👑PART 31👑

84 19 0
                                        

Myrna •Pov•

Nakangiti ako habang nakatanaw sa paalis na sasakyan ni sir Xander at kasama niya si Cassandra. Masaya akong pagmasdan na naririnig ko na ulit ang mga tawa niya na hindi peke at nakikita ko sa mga mata niya ang saya. Sana nga lahat ng iyon ay totoo.


Biglang tumulo ang luha ko ng maalala ko ang anak ko. Miss na miss ko na siya at botong-boto ako kay Xander noon para sakanya pero talagang hindi sila ang itinadhana dahil maaga siyang nawala. Masakit, sobrang sakit na makita mo ang anak mong 'di na humihinga. Walang kapantay ang sakit na imbes na anak ang maglilibing sa magulang niya pero hindi, inunahan pa niya ako bagay na hindi ko kayang matanggap hanggang ngayon.




Ang isa pang rason kung bakit ang saya-saya ko ngayon sakanilang dalawa ni Cassy na kahit hindi nila sabihin ay alam kong parehas silang may gusto sa isa't-isa. Sa tuwing nakikita kong masaya si Cassy ay masaya na rin ako dahil pakiramdam ko para siyang si Mariel ang hindi ko lang alam kung bakit sila magkamukha gayong hindi ko naman kaano-ano si Cassy. Siguro talagang magkamukha lang sila dahil meron namang ganun eh bawat tao may kamukha na parang kakambal o di naman kaya'y kalook-alike.

Agad kong pinunasan ang luhang umagos sa pisngi ko ng lumuha na naman ako. Magtatatlong taon na pa lang nawala ang anak ko sana kahit nasaan man siya ngayon sana masaya na siya. Ang isiping gumising ka na naman sa umaga na hindi mo na makikita ang mukha ng taong mahal mo sa buhay ay tila ba gusto mo na ring sumunod sakanya. Kaya ang masasabi ko lang, habang buhay pa ang mga taong mahal natin dapat na nating iparamdam sakanila ang ating pagmamahal at pagpapahalaga dahil hindi na natin 'yun maipaparamdam pa pag sila'y nawala na.

"Tita saan po ba nagtungo ang dalawa?" Agad akong napaiwas ng tingin ng makita ko si Mayla sa harap ko.



"Mamasyal daw sabi ni Xander kanina." Sagot ko sakanya at pasimpleng pinahid ang luhang tumulo sa mga mata ko.




"Aba tila may nangangamoy pag-ibig ah." Nakangiting sabi ni Mayla na ikinangiti ko na rin.


Si Mayla ang isa sa mga kababata ni Mariel noon dahil bata pa lang lagi na silang magkasama. Kaya naman parang anak na rin ang turing ko sakanya.



"Eh ikaw ba kelan ka magkaka-jowa?" Tanong ko sakanya na ikinanguso niya.




"Tita naman eh alam niyo namang work first muna ako eh saka na 'yang boyfriend-boyfriend na 'yan kung umangat na ang buhay namin. Lalo na sa panahon ngayon, naku!  Mahirap ang maloko at masaktan Tita." Sagot niya.




"Sabagay, pero iha hindi naman masamang magmahal. S'ya at maglilinis pa pala ako sa cr." Sabi ko sakanya ng may maalala akong hindi ko pa nagawa.




"Sige po Tita." Sagot niya pagkatalikod ko.





Agad na akong nagtungo sa cr at naglinis. Matagal na akong maid dito baby pa lang si Xander at Xandro noon. Ako ang yaya ni Xander noon at si Xandro naman si Anita pero sa kasamaang palad maagang nawala si Anita dahil sa heart attack, Ayun simula ng nangyari ayaw ng magkaroon ng yaya ni Xandro baka daw iiwan ulit siya pero dahil napamahal na rin sa akin si Xandro ako na rin ang tumatayong yaya niya kung minsan kahit na ayaw niyang magpababy.























*********
Cassandra •Pov•

Buong maghapon namasyal lang kami sa mall tapos sa iba pang pasyalan last dito sa strawberry farm bago kami
nagtungo sa park. Wala naman akong masasabi sa mga napasyalan namin dahil talagang sulit ang bayad mong entrance fee kaya siguro madaming turista na dumadayo dahil maganda ang view ng mga tanawin.



My Prince and I(Royalty Series #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon