19

1.1K 59 0
                                    



LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 19

UNEDITED...

"Hanggang doon lang ang kaya kong ibigay," sabi ni Venize at malungkot na tiningnan si Ocean na nakikipaglaro sa mga pinsan. Dinala siya ni Matter para ipakilala sa pamilya pero ramdam niya ang mabigat na pakikitungo ng pamilya ni Matter.
"Hindi na sila nagtitiwala kahit kanino," sabi ni Matter. "Pero ako pa rin ang masusunod kasi alam kong mahal kita."
"Iyon din ang sinabi mo sa kanila noon, right?"
"Hindi mo ba ako sasaktan, Ven?" tanong ni Matter. "Hindi ka naman siguro sa kaniya, 'di ba?"
"Hindi lahat ng tao pare-pareho, Matter. Mahirap mangako sa isang bagay na hindi ko kayang tuparin. Isa pa, kasal kayo ni Rose at hindi mo na mababago iyon," malungkot na sagot ni Venize. "Kahit babaliktarin ang mundo, may sinumpaan kayo at kasal kayo sa mata ng Diyos."
"Mata ng Diyos," ulit ni Matter saka mapait na ngumiti. "Kapag ba alam ng Diyos na hindi ako minahal ni Rose at pera lang ang dahilan kung bakit niya ako pinakasalan, valid pa rin ba 'yon sa Kaniya?"
Hindi ako makasagot. Ang alam ko lang ay may sinumpaan sila.
"Kabisado ng demonyo ang Bibliya at nasa simbahan ang pangunahin niyang tahanan," dagdag ni Matter. "Annulled na ang kasal namin at siya mismo ang gumawa nun. Pagkakaitan ko ba ang sarili kong magmahal muli at magsimula ng panibago kong buhay? Papel at pekeng panunumpa lang ba basehan ng Diyos sa salitang kasal? Paano naman kaming mga biktima? Habambuhay na makulong sa panunumpang umpisa pa lang ay para lang sa isa?"
Napabuntonghininga si Venize. Umpisa pa lang ay tutol na siya sa divorce o annulment pero bakit nagmahal pa siya ng taong kasal na sa iba?
"Alam kong napaka-selfish ko pero sana isipin mo rin ang anak natin," pakiusap ni Matter. "Huwag kang mag-alala, kapag mabawi na namin ang kayamanan, uuwi na tayo sa isla at doon na tayo mamuhay."
Pero hanggang ngayon, malabo pa rin na mabawi nila ang lahat.
"Pag-aari na ni Rose ang isla," paalala ni Venize.
"Babawiin ko 'yon!" determinadong sabi ni Matter.
"Paano?" tanong ni Venize. "Ne hindi mo nga alam kung nasaan siya."
"Gagawa ako ng paraan," sabi ni Matter.
"Friends na lang tayo para sa anak natin," sabi ni Venize. Malabong maging sila ni Matter dahil kahit kailan, hindi sila makakaiwas sa mata ng mga mapanghusgang naniniwala sa kasal.
"Hindi kasi nila naranasan na maloko at magpakasal sa maling tao," malungkot na wika ni Matter nang mabasa ang nasa isip ni Venize.
"Minsan kailangan nating makisabay sa kanila," ani Venize.  Mahirap ipilit ang maling relasyon sa ganitong sitwasyon.
"Mas iniisip mo pa ang sasabihin ng iba kaysa sa nararamdaman mo? Ako naman ang nagmamahal kaya ako ang masusunod."
"Pero mali pa rin na ipilit natin ang hilaw na pagmamahal. Mag-focus ka muna sa pamilya mo dahil kailangan ka pa nila. Kung tayo man sa huli, walang makakapigil sa tadhanang iyon," payo ni Venize saka tumayo. Mahal niya si Matter pero alam niya sa sariling hindi tamang ipaglaban nila iyon sa ngayon. "Hindi pa hinog ang relasyong meron tayo, Matter."
"P-Pasensiya na kung napi-pressure kita, pero Ven, papaniwalaan kong mahal mo ako at hindi sasaktan katulad ng ginawa ni Rose," puno ng pag-asang sabi ni Matter saka tumayo na rin at nilapitan ang anak.
"Nanay, uwi ka na po?" tanong ni Matter na nakatingala sa ina.
"Yes," sagot ni Venize at lumuhod sa harapan ng anak. "Pakabait ka rito, ha? Huwag mong pabayaan ang sarili mo. Palagi kang kumain, okay?"
"Opo," sagot ni Ocean na sunod-sunod na tumango.
Tumayo si Venize. "Alis na 'ko."
"Ingat ka," sabi ni Matter at hinatid si Venize sa labas para mag-abang ng taxi.
Ramdam ni Venize ang matabang na turing ng ibang kapatid ni Matter at hindi nila masisisi ang mga ito.
"Hi, uwi na?" tanong ni Star na papasok na rin ng bahay para sunduin si Twinkle.
"Oo," sagot ni Venize.
"Pasensiya ka na sa iba naming kapatid, na-trauma na yata sa mapagkunwari," paumanhin ni Star na sinundan ng tawa.
Ngumiti si Venize.
"Pasok lang ako," paalam ni Star.
Dumating na ang taxi na pinatawag ni Matter kaya sumakay si Venize.
"Ingat ka," bilin ni Matter bago isinara ang pinto.
Napatingin si Venize sa side mirror. Nakatayo si Matter habang nakatingin sa taxing sinasakyan niya.
" I'm sorry, Matter," bulong niya sa isip. Ang dami na nitong problema kaya ayaw na niyang dumagdag pa.
"Saan tayo?" tanong ng driver.
Ibinigay niya ang address ng condo. Pagdating sa bahay, hindi na siya nagulat nang datnan si Dale na nakaupo sa sala.
"Saan ka galing?" tanong ni Dale.
"Kina Matter," tipid na sagot ng dalaga at pasalampak na naupo sa harap ni Dale.
"Wow, pinakilala ka na niya? Hindi ba't masyado pang maaga?"
"Na-miss ko ang anak ko," sagot ni Venize.
"Mahal mo ba siya?" seryosong tanong ni Dale kaya nagulat si Venize. Ngayon lang ito naging seryoso sa pagtatanong tungkol sa kanila ni Matter. "Magkaiba man kami ng apelyido, magkadugo pa rin kami, Ven. Nakita ko kung paano siya magmahal at masaktan kaya sana hindi mo na iyon uulitin pa."
Iniwas ni Venize ang mga mata dahil hindi niya kaya ang kaseryosohan ni Dale.
"B-Bakit ko naman siya lolokohin at sasaktan?" baliktanong ni Venize na sinusubukang pakalmahin ang sarili. Para siyang nasa hotseat.
"A sweet and loving wife almost killed her husband. Sa panahon ngayon, marami ang best actress at nasa iyo na iyon kung makiisa ka sa kanila," seryosong sabi ni Dale saka tumayo at lumapit sa bintana saka binuksan ang kurtina at sumilip sa baba.
"Shit!" bulalas ni Venize matapos ilagan ang hugis tatsulok na shuriken na inihagis ni Dale na ngayon ay nakabaon na sa dingding. Muntik na siyang masugatan sa braso lalo na kapag hindi siya nakailag.
"Ano ba talaga ang rason kung bakit ka sumali sa amin, Venize?"
Napayuko si Venize. "Dahil gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama't ina ko." Sadyang pinatay sa karagatan ang ama niya ng mga pinaghihinalaang pirata at after ng isang buwan, sinunod ng mga ito ang nanay niya.
"Pero bago pa man sila namatay, sumali ka na sa amin," ani Dale saka isinara ang kurtina.
"Gusto kong protektahan ang isla noon pa man. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko," sagot ni Venize.
"You almost fail your first mission, Ven," wika ni Dale kaya napatingin ang dalaga rito.
"I-I'm sorry," paumanhin niya at naikuyom ang kamao. "Kung nahuli man ako."
"Almost," ani Dale at tinapik sa balikat si Venize. "Hindi ko lang maunawaan kung bakit sa kabila ng lahat, nabuntis ka pa rin ni Kuya Matter. Hindi ba't well-trained kayo nu'n?"
Tikom ang bibig ni Venize pero nagulat siya nang tumawa si Dale.
"Fine. Got it. Mahirap mag-resist sa karisma ng mga Villafuerte." Napansin ni Dale ang pamumula ng magkabilang pisngi ni Venize.
"Pero isang pagkakamali lang ay mawawala sa iyo si Ocean, tandaan mo 'yan," hindi pagbabanta kundi paalala ni Dale sa dalaga.
Naglakad siya diretso sa pintuan saka lumabas.
Nakahinga nang maluwag si Venize. Para siyang nasa hotseat. Minsan lang maging ganito si Dale.

------------------------------------

Sa VIP room sila nagkita ni Matter kasama si Ocean.
"Hi, naghahanap ka pa ba ng trabaho?" tanong ni Matter.
"Tutulungan ako ni Dale," sagot ni Venize na nanghihinayang sa babayaran ni Matter dahil mamahalin ang restaurant na ito.
"Don't worry, kina Tito Jacob ang resto na ito," sabi ni Matter nang mapansing asiwa si Venize. Nasasaktan siya sa tuwing isipin ng mga tao na naghihirap na sila. I'm sure hindi mate-take ng mga babae nila iyon.
"Wala naman--"
"Kahit hindi mo sabihin, nababasa ko ang isip mo, Ven."
"Bakit hindi mo  nabasa si Rose?" tanong ni Venize na ikinasimangot ni Matter.
"Masyado siyang magaling na actress."
"Or inlove ka lang masyado sa kaniya."
"Inlove nga," pagsang-ayon ni Matter pero huli na para mabawi pa ang sinabi at medyo nasira na ang mood ni Venize. "Pero hindi na iyon mahalaga dahil iba na ang mahal ko ngayon."
"Kumain na tayo," ani Venize saka nagsimulang kumain habang si Ocean ay nilalaro ang pagkain kaya sinasaway ni Matter.
Habang nakatingin sa mag-ama niya, may bahid ng lungkot sa puso ng dalaga. Tama ba ang naging desisyon niya? Or ang desisyon niya ang magdadala sa kanila sa kapahamakan?
"Tatay? Kailan tayo uuwi sa isla? Miss ko na pong umakyat sa burol at mamingwit," nakalabing tanong ni Ocean kaya napasulyap si Matter kay Venize.
"Kapag maayos ko na ang lahat. Huwag kang mag-alala, matatapos din ang problema namin ng nanay mo," malumanay na sabi ni Matter.
"Excuse me, CR lang ako," paalam ni Venize saka tumayo. Ipinagpatuloy ng mag-ama ang pagkain pero nagpaalam din si Ocean na sumunod sa ina para mag-CR dahil naiihi na raw ito.
Apat na minuto na ang nakalipas nang bumalik si Venize.
"Si Ocean?" tanong ni Matter.
"Hindi ko alam," sagot ni Venize na hindi pa nakaupo. "Di ba nandito siya?"
"Sumunod siya sa 'yo," sagot ni Matter kaya nagkatitigan sila ni Venize. "Shit! Hanapin ko lang siya," natarantang paalam ni Matter saka tumayo at agad na hinanap ang anak.
Dumiretso siya sa CR ng mga lalaki pero nabuksan na niya ang lahat ng cubicle at wala kahit anino ng anak kaya lumipat siya sa pambabae.
"M-Miss? May batang lalaki ba sa loob?" tanong niya sa babaeng kakalabas lang.
"M-Miss, baka puwede mo pong masilip sa lahat ng cubicle, please lang," pakiusap niya kaya sumunod ang babae at muling pumasok pero wala itong kasamang bata nang lumabas.
"Wala talaga eh. Lahat natingnan ko na."
"T-Thank you," pasalamat ni Matter. Nagsimula na siyang kabahan.
"Nakita mo na?" tanong ni Venize.
"H-Hindi pa," naiiyak na sagot ni Matter.
"Bakit mo kasi hinayaang mag-isa?" galit na tanong ni Venize saka iniwan si Matter at hinanap ang anak.
Dali-daling lumabas si Matter para hanapin ang anak.
"Ocean!" tawag niya nang makita itong nakikipaglaro sa babae. "Shit!" pagmumura niya nang makilala ang babaeng kausap nito.
"Layuan mo ang anak ko!" galit na sabi niya saka hinila ang anak palayo kay Rose.
"Hey, my dear husband," nakangiting wika ni Rose. "Don't you miss me?"
"O-Ocean!" humahangos na tawag ni Venize na palapit sa mag-ama.
"Oh, what a happy family," wika ni Rose saka napa-smirk.
"Ibalik mo na ang pera ng pamilya ko! Ang sa akin na lang ang kunin mo!" galit na sabi ni Matter habang karga na ang anak. "Bakit Rose? Binigyan kita ng pagkakataong magbago."
"Huwag mo na akong sumbatan! Hindi ko na iyon problema kung tanga ka!" ani Rose saka ngumisi. "Masakit ba, Matter?"
"Akala ko totoo ka. Iyon pala sakim ka sa pera't kapangyarihan!" May pagkamuhing sabi ni Matter. Kung puwede lang sana niyang sakalin hanggang sa mamatay si Rose, ginawa na niya.
"Simple life? Stupidity! Sino ang lalaking magustuhan ang babaeng karangyaan ang habol sa kaniya? Kahit gaano kayaman ang babae, mas mabango pa rin sa mga lalaki ang simple at walang arte pero magandang babae," sagot ni Rose. "Nadala ka ba?"
"Tita Rose, laro tayo," inosenteng yaya ng bata.
"Shutup! Ikaw, nagtitiis lang ako sa 'yo!" singhal ni Rose at pinanlakihan ng mga mata ang bata kaya napahigpit ang kapit ni Ocean sa leeg ng ama dahil sa takot.
"Huwag na huwag mong saktan at idamay ang anak ko dahil hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka!" pagbabanta ni Matter pero malakas na humalakhak si Rose.
"Don't worry, sweetheart," maarteng wika ni Rose. "Bakit ko naman siya sasaktan kung ako mismo ang dahilan kung ba't siya nabuo?" makahulugabg dagdag niya.
Napakunot ang noo ni Matter.
"A-Anong--" Matter.
"Why don't you ask your lover, Matter?" makahulugang sagot ni Rose.
"M-Magkakilala kayo?" nauutal na tanong ni Matter na kay Venize ang mga mata. No. Hindi niya makakaya kapag lokohin din siya ni Venize. Not this time. Not her.
"Bye!" paalam ni Rose at lumapit kay Venize saka tinapik ito sa balikat. "Good job," puri niya bago iwan ang dalawa.

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon