LA PESCADORA ( The Fisherwoman )
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 17
UNEDITED...
[Venize POV]
Napabangon ako nang maramdaman kong may nakatitig sa akin.
"M-Mat--Ocean!" bulalas ko nang makita silang dalawa na nakatunghay sa akin.
"Nanay," tawag ni Ocean.
"Kanina pa ba kayo?" Na-conscious tuloy ako. Nakanganga ba ako? O tulo ang laway ko?
"Bago lang," sagot ni Matter.
"Sana hindi na kayo pumunta pa rito. Paano kung may nakakita sa inyo?" Mainit si Matter ngayon dahil kay Rose at naiipit ang anak nila. Ang daming hate comments na nandoon at pati si Ocean ay dinadamay nila na kesyo anak sa labas, panira sila ng pamilya at ang masama ay sana raw namatay na lang sila ni Ocean.
"Wala akong pakialam," sabi niya at pinagmasdan ako kaya automatic na hinila ko ang bestida kong nakataas pala hanggang bewang. Iniba niya ang direksyon ng mga mata.
"Psh! Mambubuso ka talaga!"
"Nakaangat, alangan namang pipikit ako?"
"E di sana pumikit ka!"
Ngumiti ang mokong.
"Ayaw ko nga."
"Don ka kay Rose mo! Mas maputi 'yon!" singhal ko saka tumayo at isinuot ang tsinelas.
"Kinalaman ni Rose?"
"Bakit? Hindi ba?"
"Hala, selos ka lang e."
"Kayo ang mag-asawa at kayo ang madalas na magkasama. Nasa iyo na nga muna si Ocean tapos pupunta ka pa rito?"
"Ba't ba ang suplada mo?"
"Ano ba ang gusto mo, Matter?"
"Ikaw," sagot niya.
"Ayaw kong maging kerida mo!"
"E di asawahin kita."
"Ang labo mong kausap!" naiinis na sabi ko saka binuhat ko ang anak ko. Sobrang na-miss ko siya.
"Kumain ka na, baby?" malambing ko at kiniliti siya sa tagiliran habang palabas kami ng sala.
"Hindi pa po. Sabi ni Tatay dito na raw kami kakain."
"Ipagluluto kita," sabi ko saka ibinaba siya sa mesa.
"May dala kaming pagkain," sabat ni Matter. Ngayon ko lang napansin ang pagkain sa hapag-kainan. "Para hindi ka na mapagod."
"Iba talaga kapag mayaman," bulong ko saka kumuha ng plato. May magagawa pa ba ako? Eh nandito na sila. Habang kumakain, napapasulyap ako kay Matter.
Mahal ko siya. Sa loob ng maikling panahong nagsama kami sa isla, nahulog ang loob ko sa kaniya at iyon ang malaking pagkakamali ko.
Noong nalaman kong buntis ako, naduwag akong lumapit. Mayaman siya at natatakot ako na baka hindi niya matatanggap ang bata lalo na't may Rose na siya at ikakasal na sila. Makakalaban ko ang fans nila at kagaya na lang ngayon, hindi pa na-expose ang pagkatao ko pero matindi na ang galit nila sa akin. Of course, papanigan ng lahat ay ang legal na asawa.
Kahit anong gawin ko, kahit na mabuti man ako o masama si Rose, kay Rose pa rin sila kakampi dahil ito ang legal na asawa. At sa aming dalawa, siya ang mas magaling umarte. Kaya niyang kunin ang simpatya at tiwala ng tao sa pamamagitan ng pag-arte niya.
Walang magtatanggol sa akin kasi isa lang akong kerida at panira sa pamilya. Ang mali ko lang, nagmahal ako. Mapipigilan? Sinubukan ko pero naging marupok ako. Handa naman akong magparaya e. Kaso itong si Matter, panay ang lapit sa akin.
"Kung ang inaalala mo ay ang kasal namin ni Rose, wala kang dapat na ikabahala dahil magiging maayos din ang lahat, Ven. Kahit na kalabanin tayo ng iilan at kamuhian ng mundo, hindi kita iiwan," sabi ni Matter.
"Bakit ba ang drama natin ngayon?" tanong ko kaya natawa siya.
"Ikaw kasi e."
Muling namayani ang katahimikan sa amin. Hindi ko mapigilang mapatitig sa mag-amang nasa harapan ko. Sinusubuan ni Matter ang anak namin habang todo iling ito sa ulam. But of course, may paraan si Matter kung paano niya mapasunod ang anak namin.
Nanatili muna sila ng ilang oras. Nanood lang sila ng movie na Lion King at nang masiguradong wala nang paparazzi ay umuwi na sila.
"Ang kalat," reklamo ko habang naglilinis ng sala. Ang popcorn nakakalat sa sahig dahil nagbatuhan ang mag-ama na pinasimunuan ng isip-batang ama.
"Boom!"
"Ay, kabayo!" Muntik na akong atakihin sa puso nang biglang sumulpot si Dale sa tabi ko. "Ano ka ba?"
Tumawa siya. "Nagulat ba kita?"
"Tanong mo pa?" pagtataray ko.
"Hmm. Suplada. Palibhasa nag bodybonding sila ni Kuya," tukso niya.
"Wala ah!"
"Deny ka pa."
"Kasama kaya niya si Ocean."
"So, kung wala si Ocean, nag-ano kayo?" pang-aasar niya.
"Tigilan mo nga ako! Anong kailangan mo? Kumatok ka naman minsan."
"Perks of having an assasin ala ninja friend," nakangiti niyang sabi. Well, si Dale pa lang 'to. Paano pa kaya kapag sina Baby K at Baby E na. Matutuyuan na ako ng dugo. Bestfriend ko si Dale? No. Minsan lang kami magkita or let me say, ngayon lang talaga nang dahil kay Matter. Magaling silang assasin at trained ninja rin. Bata pa lang si Dale, hinasa na ito ng amang makipaglaban.
"E di ikaw na!"
"Hmm? Kapag may mang-away sa 'yo, nandito lang ako. I'm just a call away."
"Kaya ko na ang sarili ko."
"Really? Kapag malaman nilang ikaw ang nag-alaga kay Kuya Matter, malagay sa panganib ang buhay mo," sabi niya. Tama siya. Hahabulin nila ako at hindi titigil hanggat hindi mapapatay.
"Lalo na't hindi umaamin si Kuya Matter. Kung aamin man ito, walang sapat na ebidensiya at mababaliktad siya dahil sa inyo ni Ocean. Sirang-sira na ang pangalan ni Kuya Matter ngayon."
Ilang araw nang laman si Matter ng pahayagan. Na niloko raw niya si Rose kaya siya nawala at drama lang ang pagsabog ng yate. Hindi rin makatanggi si Matter dahil si Ocean ang ebidensiya.
"Nakikiayon ang lahat kay Rose," sabi ko.
"Yeah. Kaya if I were you, magtinda ka na lang muna ng pusit," suhestiyon niya.

BINABASA MO ANG
LA Pescadora
Dragosteby: sha_sha0808 Ash Simon PROLOGUE UPNEXT... "LA PESCADORA" (The Fisherwoman) "Kung ako ang naging dahilan ng pagkawasak ng buhay mo, hindi ko iyon pagsisisihan dahil alam kong ako pa rin ang bubuo ng pagkatao mo."--Matter. Si Rose: Sikat, maganda a...