LA PESCADORA ( The Fisherwoman )
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 36
UNEDITED...
Isang malaki at masamang balita ang naging almusal ng sambayan sa balitang patay na si Rose Verzosa nang dahil sa heart attack. Pansamantalang inilalabas na ang bangkay nito sa hospital.
Napatutop ng bibig si Venize habang nakatingin sa TV. Ini-interview na ngayon ang tatay Joel niya at balak nitong i-cremate ang katawan ng anak.
Napalingon si Venize nang may narinig siyang kaluskos.
"M-Matter," usal niya nang makita ang kasintahang nakatitig sa TV.
"H-Hindi totoo 'yan, 'di ba?" mahina pero natatakot na tanong ni Matter. Hindi makasagot si Venize kaya wala sa sariling bumalik siya sa kuwarto. No, hindi totoong wala na si Rose.
"Matter!" tawag ni Venize pero tila bingi ang kasintahan at tuloy-tuloy sa pag-akyat.
Mas minabuti niyang manatili sa kinauupuan at pinanood ang balita sa iba't ibang estasyon ng telebisyon. May isang TV station pa nga na pinakita talaga ang mukha ni Rose.
Kinuha niya ang cellphone sa center table at tinawagan si Dale.
"Hindi natin 'to inaasahan, Ven," sabi ni Kale sa kabilang linya. "Pero hindi kami titigil hanggat hindi malaman ang tunay niyang pagkamatay."
"Pinatay siya. Sigurado ako roon," ani Venize.
"Alam natin 'yan lahat, Ven. Ang tanong, sino siya o sino sila?" sabi ni Dale.
"Kamusta ang mission mo?"
"Nahanap ko na siya," sagot ni Dale. "Ikaw na muna ang bahala kay Kuya Matter, Ven. Hindi na kita maasikaso. Don't worry about kay Rose, hawak na ng mga Lacson ang kaso."
"Pero sangkot pa rin--"
"It's not your battle, Ven, trust me."
Tinapos na niya ang tawag. Napabuntonghininga si Venize saka umakyat sa kuwarto. Alam niyang nasa denial stage pa si Matter pero kailangan siya nito.
Pinihit niya ang seradura. Nakaupo sa kama si Matter habang nakatingin din sa balita.
Naupo siya sa tabi ng kasintahan at hinawakan ang kanang kamay nito.
Tila napukaw naman mula sa mahimbing na tulog si Matter.
"I-I'm sorry," mahinang paumanhin ni Matter saka napakagat sa ibabang labi para pigilan ang mga luha.
"Okay lang," sagot ni Venize at napatitig sa kasintahang tahimik na umiiyak.
"H-Hindi ako makapaniwalang wala na siya," nakayukong sabi ni Matter saka hinila ang kamay mula kay Venize at napahilamos. "I-I'm sorry, hon. A-Alam kong masaktan kita but I can't stop my eyes f-from crying." Dalawang bagay kung bakit siya umiiyak. Una, dahil wala na si Rose, ang una niyang asawa. Pangalawa, dahil alam niyang masasaktan ang kasintahan dahil nasasaktan siya sa pagkawala ni Rose. As musch as possible, ayaw niyang saktan si Venize.
"Nauunawaan kita," may pag-unawang sabi ni Venize. Naging asawa ito ni Matter, unang minahal bago siya.
Nang yakapin niya ang kasintahan, mas lalo itong umiyak.
"G-Gusto kong magbago siya. U-Umaasa ako na matagpuan niya a-ang lalaking para sa k-kaniya. U-Umaasa akong magpakatotoo siya p-pero bakit sa ganito humantong a-ang lahat? K-Kahit pinatay niya ako--" Humikbi siya saka pinahidan ang mga luha. "M-Minahal ko siya, hon. M-May pinagsamahan kami. Ang dami niyang b-binago sa akin... B-Bakit ganun?"
Kahit na masakit, pinakinggan ni Venize si Matter. Inunawa. Dinamayan sa pamamagitan ng pagyakap at pakikinig. Hindi naman kasi niya basta-bastang mabura si Rose sa buhay ni Matter. No, hindi niya pala talaga ito mabura.
"I-I'm sorry, I-I'm really sorry," umiiyak pa ring paumanhin ni Matter.
"N-Nauunawaan kita," sabi ni Venize. Ngayon lang niya napatunayan kung gaano kabuti ang mapapangasawa niya. May respeto ito kahit gaano pa kasama ang naging asawa.
Tumulo na rin ang mga luha niya. Ewan ba niya pero sa totoo lang, naaawa siya kay Rose. Oo, galit siya dahil inagaw nito ang lahat pero nang makausap niya ito sa SOP, dama niya ang lungkot nito at pagsisisi kahit na hindi nito aminin. Sana lang ay mapatawad ito ng Panginoon sa mga kasalanang nagawa lalo na sa pagpatay ng tao. Tama si Rose, ngayong buhay siya, ang tunay na Rose Verzosa, ito naman ang nawalan ng identity. Pareho lang silang biktima ng sakim nitong ina.
Niyakap niya nang mahigpit si Matter.
Mayamaya ay tumawag si Sky sa cellphone ni Matter pero ibinigay ni Matter kay Venize ang cellphone para ito ang kumausap.
Si Venize na ang kumausap kay Sky. Nang matapos ang tawag, humarap siya kay Matter.
"Pupunta raw sila sa lamay mamaya," sabi ni Venize. "Mamayang hating gabi raw ang cremation."
Tumango si Matter.
"P-Pinapatanong nila kung sasama ka raw ba sa kanila."
Hindi makasagot si Matter kaya inakbayan siya no Venize at hinimas ang balikat.
"Pumunta ka, Matter. Kahit sa huling pagkakataon, makita mo man lang si Rose."
"P-Pero--"
"Okay lang ako, hindi ako magagalit o magtatampo. Naunawaan kita. Siya ang nauna mong asawa kaya wala akong karapatan para pigilan ka. Kailangan ka nila," pagbibigay ng pahintulot ng dalaga kaya niyakap siya ni Matter.
"T-Thank you, Ven." Hinawakan niya sa magkabilang pisngi si Venize at hinalikan sa mga labi. "I love you. Mahal na mahal kita."
Ngumiti si Venize. "Mahal din kita."
Nagbihis si Matter ng damit at bumaba nang marinig ang busina ng van ng mga magulang. Sabay silang magkaanak na pumunta sa kung saan nakahimlay si Rose. Mas pinili ng ama nitong 'wag nang magpa-public view at reporters lang ang pwede sa loob.
Marami ang fans sa labas ng gate na nagsisindi ng kandila at nagdasal para sa kaluluwa ni Rose.
"D-Daddy," tawag ni Matter nang makapasok at niyakap si Joel. Sina Sky ay inilapag ang dalang bulaklak at naupo sa isang sulok. Wala namang ne isang sumilip sa kabaong dahil takot ang mga ito sa patay.
"Condolence," malungkot na sabi ni Joel.
May mga lumapit na reporters pero tumanggi si Matter na magbigay ng pahayag. Napag-usapan na nila iyon kanina sa van.
"Bakit may reporters?" tanong ni Matter.
"It was her request," sagot ni Joel at kinuha ang CD sa bag. "Gusto niyang ibigay ito sa reporters habang nasa lamay siya."
"Ano 'yan?" tanong ni Matter.
"Hindi ko rin alam," clueless ni Joel at tinawag ang isang reporter saka ibinigay ang CD para i-play sa malaking screen para makita ng lahat. Naka-live sila.
Naupo si Matter sa tabi ng mga magulang at nakipanood din nang isalang ang CD.
"Hi, everyone!" masiglang bati ni Rose at nag-flying kiss pa. "I know you're watching this. At well, siguro wala na rin ako sa earth," natatawang pahayag nito kaya napahilamos si Matter sa mukha. Naiiyak na naman siya. "Hmm... May taning na kasi ang buhay ko. Hindi ko lang ipapaalam kung ano. So? Anong purpose ng video na ito? Confession. May ico-,confess ako dahil ang ex-husband ko ay hindi kayang aminin sa publiko ang tunay na nangyari."
"N-No," mahinang usal ni Matter na gusto sanag pigilan ang video pero pinigilan siya ni Clouds.
"Let her, bro," sabi ni Clouds kaya napabuntonghininga na lang si Matter at nanatili sa upuan. Alam niyang nanonood din si Venize sa bahay nila.
Ipinagpatuloy ni Rose ang pagpaliwanag. Habang inaamin nito ang totoo, umiiyak na rin si Matter. Isinalaysay ni Rose ang pagkamatay noon ni Matter. Inamin din nitong si Venize ang nagligtas kay Matter at siya ang naging dahilan kung bakit nabuntis si Venize. At ang dahilan niya, ay para manakaw ang pera ng Villafuerte.
"Surprise?" tanong ni Rose. "Yes, iyon ang balak ko. And I succeeded. Bumagsak ang mga Villafuerte. Sumara ang factories and companies. Ne isang sintimo, sa akin napunta ang kayamanan nila." Tumawa ito sa camera. "But you know what's funny? Lahat ng pinaghirapan ko ay napunta sa wala. Lumutang sa international bank ang tunay na Rose Verzosa." Nag-pause si Rose kaya napakunot ang noo nina Matter. "Yeah, it wasn't me turned their money and properties back. It was the real Rose Verzosa."
"What's the meaning of this?" naguguluhang tanong ni Sky. Iyon din ang tanong ng lahat. Sa pagkakaalam nila, si Rose mismo ang bumalik ng lahat.
"Ampon ako. Or let me say pinagpalit kami. The real daughter of Mister Joel Verzosa is not me. The real Rose Verzosa is Venize Jamesem Ramirez, the current girlfriend of my ex-husband." Tumawa na naman siya. "Ang gulo noh? Basta void yata ang kasal namin ni Matter kasi kung papel ang pag-uusapan, si Venize talaga ang pinakasalan niya, not me."
"Shit!" sambit ni Matter na tumatayo ang balahibo sa narinig.
"Poor Venize, nawalan ng karapatang magkaroon ng magandang buhay at edukasyon si Venize. Pero ngayong wala na ako, siguro naman lahat ng pagmamay-ari niya ay maibalik na sa kaniya."
Hindi pumapasok sa isip ni Matter ang pinagsasabi ni Rose at ang naunawaan lang niya ay ang tuluyan nitong pagpalaya sa kanila ni Venize.
Lutang na tumayo siya at lumapit sa kabao ni Rose. Pinagmasdan niya ang tila natutulog na dating asawa.
"T-Thank you, Rose," umiiyak na pasalamat niya at pinahidan ang mga luha. "S-Sana masaya ka na sa kung saan ka man naroroon." Masuyong hinaplos niya ang salamin ng kabaong ni Rose. "H-Hindi ako galit sa 'yo, sana matahimik ka na. Minahal kita."
"Matter?" tawag ni Taira dahil icre-cremate na ang katawan ni Rose. Mabigat ang loob na lumayo si Matter sa kabaong ng dating asawa.
Ngumiti si Taira at pinahidan ang mga luha ng anak.
"It's okay, makapagpahinga na siya," ani Taira.
Nanatili pa muna sila hanggang sa ibinigay kay Joel ang abo ng anak.
Nang lumalim na ang gabi, umuwi na sila.
"Paano 'yon?" tanong ni Star. "Kapag si Venize ang tunay na Rose, ibig bang sabihin, si Venize talaga ang naging asawa mo?"
"Pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ni Matter.
"Hala, hindi mo pa na-gets?" tanong ni Clouds.
"Ang alin?"
"Si Venize ang tunay na anak ni Tito Joel," sabat ni Clouds kaya nagulat si Matter. Sa haba ng sinabi ni Rose, wala siyang naintindihan.
"You married her, kasal na kayo ni Venize," sabi ni Clouds.
"Tanga. Divorced na sila," pagtatama ni Moon na kanina pa tahimik. Paano, kahit na sa lamay, panay bulong ng ama kung kailan siya mag-aasawa?
"S-Si Venize ang tunay na anak ni Daddy Joel?" tanong ni Matter. Kaya pala ang ingay nila kanina sa lamay.
"Oo," sagot ni Sky. "Si Venize ang bumalik ng ari-arian natin. Kung hindi niya ibinalik, sa kaniya mapupunta ang lahat."
"P-Pero hindi yaman ang habol ni Venize," malungkot na wika ni Matter. Kilala niya ang kasintahan, hindi ito masaya sa Maynila.
"Mayaman pala si Venize," ani Sky. "So bale father-in-law mo pa rin si Pareng Joel. Ang galing."
Mabait si Joel kaya friends sila ni Sky. Magkasosyo pa nga sila sa negosyo.
"Kahit sino man siya. Ano man ang pangalan niya, ihaharap ko pa rin siya sa altar kasama ang mga anak namin," sabi ni Matter. "Hindi sa papel ang basehan ng tunay na asawa. Fake or not, si Rose Verzosa ang pinakasalan ko. Siya ang iniharap ko sa altar. Magkaiba sila."
Ngumiti si Taira. Siguro mga pasaway ang galaxy team ng asawa niya pero proud pa rin siya dahil kahit papaano, naging bumunga rin ang pagsisikap at pangaral ni Sky sa mga ito. Noon, madalas niyang itanong kung tama bang si Sky Villafuerte ang pinakasalan niya? E wala naman itong nagawang matino? But now, ngayon niya napagtanto na hindi siya nagkamaling sumugal. They have a happy life and she knows, they raised them well.
Napalingon siya kay Matter na nakatingin sa labas ng bintana habang ang mga kapatid ay tulog na. Nagyayakapan pa nga sina Star at Moon. Sa lahat ng anak nila, si Matter ang nailagay sa alanganin. Pero ang tapang nito at natutong magpatawad. Anumang problemang kaharapin nito, sigurado siyang malalampasan ng anak.
BINABASA MO ANG
LA Pescadora
Romanceby: sha_sha0808 Ash Simon PROLOGUE UPNEXT... "LA PESCADORA" (The Fisherwoman) "Kung ako ang naging dahilan ng pagkawasak ng buhay mo, hindi ko iyon pagsisisihan dahil alam kong ako pa rin ang bubuo ng pagkatao mo."--Matter. Si Rose: Sikat, maganda a...