12

1.5K 85 4
                                    

LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 12

UNEDITED....

"Matter!" Napahawak si Rose sa dibdib nang pagliko sa pasilyo ay biglang sumulpot si Matter.
"Nagulat ba kita?"
"Medyo," sagot ni Rose. "Kumain ka na ba?"
"Oo. Ikaw? Sabi ni lolo, inumaga ka raw sa opisina." Tumawag si Skyler at nasa opisina pa nga raw si Rose.
"May inasikaso lang," sagot ni Rose.
"Nakatulog ka naman ba?"
Tumango si Rose. "Pasado alas dos na pero okay lang. Dumaan na ako sa Jollibee at nag-breakfast."
"Magpahinga ka na muna," sabi ni Matter.
"Kamusta ka na? M-May naalala ka na ba?"
"Wala pa. Tingin ko matagal pa. Naiinip na nga ako eh," sagot ni Matter kaya tumawa si Rose.
"Huwag mo nang pilitin. Ang mahalaga, nandito ka na at ligtas."
"Oo nga," pagsang-ayon ni Matter.
"Sweetheart? 'Yung papers pala sa islang binili mo, nandiyan na."
"Saang isla?"
"Iyong balak mong patayuan ng resort. Sabi mo gift mo sa akin," sagot ni Venize.
"Ah," ani Matter. "Hayaan mo personal kong aasikasuhin."
"Ako na, baka--"
"It's okay, ako na ang bahala," sabi ni Matter at nginitian ang asawa.
"Are you sure? Ako na. Wala ka pang maalala kaya ipagpaliban na lang muna natin. Makapaghintay naman ang resort. Ang unahin natin ay ikaw," may himig concern na sabi ni Rose.
"Okay, you win," pagpayag ni Matter.
"May titulo na ako ng buong isla kaya asikasuhin na lang natin kapag okay na ang lahat," masayang wika ni Rose. "Tutuparin natin ang naudlot nating pangarap."
"Magpahinga ka na," sabi ni Matter saka tumalikod kay Rose at pumunta sa pavilion.
"Problemado ka na naman," sabi ni Moon.
"At ikaw hindi?" baliktanong niya at naupo sa tapat ng kapatid.
"Sabi nina Mommy, sinagip ka raw ng mag-asawa sa isla," sabi ni Moon. "Maganda ba doon?"
"Oo," sagot ni Moon. "That's the best island na napuntahan ko."
"Mas maganda pa sa Paradise island?" curious na tanong ni Moon. "Alam mo na? Wala bang chicks noon? Like well--alam mo na..."
"Wala," sagot ni Moon.
"Bakit sumabog ang yate ninyo ni Rose?" tanong ni Moon.
"May maalala ba ako?" naiinis na tanong ni Matter kaya napakamot sa ulo si Moon.
"Oo nga noh?" ani Moon. "Musta na kayo ni Rose? Nagboo-boomboom paw pa ba kayo?"
"Ang buhay mo nga ang atupagin mo!"
Tumawa si Moon. "Sabi na namin mag-isip ka talaga bago ka magpakasal e. Kung naalala mo lang, ilang beses ka naming pinayuhan ni Star na wag munang magpakasal. Ang tigas kasi ng ulo mo eh!"
Napabuntonghininga si Matter. "Wala man akong maalala, alam kong minahal ko si Rose."
"Oh? Alam mo naman pala eh. Anong problema?"
"Hindi ko rin alam," malungkot na sagot ni Matter. "Hindi ko alam kung ba't nagkaganun."
"May amnesia ka kasi."
"Siguro," sabi ni Matter.
"May maitutulong ba kami?" tanong ni Moon. "Nandito lang kami."
"Okay lang. Hinihintay ko na lang na bumalik ang alaala ko."
"Hirap noh? Hirap kapag mawalan ka ng alaala."
Napatingin si Matter sa pool nang lumusong si Ash at naligo kasama ang mommy nila. Si Ash na kapatid ni Seola.
Naalala niya si Ocean kaya naikuyom niya ang kamao. Bakit ba napakahirap at napakadamot ng kapalaran sa kaniya?
"Moon? Pahiram pera!" sabi ni Star na palapit sa kanila.
"Wala akong pera."
"Damot nito. Pambili lang ng damit ng pamangkin mo."
"Ba't ako?"
"Ikaw lang kasi ang walang asawa," sagot ni Star at naupo sa tabi ni Matter.
"Mga walanghiya! Kaya nga hindi ako nag-asawa e. Si Sun, si Clouds tapos ikaw puro kayo utang! Puro kayo pamangkin ko. Aba, lahat na lang ng anak ninyo aakuin ko?"
"Sige na," pangungulit ni Star.
"Huwag mo 'kong kausapin!" naiinis na sabi ni Moon at tumayo saka iniwan sila.
"Ang lalim ng iniisip mo ah," puna ni Star.
"May iniisip lang," sagot ni Matter.
"Sina Venize ba?"
Napatingin si Matter sa kaniya. Ngumiti si Star at dinukot ang cellphone sa bulsa saka pinakita ang litrato ni Ocean.
"P-Pumunta ka--"
"Well, na-curious ako sa video na hiniram mo so I asked mom kung ano ang hitsura ni Venize."
Napabuga sa hangin si Matter.
"Nahospital si Ocean. Dengue pero nasalinan na siya ng dugo nina Tito Zero."
Napahilamos si Matter ng mukha.
"Bakit hindi mo kaagad sinabi?"
"Nakalabas na sila," sabi ni Star kaya napapikit si Matter. "Anong balak mo, Matter?"
"Hindi ko rin alam. Gusto ko lang silang makita."
"Kumplikado," ani Star. "May asawa ka rito."
Naikuyom ni Matter ang kamao sa pagkadesperado.
"Sabi na sa 'yong huwag ka munang mag-asawa e. Kaso mahal mo naman si Rose kaya tanggap na rin namin. Isa pa, mabait siya at mahal na mahal ka niya."
Wala nang sinabi pa si Matter dahil nasa kina Venize at Ocean na ang utak niya.

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon