Rose!" tawag ni Matter kaya napatigil ang asawa at lumingon sa kaniya. "I love you!" sigaw niya.
"I hate you!" malakas na sigaw ni Rose saka tumatawang tumakbo.
Napailing si Matter habang pinagmamasdan ang masayahing asawa.
Soon, gagawa sila ng isang buo at malaking pamilya sa islang iyon.
" Rose," usal ni Matter at idinilat ang mga mata.
"V-Venize," sambit niya nang pagmulat niya ay si Venize ang nakatayo sa harapan niya.
"Kain na tayo," sabi ni Venize at iniwan siya.
Naupo si Matter saka napahilot sa sintido. Alam niyang may binigkas siyang pangalan bago siya nagising.
"Shit! Bakit ngayon pa?" naiinis na sabi niya. Ayaw niyang maalala ang mukha ng babaeng nasa panaginip niya.
Lumapit siya sa magkapatid na kumakain at pritong isda ang ulam.
"Masarap ang luto ng honey ko," puri niya habang kumakain.
"Pagkatapos kumain, maligo ka, okay?" sabi ni Venize kay Ocean.
"Mangingisda ba kayo mamaya?" tanong ni Matter pero sa halip na sumagot, ipinagpatuloy ni Venize ang pagkain. Confirmed. Alam niyang narinig iyon ni Venize.
"Ako na ang maghuhugas ng plato," sabi ni Matter nang mapansing tapos na ang dalawa.
"Kuha ka ng tuwalya, maliligo na tayo," utos ng dalaga kay Ocean. Tumalima ang bata at kumuha ng tuwalya saka sila lumabas.
Pagkatapos maghugas, dinungaw ni Matter ang dalawang naliligo sa balon.
"I know mali ako," bulong niya habang pabalik-balik sa loob ng bahay. Mali naman talaga siya at sigurado siyang nasaktan niya si Venize.
Bumukas ang pinto at nagtama ang mga mata nila pero si Matter ang unang bumawi.
"Magbihis ka na sa loob," utos ni Venize sa nakahubad na bata. Tumakbo ito papasok sa kuwarto.
Nilagpasan niya si Matter na walang imik na nakatayo sa tabi ng maliit nilang mesa.
Nagpalit siya ng damit sa silid. Pinahidan niya ang mga luha na kanina pa lumalabas habang naliligo siya. Alam niyang wala siyang lugar sa buhay ni Matter pero pumayag siyang maging pampalipas-oras nito habang wala itong maalala.
Napasulyap siya sa kamay na yumakap sa bewang niya.
"I know I hurt you," malungkot na sabi ni Matter. "I'm sorry, it was just a nightmare."
"H-Hindi ko alam ang pinagsasabi mo," tanggi niya at pilit na pinapakalma ang sarili. Tinuruan siyang maging matapang pero si Matter, ito ang naging weakness niya.
" I know you heard me," ani Matter at iniharap si Venize. "I love you."
Hahalikan na sana niya si Venize pero umiwas ang dalaga.
"Maghahanda na ako, maaga pa kami nina Jemson."
"Daanan ninyo ako, sasama akong magbenta."
"Bukas ng madaling araw kami uuwi, ihanda mo na lang si Ocean," sabi ni Venize at kinuha ang sombrero na nakasabit sa dingding.
"Ven?" tawag ni Matter nang buksan ng dalaga ang pinto. "I'm sorry."
"Wala kang kasalanan."
Lumabas na si Venize at tumakbo patungo sa bangkang naghihintay sa kaniya.
"May problema ba?" tanong ni Jemson nang mapansing umiiyak si Venize nang umakyat sa bangka na tinutulak na ng dalawang matandang lalaking kasama nila. Umiling ang dalaga.
"Magaling na siya," ani Jemson na napasulyap kina Matter at Ocean. "Kaya na niya ang sarili niya."
Mas lalong humagulgol si Venize.
"Here," sabi ni Jemson matapos dukutin ang isang bagay sa bulsa niya.
Napatitig si Venize sa hawak ng kaibigan. Nanginginig ang mga kamay na kinuha niya ito.
----------------------
"Singkuwenta na lang po 'yan lahat," sabi ni Matter sa babaeng halatang naglalandi sa kaniya.
"May syota ka na ba, kuya?" tanong ng babae.
Ngumiti si Matter. "Oo, dito siya sa tabi ko."
Napalingon si Venize sa kaniya kaya kinindatan niya ito.
"Ayieee. Ang sweet n'yo naman po," kinikilig na sabi ng babae at inabot ang supot na bigay ni Matter.
"Sold out!" anunsiyo ni Matter at kinuha ang banyera para ilagay sa bangka.
"Hon? Bili muna tayo sa palengke ng karne at bigas," sabi ni Matter at inakbayan si Venize at binuhat si Ocean saka inilagay sa leeg niya.
"Sige," pagpayag ni Venize at napasulyap kay Matter na masaya. Kahit na luma ang black tshirt nito at kupas ang maong at punit-punit na jeans na suot na dating damit ng kaniyang ama, bagay pa rin ito kay Matter. Pati nga tsinelas na Dragon ang brand.
Pagpasok nila sa palengke, agad na tumungo si Matter sa mga de-lata at kumuha ng meat loaf.
"Gatas," sabi ni Ocean na tinuturo ang Bear brand kaya kumuha si Matter ng 1kg.
"Venize!" nakangiting tawag ng lalaki na palapit kay Venize.
"Haist! Siya na naman!" naiinis na sabi ni Matter.
"Sabi ng tauhan mo, hindi ka na nagbebenta ng pusit? Sayang naman," sabi ng lalaki na lumapit kay Venize pero humarang si Matter bago pa niya malapitan ang dalaga.
"Hon? Kuha ka ng sabon at lotion ni Ocean," utos ni Matter kaya niyaya ni Venize si Ocean na lumapit sa kabilang section.
"Layuan mo si Venize!" galit na sabi ni Matter pero ngumisi lang ang kaharap.
"Ang sabi ni Venize, may amnesia ka raw," sabi ng kaharap kaya naikuyom ni Matter ang kamao.
"Mukhang close kayo ni Venize!"
"Yes," pag-amin ng kaharap.
"Gaano kayo ka-close?" seryosong tanong ni Matter na pinipigilang masuntok ang kaharap.
"Does it matter?" nakangising sagot nito habang nakipagtitigan kay Matter.
"Hindi ko gusto ang pagiging close ninyo!" prangkang sabi ni Matter.
"Mukhang malakas ka na," sabi ng lalaki at pinagmasdan si Matter mula ulo hanggang paa.
"Layuan mo si Venize!"
"Why? Mahal mo ba siya?" diretsahang tanong ng kaharap. "You even call her honey?"
"Wala ka na roon!"
"Kung mahal mo siya, hindi mo siya sasaktan. Kung mahal mo siya, ayusin mo ang lahat para ipaglaban siya," makahulugang sabi ng lalaki.
Akmang susuntukin siya ni Matter pero mabilis na napigilan niya ang kamao nito.
"Mabagal kang kumilos," sabi ng lalaki. "Hindi ko alam kung ano ang kapangyarihan mo para utusan akong layuan si Venize."
"Mas matanda ako sa 'yo!" galit na sabi ni Matter kaya humalakhak ang kaharap.
"Got it. But age doesn't matter," anito pero tinalikuran na siya ni Matter at lumapit ito kay Venize na abala sa pamimili ng bibilhin.
"Tapos ka na? Alis na tayo," yaya ni Matter.
"Sige," pagpayag ni Venize na napatingin sa kaibigang palabas ng grocery store.
"May motel ba dito? Dito na tayo matulog."
"A-Ayaw mong umuwi?" tanong ni Venize.
"Saan?" seryosong tanong ni Matter na nakatitig sa mukha ng dalaga. Hanggat maari, gusto niyang kabisaduhin ang mukha nito mula sa noo hanggang sa baba.
Iniwas ni Venize ang mga mata dahil sa kakaibang titig ni Matter. Bumilis ang tibok ng puso niya at nakaramdam siya ng kaba.
"Nevermind," sabi ni Matter saka pumila sa counter.
Paglabas nila, niyaya siya ni Matter na gumala kasama si Ocean.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Venize.
Ngumiti si Matter. Ngiting pilit lang. He's buying time.
"Gusto mo na ba akong umuwi?"
"K-Kung gusto mo na."
Tumango si Matter para ipaalam sa dalaga na naunawaan niya ito. Humarap siya kay Venize saka hinawakan ito sa magkabilang balikat.
"Mahal kita, Ven."
"M-Ma--" Venize.
"No matter what, mahal kita."
Tumango si Venize saka niyakap si Matter.
"Tara na, uwi na tayo," yaya ni Matter saka lumabas sila sa plaza at nag-arkila ng motor pabalik sa port kung saan naghihintay ang bangka nila.
Maingat na pinahiga ni Matter si Ocean dahil nakatulog na ito sa sobrang pagod sa pag-slide sa plaza kanina.
Nasa gitna na sila ng dagat nang tumabi si Matter kay Venize.
Mula nang sumakay sila, walang nagsalita sa kanila.
Mahaba ang katahimikang namayani sa pagitan nila.
Hindi alam ni Venize ang sasabihin o gagawin. Ayaw niyang mag-isip. Tanging hiling niya lang ay huwag nang gumalaw ang bangkang sinasakyan nila at manatili na lang sila sa gitna ng dagat na kung saan, magkasama silang tatlo at tanging malalakas na along humahampas sa bangka ang naririnig ng kanilang mga tainga.
Napatingin siya kay Matter nang itinaas nito ang mga kamay at pinahidan ang mga luha. Mula sa mahinang pag-iyak, humagulgol na ito kaya napakagat sa ilalim ng labi si Venize para pigilan ang mga luha.
"A-Alam kong labis kitang n-nasaktan," sabi ni Matter. "H-Hindi ko iyon sinasadya, Ven."
Tumulo ang mga luha ni Venize at tumingala sa kalangitan.
"M-Minahal kita. No, t-totoong mahal kita. A-Ayaw ko nang mangako pero tandaan mo, m-mahal kita, Ven. Kung ako ang papipiliin, a-ayaw kitang saktan. A-Ayaw kitang iiwan." luhang sabi ni Matter.
Tumingala si Matter sa langit dahil baka sakaling tumigil ang mga luha niya pero mas lalo lang itong sumagana.
"S-Sinamantala ko ang kalagayan mo," humihikbing sabi ni Venize. "A-Alam kong wala kang maalala pero h-hindi ko napigilan ang s-sarili kong m-mahalin ka."
"Rose," ani Matter at napa-smirk. "You heard her name, right?"
Tumango si Venize bilang pag-amin.
"I told you, it was just a nightmare," sabi ni Matter.
"A-Alam kong s-siya naman talaga ang nagmamay-ari sa 'yo."
"Hindi iyon ang pagkakaalam ko," sagot ni Matter saka humarap kay Venize at pinahidan ang mga luha ng dalaga. "W-Wala man akong maalala, pero alam ko sa puso ko na ikaw na ang mahal ko at hindi siya."
Umiling si Venize saka tinanggal ang kamay ni Matter na yayakapin na sana siya.
Tumayo si Matter at lumipat sa unahan saka doon siya umiyak nang umiyak. Hindi niya matatanggap ang lahat. Pero alam niyang iyon ang nararapat. Gusto niyang pigilan ang bangkang papadaong na.
"V-Ven..." garalgal na saad niya nang sumayad ang bangka sa buhangin. Hindi na siya lumingon pa sa dalawang nasa likuran. "B-Babalikan kita."
Mabigat ang mga paang bumaba siya bangka at sinalubong ang mag-asawang umiiyak palapit sa kaniya.
"M-Matter, anak ko," humahagulgol na sabi ng kaniyang ama at niyakap siya pero blangko ang mukha ni Matter. "B-Buhay ka. B-Buhay ka nga."
"M-Matter," usal ng babae. "K-Kami ang mga magulang mo," pagpakilala ni Taira dahil alam nilang may amnesia ang anak.
"Uwi na tayo," walang emosyong sabi ni Matter.
"Hayaan mo, tutulungan ka naming makaalala," masayang sabi ni Sky at napatingin sa babaeng palapit sa kanila na may bitbit na batang lalaki.
Lumapit siya kay Venize at may inabot na sobre.
"Kulang pa ito. Salamat sa pagsagip at pag-alaga sa anak ko. Kapag kailangan ninyo ng tulong--"
"Hindi ko po kailangan ng pera," magalang na sabi ni Venize.
"Pero--" Sky.
"Huwag ninyo siyang suhulan," walang emosyong sabi ni Matter at lumapit sa chopper na kanina pa niya natatanaw nang nasa gitna sila ng karagatan.
Sumenyas si Taira na sumunod na sila ni Sky sa anak.
"Maraming salamat sa lahat, hija. Paniguradong babalik din ang alaala ng anak ko oras na makita na niya ang asawa niya," taos-pusong pasalamat ni Sky at sumunod na sa mag-ina niya.
Nagulat si Venize nang humahangos na tumakbo si Matter sa kaniya. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at seryoso ang mga matang nakipagtitigan sa kaniya.
"Venize Jamesem Ramirez, kahit anong mangyari--" seryosong saad ni Matter na walang kakurap-kurap kaya bumilis na naman ang pagtibok ng puso ni Venize at kinakabahan sa sasabihin ni Matter. "Huwag na huwag ka nang magbenta ng pusit, maliwanag?"
Napangiti si Venize at sinamaan ng tingin si Matter patakbong bumalik sa chopper. "Baliw ka talaga!" hindi makapaniwalang sabi niya.
"A-Ate..." usal ni Ocean na nagising sa ingay ng chopper na papalayo.
"H-Hindi na siya babalik..." usal ni Venize.
"May eroplano," tuwang-tuwang sabi ni Ocean at kumakaway sa chopper.
![](https://img.wattpad.com/cover/250223501-288-k146131.jpg)
BINABASA MO ANG
LA Pescadora
Romanceby: sha_sha0808 Ash Simon PROLOGUE UPNEXT... "LA PESCADORA" (The Fisherwoman) "Kung ako ang naging dahilan ng pagkawasak ng buhay mo, hindi ko iyon pagsisisihan dahil alam kong ako pa rin ang bubuo ng pagkatao mo."--Matter. Si Rose: Sikat, maganda a...