25

1.7K 67 2
                                    



LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 25

Unedited...

[VENIZE POV]

Paano siya napadpad dito?
"Nay?"
Bumalik ako sa realidad nang tawagin ako ni Gas.
"Nagugutom ka na?" tanong ko.
Umiling siya.
"Jowa siya ni Tatay?"
"Ha?"
"Yung supladang babae, jowa ni Tatay?" ulit niya. "Inaaway ako nun e."
Umiling ako.
"Huwag mo nang isipin 'yon," sabi ko at tumayo. "Magluluto na ako. Kumain ka na at huwag na huwag ka nang makipagkita pa sa kanila, maliwanag?"
Napasimangot siya.
"Bakit ba kayo nagkita? I mean, paano kayo nagkakilala?" usisa ko.
"K-Kasi ano--" Napansin ko ang pagkabalisa niya.
"Ano?"
"W-Wala. Nakita ko lang po siya doon sa bahay nina Tito Genard," sagot niya.
"Nag-usap kayo?"
Umiling siya.
"Paano mo nalaman na siya ang tatay mo?"
Tikom ang bibig niya kaya hindi na ako nagtanong pa. Sa ngayon, iisipin ko kung paano iwasan si Matter. Sa lawak ng Pilipinas, dito pa talaga siya napadpad?
Iniwan ko na muna si Gas at nagluto ng pagkain namin dahil papadilim na.
"Nay, celphone mo po," sabi ni Gas at binigay ang tumutunog kong cellphone.
"Salamat," ani ko at kinuha saka sinagot ang tawag.
"Are you available tonight?" bungad niya sa kabilang linya.
"Why po?" I asked.
"I wanna talk to you," sagot nito.
"S-Sige po," pagsang-ayon ko. "Tonight. What time?"
"Maybe eight? Or nine? It depends on your availability?"
"I'll call you back," sabi ko at tinapos na ang tawag saka ipinagpatuloy ang pagluluto.
"Aalis ako mamaya. Sleep ka after ng kain," bilin ko kay Gas habang kumakain. "Nene? May assignment ka ba? Baka pwede mong turuan si Gas magsulat."
"Wala naman po. Sige po, ate. Siya nga pala, may project kami sa Monday. Kailangan ko pong bumili ng colored paper."
"Sige, ako ang bahala. 'Yon lang ba?" tanong ko.
"Opo," sagot niya.
Pagkatapos kumain, naligo ako at nagbihis ng floral dress para makipagkita kay Sir Joel.
Nag-arkila ako ng tricycle dahil wala nang bumabiyaheng jeep.
Pagdating ko sa hotel, pinadiretso ako sa isang silid. Mas malaki ang hotel na ito kaysa kina Genard at aaminin ko, mas maganda ang location dito dahil matao at malapit sa bayan. Sadyain pa kasi kina Genard tapos kulang pa sa advertisement.
Pumasok ako. Ang ganda ng loob, pinaggastusan talaga ang mga gamit.
"Hi, good evening," bati ng matandang lalaki na kakapasok lang. "Sorry to keep you waiting."
"It's okay, kakarating ko lang," sagot ko saka naupo.
Pinagmasdan ko ang guwapong matandang nasa harapan ko.
"What do you wanna eat?"
"Busog na po ako," sagot ko.
Pero tumawag pa rin siya sa waitress at nagpadala ng makakain.
"I have another guest na hinihintay pa," sabi niya nang mapansing nakatitig ako sa extra plato na nasa tabi ko. Kinutuban na ako ng masama. Knowing na father-in-law siya ni Matter.
"May kailangan po ba kayo?" diretsahang tanong ko. Gusto ko nang umuwi.
"Wala naman," sagot niya. "Some important matters. Hmm? Business maybe?"
"What kind of business?"
"Gusto kasi ni Matter na kayo na ang magde-deliver ng isda sa branch nila rito sa Leyte," aniya. Sabi ko na nga ba e.
"I am planning na mag-resign po," sagot ko.
"Ha? Why? May ibang trabaho ka na ba?"
"Maghahanap po ako," sagot ko.
"I can help you."
"Huwag na po," tanggi ko at nginitian siya. Matanda na siya. Nasa 70+ na ang edad pero malakas pa rin at personal na inaalagaan niya ang negosyo.
"Good evening," bati ng inaasahan ko nang tao kaya napahigpit ang paghawak ko ng kutsara. "Oh, look who's here." aniya na kunyari ay nagulat pa. Hinila niya ang silya saka tumabi sa akin.
"Let's eat first bago natin pag-usapan ang negosyo," sabi ni Sir Joel.
"Sure," bibong sabi ng katabi ko kaya mas lalo akong nawalan ng ganang kumain.
Nag-uusap ang dalawa tungkol sa business nang matapos na kaming kumain.
"Excuse me, I have to go to the bathroom," paalam ni Sir Joel kaya kaming dalawa na lang ang naiwan.
"You look beautiful, Ven," puri niya.
"Sinadya mo 'to, right?" tanong ko at hinarap siya. Malapad na ngumiti siya sa akin habang nilalaro ng daliri ang bibig ng wine glass niya.
"Isn't it obvious?" tanong niya.
"Ano bang pinaplano mo?" mahina pero galit na tanong ko.
"Kagaya ng dati," aniya. "Noong nasa isla pa tayo, remember?"
"Ituloy mo ang plano mo pero labas na ako!"
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Pero hindi ba't kasali ka sa planong iyon?"
"Forget it!"
"Diyan ka naman magaling eh," aniya. "Ang lumimot at tumakas."
"Masaya na ako sa buhay ko," ani ko at sinalubong ang mga mata niya. Kapagkuwa'y ibinaba niya ang tingin sa mga labi ko kaya nakaramdam ako ng pagkailang.
"Are you?" tanong niya.
Dinampot ko ang wine glass at mabilisang inubos ang laman dahil natutuyo yata ang lalamunan ko sa mga titig niya sa mga labi ko. Matter naman!
"Of course," sagot ko.
Ngumisi siya saka yumuko at inilapit ang mukha sa akin kaya mas lalong hindi ako makagalaw. Naramdaman ko ang mainit na daliri niyang pumahid sa gilid ng labi ko.
"Make sure na walang nasasayang na wine sa mga labi mo," wika niya saka inayos ang pagkakaupo nang makitang papalapit si Sir Joel.
"How is your son? Is he okay?" tanong Sir Joel.
"Yes, and she's the mom," sagot ni Matter sabay turo sa akin.
"I see," ani Sir Joel. Hindi ba niya alam na ama ito ng ex-wife niya?
"And you have a daughter?" tanong na naman nito sa akin.
"Yes, she has," sabat ni Matter na titig na titig sa akin. "And I am the father."
Nauubusan na talaga ako ng pasensiya kaya tumayo na ako.
"Excuse me," paalam ko. "I have to go."
"Ihahatid na kita," pagboluntaryo ni Matter.
"Alam ko ang daan pauwi!" hindi ko na napigilang magtaray at lumabas na. Nakakakagigil siya! Wala na siyang ginawa kundi guluhin ang tahimik kong mundo.

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon