20

1.3K 62 0
                                    



LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 20

Unedited....

"Saan ka galing? Alam mo bang marami tayong iniintindi dahil sa ginawa mo?" tanong ni Sky. May ilang buwan na lang silang natitira para iwan ang villa dahil nakasangla na ito sa bangko. Iiwan nila ang lupaing pinaghirapan ng Lolo Ryan nila dahil nag-iisang babaeng tinanggap nila bilang isang kapamilya.
Ibinaba ni Matter ang anak saka wala sa sariling umakyat sa hagdan.
'Huwag kang bastos! Kinakausap pa kita!" singhal ni Sky na hinarangan ang anak. "Alam mo ba ang perwisyong nadulot ng lintik na pagmamahal mo sa pamilya natin? Gago ka ba?"
"S-Sky, awat na," pagpagitna ni Taira.
"Hindi eh! Mula noon, nagiging problema ko na talaga 'yan si Matter!" galit na sabi ni Sky.
"S-Sorry," tanging nasabi ni Matter bago umakyat sa hagdan.
"Matter," tawag ni Taira pero kibit-balikat si Matter na tumuloy sa kuwarto niya.
Niloko siya ni Rose. Ngayon naman ay niloko rin siya ni Venize. Sinisisi pa siya at sinusumbatan ng lahat ng kamag-anak dahil sa nangyari Matindi ang naging pinsala ng pagmamahal niya rito.
Pero paano nagawa ni Venize na makipagsundo kay Rose?
Wala itong paliwanag kanina. Basta na lang silang iniwan ni Ocean sa restaurant kaya wala sa sariling umuwi siya kasama ang anak.
Nablangko na ang isip niya. Tumayo siya at binitbit ang kumot papasok sa bathroom. Naghanap siya ng masabitan at tinali ang kumot.
Magpapakamatay na lang siya dahil mukhang nasukol na siya at wala nang solusyon ang problema niya. Kasalanan niya ang lahat kung bakit sila nahihirap ngayon.
Kinuha niya ang silya sa labas at ipinasok sa bathroom saka pumatong.
"L-Lord, sana mapatawad mo po ako," tumutulo ang mga luhang paumanhin niya sa Panginoon. Wala nang kumakausap at naniniwala sa kaniya. Pati mga magulang niya ay tinalikuran na rin siya.
Ilalagay na sana niya sa leeg ang kumot nang pagyuko niya ay inosenteng nakatingala sa kaniya si Ocean at hinawakan ang kanang paa niya.
"A-Anak..." usal niya habang tumutulo ang mga luha.
"Ginagawa mo, tatay?" walang kamuwang-muwang na tanong ni Ocean. "Laro tayo?"
Humagulgol sa pag-iyak si Matter saka bumaba at niyakap ang anak. Hindi na siya sigurado kung totoo pa ba ang pagmamahal ni Venize sa anak nila? Paano kapag mawala na siya? Sino na ang mag-aalaga kay Ocean?
"M-Magpahinga na tayo," yaya niya kay Ocean at binuhat ang anak saka pinalitan ang damit bago matulog.
Ang dami niyang katanungan pero ayaw bigyan linaw ni Venize. Ne hindi ito nagre-reply o sinasagot ang mga tawag niya.
Nang masiguradong tulog na ang anak, lumabas siya at nakiusap sa ina na bantayan muna si Ocean.
Motorbike at ginamit niya para makarating agad sa condo ni Venize.
Nakaupo ang dalaga sa sala nang pumasok si Matter.
"Puwede bang huwag muna tayong magkita?" pakiusap ni Venize dahil hindi pa siya handang sagutin ang mga tanong ni Matter.
Dumiretso si Matter sa kuwarto na hindi man lang siya sinagot kaya tumayo siya at sinundan ito.
"Matter, umuwi ka na muna," pakiusap ni Venize pero nahiga ito sa kama at nagtakip ng kumot.
"Dito lang ako," pagod na wika ni Matter.
"Matter--"
"Hindi ko na hihilingin ang paliwanag mo pero kailangan kong mabuhay para sa anak natin, Venize!"
Ipinikit ni Matter ang mga mata. Kapag nasa bahay siya, kung anu-anong pumapasok sa isip niya at ayaw niya iyon. Kailangan niyang mabuhay.
Napabuntonghining ang dalaga. Nasa mukha ni Matter ang labis na kalungkutan at mabigat na problema tapos dagdagan pa niya.
"Hindi kita bibitiwan," pagod na sabi ni Matter nang tumalikod si Venize. "Paniniwalaan ko ang mga sinabi mo noon na mahal mo ako."
"Pareho lang kami ni Rose, Matter," malungkot na sabi ni Venize.
"Kung magkakampi kayo, nasa iyo na ang desisyon pero bakit binuhay mo pa rin ako?" tanong ni Matter. "Bakit inalagaan mo ako nang mahabang panahon para lang mabuhay?"
"Kaibigan ko si Dale," wika ni Venize saka lumabas na sa kuwarto. Wala siyang mapapala kapag pairalin niya ang puso. Dahil kahit anumang gawin niya, hindi siya matatanggap ng madla para kay Matter.
Isa pa, marami pa siyang dapat gawin at asikasuhin.

------------------

Plan A. Hahanap ng rason para makipaghiwalay kay Matter nang hindi siya ang lumalabas na may kasalanan. For short, dapat inosente siya.

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon