33

1.5K 68 0
                                    

LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 33

UNEDITED...

"Kyaaah! Nanay!" tili ni Ocean nang lumayo si Venize sa kaniya habang nasa likod nito si Gas. "Sama ako!"
"Habol kuya, habol-kyaaah. Andiyan na siya!" tili ni Gas habang lumalangoy ang ina.
Swimmer si Ocean at mas gusto niyang lumangoy sa dagat lalo na ngayong kasama ang ina't kapatid.
"Huli kayo!" ani Ocean saka tumawa.
Napangiti si Matter habang pinagmamasdang lumalangoy ang mag-ina niya habang siya ay nasa bangka.
Ilang shots na rin ang nakuha niyang litrato. Huling araw na nila sa Batangas at wala na ang mga bisita. Naiinis siya sa mga bisitang nanuya kay Venize kaya nang makaakyat sa kuwarto, hindi na siya bumaba pa. Naunawaan naman nina Aira at ng mga tita niya ang nangyari at humingi naman sila ng paumanhin kay Venize kinaumagahan at sinabing huwag nang dibdibin iyon. Sigurado siyang bukal sa loob ng pamilya ang paghingi ng paumanhin kay Venize.
Pero kahit na hindi na nila napag-usapan, alam niyang nagdulot iyon ng malaking sugat sa dalaga kaya mas lalo itong naging mailap sa mga tagarito.
"Langoy ka na," yaya ni Venize na nakatingala sa kaniya. Alas kuwatro kaya sobrang ganda ng tanawin.
"Sure," sagot niya at naghubad ng tshirt.
Nakatingala si Venize kay Matter habang naghuhubad ito ng shorts. Ang sexy nito sa bawat paggalaw ng biceps. Ang haba ng binti nitong may maninipis na balahibong nagdadala sa mga mata niya patungo sa gitna ng hita nito.
"I don't know what to say but you made me feel like I'm the sexiest man in the world, honey," nakangising sabi ni Matter na nakatitig sa magandang mga mata ng asawang ngayon ay umiba na ng tingin. Kani-kanina lang, paghanga ang nakita niya sa mga mata nito pero ngayon, pagkahiya na. She's so damn hot lalo na't naka-black two piece  ito.
Tumalon siya at hinapit ito sa bewang.
"Lipat ako. Kay tatay ako!" tili ni Gas saka lumipat sa likod ng ama kaya nagkaroon ng space si Ocean sa likod naman ng ina.
Magkaharap sila kaya hinapit ni Matter si Venize sa bewang saka masuyong hinalikan sa mga labi habang naka-piggy back ang mga anak nila sa kanila.
"I love you, Venize."
Ngumiti si Venize. "I love you too, Matter."
"Ikakasal na tayo next month, can't wait to be your husband," sabi ni Matter saka hinawi ang buhok na tumatakip sa mukha ng dalaga saka inipit sa tainga nito. "Magiging legal na kitang asawa."
"Salamat sa pagtanggap mo sa akin kahit ganito ako, Matter," buong pusong pasasalamat ni Venize.
"No, ako ang dapat na magpasalamat kasi kahit na nahihirapan ka na, sinusubukan mo pa ring kayaning manatili sa tabi ko. Thank you, Ven," pasalamat ng binata.
"Sisid tayo, 'nay," yaya ni Ocean. Hindi siya sanay sumisid sa ilalim ng dagat dahil sa pool lang siya nagpa-practice ng swimming. Ang tagal na rin niyang hindi naka-swimming sa dagat.
"Ikaw na kay Ocean, ako na kay Gas," sabi ni Matter saka naunang sumisid kasama ang anak. Sumunod si Venize at ginabayan si Ocean kagaya bg ginagawa ni Matter kay Gas. Hindi sila pumailalim dahil masyado pang bata ang anak nila. Sapat lang na naghahabulan sila sa ilalim ng tubig.
Nang mapagod, umakyat na sila sa bangka at kumain ng prutas na dala.
"Sino ba ang gusto mong sumama sa 'yo sa altar?" tanong ni Matter saka inagaw ang apple na kinakain ni Venize at kumagat. Ang dalawang bata ay nasa likuran nila habang tahimik na kumakain ng ubas habang nakasuot ng roba. Nagutom ang mga ito sa kakalangoy.
"H-Hindi ko pa alam," sagot ni Venize kahit na iisang tao lang ang pumasok sa isip niya.
"Pakiusapan kaya natin si Tito Zero? Kapit-isla mo naman sila eh," suhestiyon ni Matter. 'Yan ang problema nila ngayon dahil patay na ang mga magulang ng kasintahan at wala na itong kamag-anak.
"Huwag na muna nating intindihin iyon," ani Venize saka inagaw kay Matter ang mansanas at kumagat din.
"Hmm? Pero kahit malayong kamag-anak? Ang tatay kaya nung kaibigan mo sa isla? Di ba madalas kayong magkasama?"
"Hindi na mahalaga iyon," ani Venize at napatingin sa malayo. Naalala na naman niya ang kinagisnang mga magulang. Masaya sila noon. Ganito rin ang ginagawa nila at noong bata pa siya, nangako siyang aalagaan niya ang mga ito at hindi ipagpalit ang buhay sa isla kaysa sa buhay sa mataong lugar.
Hinawakan ni Matter ang kanang kamay niya at pinisil.
"It's okay. Hati na lang tayo. Maybe si Daddy na lang sa 'yo at si Mommy sa akin," sabi ni Matter at isinandal ang ulo ng kasintahan sa balikat niya. "Gusto ko ang lahat sa buhay ko ngayon, Ven. Mula nang makilala kita, lahat ay nagiging magaan na."
Tumayo si Venize saka pinaandar ang motor ng bangka dahil magtatakip-silim na.
"I love you." Nagulat siya nang yakapin siya ni Matter mula sa likuran at hinalikan sa batok. "Ikaw na lang ang mamahalin ko."
"M-Mahal mo pa ba si Rose?" Ewan ba niya kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya. Noong isang gabi pa siya nag-iisip. What if hindi masama si Rose? May puwang pa ba siya sa puso ni Matter?
"Bahagi na lang siya ng aking nakaraan," bulong ni Matter saka inamoy sa balikat ng dalaga.
"Pero kung m-mabuti siyang asawa? M-Mapapansin mo pa kaya ako?" alanganing tanong niya. Narinig niya ang malalim na buntonghininga ng kasintahan.
"Hindi kita makilala kung hindi siya naging masama, Ven," kapagkuwa'y sagot ni Matter. "Walang Ocean at Gas kung mabuting tao si Rose. Puwede bang huwag na natin siyang pag-usapan? Hindi na siya bahagi ng buhay ko at hindi ko na siya legal na asawa. We're even. Ipinagdadasal ko na lang na sana gumaling at magbago na siya."
"S-Sorry," paumanhin ni Venize.
"Sorry rin, hon," paumanhin ni Matter. "Hindi ko na kasi mababago na minahal at pinakasalan ko siya bago kita makilala."
"Bahagi na iyon ng talambuhay mo, Matter," maunawaing tugon ni Venize. Malawak naman ang pag-unawa niya pero minsan, bumababa ang self-esteem niya sa mga taong kinukompara siya kay Rose.
"Remember, si Rose ang dahilan kung ba't kita nakilala. At kung wala si Rose, wala ka rin sana sa buhay ko."
Niyakap niya nang mahigpit si Venize at nilingon ang dalawang anak na nagkukuwentuhan.
" Pero wala rin sanang Rose Verzosa kung hindi ako
nag-iexist," gusto sana niyang sabihin kay Matter pero hindi niya alam kung paano ipaalam sa lahat ang tunay niyang pagkatao.
Nang dumating sila sa dalampasigan, agad na lumapit ang tauhan at sila na ang bahala sa bangka.
"Dinner na tayo?" tanong ni Matter dahil sigurado siyang nakapagluto na ang cook nila.
"Sige, nagugutom na ang mga bata," pagpayag ni Venize para maaga pa silang makatulog.

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon