Nang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan. Dahil sa aanga anga ako sa klase, nawalan ng gana sakin ang tita ko at sinabing ibibigay na daw ako sa papa ko. So, buhay pa pala ang erpats ko. Bakit hindi na lang ako sa kanya napunta ng mawala si mama? Malay ko! Hindi ko alam! Kaya ayon nga, pupunta ako sa papa ko na may iba ng pamilya. Ano naman daw naghihintay sakin dun? Pero pupusta ako... hindi tatagal sakin ang kung sino mang makakakilala sakin... kaso mali ata eh kasi nang makilala ko ang lintik na CLOUD XANDER LEE na yan, bangayan inabot ko. At ewan kung ano nangyari pero.. I'm tutoring him!!! I'm tutoring the DEVIL.