LA PESCADORA ( The Fisherwoman )
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 27
UNEDITED....
"Hindi ka ba talaga lalayas?" tanong ni Venize.
"Bakit? Kapag ikaw ang pumunta sa bahay, hindi naman kita palalayasin ah," ani Matter.
"Wala akong balak na pumunta sa--"
"May bahay na tayo," agarang sabi ni Matter pero agad na iniwas ang mga mata nang mabasa ang laman ng isip ni Venize. "Pinagiba ko ang dati naming bahay tapos nagpatayo ako ulit ng bago."
Totoo naman. As in pinasira talaga niya at pinatayuan ng bagong bahay. That time, ang gusto na talaga niyang design. Gusto na rin niyang kalimutan ang alaala nila ni Rose doon.
"Umuwi ka na."
"Kung saan kayo, doon ako," giit ni Matter.
Kagabi, nasa mahabang upuan siya natulog. Masakit pa nga ang likod niya dahil gawa ito sa kahoy at may nakausli pang pako pero tiniis lang niya. Ang kubo nina Venize, may sahig na rin naman na gawa sa cemento. Hindi kagaya ng nasa isla sila na pagbaba niya ng kama, lupa na ang apakan. Tapos ang dingding ay gawa sa kawayan.
"Late na 'ko," bulong ni Gas habang nakayuko kaya napatingin ang mga magulang sa kaniya.
Kanina pa nagtatalo ang mga ito at ne hindi man lang inaalala na may pasok pa siya.
"Hatid na kita," sabi ni Matter saka kinuha ang de-gulong na bag ni Gas. "May baon ka na ba?"
"Saging," nakalabing sagot ng bata.
"Purgang purga na ang anak ko sa saging ah," ani Matter.
"May problema ka sa saging?"
Umiling si Matter.
"Alis na kami, hon," paalam niya saka hinawakan ang kamay ni Gas. "Kiss na kay Nanay."
"Babye po," paalam ni Gas at humalik sa ina.
"Subukan mong itakas si Gas at--"
"Hindi ako tatakas hanggat hindi kita kasama," ani Matter at lumabas na.
"Bili kita ng pagkain," sabi ni Matter saka dumaan sa tiangge at bumili ng gustong kainin ng anak.
"Ang sarap-sarap naman ng baon ko," masayang sabi ni Gas habang naglalakad sila at hawak ng ama ang kamay.
"Mas masarap pa riyan ang baon mo kapag sumama kayo sa akin sa Maynila," sabi ni Matter. "Maraming building doon, malapad ang laruan at marami akong toys. Nandoon pa si Kuya Ocean mo."
"Talaga po?" inosenteng tanong ni Gas habang nakatingala sa ama.
"Oo naman. May cake at spaghetti doon, kaya dapat sumama ka sa akin."
"Isama natin si Nanay?"
"Magandang ideya 'yan," pagsang-ayon ni Matter. "Dapat talaga isama natin nanay mo. Hindi siya puwedeng maiwan."
"Yehey!" masayang sabi ng bata at napapatalon pa.
Napangiti naman si Matter. Wala siyang magiging problema kay Gas dahil bibo ito. Tiyak magkakasundo sila ng mga anak ng mga kapatid niya.
Pagdating sa classroom, napalapit ang mga kaklase ni Gas sa kanila.
"Tatay mo 'yan?" tanong ng batang babae.
"Oo, tatay ko," proud na sagot ng bata saka napatingala kay Matter.
"Hindi eh," sabat ng isa pang bata.
"Tatay ko kaya," ani Gas. "Di ba tatay kita?"
"Oo," nakangiting sagot ni Matter at hinarap ang mga batang kaklase ni Gas. "Huwag ninyong awayin anak ko ha."
"Bleeh!" ani Gas. "May tatay na ako."
Gustong matawa ni Matter pero bigla siyang nalungkot nang maisip kung ano kaya ang napagdaanan ni Gas dahil lumaki itong walang ama?
Nagpaalam na siya kay Gas at umuwi. Babalikan na lang niya ito mamaya dahil baka kailangan siya ni Venize sa bahay.
"Hon?" tawag niya pero walang sumasagot.
Dumiretso siya sa likod-bahay nang may narinig na nagsisibak ng kahoy.
"Honey!" tawag niya at dali-daling lumapit. "Ako na diyan."
Nagsisibak nga ng kahoy si Venize. Kawayan lang naman yata itak ang gamit nito.
"Ako na ang magsisibak, hon."
"Huwag na," sagot ni Venize at ipinagpatuloy ang ginagawa pero inagaw ni Matter ang itak.
"Ako na. Doon ka na lang sa loob ng bahay," ani Matter. Alam niya kung paano gawin ang panggatong dahil sanay siya noon sa isla. Kakahuyan na ang likod-bahay kaya marami ang panggatong.
Hindi nakipagtalo si Venize. Pumasok siya sa loob ng bahay para maglinis at ayusin ang cabinet nina Nene at Gas.
Pasado alas diyes na pero naririnig pa rin niya si Matter na nagsisibak ng kahoy kaya lumabas siya para tingnan ito.
Nakahubad na ito ng pan-itaas at isinampay ang damit sa kanang bakikat. Tagaktak na rin ang pawis nito dahil sobrang init.
Napabuga siya ng hangin saka bumalik sa loob ng bahay para kumuha ng tubig.
"Pahinga ka muna," tawag niya na may dalang pitsel. "Uminom ka muna, baka ma-dehydrate ka."
Tumigil si Matter saka lumapit kay Venize.
"Pang one week na natin 'yan," sabi ni Matter at pinahid ang damit sa pawis.
Kinuha niya ang pitsel at baso saka uminom. Kahit walang ice, malamig at manamis-tamis ang tubig.
Inilapag niya sa lupa ang pitsel at baso saka pinahidan muli ang katawan pero inagaw ni Venize.
"Ako na," sabi ni Venize. Naaawa naman siya kay Matter. Dapat kanina pa niya ito pinatapos e. Makinis na ang maputing balat nito pero nandito pa rin ang malaking peklat sa kanang dibdib nito.
"Hindi ko na pina-laser," wika ni Matter nang mapansing napatigil si Venize sa peklat niya. "Gusto kong maalala na minsan ko siyang minahal pero sinayang lang niya."
Napansin niyang napadiin ang pagpunas ni Venize sa dibdib niya hanggang sa nabitiwan nito ang pamunas na damit.
Dapat tinanggal na niya ang kamay sa didbib ni Matter pero hindi niya magawa. Gusto niyang maramdaman ang init ng balat ni Matter para masiguradong hindi siya nanaginip lang na nasa harapan na niya ito.
"V-Ven," usal ni Matter saka hinawakan ang kamay ni Venize na nasa dibdib niya. Tila nagising naman ang dalaga at hinila ang kamay pero ginigit na siya ni Matter para dumikit ang mga katawan nila. "I love you, Ven."
Bago pa man makakilos, yumuko na si Matter at inangkin ang mga labi ng dalaga. It is a soft and tender kiss pero nang hindi makatiis, he deepens the kiss.
Napayakap si Venize sa likod ni Matter. She can easily kill him kapag ginusto niya pero wala na rin namang silbi kapag gawin niya iyon na walang karason-rason.
Nalalasahan niya ang naghalong tamis at alat ng mga labi ni Matter. Kahit na pawis na pawis, wala itong amoy at nanatiling mabango sa ilong niya ang ama ng kaniyang anak.
Isinandal siya ni Matter ang dalaga sa malaking puno saka itinaas ang kanang binti nito hanggang sa bewang niya habang itinataas ang puting bestida.
"V-Ven," he said in a husky voice sa pagitan ng mga halik niya. Kung gaano kapusok ang mga halik niya, naging ganoon din ang tugon ni Venize.
He wanted to take it slowly pero baka magbago ang isip ni Venize kaya mabilis na naglakbay ang mga kamay niya kung saan-saan para damdamin ang init ng katawan nito.
Nagmamadaling hinatak niya pababa ang panty ng dalaga saka itinaas ang bestida.
"M-Matter," natarantang sabi ni Venize nang bahagyang lumayo si Matter at binuksan ang zipper.
"I miss you, hon," sabi ni Matter at inilabas ang handang-handa nang alaga. Muling idinikit niya ang katawan kay Venize saka inangkin ang mga labi nito.
He was about to push inside hers nang may tumawag.
"Venize? Hija?"
"M-May tao," sabi ni Venize.
"H-Hon, huwag ka na lang maingay," bulong ni Matter. Huwag naman maunsiyame ang pagniniig nila.
"Layo ka na!" saway ni Venize saka tinulak si Matter at agad na hinatak ang panty pataas at inayos ang bestida.
"Nandito ka ba?" tawag ni Mang Pablo.
"Sandali lang po!" malakas na sagot ni Venize saka napasulyap kay Matter na hindi maipinta ang mukha habang nakatitig sa kaniya.
"May dala akong pusit," sabi ni Tiyo Pablo na palapit sa kanila.
"T-Tapusin natin, hon," pakiusap ni Matter.
"Ayaw ko na," tanggi ni Venize na nahimasmasan sa ginagawa nila.
"V-Ven, please," pagmamakaawa ni Matter. Nandoon na e.
"Ayusin mo sarili mo," saway ni Venize pero naglakad si Matter at dinampot ang naiwang itak. "Matter! Anong gagawin mo?"
Tila bingi ang binata kaya patakbong nilapitan niya ito at hinarangan sa daan.
"Matter, ano ba?" galit na saway niya.
"Tumabi ka!" mahina pero puno ng galit na sabi ni Matter.
"Kumalma ka nga!" singhal ni Venize.
"Iwan ko na lang ang pusit dito sa sala, ibenta mo na lang," sabi ni Mang Pablo saka umalis na.
Napatingin si Venize sa nanginginig na kamay ni Matter habang hawak ang itak.
"Tumabi ka, hon," sabi ni Matter.
"Anong gagawin mo?"
"Magsisibak pa ako ng kahoy! Hindi pa ako tapos!" gigil na sagot ni Matter at pinagbibiyak ang mga kawayan sa harapan niya.
"Tama na 'yan," saway ni Venize. "Ikaw ang susundo kay Gas." Tinalikuran niya si Matter para linisin ang pusit.
"Punyeta ka!" gigil na sabi ni Matter habang nagbibiyak ng kawayang panggatong. "Nang dahil sa 'yo, natigil ang kaligayahan kong hayop ka!"
Napailing si Venize habang papasok sa bahay. Sino na naman kaya ang tinutukoy ni Matter? Galit ba ito kay Mang Pablo?
--------------------
Napatingin si Venize kina Matter at Gas na nakaupo sa isang tabi habang may isang banyera ng lapu-lapu sa tapat nila.
Market day ngayon kaya maraming tao sa palengke.
"Hello, Gas," bati ng babaeng kapitbahay nila.
"Hello po," magalang na bati ni Gas.
"Sino ang kasama mo?" Napasulyap siya kay Matter na walang imik sa isang tabi.
"Tatay ko po," sagot ng bata.
"Kaya pala kamukha mo," magiliw na sabi ng babae. Madalas nilang nakikita si Matter na kasama ni Gas pero nahihiya naman silang magtanong. Pero may ideya na rin naman sila.
"Bibili ka po?" tanong ni Gas. "Masarap po 'to, bago lang pong bigay ni Lolo Pablo."
"Bibili ako," sabi ng matandang lumapit. "Magkano 'to?"
"Sabi ni nanay sixty po ang kilo," sagot ng bata. Binigyan siya ng matanda ng isang daan kaya inabot niya iyon kay Matter dahil hindi pa niya alam magsukli.
"Salamat po," pasalamat ni Matter na naiingayan sa tabi niya. Sigaw kasi nang sigaw tapos panay ang sabi na fresh ang isda't gulay e bulok naman.
Umalis na ang mga ito sa kanila kaya napabuntonghininga na naman si Matter. Sinadya ba talaga ni Venize na itabi siya rito sa nagtitinda ng pusit na nasa kaliwa niya?
"Miss? Magkano ang isda?" tanong ng lalaking lumapit kay Venize. May kasama itong dalawa pa na siguro nasa 30 hanggang 35 ang edad ng mga ito.
"Isang daan kada kilo po," magalang na sagot ni Venize.
"Eh ikaw, magkano?" nakangising tanong ng lalaki na nakatingin sa dibdib ni Venize.
"E kayong tatlo, magkano ang buhay ninyo?" galit na tanong ni Matter sa tatlo.
"Ba't ka nakisawsaw?" tanong ng astigin sa kanila.
"K-Kuya, hayaan mo po," pakiusap ni Venize dahil suki naman niya ang mga ito at ganun naman talaga sila.
"Sa susunod, matuto kayong rumespeto!" singhal ni Matter na handang makibugbugan ano mang oras.
"Matter!" saway ng dalaga.
"Matapang kang dayo ka, ha?" gigil na sabi ng lalaki pero bago pa niya masugod si Matter, nakadampot na ito ng pusit at gigil na hinagis sa mukha niya.
"Puta ka!" sigaw ng lalaki at sabay na sumugod silang tatlo kay Matter.
Binuhat na ni Matter ang banyera ng pusit saka inihagis sa tatlo kaya nagtila naliligo ang mga ito ng mabahong pusit.
Hindi sila natinag at sumugod kaya nakipagsuntukan na siya. Nawala na rin siya sa sarili.
"Tama na!" na saway ni Venize saka tumayo at pumagitna. Isa-isa niyang tinulak ang tatlo palayo kay Matter. "Tigilan na!"
Sila na ang pinagtitinginan ng lahat ng nasa palengke.
"Lumayo ka na, Matter!" saway niya nang mapaghiwalay sila. Dumugo na rin ang gilid ng kanang labi nito. Si Gas ay umiiyak na niyakap ang kanang binti ng ama. "Mahiya ka naman!"
"Ba't ako mahihiya, Venize?" Namumula ang mukhang tanong ni Matter na naging manhid na ang katawan dahil sa galit.
"Tama na, tayo na ang pinagtitinginan," saway ng dalaga. Kumalma na rin ang tatlo nang lumapit ang mga tanod.
"Wala akong pakialam kung mapahiya ako basta maipagtanggol kita!" ani Matter. "Dahil hindi ko kayang sikmurain na binabastos ka nila sa harapan ko!"
Iniwas ni Venize ang mga mata kay Matter na mukhang susugod pa. "Alam mo? Hindi kita minahal para lang hayaang bastusin ng iba!"
"M-Matter..." usal ng dalaga nang tumulo ang mga luha ni Matter.
"M-Mahal kita, Ven. Ina ka ng mga anak ko kaya sana matuto kang pahalagahan ang sarili mo. Ilang kilo ba ang mabibili nila para hayaan mo silang bastusin ka?" nahihirapang tanong ni Matter. Hindi na kasi niya alam kung anong gagawin niya kay Venize. As in napupuno na siya. "Mahal na kita eh, s-sana this time, bigyan mo na rin ng pagkakataong sumaya ang sarili mo."
Napapikit si Venize dahil marami ang nakikinig sa kanila. Wala pang lalaking nakakagawa nito sa harapan niya kahit na medyo naco-cornihan siya. Iyong iiyakan siya sa harap ng maraming tao at ipagtanggol siya kasi nabastos siya. Oo, kaya niyang ipagtanggol ang sarili pero iba pa rin pala kapag may nagtatanggol sa kaniya.
"Uwi na tayo. Ipamigay mo na lang ang isda na 'yan sa mga nangangailangan," mahinang yaya ni Matter.
"Paano ang pusit ko?" tanong ng nagtitinda dahil nakakalat na ang panindang pusit niya na kanina pa gustong itapon ni Matter.
"Babayaran ko 'yan ng triple pero sana sa susunod na makita mo kaming nagtitinda ng isda, huwag na huwag kang tumabi sa amin!" napipikong sagot ni Matter at dumukot sa wallet saka binigyan ng sampung libo ang nagbebenta ng pusit. Pati kita nila kanina, inabot na rin niya at binigyan pa ng cheque na naghahalagang 50k.
Ayun, bitbit ang isda ang ilang isdang pang-ulam, umuwi na silang tatlo sa bahay.
BINABASA MO ANG
LA Pescadora
Romantikby: sha_sha0808 Ash Simon PROLOGUE UPNEXT... "LA PESCADORA" (The Fisherwoman) "Kung ako ang naging dahilan ng pagkawasak ng buhay mo, hindi ko iyon pagsisisihan dahil alam kong ako pa rin ang bubuo ng pagkatao mo."--Matter. Si Rose: Sikat, maganda a...
