14

1.1K 67 4
                                    

LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 14

UNEDITED....

FLASHBACK....

" Excited na akong makaapak sa island natin!" excited na sabi ni Rose kaya napangiti ako at niyakap siya habang nakatanaw sa dulo ng malawak na
karagatang tila humahalik sa langit.
"Really?" malambing na tanong ko at inamoy ang mabangong buhok niya.
"Yes," sagot niya at humarap sa akin saka masuyong hinalikan ako sa mga labi. "I love you, sweetheart."
"I love you too," sagot ko.
Anim kaming lahat sa yacht. Kami ni Rose, ang captain, first  mate, chef at waiter na nasa baba ng yate. Malaki ang dalawang VIP room pero dahil mag-asawa kami, isang kuwarto lang ang kinuha namin.
Aakyat lang ang waiter at chef kapag magpatawag kami. Nasa mini bar naman ang lahat ng inuming gusto namin.
Napansin ko ang pag-iba ng direction ng yate.
"Wait lang, pupuntahan ko lang ang captain, sweetheart," paalam ko pero pinigilan niya ako.
"Bakit?"
"Umiba ang direction niya," sagot ko. Sinundan niya ako. Pababa na sana ako nang hilain niya ako at hinalikan sa mga labi.
"Damn! Pilya ka talaga," sabi ko at inangkin ang mga labi niya. Tumawa siya kaya pinangko ko siya patungo sa silid namin. I love her. Lahat ay ibibigay ko
mapasaya lang siya.
Two days na namin ito ngayon at kami lang ni Kapitan ang nakakaalam ng next destination.
As usual, it was a wild sex habang umiinom kami ng
mamahaling brandy hanggang sa inabot na kami ng madaling araw.
"Bakit ang tagal ng waiter?" tanong ko na medyo tipsy na. Kailangan namin ng makakain at maiinom.
Napasulyap ako sa wristwatch ko, ala una na pala ng madaling araw. Kaya pala ako nagugutom kasi puro si Rose lang ang kinakain ko.
"Hmm? Baka may special na hinahanda," sagot ni Rose habang pinapagapang pababa ang mga kamay.
"Uhmm..." ungol ko nang marating niya ang pagkalalaki ko. Ngumisi siya bago yumuko at muling
isinubo kaya napapikit ako. Magaling ang asawa ko.
"W-Wait," pagpigil ko at pinaupo siya saka bumangon ako. "Kukuha lang ako ng makakain at maiinom.
Matutuyuan ako," sagot ko dahil kanina pa ubos ang brandy at wala na ring tubig.
" Sige, wait kita," masayang sabi ni Rose. Hinalikan ko siya sa mga labi bago lumabas at bumaba.
"Arman?" tawag ko sa waiter pero walang
sumasagot. Madilim din dito sa hagdan kaya binuksan ko ang ilaw.
"Shit!" bulalas ko nang makita silang nakahandusay kasama ang chef. Duguan at naliligo sa sariling dugo. "Captain!" tawag ko. Lahat yata ng epekto ng alak ay nawala sa katawan ko dahil sa nakita. Dali-dali akong tumungo sa kapitan at pagbukas ko ng pinto, nasa gilid ang firstmate na naliligo rin sa sariling dugo at puno ng saksak ang katawan.
"Captain!" tawag ko sa kapitan na nakaupo. Napatigil ako nang makita ko ang dugong dumadaloy sa mga kamay niya. Napatutop ako sa bibig ko at napaatras.
Si Rose. Kailangan kong balikan ang asawa ko.
"Huwaaaaag!" sigaw ni Rose na nasa likuran ko.
"Ugh!" daing ko nang may humampas ng matigas na bagay sa ulo ko.
"Matter!" sigaw ni Rose. Bumangon ako at humarap sa kaniya pero agad na napaluhod ako nang
hampasin ako ng lalaking natatakpan ang mukha ng
itim na full outdoor mask.
"S-Sweetheart," naiiyak na tawag ni Rose. Takot na takot ang mga mata.
"H-Huwag!" hiyaw ko.
"Argh!" daing niya nang ihampas ng isang lalaki si Rose sa pinto. Sinikap kong tumayo pero--
Bang!
"Matter!" tili ni Rose pero hindi siya makalapit dahil may pumipigil sa kaniya.
Mangilo. Nakaramdam ako ng pagkangilo sa balikat ko.
Bang!
Huli na para makaiwas sa chandelier na pabagsak sa ulo ko kaya natumba ako. Naramdaman ko ang
basag na crystal na tumusok sa katawan ko.
Inapakan ako ng lalaki at sunod-sunod na sinaksak.
"T-Tama na! P-Parang awa n'yo na," luhaang pakiusap ni Rose na nagpupumiglas.
"Tapusin mo na pare at nang makaalis na tayo!" sabi ng lalaking may hawak kay Rose.
"H-Huwag ang-- as--asawa ko," pakiusap ko.
Pakiusap Lord, kahit siya na lang. Si Rose na lang ang
iligtas mo.
Tumigil ang lalaki sa pagsaksak sa akin. Nasa kay Rose ang mga mata ko. Hindi na ako makagalaw.
Gustuhin mo man, wala akong lakas ng loob. Ang umiiyak na mukha ng asawa ko ang nakita ko bago ko ipinikit ang aking mga mata.
"Diyos ko, iligtas mo po ang asawa ko," hiling ko na hinahabol ang hininga at hinihintay ang pagdating ni
Kamatayan.

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon