LA PESCADORA ( The Fisherwoman )by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 38
Unedited...
Sinilip ni Matter si Venize na nasa lobby. Nakaupo ito at matiyagang naghihintay sa kaniya. Nasa meeting siya ngayon sa isang branch dito sa Quezon ng clothing company nila. Nakayuko si Venize na halatang itinatago ang mukha sa dumadaang empleyado. Inalok niyang sa loob ito ng opisina pero tumanggi ang dalaga dahil hihintayin daw na dumating ang mga anak nila.
"Are we done?" tanong ni Blue sa pamangkin.
"Y-Yes po," alanganing sagot ni Matter na napalingon.
"Sigurado ka na ba?" tanong ni Blue saka tinapik sa balikat ang pamangkin.
Napabuntonghininga si Matter saka napatitig sa dalaga.
"I love her."
Napangiti si Blue saka inakbayan si Matter.
"She's not my first love but I love her," dagdag ni Matter.
"We know," pagsang-ayon ni Blue. Ang dami nang hirap na napagdaanan ng pamangkin kaya siguro naman deserve nito na maging masaya at lumagay na sa tahimik. "Buntis na ba ulit siya?"
Umiling si Matter. "As of now, ayaw pa niya."
"Mukhang wala pang nakakakambal sa mga apo ni Sky ah," ani Blue saka tumawa.
"Baka kay Moon," natatawang sagot ni Matter.
"Pakyu!" singhal ni Moon na nasa likuran nila. "Ako na naman?"
"Bakit? Malay natin," sabi ni Blue at bumalik sa upuan. "Ikaw na lang ang walang asawa."
"Psh! Asawa!" bulong ni Moon. Heto na naman at siya na naman ang nakita ng dalawa. Dito na nga siya sumama dahil umiiwas sa ama e.
"May bakeshop na pala si Sunny," ani Matter. "Bumili kami ni Venize kahapon at pagmamay-ari pala niya ang bakeshop."
"Sunny who?" tanong ni Moon.
"Nevermind," ani Matter. Kumulo na naman kasi ang dugo ng kapatid.
"Mauna na ako," paalam ni Matter saka binitbit ang briefcase. "Pakiusap, ikaw ang bestman ko kaya huwag kang magpakalasing bago ng kasal, okay?"
"Two weeks pa 'yon," sabi ni Moon.
"Kahit na," ani Matter saka nagpaalam sa tiyo at lumabas.
"H-Hindi ko po masasagot ang tanong ninyo," nahihiyang sagot ni Venize kaya binilisan ni Matter ang paglalakad palapit sa dalaga.
"Congrats pala sa nalalapit na kasal ninyo," bati ng isang babae na mukhang reporter.
"Miss?" tawag ni Matter kaya napalingon ang tatlo. "I'm sorry pero bawal interviewhin si Venize. Pasensiya na pero mas pinipili naming maging tahimik. Afterall, hindi kami mga artista," paumanhin ni Matter. "Just give us privacy, please?"
"Pasensiya na po," paumanhin ng babae. Familiar sa kaniya. Ito ang sumali noon sa beauty contest sa Westbridge.
"Pasensiya na kayo, pero hindi kami pang-showbiz," paumanhin ni Matter.
Ngumiti sila at naunawaan ang nais iparating ni Matter.
"Kindly delete your photos na lang. Ayaw ko nang makialam ng camera ninyo but I hope irerespeto ninyo kami."
"Sure," sagot ng isang babae at dinelete ng photos ni Venize.
"Mauna na kami," paalam ni Matter nang tumayo si Venize dahil nakita nitong papasok ang mga anak nila.
"Tatay!" tawag ni Ocean.
"T-Tatay," nakalabing bati ni Gas saka nagpabuhat sa ama. "H-Hindi ako binigyan ng pagkain ni Kuya."
"Hala, binigyan kaya kita," depensa ni Ocean.
"G-Ginugutom ako ni Kuya Ocean," naiiyak na sumbong ni Gas kaya ginulo ni Matter ang buhok ng bunso.
"Kakain tayo sa labas," sabi ni Matter saka inakbayan si Venize na hawak naman ang kamay ni Ocean. "Gutom ka na, hon?"
"Hindi pa," sagot ni Venize na nawala ang kaba dahil nasa tabi na niya si Matter. Nahihiya siya sa mga empleyadong nakatingin sa kanila.
"Matamlay ka?" puna ni Matter.
"O-Okay lang ako," sagot ni Venize.
"Nakausap mo na si Daddy Joel?"
"Tinawagan ko siya kanina," sagot ni Venize at nginitian ang guard na bumati sa kanila.
May proposal si Matter kay Joel tungkol sa iniisip nitong business. Naging maayos ang relasyon ng mag-ama. Madalas silang magkuwentuhan kahit sa telepono at madalas ding namamasyal si Joel sa bahay nila at may pasalubong para sa mga apo.
Nang makasakay sa kotse, sa sikat na seafood restaurant sa Quezon sila dumiretso.
Tuwang-tuwa naman ang mga bata lalo na si Gas. As usual, banned pa rin ang pusit sa kanila. Mabuti na lang dahil hindi naghanap ang mga bata.
"Ayaw mo talaga sa pusit?" paniguradong tanong ni Venize. Mabilis na tumango si Matter.
"Kahit hindi na kami magkita niyang for life," seryosong sagot ni Matter. Sila pa naman ang pamilyang kapag maumpisahang magalit sa isang bagay, dadalhin na nila iyon hanggang sa hukay. Now he knows kung bakit ganun na lang ang galit ng Lolo Skyler nila sa buko at ni Clouds sa talangka.
"Sayang, masarap pa naman iyon."
"You can cook it basta huwag lang ninyong ipakita sa akin," pagpayag ni Matter. Siyempre ayaw naman niyang madamay ang mag-ina niya. "Basta huwag kang magpahuli, okay lang, hon."
"Paano kung mahuli mo ako?"
"Basta!" ani Matter. "Huwag lang talaga sa harapan ko."
Mahinang tumawa si Venize saka ipinagpatuloy ang pagkain.
"Bukas pala, wala akong gagawin. May lakad ka?" pag-iiba ni Matter.
"Wala naman akong kakilala rito. Bakit?" Napatigil siya sa pagkain at napatingin kay Matter. Napapansin niyang may panaka-nakang napapasulyap sa kanila lalo na sa kaniya. Para siyang nakulong ng mahabang panahon at ngayong nakalaya ay kinikilatis ng mga tao sa paligid.
"May pupuntahan tayo ng mga bata bukas," sagot ni Matter na hindi nakaligtas sa mga mata ang pagkailang ni Venize.
"Saan?"
"Secret muna."
"Huh?"
"Basta. I'm sure matutuwa kayo," nakangiting sagot ni Matter. Gusto sana niyang isurpresa pero hindi na siya makatiis.
"Bakit hindi mo pa ngayon sabihin?"
"Kasi secret nga."
Hindi na nangulit pa ang dalaga dahil mukhang wala namang balak na umamin si Matter.
![](https://img.wattpad.com/cover/250223501-288-k146131.jpg)
BINABASA MO ANG
LA Pescadora
Romanceby: sha_sha0808 Ash Simon PROLOGUE UPNEXT... "LA PESCADORA" (The Fisherwoman) "Kung ako ang naging dahilan ng pagkawasak ng buhay mo, hindi ko iyon pagsisisihan dahil alam kong ako pa rin ang bubuo ng pagkatao mo."--Matter. Si Rose: Sikat, maganda a...