LA PESCADORA ( The Fisherwoman )
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 24
Unedited...
"Miss? Saan dito ang kindergarten?" tanong ko sa nagtitinda ng gulaman.
"Diretso lang tapos kaliwa ka. Nandiyan na ang daycare center," sagot niya na nasa mukha ko pa rin ang mga mata. Ngumiti ako saka nagpasalamat bago umalis.
Naglakad ako padiretso saka lumiko paliko. Nakita ko naman agad ang hinahanap ko dahil sa ingay ng mga mata.
Napayuko ako nang may humila sa tshirt ko.
"P-Palimos po. Pambili lang ng pagkain," namumungay ang mga matang pakiusap niya kaya napangiti ako. "G-Gutom na gutom na po ako. H-Hindi pa ako kumakain."
"Wala ka bang baon?"
Umiling siya. "Ayaw ko na ng nilagang saging at kamoteng-kahoy."
"Masarap naman 'yon ah," sabi ko pero sumimangot siya.
"Araw-araw na lang saging," sagot niya at naupo sa mahabang bench. "Di ba mayaman ka po? Palimos naman ng ice kendi," pakiusap niya. "Sige na."
"Dito ka lang," sabi ko at lumapit sa nagtitinda ng ice candy saka bumili ng dalawa tapos hotdog sandwich.
Panay ang sulyap niya sa akin kaya napapangiti ako. Sumenyas ako na lumapit siya.
"Ito na," sabi ko sabay abot ng dalawang ice candy.
"Isa lang po," sagot niya.
"Kilala mo ba 'yan?" tanong ng nagtitinda ng ice candy.
"Ahm, si Gas?" sagot ko.
"Nako, madalas 'yan humingi ng ice candy sa akin," sabi ng mama. "Pero binabayaran naman ng nanay niya."
Napatingin ako kay Gas. Mahirap na ba talaga sila?
"Isa lang po ang gusto ko," sagot niya saka binalik ang isang ice candy saka bumalik sa bench at naupo.
"Sanay na kami sa kaniya. Ang bibbo nga niya e. Bagay sa kaniya ang mag-artista."
"Paano kung mapagsamantala ang makilala niya?" Kinuha ko ang ice candy na buko flavor dahil mukhang masarap naman.
"Hindi naman siya ganiyan sa mga dayuhan. Mga tagarito lang naman ang nilalapitan ng batang 'yan. Alam mo namang magkakilala ang mga tao rito," sagot niya.
Inabutan ko siya ng 100 at hindi na kinuha ang sukli.
Kinuha ko ang hotdog sandwich at lumapit kay Gas.
"Ito pa," sabi ko sabay abot ng sandwich.
"Salamat po," pasalamat niya at ngumiti sa akin.
"Saan pala nanay mo?" tanong ko.
"Sa bayan po, bumili siya ng spaghetti at fried chicken tapos madaming gravy," masiglang sagot niya saka kinain ang ice candy.
"Tatay mo?" tanong ko.
Umiling siya. "Sabi ni Nanay, nasa malayo raw ang tatay ko."
"Hindi sila nagsasama?"
Umiling siya.
"Nagkikita ba kayo ng tatay mo?"
Umiling ulit siya. "Sabi ni nanay, hindi na raw kami magkikita ng tatay ko pero may kuya po ako," sagot niya.
"Nasaan kuya mo?" curious na tanong ko at kinain ang ice candy.
"Kay tatay ko po. Miss ko na nga si Kuya e," malungkot na sagot niya. "Siguro pogi ang Kuya Ocean ko."
Napatingin siya sa akin nang muntik na akong mabulunan. Napahawak ako sa leeg ko habang umuubo.
"Okay ka lang po?" nag-aalalang tanong niya saka pinagsusuntok ng likod ko. Mahina lang naman kaya medyo nakaramdam ako ng ginhawa.
"O-Okay na ako," sabi ko saka huminga nang malalim.
"Ikaw kasi, hindi ka po marunong kumain ng ice kendi," paninisi niya.
"Nanay mo si Venize tapos tatay mo si Matter?" diretsahang tanong ko na ikinamilog ng kaniyang mga mata.
"Kilala mo sina Nanay at Tatay?" manghang tanong niya kaya mas lalo akong nawalan ng ganang kumain.
"S-Si Venize nanay mo?" ulit ko. Diyos ko. Atakihin yata ako sa puso.
"Opo," nakangiting sagot niya. "Kilala mo siya? Ano pala pangalan mo?"
"M-Matter," wala sa sariling sagot ko. Tumingala siya habang nakangangang nakatitig sa mga mata ko. "M-Matter ang pangalan ko."
Walang imik na kinuha niya ang supot na may lamang sandwich saka kumaripas ng takbo pabalik sa classroom nila.
"Gas!" tawag ko pero ne hindi man lang siya lumingon.
Shit! Anak ko siya? Pero--no! Kilala ko si Venize at minsan na niyang inilihim si Ocean sa akin. Kung puso ko ang susundin ko, alam kong anak ko si Gas. Anak ko talaga ang batang 'yon. Venize? For the second time mapapatay na talaga kita![VENIZE POV]
"Ang anak mo, huwag mo nang papuntahin sa bahay dahil may bisita naman kami! Nakakahiya!" sabi ni Micah nang harangan ako sa daan.
"Pasensiya na. Hayaan mo, hindi na sila pupunta pa sa bahay ninyo," sagot ko. Alam ko namang ayaw niya sa akin e.
"Kay kuya ka lang naman close e. At huwag kang lapit nang lapit kay Kuya!" aniya.
"Hindi ko nilalapitan ang kapatid mo at wala akong gusto sa kaniya," prangkang sagot ko. Nagpipigil lang ako pero literal na mapapatay ko talaga 'to.
"Good. Pero gusto ka niya kaya mo siya sinasamantala, right?"
"Pasensiya ka na pero hindi ako ganoon."
"Mahirap lang kayo, Venize at patay na patay sa 'yo ang kapatid ko pero sana matuto kang lumugar sa buhay niya. May anak ka at hindi mo pa tinuturuan nang magandang asal!"
"Micah, hindi ko ugaling pumatol sa taong hindi ko gusto. Hindi ko ugaling makipagsiksikan sa kaniya! Para makampante ka, hindi na ako magtatrabaho sa kaniya!" taas noong sabi ko. "Umalis ka sa harapan ko bago pa kita makalbo!"
"Aba't--"
"Subukan mo at kakalbuhin talaga kita!" matapang na sabi ko kaya napaatras siya. Minsan na kaming nagkaabutan at madami ang kalmot na natanggap niya sa akin. Buti na lang dahil marami ang saksi sa nangyari at pinagtanggol ako.
"Magbabayad ka rin!" galit na sabi niya at tumakbo na.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa makauwi ako sa kubo namin.
"Kumain ka na?" tanong ko kay Gas na nakaupo sa sala.
Tumingala siya sa akin kaya nagtaka ako dahil hindi maipinta ang mukha niya.
"May spaghetti ako kaya huwag ka nang magtampo," sabi ko saka inilapag ang pinang-grocery at inabot sa kaniya ang spag na binili ko sa Jollibee. "May fried chicken pa 'yan at maraming gravy."
"N-Nanay?" tanong niya habang nakatingala.
"Bakit?"
"N-Nakita ko po si Tatay," sumbong niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Tumigil ka nga. Kumain ka na," saway ko.
"P-Pero nakita ko talaga siya," giit niya.
"Ayan ka na naman. Di ba sabi ko, bawal kang makipag-usap sa mga dayuhan?" paalala ko. Ilang beses na niyang sinabi ito sa akin kapag may nakilalang dayuhan kaya sanay na ako.
"T-Totoo po."
"Isa pa at mapapalo na kita!" pagbabanta ko kaya walang imik na kumain siya ng spaghetti. Siguro ganoon nga talaga kapag nagkakaisip na siya, naghahanap ng kalinga ng ama. Pero hindi ko siya pwedeng ipakilala kay Matter dahil matagal na kaming tapos nun at baka kukunin lang nila sa akin si Gas. Nakuha na nga nila si Ocean e.
Matagal na akong walang balita sa kanila at ayaw ko nang makibalita. Ang mahalaga ay naibalik na ni Rose Verzosa ang pera nila.
"Tatay ko talaga siya eh," bulong ni Gas.
"Tapusin mo na 'yan at mamasyal tayo sa tabing-dagat mamayang hapon," sabi ko saka dumiretso sa kusina para magluto dahil pauwi na si Nene.
Magsisinigang na baboy ako dahil alam kong napapagod na silang kumain ng seafoods.
Nang dumating si Nene, sabay na kaming kumain. Ulilang lubos na si Nene kaya kinuha ko na siya para may katuwang ako kay Gas.
Pagkatapos kumain, bumalik na siya sa school at kami naman ni Gas ay natulog.
Pasado alas tres na nang magising kami ni Gas at nagyaya na nga siya na gumala kami sa tabing-dagat para makalaro na siya sa mga batang kalaro niya.
Pareho kaming nakatsinelas nang lumabas at naglakad-lakad sa tabing-dagat.
"N-Nanay," tawag niya habang hila ang laylayan ng dilaw kong bestida.
"Ano? Kulit mo. Makipaglaro ka na lang kaya doon?"
"S-Si Tatay," sabi niya kaya napa-poker face ako. Heto na naman kami.
"Tigilan mo ako!"
"Nanay? Tago tayo," pakiusap niya. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay niya nang hawakan ang kamay ko.
"Ba't ka namumutla?" tanong ko.
"Eeeh. N-Nahihiya ako," namumutlang sabi niya kaya natawa ako.
"Gas," tawag ng lalaki mula sa likuran ko. Boses na matagal ko nang hindi narinig. No, it can't be.
"Hi, Gas. Kamusta?" magiliw na tanong niya kaya hindi ako makagalaw. Ayaw kong humarap dahil baka siya nga ang nasa likuran namin.
"S-Si Tatay," bulong ni Gas kaya napalunok ako ng laway.
Napapikit ako at napabuntonghininga bago hinarap ang tumawag sa anak ko.
"Kamusta?" magiliw na tanong ni Matter na nakatingin sa anak namin na napasiksik sa kanang binti ko.
"Bakit ba giliw na giliw ka sa batang 'yan?" naiinis na tanong ni Micah. Ito na naman ba ang bagong girlfriend ni Matter? Ang alam ko nasa mental hospital na si Rose.
"Maganda naman talaga si Gas e. Nakakaaliw," sagot ni Matter and for how many years, muling nagtama ang mga mata namin. Matamis na ngumiti siya.
"Ikaw pala ang ina ni Gas?" tanong niya. "Nagmana sa 'yo, maganda."
Ito na naman siya. Ito ang Matter na una kong nakilala. He's flirting.
"Psh! Di ba magpapasyal pa tayo?" sabat ni Micah.
"Bakit hindi na lang tayo sasama sa kanila?" tanong ni Matter na hindi pa rin inaalis ang mga mata sa mukha ko kaya naiilang ako. Parang gusto ko tuloy gumuho sa kinatatayuan ko.
"What? No!" bulalas ni Micah.
"Huwag na nga. Baka may lakad pa kayo," sabat ko.
"Actually," ani Matter. "Noong una, business lang talaga ang isinadya ko rito pero sino ang nag-aakalang may mas mahalagang business pa palang nag-aabang sa akin dito?" makahulugang wika niya kaya iniwas ko ang mga mata. Sigurado akong alam na niya ang tungkol kay Gas.
"Mauna na kami, magkikita pa kami ng asawa ko," paalam ko. Dapat ngayon pa lang, alam na niyang wala siyang hahabulin sa akin. O pwede namang sabihin kong iba ang ama ni Gas o may asawa na ako? Tama. Puwede 'yon para hindi na niya maisip na anak niya si Gas.
"Nanay?" tawag ni Gas na hinihila na naman ang bestida ko.
"Ano?"
"Wala ka pong asawa," inosenteng sabi niya.
"Yong tatay mo," sabi ko. "Di ba sabi ko, nandito na ang tatay mo? Puntahan natin siya," sabi ko saka hinila na siya pero maagap na napigilan ako ni Matter sa kanang braso.
"Are you sure na lalayo ka pa para makita ang ama niya?" mahina pero tagos sa buto na tanong niya. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa braso ko.
"M-Mag-date na kayo ni Micah," ani ko saka lumayo sa kaniya.
"Si Micah pala, business partner ko ang kapatid niya," pagpakilala ni Matter at binalikan si Micah. "Iginagala lang niya ako dahil mukhang hahaba pa ang pamalagi ko rito."
"Akala ko babalik ka na kinabukasan?" tanong ni Micah na nakatingala kay Matter.
"Nagbago na ang isip ko," sagot ni Matter saka napasulyap sa akin at kay Gas.
"Well, that's great!" ani Micah.
"Halika na, Gas!" sabi ko at hinila ang anak palayo kina Matter. Sana nakinig na lang pala ako kay Gas kanina. Bakit ba nandito si Matter?
Ngayong alam na niya ang tungkol kay Gas, ano na? Ano na ang gagawin ko?
BINABASA MO ANG
LA Pescadora
Romanceby: sha_sha0808 Ash Simon PROLOGUE UPNEXT... "LA PESCADORA" (The Fisherwoman) "Kung ako ang naging dahilan ng pagkawasak ng buhay mo, hindi ko iyon pagsisisihan dahil alam kong ako pa rin ang bubuo ng pagkatao mo."--Matter. Si Rose: Sikat, maganda a...