LA PESCADORA ( The Fisherwoman )
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 30
Unedited....
Napabuntonghininga siya. Naalala niya ang usapan nila ni Joel. Matagal na niyang natuklasang ampon siya ng mag-asawa. Or mas tamang sabihin na tito at tita niya talaga ang itinuring niyang mga magulang at tama naman si Faye Grace na namatay ang nanay niya nang tumaob ang bangka. Nagkataon lang na may mabuting taong sumagip sa kaniya kaya nabuhay siya.
"Are you ready?" tanong ni Matter nang pumasok sa kuwarto kaya napalingon siya rito.
"S-Sure ka na ba rito?" alanganing tanong ni Venize at muling napasulyap sa sariling reflection sa salaming nasa kanang bahagi ng silid.
"Oo naman."
"P-Pero wala akong alam sa business, Matter."
He walks closer to her. Masuyong hinawi niya ang iilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ng dalaga.
"Sooner, magiging asawa na kita. Darating ang araw na kakailanganin kita."
"P-Puwede bang iba na lang?"
Sa totoo lang, wala ang puso niya sa negosyo. All she wanted was to live in an island at mangisda pero paano nito maunawaan ang hinaing niya kung nabuhay ito sa mundong iba kaysa sa nakagisnan niya.
"Come on, honey. Everything will be okay," pangungumbinsi ni Matter at hinalikan sa noo si Venize.
Marahang tumango ang dalaga.
"Nanay!" tili ni Gas nang pumasok. "Si Kuya Ocean, inaaway ako," sumbong nito.
"Parang kinurot lang kita e," pagtatanggol ni Ocean dahil na-cute-an siya sa kapatid.
"Alis kami ng nanay ninyo kaya huwag kayong mag-away, okay?" pakiusap ni Matter sa dalawa.
"Okay po. Ako po bahala kay Gas," sabi ni Ocean kaya ngumiti si Matter at ginulo ang buhok ng anak.
"Thank you, Matter. Be a good kuya at huwag mong palaging inisin ang kapatid mo, okay?"
"Yes po."
Niyaya ni Matter si Venize na bumaba kaya sumama ang dalaga kahit na natatakot siya. Hindi pa naman siya sanay makisalamuha sa maraming tao.
Pagdating nila, sa entrance pa lang ay pinagtitinginan na sila.
"Kamusta?" tanong ni Matter sa secretary nang pumasok sa opisina. "
"Everything is ready," sagot nito at napasulyap kay Venize.
"Si Venize pala, fiancee ko, mother ni Ocean," pagpakilala ni Matter.
"Hello po. Pareho kayo ng mga mata ni Ocean," nakangiting sabi ng secretary kaya napangiti ang dalaga.
"Thank you," pasalamat ni Venize.
"Ay, sir. The meeting will start after an hour," sabi nito. "Okay na rin po ang powerpoint."
"Salamat."
Pinaupo muna niya si Venize at ino-orient muli about sa business nila.
Kahit na walang naintindihan about sa shares and clothing company, tumango-tango na lang ang dalaga.
After one hour, pumunta na sina Matter at Venize sa meeting room. Nandoon sina Sky at ang iba pang investors and share holders ng kompanya.
"Shall we?" tanong ni Sky at sumenyas kay Matter na mag-umpisa na.
"Dito ka lang, hon," bulong ni Matter saka iniwan muna si Venize sa pinakadulo.
Habang nagsasalita, pinagmasdan ni Venize ang binata. Businessman na businessman ang tindig nito pati pananalita. Para siyang nanonood ng teleserye. Bawat galaw nito ay kontrolado. Bawat salita ay pinag-aralan. Malayong-malayo kapag nasa bahay sila.
Nang matapos nang mag-speech si Matter, lumapit siya kay Venize.
"Are you hungry?" tanong niya.
"Konti lang," sagot ni Venize. Actually, hindi naman talaga siya nakikinig pero naaaliw siyang manood kay Matter.
"Tara, kain na tayo," yaya niya dahil silang dalawa na lang ang naiwan.
Tumayo si Venize saka sumama kay Matter palabas ng building. Malapit lang ang mall kaya doon na sila kakain. At dahil lunchtime, marami ang nakapila sa seafood restaurant.
"Dito ka lang, ako na ang pipila," sabi ni Matter saka iniwan si Venize sa isang table.
"Siya ba ang pinagpalit ni Matter sa asawa niya?" tanong ng nasa kabilang table habang nakatingin kay Venize na nag-iisa sa upuan.
"Malayo kaysa kay Rose," sabat ng katabi niya. "Si Rose makinis at maputi."
"Nasa rehab naman 'yon," sabi ng isa pa nilang kasama. Tatlo silang babae at nasa 25-30 na ang edad pero fan ni Rose at hanggang ngayon ay hindi makapaniwala sa nangyari.
"Manloloko pala si Matter e. Ipinagpalit pa talaga niya si Rose? Nasa kama na nga siya, bumaba pa sa banig."
"Trip niya ang mga negra," natatawang sabi nito.
Matalas ang pandinig ni Venize kaya hindi nakaligtas sa kaniya ang tsismis ng tatlo.
Naiingayan siya sa paligid. Naaartihan siya sa mga babaeng puro makeup at burloloy ang nakasabit sa katawan.
"Are you okay?" tanong ni Matter nang inilapag ang waiting number. "Wait lang, dalhin na lang dito mamaya."
Naupo siya sa tabi ni Venize at tinitigan ito pero iniwas ng dalaga ang mga mata nang makaramdam ng pagkailang.
"I really love your eyes, honey," puri ni Matter. "The only beautiful eyes who can't lie."
"Anong in-order mo?" tanong ni Venize na sinusubukang huwag pansinin ang mga matang nakamasid sa kanila.
"Shrimp and bangus, with buko salad and four season juice," sagot ni Matter.
"Okay," ani Venize.
"May tuna sisig pa pala," dagdag ni Matter. Napansin niya ang pagkailang ni Venize kaya napatingin siya sa palibot. Actually, dito lang din sila madalas na kumain ni Rose kaya ang ibang staff at customer ay kilala siya pero ayaw naman niyang maging unfair kay Venize kaya mas minabuti niyang huwag na lang ipaalam. Isa pa, wala na sila ni Rose. Ang mahalaga ay si Venize na ang nasa tabi niya.
"Here's your order sir," nakangiting sabi ng waiter nang lapitan sila. Ito ang madalas na waiter na nagbibigay kay Matter ng pagkain kahit pamilya ang kasama.
"Si Venize pala," pagpakilala ni Matter. "Mother ni Ocean. Hon? Si Oscar."
"Hi," bati ni Venize.
"Ang ganda mo pala, ma'am. Kaya pogi rin si Ocean e," puri nito habang isa-isang nilalapag ang pagkain.
"Salamat," tipid na sagot ni Venize. May training sila sa proper na pagkain at paggamit ng utensils sa isang okasyon pero naiilang pa rin siya dahil matagal na niyang hindi napa-practice.
"Kain ka lang nang marami, hon," sabi ni Matter. Masaya siya dahil nakakasama na niya ito. Madalas siyang mag-isang kumain dito at alam ng mga waiter iyon. Binati pa nga siya kanina habang nag-oorder dahil sa wakas ay may kasama na raw ulit siya.
Nang matapos na silang magbayad, siyempre busog na naman sa tip ang mga waiter, lumabas na sila.
"Bili tayo ng damit," yaya ni Matter saka inakbayan ang dalaga.
"Huwag na, marami naman akong damit sa bahay," tanggi ni Venize.
"Sige na, libre naman kita," pangungumbinse ni Matter.
"Wala naman kasi akong pera," sabi ni Venize kaya napangiti si Matter.
"I know," pagsang-ayon niya. "Ano pa ang silbi ng pagtrabaho ko kung hindi ko maibigay ang mga gusto mo?"
Dahil nakaakbay si Matter, hindi maiwasan ang mga malisyosong mata sa kanila.
"Pasok tayo," yaya ni Venize saka pumasok sa boutique na unang nadaanan.
"Hon? Bagay sa 'yo 'yon oh," turo ni Matter sa mannequin na floral dress at summer hat. "Kapag mamasyal tayo sa beach."
Tinawag niya ang saleslady at pinakuha ang damit pero pinigilan ito ni Venize.
"Mas gusto ko 'yong dirty white," sabi ni Venize.
"Mas bagay po sa 'yo ang floral, ma'am," nakangiting sabi ni Saleslady.
"Gusto ko ng white," mahinahong sabi ni Venize. Nakita na niya ang presyo ng floral dress kaya tinanggihan niya. At least half price lang ang sa dirty white na bestida.
"Dalawa na ang kunin mo," sabi ni Matter sa saleslady at sumenyas na umalis na.
"Bakit dalawa? Isa lang ang gusto ko," tanong no Venize.
"Gusto ko ang floral para sa 'yo," ani Matter at pinisil ang balikat ni Venize. "Huwag kang mag-alala sa presyo, may pera naman ako, Ven."
"Pero--" Venize.
"Masanay ka na, hon. I usually spoil my queen," bulong ni Matter.
" Hindi naman ako ganun," gusto sanang isagot ni Venize pero mas minabuti niyang manahimik.
Pagkatapos nilang bumili, niyaya muna niya si Matter sa restroom dahil kanina pa siya naiihi.
"Hintayin na lang kita dito sa labas," sabi ni Matter na bitbit ang paperbag kaya pumasok ang dalaga sa restroom para umihi.
Inayos muna niya ang sarili para lumabas pero nang makalabas na siya, wala si Matter sa kinatatayuan nito.
"Saan na 'yon?" tanong niya at iginala ang mga mata kaya tinawagan niya pero out of coverage. Kinabahan siya bigla kaya tinext niyang babalik na lang siya sa company nila dahil malapit lang at kabisado na niya ang daan.
Palabas na siya pero hindi naman bumubukas ang sliding door. Hindi niya alam ang gagawin. Ang alam niya ay automatic lang ito kapag may dumaang tao pero hindi nagbubukas.
Natingin siya sa mga kabataang tumatawa sa likuran niya.
"Walang ganyan sa bundok, girl," natatawang sabi ng isang dalagita.
"Putiks! Taga saang bundok ba 'yan galing?" segunda ng kasama kaya napayuko si Venize.
"Palabas, Ma'am?" tanong ng guard na lumapit.
"O-Opo," nahihiyang sagot ni Venize.
"Sa kabila po, entrance kasi dito," sabi ng guard na mukhang naintindihan siya.
"P-Pasensiya na po, wala kasi nito sa bundok," nakangiting paumanhin ni Venize pero hiyang-hiya na talaga siya.
"Okay lang 'yon, ma'am. Ganiyan din naman ako noong firstime ko rito," sagot ng guard. "Sa kabila na lang po, automatic naman 'yan."
"Salamat po, Kuya," pasalamat ni Venize at iniwan na ang guard. Pinalampas na lang niya ang kabataan. Oo, tama naman sila dahil ganiyan sa bundok. Kahit nga automatic na tissue, wala rin sa kanila.
Lumabas siya sa mall at nilakad patungo sa company nina Matter.
Pagdating niya sa entrance, agad siyang hinarangan ng guard.
"Good morning, ID po, ma'am?" tanong ng guard.
"Wala po eh, hindi po ako empleyado," sagot ni Venize.
"Saan po kayo?"
Hindi ito ang guard kaninang umaga kaya hindi siya nakilala.
"Sa office po ng mga Villafuerte," magalang niyang sagot.
"Pakuha na lang po ako ng badge, ma'am," sabi ng guard at itinuro ang information area.
"Yes, ma'am?" nakangiting tanong ng babae.
"Wala po akong extra ID," aniya.
"Ay, kasama mo si Sir Matter kanina noh?" tanong nito kaya tumango si Venize. "Ito na lang po, ma'am."
Binigyan siya ng card.
"A-Ano hong gagawin ko dito?"
"Gamitin mo po doon sa entrance gate para makapasok ka," sagot ng babae kaya inabot ni Venize at lumapit sa entrance gate pero hindi niya alam kung paano gamitin. Wala naman siyang parang hulugan ng card.
"Matagal pa ba, miss?" tanong ng isang empleyado sa likuran niya.
"H-Ha?" nahihiyang wika ni Venize.
"Hindi mo alam gumamit, noh?" maarteng tanong ng babae at pinagmasdan si Venize mula ulo hanggang paa. "Baka puwede pakibilisan? Nagmamadali kami!"
Paglingon ni Venize, tatlo na ang nakapila sa likuran niya kaya nag-step sideward siya.
"Mauna na kayo," sabi niya. Magtatanong na lang siya sa guwardiya kung paano gamitin dahil mukhang lalaitin pa siya ng mga ito. Mababait naman ang guward e.
"Ven!" Napalingon siya nang may tumawag. "Long time no see!"
"Dale," aniya.
"Pasensiya na po, pinahintay ko kasi siya," paumanhin ni Dale sa likuran saka inagaw ang hawak niyang card at tinap sa greem button saka tinulak siya papasok. Agad na sumunod ito sa kaniya papasok.
Nag-aabang na sila nang bubukas na elevator.
"Kamusta?" mahinang tanong ni Dale habang nakatingin sa elevator na halos lahat ay paakyat pa lang.
"Okay lang," tipid na sagot ng dalaga.
"You're not okay," ani Dale at napatingin kay Venize na hindi makatingin nang diretso sa kaniya. Hanggang ngayon, namumula pa rin ang magkabilang pisngi nito sa pagkapahiya.
"Honey!" tawag ni Matter na hinahangos palapit kay Venize. "Ghad, bakit mo 'ko iniwan?" Naiinis na tanong niya saka hinila palayo si Venize kay Dale. "Sana hinintay mo ako."
"Tinawagan kita," sabi ng dalaga.
"Walang signal sa banyo," sagot ni Matter saka hinila ang kasintahan papasok sa elevator kasama sina Dale at ilang empleyado.
"Akala ko kasi umalis ka na," ani Venize. Aminado naman siyang matagal siya sa loob ng restroom kaya baka nainip na si Matter sa kakahintay sa kaniya.
"Haist! Hindi mo lang alam kung gaano ako nag-alala," sabi niya saka niyakap si Venize. Bahala na kung ano ang sasabihin ng mga kasabayan nila sa elevator. "Huwag mo nang uulitin 'yon, ha. Alam mo namang natatakot ako na baka iwan mo na naman ako, Ven."
Gusto sanang itulak ni Venize palayo si Matter dahil puwede naman nilang pag-usapan 'to mamaya sa loob ng opisina.
"N-Natakot lang ako," wika ni Matter saka inangkin ang mga labi ni Venize.
Narinig ng dalaga ang pagsinghap ng mga babae sa likuran niya kahit na mabilis lang ang paghalik ni Matter. Si Dale naman ay patay-malisya sa nangyayari.
Napayuko si Venize nang hawakan ni Matter ang kanang kamay niya at mahigpit na hinawakan na para bang takot itong mawala siya.
BINABASA MO ANG
LA Pescadora
عاطفيةby: sha_sha0808 Ash Simon PROLOGUE UPNEXT... "LA PESCADORA" (The Fisherwoman) "Kung ako ang naging dahilan ng pagkawasak ng buhay mo, hindi ko iyon pagsisisihan dahil alam kong ako pa rin ang bubuo ng pagkatao mo."--Matter. Si Rose: Sikat, maganda a...