21

1.4K 55 1
                                    


LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash  Simon

CHAPTER 21

Unedited...

[VENIZE POV]

Walang taxi na dumadaan kaya mas pinili kong maglakad na lang hanggang sa makarating sa kanto pero nararamdaman kong may mga aninong sumusunod sa akin kaya binagalan ko ang paglalakad hanggang sa mapadaan ako sa maraming malalaking puno.
Tamang-tama, bilog ang buwan. Napatingala ako sa unahang poste na nabasag ang ilaw.
" Psh! Papatayin mo ako," bulong ko na si Rose ang nasa isip.
Sa halip na dumiretso, lumiko ako sa kanan na walang mga ilaw.
"Shit! Nasaan na?" tanong ng lalaking palinga-linga.
"Baka nakamatyag!" sagot ng isa. Naririnig ko sila kahit na sobrang hina ng usapan nila sa earpiece. Bago pa man ako makapasok, nakuha ko na ang earpiece ng isa nilang kasama kanina. Hindi lang halata sa CCTV dahil ginamit ko ang mahabang buhok bilang pantakip sa camera at mabilisang hinablot.
"Punyeta! O baka iba ang kumuha?" pagmumura ng isa. Tinatamad akong patulan sila.
"Hanapin n'yo! Hindi pa 'yon nakakalayo!" gigil na utos ng isa. Minamatyagan ko lang silang naghahanap sa akin habang palipat-lipat ako sa nagdidikitang sanga ng puno gamit ang claws na gawa sa pinakamatibay na kahoy sa isla. Kung titingnan kanina, parang desinyo lang ito ng damit ko. Madali lang sa akin na kitilin ang buhay nila pero alam kong hindi pa ito ang tamang panahon.
Nagkakagulo na sila. Mamaya na lang ako lalabas sa pinagtataguan ko kapag makapagdesisyon na silang itigil ang paghahanap sa akin. Pinatay ko ang earpiece na nasa kanang tainga ko saka binuksan ang audio ng silid ni Rose.
"Punyeta kayo! Parang 'yon lang hindi pa ninyo mahanap!" singhal ni Rose kaya napapikit ako. Ang sakit sa tainga ng boses niya. Nasa ilalim ng table ang ikinabit kong sobrang liit na spy earpiece bug device para marinig ang usapan sa buong silid.
"Kailan mo ililipat ang pera sa account namin?" tanong ni Damian.
"Nextweek pa. Isa-isa muna pero relax lang kayo dahil lahat naman ay mabiyayaan," sagot ni Rose. May one week pa kaming ikilos para maibalik ang lahat ng kayamanan ng Villafuerte. "Maghanda ka, Damian, aalis tayo bukas para malipat na sa inyo ang pera."
Sapat na iyon para bumaba ako at lisanin ang lugar na ito. Kung noong una, hindi kita napatay sa yate, sa susunod na magkita pa tayo, sisiguraduhin kong maunahan na kita bago mo pa ako ipapatay.
Muntik ko na siyang mapatay noon kung 'di lang tumunog ang timer ng bomba nila kaya inuna kong iniligtas si Matter gamit ang nag-aabang na submarine sa ibaba ng kanilang yate. Lingid sa kanilang kaalaman, nakasubaybay ako sa kanila sa ilalim ng dagat pero sa kasamaang palad, nawala ang signal ng audio sa ibaba kaya hindi ko na na-supervise ang kaganapan sa itaas kaya nagpasya na akong akyatin sila.
Salamat sa metal cutter na dinala ko dahil isang guhit ko lang ng pabilog sa sahig, bumagsak na kami sa tubig at sinalo ng submarine na minaneho ni Dale bago pa tuluyang sumabog ang yate.
Sumakay ako sa taxi uwi sa condo ko. Nasa lobby na ako nang may tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako.
"H-Hi," alanganing bati nito na may kasamang lalaki. Kilala ko sila, parents ni Matter. "Can we talk?"
"Yes po," magalang na sagot ko kaya dinala nila ako sa private suite ng condo.
"Maupo ka," sabi ni Tita Taira.
"Kumain ka na ba?" tanong ni Tito Sky.
"Yes po," sagot ko.
"Saan ka galing?" usisa ni Tito Sky.
"D-Diyan lang po sa kakilala ko," sagot ko na hindi makatingin sa kanila. Kinakabahan ako lalo na't parents sila ni Matter. Isa pa, hindi kami close at alam kong si Rose ang gusto nila noon para kay Matter.
"Si Matter," wika ni Tita Taira. "Lately, marami kaming problema lalo na kay Rose dahil nabalitaan mo naman siguro ang nangyari. Sirang-sira na siya sa publiko nang dahil kay Ocean."
Ano ba ang dapat kong isagot?
"Lalabas man kaming masama pero pakiusap, layuan mo muna si Matter," pakiusap ni Tito Sky kaya napatingin ako sa kaniya. "D-Don't get me wrong, hija pero kasi--marami pa kaming problema sa ngayon. I mean, kung mahal ka ni Matter, may tamang oras naman diyan but please, iwasan muna ninyo ang pagkikita."
"S-Sana maunawaan mo kami, Ven. Kapag ikaw ang nakatadhana at ibinigay ni God para sa kaniya, tatanggapin ka namin pero hindi muna sa ngayon. Masyado pang magulo. Sana huwag sumama ang loob mo sa amin, but please, ikaw na lang muna ang umiiwas sa anak namin dahil kapag siya ang pakiusapan namin, hindi siya nakikinig," nahihiyang pakiusap ni Tita Taira. Nauunawaan ko sila. Kahit ako man, hindi ako maka-concentrate nang dahil kay Matter.
"O-Okay po," sagot ko na piniling itago ang lungkot at sakit na nararamdaman. Aaminin ko, napamahal na ako kay Matter. Gusto ko lang siyang tulungan at iligtas noon dahil siya ang ama ni Ocean. Sinubukan kong lumayo at talikuran ang misyon ko para mamuhay nang mapayapa kasama ang anak ko pero pinagtagpo pa rin kami ng tadhana. Hindi ko sinasadyang ibunyag ky Matter si Ocean dahil alam kong magiging kawawa ito kapag malaman ng lahat na anak siya sa labas.
"Hija, huwag mo sanang masamain ha. Ina ka pa rin ni Ocean at anumang oras, pwede mo siyang makita pero sana hindi na muna kayo magsama ni Matter. I mean, ipapahatid ko lang siya rito," pakiwanag ni Tita Taira kaya ngumiti ako para hindi sila ma-guilty. Sa panahon ngayon, alam kong mahirap nang makuha ang tiwala nila.
"Walang anuman po. Nauunawaan ko kayo," sagot ko.
"Sige, magpahinga ka na," sabi ni Tito Sky kaya tumayo ako. "Kapag kayo ng anak ko, kayo talaga sa huli."
"Good night," paalam ko saka lumabas. Ano ba ang dapat kong mararamdaman? Magtatampo? Magagalit? O dapat ko silang unawain? Pero tama sila, mahirap ipilit ang mga bagay na hindi pa hinog.
Napapagod na pumasok ako sa unit ko. Ang sakit ng buo kong katawan dahil sa paglambitin sa mga puno. Buti na lang dahil hindi nila naisip na isa rin ako sa kanila.
"Akala ko hindi ka na makakauwi nang buhay," wika niya habang naka-crossed legs na nakaupo sa sofa.
"Pagod ako," walang ganang sagot ko.
"May chance na bang ma-hack natin sila?" usisa niya.
"Baka," tamad na sagot ko kaya tumayo siya at hinawakan ako sa braso.
"Come on, Venize. We're running out of time. Kapag mai-transfer ni Rose sa ibang account at magkawatak-watak ang pera ng mga Villafuerte, mahihirapan tayo!"
"Bakit ko poproblemahin ang problema ng iba? Si Rose lang ang misyon ko," sagot ko kaya napahigpit ang hawak niya sa braso ko.
"Baka nakalimutan mo, Villafuerte ang anak mo at hindi mo na siya ka-apelyido!" paalala niya.
Hinila ko ang kamay ko at bahagyang lumayo sa kaniya. "May pakiusap ako," ani ko.
"Ano?" sagot niya.
"Ibabalik ni Rose Verzosa ang lahat ng yaman ng Villafuerte, kapalit ng kalayaan ko."
"Anong kalayaan mo?" curious na tanong niya.
"Gusto kong ibalik ninyo sa akin ang buong isla at hindi n'yo na ipakita pa sa akin si Matter kahit kailan," sagot ko. Buo na ang loob ko dahil ayaw ko nang umasa't masaktan.
Napakunot ang noo pero kapagkuwa'y napangisi.
"Deal. 'Yon lang ba?"
"Yon lang," sagot ko at inilapag ang sobreng ibinigay ni Rose kanina. "One hundred million lang ito pero sapat na sigurong panimula ng mag-ama ko."
"Buong Villafuerte ang nawalan, Ven," aniya.
"Nextweek, lahat ng yaman na ninakaw, masasauli sa kanila," sagot ko.
"Patay o buhay?" tanong niya na ang tinutukoy ay kung ano ang sasabihin niya kay Matter.
"Bahala ka. Basta gusto ko ng katahimikan pagkatapos nito."
"At ang anak ninyo?"
"Gawan mo ng paraan para magkita kami," sagot ko. May isang salita ang mga duwende kaya puwede na ako makampanti pagkatapos ng lahat ng ito.
"Okay. Deal!" sagot niya kaya iniwan ko na siya at pumasok sa kuwarto at nahiga sa kama. Gustuhin ko mang pigilan, pero ayaw papigil ng aking mga luha.

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon