6

1.2K 71 3
                                    

LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 6

UNEDITED...

Isang tawanan ang gumising kay Venize kaya napabangon siya at lumabas.
"Andiyan na ako!" sigaw ni Matter kaya humalakhak si Ocean patakbo sa kaniya.
"Ate!" tili ni Ocean nang mahuli ni Ocean at binuhat.
Bumalik si Venize sa loob saka naghilamos. Magsasaing sana siya pero may sinaing na at nakaluto na rin pala si Matter ng ulam nila.
"Hindi mo ako ginising," sabi niya nang maramdamang may yumakap sa bewang niya.
"Hmm? Napagod ba kita?" malambing na tanong ni Matter saka ipinatong ang baba sa balikat ng dalaga. Magdamag sila kagabi nang masiguradong tulog na si Ocean.
"Medyo," sagot ni Venize at napangiti.
"Really?" bulong ni Matter sa punong tainga niya kaya napapikit siya. Bakit ba ang lakas ng dating ni Matter sa kaniya at madalas niyang nakakalimutang mag-isip pagdating sa binata.
"I love you, hon," sabi ni Matter na agad lumayo kay Venize nang lumapit si Ocean.
"Kain na tayo," ani Venize at naghanda na sa mesa.
"Mamingwit tayo sa tabing-dagat," yaya ni Matter.
"Huwag na, mamamangka kami mamaya," tanggi ni Venize.
"Kasama mo?"
"Sila pa rin."
"Jemson?"
Napatingin si Venize kay Matter na tumigil sa pagkain at tumitig sa kaniya.
"Ang alam ko sasama siya."
Narinig niya ang pagbuntonghininga ng binata.
"Damn! Hindi na naman ako makatulog!"
Natawa si Venize. Sa loob ng dalawang buwang pagsasama nila, masaya naman sila maliban sa kung babanggitin nila si Jemson.
"Ba't ba selos na selos ka sa kaniya?"
"Ayaw ko ng may kahati!" diretsahang sagot ni Matter.
" Ako rin," bulong ng isip ni Venize. Magiliw na pinagmasdan niya si Matter na pinapakain si Ocean. Alam niyang darating ang araw na iiwan sila ni Matter dahil hindi ito ang buhay nitong kinagisnan.
"Iniisip mo pa rin bang iiwan kita?" malungkot na tanong ni Matter. Sa tuwing manahimik si Venize, alam niyang iyon ang iniisip ng dalaga.
"Kumain ka na," wika ng dalaga pero napatingin siya sa kamay ni Matter na humawak sa kanang kamay niya.
"Hindi kita iiwan, Ven."
"Paano kung kukunin ka na ng pamilya mo?"
"Babalikan ko kayo."
"Paano kung hindi ka nila payagan?"
Ngumiti si Matter. "I have my ways, Ven."
Pinisil ni Matter ang kanang kamay niya.
"Trust me," dagdag ni Matter na nagpagaan ng loob niya.
Yes, may tiwala siya sa binata pero may amnesia ito. Paano kapag maalala na nito ang lahat? Pero nakahanda naman siya sa bagay na iyon. Ayaw na niyang umasa pa.
Nang matapos na silang kumain, niyaya ni Matter si Venize na sumisid sa dagat gamit ang bangka kasama si Ocean.
"Sisisid lang ako," paalam ni Venize.
"Sama ako."
"Bantayan mo si Ocean," bilin ni Venize at isinuot ang goggles.
"Honey," tawag ni Matter saka hinawakan ang kaliwang kamay ni Venize.
"Ba--"
Tsup!
Hinalikan siya ni Matter sa mga labi.
"Ingat. After two minutes na wala ka pa, susundan na kita."
Ngumiti si Venize. Ngiting nagpabilis ng tibok ng puso ni Matter. Hinubad nito ang suot na damit kaya iniwas ni Matter ang mga mata dahil may kasama silang bata. She's so gorgeous. Natural ang pagiging sexy nito lalo na't mamula-mula ang kulay.
"Dito lang kayo!"
Tumalon si Venize kaya bumalik si Matter sa puwesto at inihanda ang pamingwit. Si Ocean ay may hawak ding pamingwit.
Wala pang dalawang minuto ay umahon na ito na may hawak na perlas.
"Wow!" bulalas ni Matter.
"Wait lang," paalam ulit ni Venize at inabot kay Matter ang perlas tiyaka sumisid pero bago pa siya pumailalim, may humila na sa kanang kamay niya. Magpupumiglas pa sana siya nang hapitin siya ni Matter sa bewang. Ngumisi ang binata bago nito sakupin ang mga labi niya para bigyan ng hangin. Napayakap siya sa leeg ni Matter at sinubukang hindi lumutang.
"I love you," Nabasa niyang sabi ni Matter sa tubig bago ito muling pumaibabaw.
" Masasabi mo pa kaya 'yan kapag bumalik na ang alaala mo?" sa isip ng dalaga bago ito pumailalim.
---------------------
" Do you take this woman to be your lawfully wedded wife?" tanong ng paring nakatayo sa harapan nila.
"Yes, I do," nakangiti at masayang sagot niya.
" I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride," anunsiyo ng pari kaya nagpalakpakan ang lahat ng bisita.
Napabangon si Matter at napahawak sa naninikip na dibdib dahil sa panaginip.
"V-Ven?" tawag niya pero wala ang dalaga kaya napahilamos siya sa mukha.
Tumayo siya at hinanap si Venize pero hindi niya mahagilap. Tulog pa si Ocean.
"Ven?" tawag niya at naglakad patungo sa kagubatan sa likod-bahay. Ipinagbawal ni Venize na tumungo siya rito dahil hindi na nila pagmamay-ari ang lupain pero nagpatuloy siya sa paglalakad. Kailangan niyang magpapawis at maglakad dahil sa napanaginipan.
"It was just a bad dream!" wika niya habang naglalakad. Ne hindi na nga niya napapansin ang nabubunggong ugat ng kahoy at baging.
Napaupo siya sa malaking ugat ng punong nakausli saka napahilamos. Pawisan na siya.
"Ghad!" bulalas niya. Walang mukha ang babae sa panaginip niya at ayaw niyang makita ang mukha nito. Never.
Tumayo siya nang mapansing nasa tabing-dagat na naman siya.
Nasa kabilang panig ng karagatan.
Naglakad siya patungo rito. Puti ang mapipinong buhangin. May bonsai trees din sa gilid at marami ang malilit na isda at buhay na corals sa tabing-dagat. Sobrang linaw ng tubig kaya naghilamos siya. Ang yaman ng islang ito. Napansin niya ang malaking karatula sa gilid na may nakalagay na "private property".
Naupo siya sa malaking bato. Ayaw niyang mag-isip. Nakatitig lang siya sa kawalan. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at lumanghap ng sariwang hangin.
"Lalaki!" narinig niya kaya mas lalong siyang napapikit. Boses iyon ni Venize. Boses sa gitna ng kadiliman.
"Honey!"
Dumilat siya nang ma-realize na totoo ang boses na iyon.
"Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?" Namumula ang pisnging sabi nito na bitbit si Ocean.
"V-Venize," usal niya at tumayo para lapitan ang dalaga.
"Di ba sabi ko, bawal kang--" Napatigil siya sa pagsalita nang yakapin siya ni Matter.
"I'm sorry," paumanhin ni Matter.
"B-Bawal tayo rito," mahinang sabi ni Venize.
Kumalas si Matter saka pinagmasdan ang dalagang nasa harapan niya. Ito lang ang mukhang nais niyang makita at maalala hanggang sa pagtanda niya. Si Venize lang.
"M-May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Venize.
"A-Akala ko kasi sumama ka na kay Jemson," sabi ni Matter. "Paggising ko wala ka na."
"Mamayang gabi pa 'yon, 'di ba?"
"S-Sorry," paumanhin ni Matter. "Bakit bawal tayo rito?"
"May nagmamay-ari na nito. Gagawin nilang private resort."
"Ganoon ba?" tanong ni Matter at humarap sa kagubatan.
"Gusto nilang putulin ang iilang malalaking puno at palitan ng malaking resort."
"Ayaw mo nun? Magkakaroon ng turista sa islang ito?" tanong ni Matter pero umiling si Venize.
"Masisira ang kalikasan. Maraming hayop ang mawawalan ng tirahan."
Ngumiti si Matter.
"Ayaw mo bang may kapitbahay kayo? Kapag marami ang turista? Pwede kang magbenta ng isda o perlas?"
"Hindi naibabalik ng pera ang buhay ng kalikasan," sabi ni Venize. "Uwi na tayo, baka maabutan pa tayo ng bagong may-ari nito."
Napatingin si Matter sa malaking isla na katapat lang ng maliit na islang kinatatayuan nila. Nakikita niya ang nakapatrolyang pulis-dagat malapit sa port nito.
"Uwi na tayo!" tawag ni Venize kaya sumunod na siya sa magkapatid.
-----------------------
"Magkano 'tong tuna?" tanong ng babae.
"Otsenta lang po ang kilo," sagot ni Venize.
"Dalawang kilo nga," sabi ng babae.
"Gawin mo na pong tatlo, pauwi na ako," sabi ni Venize dahil paubos na ang paninda.
"Sige na nga," pagpayag ng babae.
"Salamat po," magiliw na pasalamat ni Venize saka inilagay sa bulsa na nakatahi sa harapan ng duster niya.
"Naku, kung hindi ka lang maganda e," sabi ng babae.
"Anim na kilo lahat 'to. Bigay ko po limang kilo na lang lahat para maubos na po," hirit ni Venize kaya tumawa ang matanda.
"Pasalamat kang bata ka may bisita kami ngayon. Sige, lima na."
"Naks. Salamat po. Ganda mo talaga, lola."
"Naku, nang-uto pa," natatawang sabi ng matanda. "Asawa mo ba 'yon?" sabay nguso kay Matter na paubos na rin ang paninda.
"Hala, bakit naman po?"
"Panay kasi ang sulyap niya sa 'yo," makahulugang sabi ng matanda kaya natawa si Venize.
"Boyfriend ko lang po."
Tumayo si Matter at lumapit sa kanila.
"Naubos mo na?" tanong ni Matter dahil wala nang laman ang banyera ni Venize.
"Mabait si Lola eh," ani Venize saka inabot ang supot ng isda sa matanda.
"Naku, magpakasal na kaya kayo?" sabi ng matanda.
Tumawa si Matter.
"Tara, ubusin na natin ang paninda mo," yaya ni Venize at lumapit sa puwesto ni Matter kanina dahil walang kasama si Ocean.
Pumayag siyang sumama si Matter sa kaniya kaya sinama na rin nila si Ocean. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakapagtinda rito sa port kaya nami-miss niya. Madalas siyang sumama sa ama't ina noong bata pa siya.
"Hey! Magkano ang lahat ng pusit ninyo?" tanong ng lalaking nasa harapan nila kaya napatingala si Matter. Sa porma nito na branded ang suot, halatang mayaman na. Pati ang kababaihan ay napapatingin sa kanila.
Ngumiti ang lalaki pero hindi si Matter.
"Limang daan," sagot ni Matter at napasulyap kay Venize na hindi makapagsalita.
"Hi, Venize, long time no see," bati ng lalaki at matamis na ngumiti sa dalaga.
"Hi," tipid na sagot ng dalaga.
"Papakyawin ko ang lahat ng pusit," sabi ng lalaki.
"Bakit pakyawin?" walang ganang tanong ni Matter.
"Alam ni Venize na paborito ko 'yon, 'di ba?" sagot nito na kay Venize ang mga mata.
"Huwag na," sabat ni Matter kaya napangisi ang lalaki.
"Tinitinda n'yo 'to, 'di ba?"
"Yep. Pero depende sa amin kung ibebenta namin o kanino namin ibenta!" sagot ni Matter na walang balak umurong sa kaharap.
"K-Kuwan--" sabat ni Venize. "Pasensiya na. Nagbibiro lang siya."
"I'm serious. Hindi ko ibebenta ang mga pusit!" giit ni Matter kaya kinurot siya ni Venize.
"J-Joker ho talaga siya," ani Venize. "Ilang kilo nga ho ulit?"
"Maghanap ka na lang ng iba!" ani Matter na gustong panindigan ang sinabi kaya napatingin sa kanila ang mga tao. "Marami ang nagtitinda riyan ng pusit! Matataba pa."
"Kami ang may-ari ng islang ito," sabi ng lalaki.
"Ako ang may-ari ng pusit na bibilhin mo kaya layas na sa harapan ko!" pagtataboy ni Matter kaya napanganga si Venize at namumula ang magkabilang pisngi sa pagkapahiya.
"Boss? May problema ho ba?" tanong ng bodyguard na lumapit sa kanila.
"Wala. Kaya ko na 'to. Balik na kayo roon at hanapin ninyo ang isdang pinapahanap ng kapatid ko," sagot ng lalaki na kay Matter ang mga mata.
"Umalis ka na dahil nagtitinda pa kami!" pagtataboy ni ulit Matter kaya ngumisi ang kaharap.
"Baka nakalimutan mo, dayuhan ka lang dito!" paalala nito.
"Bakit? Pinapatay ba ninyo ang mga dayuhan?" tanong ni Matter at inayos ang mga pusit saka inusod palayo sa lalaking nakatayo sa harapan niya.
"Depende sa kung gaano kaangas," nakangising sagot ng lalaki.
"P-Pasensiya na po," paumanhin ni Venize na nahihiya sa inaasal ni Matter.
"Huwag kang humingi ng pasensiya," sabat ni Matter.
"It's okay," sagot ng lalaki at nakipagtitigan kay Matter. "It doesn't matter!" makahulugang dagdag nito at umalis na.
"Ano ka ba? Bakit ganun ang sagot mo sa kaniya?"
"Magkakilala kayo?" tanong ni Matter.
"Madalas ako rito noon."
"Una si Jemson ngayon naman ang lalaking 'yon?" bulong ni Matter.
Nang maubos na ang paninda, umuwi na sila gamit ang bangka.
"Matagal mo nang kilala ang lalaking 'yon?" tanong ni Matter na inaayos ang direction ng bangka nila.
"Sila ang nagmamay-ari ng 70% ng isla," sagot ni Venize.
"Wala akong pakialam kung sila man ang may-ari ng kapuluan o buong Pilipinas!" ani Matter. "Basta mula ngayon, hindi na tayo magtitinda ng pusit!"
"Ano bang pinagsasabi mo?" nakakunot ang noong tanong ng dalaga.
"Hindi ka na magtitinda ng pusit!"
"Problema mo sa pusit?"
"Hindi masarap!"
"'Di ba paborito mo ang pusit?" nagtatakang tanong ni Venize. Sarap na sarap kaya ito lalo na kapag magluto siya ng kinilaw na pusit.
"Basta! Mula ngayon, ayaw ko nang magtinda ka pa ng pusit, maliwanag?" gigil na sabi ni Matter kaya napailing na lang si Venize. Bakit ba pinagkainitan nito ang pusit?

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon