9

1.4K 89 4
                                    



LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 9

Unedited...
"Bakit ka nandito?" tanong ni Matter nang pagbukas niya ng pinto ay nasa labas si Rose.
"H-Hindi mo pa rin ba ako naalala, Matter?" malungkot na tanong ng asawa. Dalawang linggo nang nakauwi si Matter pero ang lamig ng pakikitungo nito sa lahat lalo na sa kaniya.
"Gustuhin ko man pero wala talaga," sagot ni Matter at napasulyap sa maiksing shorts ni Rose kaya kitang-kita niya ang tila walang hanggan nitong makinis at maputing legs. Simple tshirt lang ang suot nito pero ang seksi pa rin tingnan.
"A-Alam kong ayaw mo akong magsuot ng ganito," ani Rose.
"You can wear whatever you want," sabi ni Matter na napansin ang inang lumabas sa kuwarto.
"M-Matter," humihikbing sabi ni Rose at niyakap si Matter. "K-Kahit ipagtabuyan mo man ako, hindi kita iiwan. H-Hindi kita susukuan dahil asawa kita. M-May sumapaan tayo sa harap ng Diyos at sa harap ng pamilya mo. P-Panghahawakan ko iyon hanggang sa maalala mo ako."
Mahinang tinulak ni Matter si Rose.
"Hindi ba't may trabaho ka pa?"
Pinahidan ng asawa ang mga luha. "B-Babalik ako. Ipagluto kita ng paborito mong ulam kagaya ng dati nating ginagawa."
"Don't waste your time."
"Asawa mo pa rin ako kaya tungkulin ko na alagaan ka hanggang sa manumbalik ang memorya mo," sabi ni Rose.
"Gusto kong mapag-isa," walang ganang sabi ni Matter at nilagpasan si Rose para bumaba.
Saka naman humagulgol si Rose.
"Hija," alanganing wika ni Taira nang lapitan ang manugang. Niyakap siya ni Rose.
"M-Mommy, bakit ganun? B-Bakit hindi ako maalala ni Matter?"
"Hush, tahan na. Magiging okay rin ang lahat."
"W-Wala akong ibang hangad kundi maalala niya at makapagsimula na kami. M-Mahal ko po si Matter, m-mahal na mahal."
"Tahan na, hayaan mo at kakausapin ko siya," sabi ni Taira na sobrang naaawa kay Rose dahil kulang na ito sa tulog sa kakaisip at suyo kay Matter. "Magpahinga ka na muna sa bahay ninyo."
Pinauwi niya si Rose para magpahinga at pinuntahan ang anak na nakaupo sa babang balkon at nakatingin sa malayo.
"Huwag kang maging hard sa asawa mo," payo ni Taira sa anak na umiinom ng kape.
"Hindi ba siya makaintindi na kailangan ko ng time? Magulo ang utak ko."
"Anak naman, nahihirapan din naman si Rose ah. Alam mo bang hindi siya makakain at makatulog dahil wala ka na? Ilang buwan siyang iyak nang iyak pero kahit na akala namin ay patay ka na, hindi pa rin siya naghanap ng iba," mahabang paliwanag ni Taira. Hanggat maari, ayaw sana niyang manghimasok kaso hindi na tama ang pakikitungo ng anak kay Rose.
"Sana naghanap na lang siya ng iba," mahinang sabi ni Matter.
Pak!
Napatigil si Star sa paglapit sa lakas ng sampal ng ina kay Matter.
"Ganiyan ka na ba katigas? Bakit? Dahil ba sa babaeng iyon?" naiinis na sabi ni Taira.
"Oo, si Venize na ang mahal ko," pag-amin ni Matter na hindi natinag sa sampal ng ina.
"Alam mo ba ang pinagsasabi mo, Matter? Masakit sa amin ang pagkawala mo, paano na lang kaya sa asawa mo? Alam mo bang masasaktan si Rose kapag malaman niya ito? She loves you at sigurado kaming mahal mo siya! Bakit ba hindi mo siya maalala? Siya ang naging karamay mo mula noon. Siya ang nagpabago sa 'yo." nanggigigil na sabi ni Taira kaya lumapit na si Star.
"Mom? Magpahinga ka po muna," sabat ni Star at pinatayo ang ina.
"Bakit hindi mo maalala si Rose? Ang utak lang ang nakakalimot pero hindi ang puso, Matter."
Napatingala si Star sa ina pero si Matter ay nasa ilalim ng pag-iisip.
"Ikaw na ang bahala sa kapatid mo," bilin ni Taira at iniwan na sila.
"Hindi mo ba talaga naalala si Rose?" tanong ni Star. "Bigyan mo kaya siya ng chance like magsama kayo sa iisang bahay? May bahay naman kayo ah."
"Minahal ko ba si Rose? Iyon ba ang nakikita ninyo noon?"
Tumango si Star at pinagmasdan ang mukha ng kapatid.
"Oo, mahal mo siya. Lahat nga kaya mong ibigay sa kaniya e," sagot ni Star na pinag-aralan ang mukha ni Matter. "Pero sa totoo lang, nagiging unfair ka na talaga. Babae pa rin 'yon at asawa mo siya. Legal na asawa," paalala ni Star.
"Pag-isipan ko," sagot ni Matter saka tumayo.
"Saan ka pupunta?"
"Ito-tour daw ako ni Daddy sa office ko," sagot ni Matter nang makita ang amang palabas na ng bahay.
"Babalik din kayo kaagad?"
"Oo. Tinatamad akong mag-stay sa labas," sagot ni Matter. May media na nag-interview at nagbalitang buhay siya kaya nagulat ang lahat. Naging maingat din siyang sambitin si Venize dahil alam niyang mabubulabog ang tahimik na buhay ng dalaga.
"Ahm... Puwedeng pabili ako ng cake para kay Chummy? Alam mo naman, mahilig 'yon sa cake," pakiusap ni Star. "Sige na."
"Mamaya," sagot ni Matter at iniwan na ang kapatid para sumunod sa ama.
------------------
"Sino ho ba ang nangangalaga ng negosyong naiwan ko?" tanong ni Matter na pauwi na sila.
"Si Rose. Mula nang mawala ka, siya na ang nag-turn over ng naiwan mo kahit sobrang busy ka sa showbiz, hindi niya pinabayaan ang trabaho mo," sagot ni Sky habang nagmamaneho. "Hindi mo ba talaga siya bibigyan ng chance?"
"Dad?" nahihirapang saad ni Matter. "Paano kung sabihin kong si Venize na ang mahal ko?"
"Ang babaeng nag-alaga sa 'yo sa isla?" ani Sky. Tumango si Matter.
"Bago ka magpakasal, sigurado ka na noon kay Rose. Ilang beses ka pa ngang pinapayuhan nina Star at Moon pero ayaw mong papigil," pagre-recall ni Sky.
"Hindi ko rin maintindihan kung bakit nangyayari ito sa akin," malungkot na sabi ni Matter saka tumingin sa labas. "Basta ang alam ko, miss ko na sina Ocean at Venize."
"Nasabi mo lang 'yan kasi nasa iisang island kayo. Walang ibang tao roon at well, siya palagi ang katabi mo."
"Admit it, maganda si Venize."
Napakamot si Sky sa ulo. Totoo naman kasi. "Pero kasi may asawa ka na. Hindi puwede 'yon! Babangon si Lolo Ryan sa hukay dahil sa ginagawa mo."
"Anong magagawa ko?" nahihirapang tanong ni Matter. Huminto si Sky dahil sa stoplight.
"Kalimutan mo si Venize tapos mag-focus ka sa asawa mo. Give her a chance. Magsama kayo sa iisang bahay. Malay mo, bumalik ang pagmamahal mo sa kaniya," paghikayat ni Sky.
"Ikaw, Dad? Kung ikaw ako?"
"Magkaka-amnesia man ako, hinding-hindi ko ipagpapalit ang mommy mo. Never ko siyang makalimutan. Ang asawa ay asawa. Pasensiya ka na, pero kay Rose pa rin kami dahil siya ang pinakasalan mo."
"Kahit si Venize na ang mahal ko?"
"Bakit ba hindi ka pa natuluyang bata ka?" singhal ni Sky at pinaandar ang sasakyan. "Mas sinasaktan mo ang asawa mo mula nang bumalik ka e."
"Fine," pagsuko ni Matter. "Hindi ko na aawayin si Rose at sa bahay na siya titira pero hindi kami magsasama sa iisang kuwarto. Hihintayin kong bumalik ang alaala ko bago ako mag-desisyon."
"Good boy," sabi ni Sky. "Huwag selfish ha.'
"Dad? Na-miss mo ba ako?" tanong ni Matter at napatingin sa ama na maaliwalas na ang mukha. Nanumbalik na rin ang sigla at pangangatawan nito.
"Ba't mo natanong?"
"Wala lang."
"Hindi ah! Bakit naman kita mami-miss? Dami-dami kong anak eh!" Lumiko si Sky sa kanan.
"Sus, sabi ni Mommy, ilang beses ka raw na-hospital at na-rehab?" tukso ni Matter na napansing namumula ang magkabilang tainga ng ama.
"May sakit talaga ako. Minsan sinungaling din 'yang Taira na 'yan eh."
"Sumbong kita kay Mommy," natatawang sabi ni Matter. "Wait, bili pala tayo ng cake."
Tumigil sila sa cakehouse at si Matter na ang bumili ng cake dahil tinatamad si Sky. Pagdating nila sa bahay, nadatnan nila si Star na nasa hardin at naglalaro kay Twinkle.
"Oh, cake ni Chummy," sabi ni Matter sabay abot ng bitbit na cake.
"Thanks," nakangiting pasalamat ni Star.
"Daddy? Gusto ko na po ng kalaro," sabi ni Twinkle.
"Punta ka sa bahay nina Tito Sun at Clouds mo, laro kayo ng mga pinsan mo," sagot ni Star sa anak.
"Pero dad, gusto ko po baby brother," nakatulis ang ngusong sabi ni Twinkle habang nakatingala sa ama.
"Anak ng!" ani Star. "Hindi pa ngayon."
"Please?" pagmamakaawa ni Twinkle habang nakayakap sa kanang paa ng ama.
"Bigyan mo na 'yan," sabat ni Matter.
"No!" tanggi ni Star. Mamamatay siya kapag magdagdag pa siya ng anak ngayon. Siya kasi lahat e.
"Bakit? Wala namang problema kay Chummy ah," sabat ni Sky.
"Si Matter kaya ang magbigay ulit sa 'yo ng apo? Tutal iyon naman talaga ang balak nila ni Rose noon bago pa sila maaksidente."
Sinamaan siya ng tingin ni Matter kaya izinipper na niya ang bibig.
"Salamat sa cake ha," pasalamat ni Star at binuksan ang box. Napangiti siya nang makita ang cheesecake.
"Psh! Diyan ka na nga!" ani Matter at lalagpasan sana si Star pero may pumasok na mamahaling kotse.
"Pinsaaaaaan!" tili ng babaeng bumaba at patakbong lumapit sa kaniya. "Long time no seeeeeee!"
Bago pa siya makakilos, niyakap na siya ng babaeng nagpakilalang pinsan niya. "Sabi nila may amnesia ka raw."
"Hi Kuya Star," masiglang bati ng dalagita at humalik kay Star at Sky saka binuhat si Twinkle.
"Kasama mo?" tanong ni Star.
"Kapatid ko po," sagot niya sabay nguso sa kasama.
"Hi," nakangiting bati ng lalaki na may bitbit na malaking box.
"Hi, cous. Musta na? Long time no see ah," nakangiting bati nito kay Matter na hindi maipinta ang mukha.
"Bakit ka nandito?" wala sa mood na tanong ni Matter.
"Hindi mo ba ko nami-miss?" tanong ng lalaki.
"Para ano?" sagot ni Matter.
"Matter? Pinsan mo siya. Huwag mo namang awayin," paalala ni Sky.
"Okay lang po," magalang na sagot ng binata. "Siya nga pala, may pasalubong kami  sa 'yo kasi matagal kang nawala."
"Hindi ko kailangan ang pasalubong mo," ani Matter na naikuyom ang kamao.
"Siya nga pala, may amnesia ka pala," anito. "Ako nga pala ang malayong pinsan mo, Dale Lacson Angeles," pagpakilala nito sabay lahad ng kamay.
"Kuya Matter? Kunin mo na po ang pasalubong namin ni Kuya Dale," nakangusong sabi ni Baby E.
"Huwag na," tanggi ni Matter.
"Matter!" saway ni Sky dahil nagiging bastos na ang anak. Siyempre minsan lang silang nagkikitang magpinsan.
"Akin na," napilitang sabi ni Matter at kinuha ang malaking box kay Dale saka inilapag sa lupa.
"Hindi mo ba bubuksan?" tanong ni Star na kay Matter ang mga mata.
"Mamaya na."
"Ngayon na, please," nakikiusap ang mga mata ni Baby E.
"Buksan mo na para makita natin," ani Sky kaya napilitang binuksan ni Matter ang karton.
"Shit! Putang ina!" isang malutong na pagmura nang pagbukas niya ay agad na pumulupot ang galamay ng napakamalaking pusit sa kanang kamay niya. "Pota! Kunin ninyo!" sigaw niya. Sobrang laki. Ito na yata ang pinakamalaking pusit na nakita nila dahil kasing laki ito ng palanggana.
Dali-dali namang hinila ni Baby E ang pusit pero agad na inagaw ni Matter.
"Bigay ng suki ko 'yan sa akin," sabi ni Dale kaya napa-freeze ang kamay ni Matter sa ere at humarap kay Dale.
"Nanguha siya ng pusit?" tanong ni Matter.
"Nagkita kasi kami, tapos sabi ko hihingi ako ng pusit," sabi ni Dale. "Alam mo ba, Kuya Matter? Tatlo po 'yang bigay niya sa akin pero isa lang ang kinain ko kasi alam kong paborit--"
Napanganga sila nang biglang inihampas ni Matter sa pader ang pusit kaya nadurog ang katawan nito.
"Takbo baby Eeeeee!" sigaw ni Dale na naunang tumakbo patungo sa kotse. "Uwi na po kami tito Skyyyyy!" tili ni Baby E at isinara ang kotse nang makapasok dahil hinahabol na sila ni Matter.

A/n:
Hmmm?

LA PescadoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon