13

1.2K 67 0
                                    

LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 13

UNEDITED...

"Akala ko hindi mo na ako dadalhan nito," nakangiting sabi ni Dale.
"Bakit?"
"Di ba pinagbibilinan ka ng asawa mo na huwag kang manghuli ng pusit?"
"Wala akong pakialam sa bilin niya. At higit sa lahat, hindi ko siya asawa!" giit ni Venize.
Humalakhak si Dale pero nang mapansing seryoso siya, sumeryoso rin ito.
"Well, kilala ko si Kuya Matter kaya sigurado akong panindigan ka niya."
"Hindi 'yon. Isa pa, hindi mo siya lubusang kilala dahil minsan lang kayo magkita."
"Lahat ng Villafuerte, pare-pareho lang," ani Dale.
"Hindi rin," pangontra ng dalaga. "Mas mahalaga pa rin ang asawa."
"Mas mahalaga ang buong pamilya," ani Dale. "May anak kayo at hindi mo maitangging ikaw na ang mahal ni Kuya."
"Ewan ko, Dale," naguguluhang sabi ni Venize.
Napatingin sila sa papasok sa gate ng mansion.
"Ven!" tawag ni Jemson.
"Oh? Anong problema?" tanong ni Dale.
"A-Ang isla ninyo," humahangos na sabi niya.
"A-Anong nangyari?"
"Winasak nila ang kubo ninyo," pagbalita ni Jemson kaya sabay na napatayo sina Dale at Venize.
"Sinong--" Venize.
"Halika na!" Hinila siya ni Dale palapit sa kabayo at agad na pinasakay.
"Pakibantay muna kay Ocean, nandon siya kay Baby E," bilin ni Venize.
Nag-short cut sila patungo sa nakatagong motorboat ni Dale at agad na pinuntahan ang isla.
Napanganga si Venize sa nakita. Wasak na nga ang kubo nila kaya tumulo ang mga luha niya. Pinaghirapan iyon ng mga magulang niya at dito na siya nabuhay.
"Tama na! Itigil n'yo 'yan!" galit na saway niya sa limang lalaking puputulin sana ang dalawang puno. "W-Wag n'yong putulin ang mga puno!" Ito ang mga alaala niya sa kaniyang mga magulang dahil sila ang nagtanim ng mga puno rito.
"Sumusunod lang kami sa utos sa amin," sabi ng lalaki.
"Hindi ninyo pag-aari ito," sabat ni Dale.
"Sir, pasensiya na po pero utos lang ng may-ari," paumanhin ng lalaki.
"May katibayan ba kayo?" tanong ni Dale dahil umiiyak na si Venize.
Lumapit ang lalaki saka ipinakita ang titulo ng buong isla.
"Kaya po papaalisin na siya ng may-ari," sabi ng lalaki. "Gagawin daw hong private resort ang islang ito."
"Kami ang may-ari ng lupang ito!" galit na sabi ni Venize.
"Tama na, Ven," malungkot na pag-aalo ni Dale sa kaibigan at ibinalik ang kopya ng titulo. Alam niyang legal iyon. Ito ang problema sa mga tagarito, walang sapat na kaalaman pagdating sa mga ganiyan. Napakaswerte lang ng mga tao dahil may puso ang mga magulang niya at bago pa man binili ang lupain ng Paradise island, naipaliwanag na sa mga tao ang lahat at magandang bargain sa mamamayan. Gusto nga nilang bilhin ang buong isla pero nagmatigas noon ang limang pamilya kaya naunawaan nila. Magiging sakim na sila kapag pilitin pa nila ang magulang ni Venize.
"A-Amin ang islang 'to, Dale. A-Amin lang," luhaang sabi ni Venize. "Porket wala kaming pera at pinag-aralan ang mga magulang ko, ganiyanin na nila kami? N-Nasaan ang pagiging makatao rito? H-Hindi ako papayag na i-ibigay sa kanila ang islang ito. H-Hindi puwede!"
Napabuntonghininga si Dale.
"Humanda ka na, Ven," malungkot na sabi ni Dale kaya napatingala ang dalaga.
"S-Saan?"
"Ihanda mo na si Ocean," ani Dale. "Dahil kukunin na siya ni Kuya Matter."
"H-Hindi ako papayag!"
"The best thing you should do is pumayag ka," ani Dale na napatingin sa mga lalaking sumakay sa bangka at palayo na sa isla.
"Isa pa 'yan si Matter eh! Wala palang amnesia!" gigil na sabi niya. "Ano ba ang gusto niyang palabasin?"
"Si Kuya at Ate Rose lang ang nakakaalam ng tunay na nangyari ng gabi iyon bago sumabog ang yate nila," sabi ni Dale. Una pa lang, alam na niyang walang amnesia si Matter pero tamad siyang ipaalam ito kay Venize.
"May plano kaya siya?" tanong ni Venize.
Namulsa si Dave at nanlumong napatitig sa sirang kubo na napakahalaga para kay Venize.
"Wala," sagot ni Dale na ikinalingon ni Venize. "Iyon ang mahirap kasi walang plano si Kuya Matter."
----------------------------------
Nanggigigil na pinunit ni Matter ang mga litratong ibinigay ng inutusan niya. Wasak na kubong tinirhan nila ng mag-ina niya.
" I'm sorry, Ven," bulong niya. Naiiyak siya. Alam niyang mahalaga ang lupain para kay Venize. Si Ocean. Paano na ang anak nila?
Tumayo siya at lumabas ng kuwarto pero nakita niyang paakyat si Rose sa hagdan.
"Good afternoon, sweetheart," bati ni Rose na may dalang spaghetti. "Look, naghanda ako para merienda natin."
"Tara, kainin natin sa terrace," yaya niya at hinila ang isang upuan para Rose.
"Thanks," sagot ni Rose at lumanghap ng sariwang hangin. "Ang ganda ng bulaklak, namumukadkad na ang mga rosas."
"Kain na tayo," yaya ni Matter at nilagyan ng spaghetti ang plato ni Rose. "Kumusta ang taping?"
"Okay lang," sagot ni Rose at matamis na ngumiti sa asawa. "Magre-resign na ako."
"Bakit?"
"Kasi gusto kitang tutukan," sagot ni Rose.
"Sayang naman. Madami kang fans na paluluhain," ani Matter at kumain ng spaghetti.
"Hmm? May mas mahalaga pa ba kaysa sa asawa ko?" malambing na sabi ni Rose.
"Thank you, Rose," pasalamat ni Matter. "Pero hindi mo kailangang isakripisyo ang hilig mo para sa akin."
"You are my everything, Matter. Isa pa, may pangarap pa tayong magkaroon ng anak."
Muntik nang mabulunan si Matter kaya agad siyang uminom ng grape juice.
"Desisyon mo 'yan," sabi ni Matter.
"W-Wala ka ba talagang nararamdaman para sa akin? Hindi ba ako maganda sa paningin mo? Ang katawan ko," malungkot na tanong ni Rose.
"Maganda ka at sexy--"
"Pero bakit Matter? Kahit anong gawin ko, hindi pa rin bumabalik ang alaala mo?" sumbat ni Rose. "Hinihintay kita. Alam mo bang halos mabaliw ako nang mawala ka?"
"Gustuhin ko man na bumalik ang memorya ko, hindi ko pa mapipilit ang sarili ko."
"M-May iba ka na bang mahal?" usisa ni Rose kaya napatigil si Matter at kumuha ng tubig.
"Bakit mo natanong?" malamig na sagot niya.
"Wala lang. Asawa mo ako at siyempre hindi ko matatanggap na may iba ka na. Sino ba ang asawang matutuwa na may kerida ang asawa niya, 'di ba?"
Ipinagpatuloy ni Matter ang pagkain ng natirang spaghetti.
"Pero I'm sure na hindi mo iyon magagawa dahil alam kong faithful ka at sigurado akong kapag bumalik na ang alaala mo, magiging masaya na tayo."
Nagpunas ng tissue si Matter at tumayo. "Salamat sa spaghetti, Rose. Maiwan na muna kita."
Bumalik si Matter sa kuwarto niya saka tinawagan si Dale.
"Kuya!"
"May hihingiin akong pabor sa 'yo," bungad niya.
"Ilang kilong pusit?" Kahit na hindi nakikita, nai-imagine niyang nakangisi ito bilang pang-asar.
"Kailan ko ng birth certificate ni Ocean," seryosong sabi niya. Narinig niyang napabuntonghininga ang sa kabilang linya. "Bukas na."
"I-send ko bukas."
"Ayoko ng laro, Dale. Kailangan ko ang totoong kopya."
"Sure. You have my word, Kuya."
"Asahan ko yan, Dale."
"Anong balak mo?" seryosong tanong ng nasa kabilang linya.
"Iuuwi ko ang anak ko."
"Pero--"
Hindi na niya pinatapos si Dale at pinatay na niya ang tawag. Hindi siya papayag na walang masisilungan ang anak niya at mas lalong hindi siya papayag na ibang tao ang kumupkop sa mag-ina niya.
Nahiga siya sa kama at hinayaan ang sariling tumitig sa kisame para maging blangko ang utak. Si Venize ang naging rason kung bakit gusto niya ulit mabuhay. Si Ocean na lang ang rason para mapasakaniya si Venize.
Aminado siyang si Rose ang first love niya. Pero sigurado siyang si Venize na ang huling mamahalin niya.
Patulog na sana siya nang maalimpungatan siya sa sunod-sunod na katok kaya bumangon siya.
"Kain na raw," sabi ni Moon nang pagbuksan niya.
"Maghilamos lang ako," sagot ni Matter at muling isinara ang pinto.
Pagbaba niya, nasa hapag-kaninan na sila kasama sina Sun at Star at mga asawa't anak nila.
"At bakit wala na namang sipit ang crabs?" naiinis na tanong ni Sky na kay Clouds ang mga mata.
"Wala akong alam diyan," painosenteng sagot ni Clouds.
Tinawag ni Matter ang katulong at pinakuha ang pusit kaya napatingin si Sky sa kaniya.
"Gusto ko ng pusit."
"May balitang nakakalason ang pusit at nakakapagpataas ito ng blood pressure. Nabasa ko rin na may bigla na lang natumba na kaedad mo na kumain lang naman ng pusit," sagot ni Matter at napatingin kay Rose na nilalagyan ng kanin ang plato niya.
"Pag ako mainis, hindi ko na kayo papakainin lahat!" pikong sabi ni Sky at kumain na.
Tahimik na rin silang kumakain nang magsalita si Rose.
"Hindi na po ako ang hahawak sa finance," anunsiyo ni Rose kaya napatingin ang lahat sa kaniya. Ngumiti siya.
"Hindi ko po kasi kaya dahil marami na akong trabaho. Isa pa, sa tingin ko mas karapat-dapat na si Chummy ang humawak nu'n."
"B-Bakit ako?" nauutal na tanong ni Chummy. Siyempre pera ang pinag-uusapan dito.
Ngumiti si Rose. "Kasi may tiwala ako sa 'yo, Chumz. Ikaw lang ang nakakabisa ng pasikot-sikot ng kompanya. Matagal ang training mo sa kompanya."
"Oo nga. Ikaw na lang, Chumchum," pagsang-ayon ni Sky at napatingin kay Rose. "Iyon lang ba 'yon, hija?"
Alanganing ngumiti si Rose at napatingin sa asawa. "Aalagaan ko na po si Matter hanggang sa bumalik ang alaala niya at maibalik ang dating meron kami."
"Haist! Bakit ba puro na lang si Matter ang inuuna mo?" ani Sky. "Ne hindi nga niya tinutulungan ang sarili niya!"
"Dahil asawa ko po siya," kalmadong sagot ni Rose.
"May anak na po ako," nakayukong pag-amin ni Matter.
"Kaya nga dapat magkaanak na kayo," ani Sky.
"May anak na po ako," ulit niya kaya napatigil sila sa pagkain at napatingin kay Matter. "Apat na taong gulang na po siya and he's a boy."
"Nasa harap tayo ng pagkain. Hindi nakakatuwang biro 'yan," wika ni Sky na walang balak patulan ang pagbibiro ng anak.
"Seryoso po ako, may anak na ako bago pa kami maikasal ni Rose."
"N-Nagbibiro ka lang, 'di ba?" nasa mga mata ni Rose ang pagdududa.
Hinarap siya ni Matter. "H-Hindi ko rin alam, Rose. I'm sor--"
Pak!
Isang malakas na sampal ang natanggap ni Matter mula sa asawa.
"S-Sorry? Bawiin mo ang sinabi mo! Sabihin mong nagbibiro ka lang!" singhal niya saka tumulo ang mga luha.
"H-Hindi ako nagbibiro, may anak na ako at hindi ko siya puwedeng pabayaan. Hindi ko man matandaan ang lahat pero sigurado akong anak ko siya at handa akong ibigay sa kaniya ang lahat ng karapatan bilang anak ko."
"N-Niloko mo 'ko?" hindi nakaukit sa mga mata ni Rose ang poot at galit.
"Hindi ko alam na may anak ako. Bago pa tayo ikinasal, nabuo na siya.".
"Gago ka ba?" sabat ni Clouds. "Ano ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo, Matter? Putsa! Naaksidente ka lang, ganiyan na ang nangyayari sa 'yo! Hindi mo ba kayang respetuhin ang asawa mo? Ganiyan ka na ba talaga kagago?"
Walang emosyong hinarap ni Matter ang pamilya. "Kung hindi ninyo ako matatanggap at ang anak ko, lalayo na lang ako."
"Pota! Nakadroga ka ba, huh?" singhal ni Sun. "May asawa kang tao tapos nagkaanak ka pa?"
"Walang kasalanan ang anak ko kaya ako na lang ang itakwil ninyo. Ako na lang ang kamuhian ninyo. Si Ocean, bata pa siya at walang kamuwang-muwang sa mundo."
"P-Pagkatapos ng lahat, ito ba ang magiging kapalit?" luhaang tanong ni Rose. "S-Saan ako nagkulang, Matter?"
"Sky!" hiyaw ni Taira nang lumupaypay ang asawa kaya dali-dali na naman nilang isinugod sa hospital.

A/n;
Bahala na kayong mag-isip...

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon