31

1.5K 79 0
                                    


LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 31

UNEDITED...

"Venize naman, nag-CR lang ako, nawala ka na kaagad?" singhal ni Matter nang maupo si Venize sa couch.
"Eh kasi--"
"Kasi ano? Ha, Venize?"
"Tinawagan kita, hindi ka makontak. Nag-text din ako pero hindi ka na nagre-reply. Isa pa, dito lang din naman ako pupunta ah," pagdadahilan ng dalaga. Dapat siya nga ang hinintay nito bago mag-CR e.
"Ganiyan ka naman eh," mahina pero puno ng hinanakit na wika ni Matter. "Hindi ka marunong maghintay. Kung ano ang naiisip mo, gagawin mo talaga. Kung gusto mo mang-iwan, mang-iwan ka na lang bigla."
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang guwardiya para kunin ang sasakyan niya sa mall. Sa pagkataranta, tinakbo na niya papunta sa building para maabutan si Venize.
"S-Sorry," mahinang paumanhin ni Venize. "Bumalik naman ako dito e."
"K-Kapag mawala ka, hindi ko na alam ang gagawin ko, Venize," naiiyak na sabi ni Matter saka tumabi sa dalaga. "Please, h-huwag mo nang gawin 'yon ulit, okay?"
Tumango ang dalaga kaya hinalikan niya ito sa noo.
"I love you, Ven."
Isinandal ni Venize ang ulo sa balikat ni Matter. Kahit na natatakot siya sa mundong ginagalawan, napapanatag naman siya kapag nasa tabi niya si Matter. Iyong lahat ng pangamba niya ay nawawala.
Pumasok si Dale na kanina pa kumakatok.
"Kuya Matter, nasa labas po si Daddy, gusto ka niyang makausap," sabi ni Dale kaya tumayo si Matter.
"Kakausapin ko lang si Tito," paalam ni Matter. "Dito ka lang at kahit anong mangyari, huwag kang lumayo."
Tumango si Venize. Wala naman talaga siyang balak na lumabas dahil nahihiya siyang pagtawanan.
"Saan si Tito?" tanong ni Matter nang lumabas sila.
"Nasa lobby," sagot ni Dale.
Pinuntahan nila si Zero.
"Tito," bati ni Matter. "Good afternoon. Tara sa board room."
"Sige," pagpayag ni Zero. Sumama rin sa kanila si Dale. Nang makapasok sila, isinara ni Matter ang pinto.
"Napadalaw ka po?"
"Wala naman," sagot ni Zero. "May pinuntahan lang. Kamusta na kayo ni Venize? Anong balak mo?" diretsahang tanong ni Zero na bahagyang gumalaw pa ang kanang tainga.
"Papakasalan ko po siya," seryosong sagot ni Matter at sumenyas na maupo sila. "Gusto ko pong maging legal na asawa si Venize gayong wala nang bisa ang kasal namin ni Rose."
Napatingin siya kay Dale na tumawa pero agad namang naitikom ang bibig at napakamot sa ulo.
"Labas lang po ako," paalam ni Dale nang mapunang seryoso ang mukha ng ama. Tumayo siya at naglakad palabas.
"Ayaw ko na pong pakawalan pa si Venize."
Narinig ni Dale na sabi ni Matter nang tuluyan niyang isinara ang pinto.
Binalikan niya si Venize.
"Dale," ani Venize at napatayo.
"Si Dad pala ang sumama sa 'yo sa ibang bansa, ne hindi man lang ninyo sinabi," may pagtatampong sabi niya.
"Hindi naman 'yon mahalaga," sabi ni Venize.
"Kahit na."
"Sorry na."
"Papakasalan ka raw ni Kuya Matter," sumbong ni Dale.
"Hindi ko naman hiniling sa kaniya na panagutan ako."
"Commited kami sa pamilya kaya wala kang choice kundi pumayag."
"Pero Dale, ayaw ko rito," pag-amin ng dalaga.
"Ako rin," sagot ni Dale. "Hindi ko ipagpalit ang isla sa mala-impyernong lugar na ito."
Napabuntonghininga si Venize. Gusto niyang sumama kay Dale pabalik kahit na sa paradise island na siya manirahan.
"Mahirap umalis sa lupang kinagisnan, Ven. Pero dahil mahal mo si Kuya, kailangan mong mag-adjust sa pamumuhay na meron siya."
"Hindi ko kailangan ang marangyang pamumuhay," malungkot na sabi ni Venize pero ngayong may mga anak na siya, kailangan niyang isaalang-alang ang future ng mga ito at hindi sa isla na pinoprotektahan niya.
"I know," ani Dale. Mayaman na sana si Venize kung gustuhin nito. Makukuha niya ang yaman ng Villafuerte nang walang kahirap-hirap at hindi pa siya pagbintangan pero mas pinili nito ang katahimikang buhay.
"Sa tingin mo, tapos na ang lahat?" nag-aalalang tanong ni Venize. Marami ang kakampi ni Rose at kahit na nasa mental na ito, sigurado siyang may mga kumikilos sa labas.
"Hanggat may tao sa mundo, may mayaman at mahirap, hindi nawawala ang gulo, Ven. Kahit kailan walang katahimikang magaganap."
"Pagod na 'ko," pagsuko ni Venize.
"Uwi na ako," paalam ni Dale.
"Bakit pala nandito ka sa Maynila."
"Mission," nakangiting sagot ni Dale.
"May mission ka?"
"Let me say, para sa ikabuti ng isla."
"H-Huh?"
"Mahabang istorya but I really wanted to find the missing formula," sagot ni Dale at ngumiti kay Venize.
"Hindi ko maintindihan."
"Mas mabuting hindi mo maintindihan. I will be very busy kaya baka ito na ang huli nating pagkikita, Ven. Hindi ko alam kung kailan ko siya mahanap."
"Goodluck, Dale."
Nang makalabas ang kaibigan, nagpasalamat si Venize sa Panginoon dahil kahit na saglit lang, nasa tabi niya ang mga Angeles kaya nagiging madali na lang ang lahat.

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon