34

1.5K 71 0
                                    

LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 34

UNEDITED...

Napasulyap si Matter kay Venize na naghuhubad ng saplot at tanging yellow bikini ang itinira sa katawan. Wala siyang maipintas sa katawan at kutis nito dahil sadyang tan ito dahil araw-araw sa dagat. Siya ang tipo ng babaeng habang tumatagal, mas lalong gumaganda.
"Come on, honey," tawag ni Matter na hindi ikinubli ang paghanga sa dalaga.
"Malamig pa ba?"
"Okay na," sagot ni Matter. May cooler at cooler ang pool nila at every other day nilang pinapatanggalan ng tubig dahil araw-araw nagsi-swimming ang mga anak nila.
Lumusong si Venize sa tubig at lumapit kay Matter.
"Ay!" tili ni Venize nang hablutin siya ni Matter at isinandal sa gilid ng pool. "Ginagawa mo?"
"Sa tingin mo?" bulong ni Matter at idinikit ang katawan sa dalaga saka yumuko para magpantay ang mga mukha nila.
"M-May ibang tao," paalala ni Venize dahil nasa loob lang ng bahay ang katulong nila.
"At kung wala?" nakangising tanong ni Matter saka ibinaba ang tingin sa mapupulang mga labi ng dalaga.
"M-Matter, langoy na tayo," pakiusap ni Venize at napalunok ng laway. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga ng kasintahan.
"Mamaya na, gusto ko pang magkadikit tayo."
"Landi mo!"
Tumawa si Matter at hinapit sa bewang ang dalaga nang mapansin niya ang pamumula ng mukha ni Venize. Nasa ilalim pa naman sila ng ilaw ng poste. Sana pala pinatay na niya bago sila mag-swimming.
"Layo na!" pagtataboy ng dalaga.
"Tara, ligo tayo," yaya ni Matter pero nagulat si Venize nang pisilin nito ang kanang dibdib niya.
"Bastos ka talaga!"
"Sa 'yo lang," pilyong sabi ni Matter. "Hindi ka nga nagrereklamo kapag gawin ko 'yan sa kama e."
"Ewan ko sa 'yo! Manyak ka talaga!" ani Venize saka tinulak si Matter at lumangoy palayo rito.
Isinandal ni Matter ang likod sa gilid ng pool at pinagmasdan ang kasintahang masayang naglalangoy ng iba't ibang stroke. Para itong sirena na matagal nang hindi nakalusong sa tubig.
Ganoon pa rin sa social media, panay ang pagpaparinig kay Venize at ginagamit ang mukha niya para pagtawanan at ikinumpara pa kay Rose na with class daw ang dati niyang asawa.
Ang alam ng madla, naloka si Rose dahil ipinagpalit ito ni Matter kay Venize kaya ngayon, nasa kay Venize ang lait at sisi.
" Kung puwede lang kitang itakas sa mundong ito," bulong niya at napabuntonghininga. Wala naman talagang kasalanan si Venize. Siya ang may sala kung bakit nangyayari ito lahat sa kanila. Siya ang nagkamali kaya sana siya na lang. Pero hanggat hindi niya nililinaw sa publiko, hindi magbabago ang pagtingin ng mga ito sa kanila. Pero paano si Rose? Naging asawa rin naman niya ito. Kapag magbigay siya ng statement, mahahati ang fans nito at maging masama si Rose. Totoo naman pero babae ito at minahal niya. For Christ's sake, naging legal pa niya itong asawa. Hanggat nabubuhay siya, ibibigay pa rin niya ang respeto rito dahil naging masaya naman siya noong sila pa.
Napapitlag siya nang maramdaman ang mainit na kamay na naghahaplos sa malaking sugat niya sa dibdib.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Venize dahil napansing niyang tulala si Matter at mukhang malayo ang iniisip.
"Yes."
"Si Rose ba?"
Napatingin si Matter kay Venize at nginitian ito.
"Sort of," pag-amin niya at inakbayan ang kasintahang tumabi sa kaniya. "Iniisip ko lang kung paano kita ipagtanggol sa social media. Pero hindi ko naman iyon magawa dahil si Rose naman ang masisira," malungkot na dagdag niya.
"Huwag mo nang isipin 'yon. Di ba sabi ko na sa 'yo, hindi iyon mahalaga sa akin dahil hindi naman ako nagfe-Facebook?"
"P-Pero ang mga anak natin," alanganing wika ni Matter. "Makikita pa rin nila."
"Mauunawaan nila. Hanggat nakikita nilang okay tayo at masaya, wala kang dapat na ikabahala," ani Rose.
"Pero nabu-bully sila," ani Matter. Bago pa niya matagpuan muli si Venize, na-bully na si Matter sa school dahil kabit lang daw ang ina nito at gawa lang daw siya sa pagtataksil ng mga magulang.
"Gusto kong makita si Rose," mahinang sabi ni Venize kaya napatingin si Matter sa kaniya.
"H-Ha?"
"Gusto kong makita si Rose," ulit ng dalaga. "Papayagan mo ba ako kung bisitahin natin siya?"
"V-Ven--"
"Gusto ko lang siyang makausap, Matter."
"Pero para ano pa? Please, ayaw ko na siyang makita o pag-usapan."
"Hindi ka ba naaawa sa kaniya?"
Iniwas ni Matter ang mga mata.
"W-Wala na kami at galit ako sa ginawa niya."
"Pero wala pa rin siya sa katinuan."
"Oo, gusto ko siyang gumaling at magbago pero mamamatay tao siya. She almost--"
"Tapos na iyon. Ang mahalaga, ligtas ka na."
"Thanks kay Dale," ani Matter at napaharap kay Venize. "Kahit hindi ninyo sabihin, alam kong siya ang nagligtas sa akin nang gabing iyon. Ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit nandoon siya ng gabing iyon. Paano niya nalaman ang balak ni Rose?"
"H-Hindi ko rin alam," sagot ni Venize at agad na sumisid. Alam niyang mababasa ni Matter ang mga mata niya kapag tumitig ito sa kaniya. Hanggang ngayon, may isinasagawa pa ring imbestigasyon ang mga Lacson. Ipinasa na iyon ng mga Angeles sa mga Lacson dahil wala namang kinalaman ang mga Angeles doon.

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon