👑PART 38👑

61 19 0
                                    

A/N: hello sa mga nagbabasa ng story ko sana po supportahan niyo ako. Vote, comment and follow me. Alam ko man na Hindi maganda ang story ko pero nais ko pa ring magpasalamat sa mga readers na magbabasa at magvovote, comment and follow my acc.

Merry Christmas sainyong lahat at advanced happy new year. Sana po sa pamamagitan ng pagbabasa sa story ko na ito ay sana malibang kayo at para naman kahit papaano ay Hindi kayo masyadong mabored dahil sa nararanasan natin ngayon.


Guys inuulit ko nais ko sanang hingin ang supporta niyo dahil po naiinspire pa po ako lalo sa pagbuo at pagtuklas sa Kung ano ba talaga ang nais ko. Pasensya na kung may wrong grammar, wrong typus and etc. But I'm happy to say thank you sa oras para basahin ang story ko.

Kamsa........♥♥♥♥♥♥♥♥



***********
Continuation.....

Paggising ko wala na si Tita sa kanyang higaan. Agad na din akong bumangon at inayos ang higaan ko bago lumabas ng bahay para makapag exercise pwedeng-pwede naman sa loob ng kwarto mag-exercise pero mas gusto ko sa labas para fresh air na rin.



Pagdating ko sa hapag kainan ay completo na silang lahat. Lahat ng maid at sina Tita Sandra at Tito Alex ay nasa hapag na rin pati ang dalawa nilang anak.




"Halika na iha, saba-sabay na tayo." Aya sa akin ni Tito ng makita niya ako. Lumingon naman yung iba sa gawi ko kaya napatungo ako ng maaalala ko na naman ang hindi dapat mangyari kagabi.




Hindi sana ako makikisalo pero tila hindi naman ata karespe-respeto kung tatanggihan ko ang grasiya. Sa tabi ni Mayla ako umupo at ngayon ay kaharap ko si Xander na ngayon ay nakatitig sa akin. Yumuko ako upang hindi niya mahalata ang pamumula ng pisngi ko dahil sa hiya at pagka-ilang sakanya.



"You can eat what you want iha." Nakangiting sabi ni Tita na ikinatingin ko sakanya bago ngumiti. Napadako ang tingin ko kay Xander ng marinig ko ang pagtikhim niya, nagulat ako ng makitang nakatingin siya sa akin habang nakangisi pero hindi ko pinahalata na nagulat ako sakanya dahil baka maagaw ko ang atensiyon nilang lahat.





Agad akong umiwas ng tingin ng maramdaman ko ang pag-init lalo ng mukha ko kung hindi lang dahil sa eyeglass ko at sa nakalugay na kulot kong buhok baka nahalata na nila ang pamumula ng mukha ko. Hindi man comfortable sa sitwasyon ay pilit kong kumain ng maayos at pangiti-ngiti ng peke para hindi sila makahalata na naiilang ako sa kaharap ko ngayon.





Shocks bakit parang ang hirap lunukin 'tong pagkain.




Napakagat ako sa ibabang labi ko ng maramdaman ko ang pagtitig ni Tita Sandra sa akin. Ilang akong ngumiti dahil pakiramdam ko may nahahalata na si Tita kaya naman pilit akong umayos na parang walang nangyari.



Natapos ang kainan tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. Kasalukuyang patungo kami ngayon sa school at nakasakay ako sa kotse ni Xandro dahil siya naman talaga ang kasa-kasama kong pumapasok minsan lang kay Xander.



Nakarating naman kami ng ligtas sa paaralan at ngayon ay kanya-kanya na kaming direction ang tinahak. Ihahatid pa sana ako ni Xandro kung hindi lang siya pinatawag sa office ni principal Gin na butler nila. Alam ko na ang tungkol sakanya dahil sinabi lahat sa akin ni Xandro.





"Good morning Miss. Cassandra and you too Mr. Alexander." Bati ni sir na ikinabato ko sa kinatatayuan ko. Ang akala ko ako lang ang mag-isang nagtungo dito at si Coach lang ang nakita ko dito pero binanggit niya ang pangalan ng lalake na yun. Kung ganon nasa likod ko lang siya.


My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon