10

1.2K 72 0
                                    

LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 10

Unedited...

"Matter?" tawag ni Moon sa kapatid.
"Ano?"
"Salamat ha," pasalamat ni Moon at tinapik sa balikat ang kapatid.
"Saan?"
"Dahil ipinakita mo sa akin ang masalimuot na buhay ng may asawa."
Napalingon si Matter sa kapatid. Tahasang sinabi ni Moon na ayaw na talaga nito mag-asawa.
"Are you sure na ayaw mong mag-asawa?"
Tumango si Moon.
"Huwag ka ngang ano!" sabat ni Star na bitbit si Twinkle.
"Kasi paano kung magka-amnesia rin ako? E di makakalimutan ko rin siya?" ani Moon.
"Si Ulap hindi naman niya nakalimutan si Seola ah," sabi ni Star.
Nakikinig lang si Matter sa sagutan ng dalawa niyang kapatid.
"Tara, puntahan natin si Lolo Skyler," yaya ni Star. Para makapagpahinga naman siya kay Twinkle.
"Tara," pagpayag ni Moon. "Sama ka, Matter."
"Sige." Pagpayag ni Matter at tumayo.
"Wait, magdala tayo ng pasalubong," excited na sabi ni Star. "Bili tayo sa labas."
Lumabas muna sila at naghanap ng pasalubong.
"May buko!" wika ni Star nang makita si Kuya na nagtitinda ng buko juice.
"Uy, bili tayo," sabi ni Moon.
"Pasalubungan natin si Lolo," ani Star.
"Huwag na--sige sige," pagpayag ni Moon at inakbayan si Matter. "Alam mo ba bro? Mahal na mahal ka ni Lolo Skyler kasi madalas mo siyang dalhan ng paborito niyang buko."
"Oo nga e. Binilhan ka pa nga ng ducati noon," segunda ni Star.
"Huwag nga ako! Kayo na lang!" naiinis na sabi ni Matter at tinanggal ang kamay ni Moon sa balikat niya. Obvious naman na niloloko siya ng mga ito.
"Bakit? Pinapaalala lang namin sa 'yo ang past mo dahil wala kang maalala," sabi ni Star.
"Bakit hindi kayo ang magdala?" baliktanong ni Matter. Puro kalokohan lang ang dala ng mga ito e.
Sabay na tumawa ang magkapatid.
"Ikaw naman, 'di na mabiro," sabi ni Moon. "Tara, bili na lang tayo."
Ayun, kumain sila at pagkatapos ay bumalik sa mansion at dinalaw si Skyler na walang bukong dala.
"Ang ganda naman ng apo ko," puri ni Skyler na agad binuhat si Twinkle. Well, mabuti na lang dahil hindi nito alam na buko ang pinaglihian ni Chummy dahil kapag nagkataon, baka isumpa niya ang apo. It's a long story but he hates buko.
"Bumalik na ba ang alaala mo? Balita ko inaaway mo ang asawa mo?" tanong ni Skyler kay Matter.
"H-Hindi naman--"
"Bago ka magpakasal, ilang beses mo munang pag-isipan kung sigurado ka na ba? Dahil ang pag-aasawa, hindi basta-basta na kapag ayaw mo na, tapos na kayong dalawa. Dapat may pag-uusap at pag-unawa," sabi ni Skyler.
"Hayaan mo po at dahan-dahan ay ibalik ko alaala ko," sabi ni Matter para hindi na humaba pa ang usapan.
Doon na sila nag-dinner. Pagbalik nila sa mansion, alas otso na ng gabi kaya pinahatid muna ni Star si Twinkle sa katulong dahil nasa bahay na si Chummy. Naunawaan naman siya ng asawa kung maglagi siya sa mansion dahil kay Matter.
"Kumain ka na ba?" tanong ni Rose nang dumating siya. "M-May inihanda akong pagkain. Baka gusto mong kumain?"
"Kumain na kami," sagot ni Matter pero pinandilatan siya ng ina kaya napabuntonghininga siya. "Let's go, kain na tayo."
"T-Talaga?" masayang tanong ni Rose.
"Oo," sagot ni Matter na sumunod kay Rose sa dining room para kumain ulit.
Isang ulam lang ang pinili niya.
"Ako ang nagluto niyan. Alam kong favorite mo 'yan," masayang sabi ni Rose at inabot ang kinilaw na pusit kaya napahigpit ang yakap ni Matter sa kutsara. "Ayaw mo ba? Itong hipon na lang." Alok ni Rose nang mapansing hindi maipinta ang mukha ni Matter.
"Hipon na lang," wika ni Matter at kumain ulit. "By the way, puwede ka nang tumuloy rito pero sa kabilang kuwarto ka lang."
Napasulyap si Rose sa asawa. "T-Talaga?"
"Lumipat ka na bago pa magbago ang isip ko," ani Matter at napatingin kay Rose na sobrang saya ng mukha.
"T-Thank you, sweetheart," naiiyak na pasalamat ni Rose at hinawakan ang kanang kamay ni Matter. "Gagawin ko ang lahat para lang bumalik tayo sa dati."
Pinilit ni Matter na ngumiti.
"Start ka na ngayon."
Namilog ang mga mata ni Rose sa narinig.
"T-Talaga?"
"Oo," sagot ni Matter. "At dahil gusto ko na ring bumalik sa dati, magpapa-checkup na ako."
"W-Wow!" hindi makapaniwalang bulalas ni Rose.
"Pero mukhang matagal pa bago bumalik ako sa normal. Ikaw ang asawa ko kaya ikaw na lang ang bahalang mag-asikaso ng lahat."
"T-Thank you, sweetheart."
"Wala pa rin akong balak na bumalik sa negosyo natin kaya ikaw na muna ang bahala sa lahat."
"I will. Basta magpagaling ka lang," masiglang sabi ni Rose at ipinagpatuloy ang pagkain.
Pagkatapos, sinamahan niya si Rose paakyat sa kuwarto nito.
"Dito ka na muna para magkalapit lang tayo," sabi niya na sa katapat lang ng kuwarto niya ang pinagamit kay Rose.
Isinara ni Rose ang pinto at lumapit kay Matter saka niyakap ito. Hindi kumilos ang huli kaya mas lalo siyang yumakap nang mahigpit.
"Dati, gustong-gusto mong niyayakap ako," sabi ni Rose at inamoy ang mabangong asawa. "Hindi mo ba natatandaan?"
"Pasensiya na, nabura lahat ng alaala ko," sagot ni Matter na hindi man lang gumanti sa yakap ni Rose.
"Okay lang." Lumayo si Rose at naupo sa kama. "Siya nga pala, nahanap ko na ang papers ng binili mong isla," sabi niya kaya napatingin si Matter sa kaniya.
"Remember? Binilhan mo ako ng isla."
"W-Wala akong maalala," ani Matter.
"Soon, matutupad na ang pangako natin sa isa't isa na bubuo tayo ng pamilya sa islang iyon."
Mapait na ngumiti si Matter nang makita niya ang tuwa sa mga mata ng asawa. Yes, he has a lovely, caring at sexy wife. Wala na siyang hahanapin pa pero alam niyang may mali at may kulang.
Tumayo si Rose at inilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib ni Matter.
"Sana maalala ako ng puso mo," malungkot na sabi niya saka pinadausdos ang kamay pababa sa puson ni Matter pero bago pa niya maipasok sa salawal nito ang kamay, napigilan na siya ni Matter.
"Lumalalim na ang gabi, matulog ka na. Balita ko may taping ka pa bukas."
"S-Sweetheart--"
"Goodnight, Rose," paalam ni Matter at tinalikuran ang asawa saka lumabas.
Muntik na siyang mapatalon nang makita si Clouds.
"Bakit ka nandito?" tanong niya.
"Tinawagan ako nina Star at Moon, manood daw tayo ng videos natin noong bata pa tayo dahil baka may maalala ka," sagot ni Clouds.
"Ayoko," tanggi ni Matter.
"Come on, bro. Help yourself," pangungumbinse ni Clouds.
"Inaantok na ako," ani Matter. Alas onse na ng gabi.
"Halina kayo," yaya ni Star na lumabas sa mini theater room.
"Halika na,  Matter!" yaya ni Clouds at tinulak si Matter papasok sa theather. May nagpi-play na video kaya napilitang maupo si Matter at nakinood sa tatlong kapatid.
"Hala! Halatang may gusto ka na diyan kay Chummy, Bituin!" natatawang sabi ni Clouds dahil hinahabol ni Star si Chummy para pahidan ng cake. It was their 8th birthday video.
"Guilty ako," pag-amin ni Star. Crush naman talaga niya si Chummy noon pa e.
Nakita ni Matter ang sarili na nakipagharutan kay Dust.
"Wow! Sino ang mag-aakalang cute tayo noon tapos pogi ngayon?" pagmamayabang na sabi ni Moon.
"Mag-asawa ka na kasi," suhestiyon ni Clouds.
"Yuck!" nandidiring sabi ni Moon. "Ayaw ko nga. Si Matter nga mukhang nagsisisi eh."
"Si Rose pa nga lang 'yan e," ani Clouds. "Bakit mo kaya nakalimutan 'yon? Baka may iba ka na?" biro nito.
Sa kanilang magkapatid, si Star lang ang nakakaalam tungkol kay Venize dahil ito lang ang nakarinig noong isang araw.
"Boring ng video," sabi ni Matter nang graduation video na nila noong highschool kasama ang ibang miyembro ng Lacson.
"Ang taba ni Gab," natatawang sabi ni Star nang umiba ang video. Sa buong pamilya, si Gab na talaga ang pinakamalaki sa kanila. Silang team galaxy yata sila ang kasya sa katawan nito.
"Bully!" natatawang sabi ni Clouds.
"Palitan na nga natin," sabi ni Moon na ngumisi at kumuha ng CD.
"Ano 'yan?" nagdududang tanong ni Star.
"Favorite nating lahat," nakangising sagot ni Moon at ipinlay ang video kta nanlaki ang mga mata ni Star.
"Tang'na! Patayin mo 'yan!" singhal ni Star. Nasa bar ang setting at nag-iinuman sila.
"Ayaw!" natatawang tanggi ni Moon at ipinasa kay Clouds ang remote.
"Gago! Patayin mo sabi!" galit na sigaw ni Star. Birthday party ng kakilala nila noon at pinilit lang siya nina Moon at Matter na sumama at iyon na yata ang bangungot sa buhay niya na ayaw na niyang maalala.
"Huwag!" natatawang sabi ni Clouds na ipinasa muli kay Moon ang remote. Ito kasi talaga ang favorite video nilang magkapatid kahit na nakatanggap sila ng parusa sa ama.
"Wait mo lang Matter hanggang sa dulo," sabi ni Moon kay Matter kaya nakatutok ang mga mata ni MAtter sa malaking screen habang naghahabulan ang tatlong kapatid.
Nakaupo sila at nag-iinuman. May mga babaeng bisita na nakipag-join sa kanila.
Napatingin silang tatlo nang sumara ang pinto. Lumabas na si Matter.
"Kayo kasi eh," paninisi ni Star. "Akin na nga 'yan." inagaw niya ang remote at pinatay saka sinundan si Matter na pababa patungo sa gilid ng pool.
"Pasensiya ka na," paumanhin ni Star at naupo sa tabi ng kapatid. "Alam mo namang na-miss ka namin."
Napatingin siya kay Matter na hindi umiimik at mukhang may malalim na iniisip.
Napatingala si Star sa langit na maraming bituin.
"Alam mo bang lahat kami ay nalungkot noong nabalitaan namin ang nangyari? Naalala ko, nagpaalam ka pa s akin bago kayo umalis ni Rose," pagkukuwento niya. "Pero ngayong nandito ka na muli, nawala ang lungkot namin. Iyon nga lang, wala kang maalala."
Narinig niya ang sunod-sunod na pagbuntonghininga ni Matter.
"Ang tagal mong nawala. Ang dami mong sugat sa katawan. Siguro sobrang hirap at sakit na naranasan mo."
"Umuwi ka na," mahinang sabi ni Matter. Tinapik siya sa balikat ni Star.
"Sabi ni Mommy, ang utak lang daw ang nakakalimot pero hindi ang puso," pagpatuloy ni Star. "Pero ikaw, nakalimot pero pati ang puso mo, nakalimutan na rin si Rose."
"Ano ba ang gusto mong sabihin?" tinatamad na tanong ni Matter.
"Alam mo kung saan binibili at kung ano ang paboritong cake ni Chummy," ani Star.
"Nahulaan ko lang," wika ni Matter at nilaro ang mga paa na nakatampisaw sa tubig ng pool. "Instict."
"Noong dumating sina Kale at Baby E, hindi mo agad tinanggap ang regalo nila. Nang abutin mo, inilapag mo sa lupa at walang balak na buksan. Hindi tayo basta-basta tumatanggap ng regalo mula kay Baby E."
"Binabantayan mo ba ako, Star?"
"Ayaw mo ring magdala ng pasalubong na buko kay Lolo Skyler."
"Anong gusto mong palabasin, Star?" seryosong tanong ni Matter.
"Paano kita matutulungan, Matter?" malungkot na tanong ni Star.
Isang mahabang katahimikan ang namayani sa kanila.
"Ang huling video," wika ni Matter na bumasag sa katahimikan kaya mapatingin si Star sa kaniya. "Pahingi ako ng kopya no'n."
"What the--" Napanganga si Star. Rest in peace sa replay button kapag panoorin iyon ng mga kapatid. "Fine. Ang bully ninyo!"
Ngumiti si Matter. "Kailangan ko ng kopya ngayon na walang nakakaalam," ani Matter.
"Sure. I'll send it to your email," ani Star saka tumayo. "Mauna na ako, baka magising si Twinkle."
"Ingat," sabi ni Matter at pinagmasdan ang papalayong kapatid. He admits, sa kanilang magkapatid, si Star ang pinaka may utak!

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon