2

1.5K 71 0
                                    

LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 2

UNEDITED...

Alas singko ng umaga, nagising sila sa tawag ni Taira na pinapadaling pumunta sila sa bahay kaya napilitang pumunta sina Star at Chummy.
Naabutan nilang iyak nang iyak ang ina at ang ama naman ay nakatulala at hindi makausap ng kahit sino.
"Anong meron?" tanong ni Sun na kakarating lang. "Mom? Ba't ka umiiyak?"
Lumakas ang iyak ni Taira kaya kinabahan sila. Si Dust ay nakiiyak din sa ina.
"Ano bang meron?" napipikong tanong ni Clouds na kanina pa hindi mapakali.
Binuksan ni Dust ang TV kaya lahat sila ay napanganga sa nakikita. Isang yacht ang sumabog at lumubog.
"A-Anong--" Hindi maapuhap ni Star ang sasabihin. Sana nagkamali lang siya.
"P-Patayin n'yo 'yan!" sigaw ni Sky kaya agad na pinatay ni Dust ang TV.
"S-Si M-Matter...  Ang anak ko," luhaang sabi ni Taira.
Ang huling balita nila ay hinahanap pa rin daw ang katawan ni Matter na napasamang lumubog sa yate.
Tahimik silang lahat nang biglang napasigaw si Moon.
"Dad! Shit!" sabi niya nang nawalan nang malay si Sky kaya dali-dali nila itong binuhat at itinakbo sa hospital.
-------------
One week na mula nang pumutok ang balita pero hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang buong Villafuerte. Duguan at walang malay si Rose nang masagip ng recuer pero bago pa nila makuha si Matter sa yate, tuluyan nang lumubog ang sinasakyan. Mahirap pasukin ang area na nandoon si Matter dahil nasusunog na ang tulugan nilang mag-asawa.
Kinaumagahan, ginimbal ng malaking balita ang buong pamilya nang ipaalam ng pulisya at private investigator na natagpuan na ang bangkay ni Matter kaya isinugod na naman sa hospital si Taira.
"Kumain ka na muna," sabi ni Chummy kay Rose na nakatulala at sobrang putla.
"H-Hindi ko kaya..." malungkot na sabi ni Rose at bigla na namang umiyak. "If o-only I have enough strenght to lift him..."
"Hush, tama na..." pag-aalo niya.
"H-Hindi ko kayang mabuhay nang w-wala ang asawa ko..." garalgal na sabi niya. Alam ni Chummy kung gaano kasakit ang nararanasan ni Rose ngayon. Naging saksi siya sa pagmamahalan ng dalawa. Alam niya kung gaano nito kamahal si Matter.
"S-Sana ako na lang... S-Sana buhay pa si M-Matter..." Nakikita ni Chummy ang labis na pagsisisi sa mga mata ni Rose kaya niyakap niya ito.
"It's okay, kaya mo 'yan," sabi ni Chummy. "Malalampasan mo rin 'to..."
"P-Paano ko malalampasan ang lahat k-kung wala na a-ang taong nagbibigay ng lakas sa a-akin para l-lumaban?" humagulgol na naman si Rose sa pag-iyak kaya hindi siya iniwan nina Chummy at Sunshine.
"S-Sana nagka-baby na lang kami," nagsisising sabi ni Rose. "P-Para may n-naiwan akong alaala kay M-Matter..."
Isang buwan bago maka-recover ang buong pamilya habang si Rose ay pinabakasyon muna ng mga Villafuerte sa ibang bansa pero mas minabuti nitong manatili muna sa bahay nila ni Matter para sariwain ang alaala ng yumaong asawa.
Iyak lang siya nang iyak kaya madalas itong dalawin ni Taira. Si Sky naman ay nakalabas na sa rehab at sumigla na nang dahil sa tulong ng asawa't mga anak niya. Pati kapatid niya, todo suporta rin para aliwin siya at makalimutan ang lahat.
------------------------------------
"Kumain ka, kailangan mong magpalakas dahil nangangayat ka na," sabi ni Taira kay Rose.
"Thanks, Tita, pero wala po akong gana," sagot ni Rose saka tumayo at dumungaw sa bintana saka tumingala sa bughaw na langit. Nasa bahay lang siya dahil wala siyang ganang kumilos.
"Sana b-binigyan ko na lang siya ng anak. S-Sana bumuo na lang kami ng pamilya habang maaga. Baka--b-baka sakaling mabago ko pa ang lahat," tumutulo ang mga luhang saad ni Rose kaya nilapitan siya ni Taira at hinimas ang likod.
"Tahan na, masakit din naman para sa lahat ang pagkawala ni Matter, pero kailangan nating tanggapin na wala n siya."
"N-No, mom, hindi ko matatanggap," sabi ni Rose at pinahidan ang mga luha. "N-Nangako siyang bubuo kami ng pamilya. Nangako siyang aalagaan niya ako hanggang sa pagtanda. N-Nangako siyang hindi niya ako iiwan."
Napabuntonghininga si Taira. Gusto na naman niyang umiyak. Paano na lang kapag si Sky ang mawala? Paniguradong sobra pa kay Rose ang pagluluksa. Masakit sa kaniya ang lahat pero kailangan niyang magpakatatag dahil may anim pa siyang buhay na anak.
"Mag-relax ka muna, aliwin mo ang sarili mo."
Umiling si Rose. "H-Hindi ko kaya..."
"Come on, hija, I'm sure nalulungkot din si Matter na nagkakaganyan ka," malumanay na sabi ni Taira. Pamilya na nila si Rose kaya hindi puwedeng pabayaan nila ito dahil baka kung ano ang maisip kapag nag-iisa lang. Sigurado naman silang mahal na mahal ito ni Matter at ganun din si Rose.
"W-Wala akong karapatang sumaya. T-Tita, miss ko na po siya," luhaang sabi ni Rose kaya niyakap siya ni Taira.
"It's okay," sabi ni Taira. "We suggest na magbakasyon ka muna."
Kumalas si Rose at umiling kaya hinawakan ni Taira ang mga kamay niya.
"Life must go on. Magbakasyon ka sa lugar na gusto mo. Gawin mo ang makapagpasaya sa 'yo. Shopping, movie, world tour. Kami ang gagastos ng lahat."
"T-Talaga?" sabi ni Rose pero agad na nalungkot.
"Oo naman. Saan mo ba gustong pumunta?"
Napaisip si Rose. "Sa lugar na may fresh air at may katahimikan," sagot ni Rose.
--------------------------
Dahan-dahang iminulat niya ang mga mata. Bumulaga sa kaniya ang gagambang gumagawa ng sapot sa ilalim ng bubong na gawa sa nipa.
Napasulyap siya sa bintana nang biglang umihip ang malakas na hangin. Napapikit siya nang tumama ang sikat ng araw sa kaniyang mga mata.
Dahan-dahan siyang bumangon dahil nakaramdam siya ng pagkauhaw.
"Shit!" sambit niya saka hinila ang NGT niya kaya napaubo siya at hinabol ang hininga.
"Aw!" daing niya at napahawak sa sumasakit na kaliwang tagiliran.
Nakaapak siya sa lupa kaya nanlamig ang mga mata niya.
Bumukas ang pintong gawa sa tagpi-tagping kawayan. Namilog ang mga mata ng apat na taong gulang na batang lalaki habang nakatingala sa kaniya.
"A-Ate!" sabi ng bata at tumakbo palabas.
"Hey, sandali! Bata!" tawag ni Matter pero lumabas ang bata sa bahay kaya paika-ikang hinabol niya ito.
"Ate! Gising na 'yong mama!" anunsiyo  ng bata habang hinihila ang laylayan ng bestida ng babaeng nagsasampay.
"Almost six month," sagot ni Venize na ikinagulat ni Matter.
"Sex months? Ganyan kahaba?"
"Doon ka nga, Ocean," saway ng babae. Madalas nitong sabihin na gising na ang lalaki sa kubo nila pero hindi naman totoo.
"Gising na siya," ani ng bata habang nakatingin kay Matter na palapit sa kanila.
Napalingon ang dalaga at nakita niyang naglalakad nga palapit ang lalaking inaalagaan niya ng mahabang panahon.
Tinuyo niya ang basang kamay sa duster at lumapit kay Matter.
"Huwag mong puwersahin ang sarili mong maglakad," sabi niya sabay lapit kay Matter at inalalayan ito. "Maupo ka muna."
"Where am I? Who are you?" sunod-sunod na tanong ni Matter. Mula sa kinatatayuan nila, nakikita niya ang malawak na karagatan.
"Bumalik muna tayo sa bahay," sabi ng dalaga at lumingon sa bata. "Ocean? Pumasok na tayo."
Habang naglalakad, napapaisip si Matter kung paano siya napadpad sa lugar na ito at kung sino ang babae sa harapan niya.
Pagpasok, agad na pinaupo ng babae si Matter sa pahabang upuan na gawa sa kawayan. Kinuha niya ang extra tsinelas ng kaniyang ama saka pinasuot kay Matter.
"Magsuot ka ng tsinelas para hindi ka lamigin. Isa pa, madumi kasi lupa ang sahig namin," paumanhin niya.
Tumungo siya sa kusina at ininit ang lugaw na niluto niya para pang breakfast nila ni Ocean.
Bitbit ang bowl, bumalik siya kina Ocean at Matter.
"S-Sino ka?" tanong ni Matter kaya natigilan si Venize at napatitig sa mukha ni Matter. "H-Hindi kita kilala," dagdag nito.
Hindi kumikibo ang dalaga na tila nagdadalawang-isip na sagutin ang tanong kaya inulit ni Matter ang tanong. "Miss? Pasensiya ka na kung hindi kita kil--aw!" daing niya at napahawak sa tagiliran. Nang iangat niya ang lumang white shirt, nakita niya ang peklat na kakahilom lang sa buo niyang katawan.
"Venize," sagot ng babae. "Venize Ramirez. Siya naman ang kapatid kong si Ocean," sabay turo sa batang lalaki na tahimik na kumakain ng arroz caldo.
"Ikaw? ano ang pangalan mo?" tanong ng dalaga.
"H-Hindi ko matandaan," sagot ni Matter kaya natigilan ang dalaga.
"M-May amnesia ka?"
Umiling si Matter. "Hindi ko rin alam," wika ng binata.
"Saglit. Paano ang address mo? Nanay? Tatay?" usisa ni Venize pero umiling si Matter.
"Wala akong matandaan," sagot ni Matter na tila nag-iisip pero napahawak lang sa ulo dahil sa sakit.
"M-May pamilya ka na ba?" alanganing tanong ni Venize. "Ahm... Like asawa? Anak?"
"W-Wala akong matandaan," sagot ni Matter at napasulyap sa lamparang nakapatong sa gitna ng maliit na mesa. Bote ito ng Tanduay Rhum dark na nilagyan ng gas at punit na damit para gawing lampara. Sa dingding naman nakasabit ang itak at malaking kutsilyo.
"Paano kita isasauli sa inyo?"
Napatitig si Matter kay Venize. Maganda ito, matangkad at morena. Bumagay ang matangos na ilong s maliit nitong mukha at paalon-alon na buhok.
"Ilang araw na ba ako rito sa inyo?" tanong ni Matter na medyo naasiwa dahil naka-diaper pa siya.
"Mag-aanim na buwan."
"What?" bulalas ni Matter."Anim na buwan?"
"Oo," sagot ni Venize na salubong ang kilay. Naiirita na siya sa kaharap.
"Shit! Dito lang ako sa kubong 'to?" tanong ni Matter at iginala ang paningin sa kabuuan ng maliit na kubo.
"Hoy lalaki!" naiinis na sabi ni Venize na nakapamewang na. "Kung ayaw mo sa pamamahay ko, lumayas ka rito! Pasalamat ka pa nga, tinulungan kita! Sana hinayaan na kitang mamatay!"
"S-Sorry," paumanhin ni Matter.
"Hoy--"
"Hindi hoy ang pangalan ko."
"E ano?" nakataas ang kaliwang kilay na tanong ng dalaga.
"Ah..." Napakamot sa ulo si Matter dahil walang maisagot sa kaharap.
"Hoy lalaki! Ano mang oras, puwede kang lumayas!" pagsisinuplada ni Venize at lumapit kay Ocean na palipat-lipat ang mga mata sa kanila.
"Sorry na nga, nagulat lang ako," pagpaliwanag ni Matter pero lumabas na ang dalaga para ipagpatuloy ang pagsampay niya kanina.
"Ako na nga ang naperwisyo, siya pa ang nag-iinarte?" gigil na sabi niya habang nagsasampay. "Hirap kaya mag-alaga ng taong paralisado tapos ngayon, wala pang maalala!"

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon