Sa panahon ngayon, hindi na uso 'yung palagi mo nalang sinusuko ang mga gusto mo para sa ibang tao. Hindi na uso 'yung palagi ka nalang nagpapakababa para sa iba. Hindi sa lahat ng oras dapat kang magpaka selfless pero kapag nagmahal ka na hindi mo namamalayan na unti-unti ka ng nagbabago. Sa ngalan ng pag-ibig, kaya mo pa bang ipaglaban ang isang tao, habang siya ay may ipinaglalaban ding iba? Lalaban ka pa ba kahit alam mo sa umpisa ay talong-talo ka na?